Nathaniel- Demonyo Sa Lupa (10)

Salamat sa supporta! Hope nag eenjoy kayo sa pagbabasa… bilang Author ay nag eenjoy akong basahin ang mga comments nyo… Yun lang ang kasiyahan ko…

—–

Bumukas ang gate at sumalubong ang mga tauhang kasama din ni Mama Joy dati, masaya ang mga ito na muling kinuha ang serbisyo. Hindi alam ng mga kamag anak ni Mama Joy na naka loan pala sa banko. Dahil wala namang pakiaalam ang mga kamag anak nito kaya pinabayaan nalang mailit at balik sa dating buhay. Pati ang retobar ay nawala nadin kahit gustuhin man ni Nathan ayusin ulit ay mahihirapan na sila.

Parang nagbalik siya sa kabataan niya, nung unang pasok sa bahay na naging tirahan sa loob ng mahigit tatlong taon bago lumipat kila Gabriel

Sabay sabay na din silang kumain ng tanghalian saka nagpahinga.

Bukas na bukas din ay sisimulan na ang hakbang kung paanong makapasok muli sa buhay ni Gabriel at ito ay sa pamamagitan ni Gisela ang bunsong kapatid ng dating kaibigan.

Ilang beses na din silang nagkita ni Gisela, gamit ang isang detective agency ay napasubaybayan niya ang mga galaw nito. Kaya isang beses na lumuwas ito para mag shopping ay gumawa siya ng paraan para makilala.

Ganitong galawan na bihasa siya, palasak man pero ginamit pa din niya. Sa isang resto kung saan ito nagtatanghalian ang pinili din niya para kumain presto galawang hokage.

Ibinunggo ang sarili ng papunta sa CR, katulad ng inaasahan medyo nagalit pero ng masilayan ang guapong mukha ni Nathan ay nagbago. Huli ka!

Bilang bayad sa pagkakabunggo ay sinabing treat ang lunch provided na magkatable sila. Sino ba ng makakatanggi sa isang Nathaniel Angelo.

Matapos ang lunch ay magkasama pa silang nag ikot sa mall, hindi niya kinuha ang number ng dalaga sa halip ay binigyan nalang niya ng business card.

Kakahiwalay lang nila ng mag message ito at nagpapasalamat sa buong oras na magkasama sila.

Marami pa silang palitan ng mensahe. Isa lang ang hinihiling niya na sana ay hindi maikuwento kay Gabriel.

Nagkita pa sila sa Manila ng ilang beses pero hindi niya sinubukang makipagkita dito sa probinsya. Buhat ng magtrabaho siya kay Cong. Nick ay hindi na sila nagkita, itinabi muna ang dating number at kumuha ng temporary simcard.

Ngayong nandito na siya sa probinsya ay mas magiging madali ang mapalapit kay Gisela. Nag message siya sa babae.

Nathan: Hi!

Gisela: Wow nagparamdam ka ah, kumusta?

Nathan: Hahaha, multo ba kaya paramdam. Okay naman naging busy lang these past few days. Ikaw kumusta.

Gisela: Days? Months kaya hahaha.

Nathan: Sorry naman hehehe.

Gisela: Oks lang busy din naman ako.

Nathan: Can we meet tomorrow?

Gisela: Naku sorry I am not scheduled to go to Manila.

Nathan: Nope, dito tayo sa probinsya magkita.

Gisela: Huh? What do you mean?

Nathan: hahaha, andito ako sa San Vicente.

Gisela: Really? Sure… What time?

Nathan: Ikaw? Anytime I will be available for you.

They decided to meet ng dinner sa isang private restaurant.

Nagpaalam na sa isat isa, natulog na din si Nathan dahil sa pagod ng mga nakaraang araw.

Samantalang si Gisela ay excited na makikita ulit ang lalaking miss na miss na. Ayaw mang aminin sasarili ay umaasa siyang sana ay manligaw sa kanya ang binatang nakilala sa Maynila.

Naikwento niya ito sa ilang kaibigan at sa kanyang ate na may asawa kaya madalas ay tinatanong kung ano ang status. Pilit niyang iniwasan ang mapag usapan ang lalaki sa loob ng ilang buwan na wala silang communication.

Kaya ngayun ay sobrang saya niya na muling makikita ang taong gumulo sa buong sisteman ni Gisela.

Kung nandito lang pala ito ay maari na niyang ipakilala sa ate niya at sa mga kaibigan. Saka nalang niya iisipin yun pag nagkita na sila. For the meantime ay kailangan niyang makatulog para maganda sa muling pagkikita.

Maganda ang tulog ni Gisela, maaga pa din siyang nagising at excited. Kung puewede lang hilahin ang oras ay baka ginawa na niya.

Ano na kaya ang itsura nito? Mas gumuwapo kaya? Haysst bat ba ang tagal ng oras. Kahit sa office ay pansin ang ganda ng aura ng babae, maaga ding umalis para maghanda sa date nila.

Pinili niya ang rose pink na above the knee at off shoulder, tinernuhan stiletto na pearl white. Nag lagay ng light make up at saka nagpahatid sa driver patungo sa isang fancy restaurant kung saan ay nadatnan na niyang nag hihintay ang binata.

Naka dark blue long-sleeve with smart casual pants and sneakers. Hindi niya alam kung napanganga pa siya ng tumayo ito at lumapit sa kanya para alalayan papunta sa table na nakareseved for the them.

Pati ang swabeng amoy ng binata ay hindi nakaligtas sa kanya. Nalulon na ata niya ang dila kaya hindi makapag salita.

Naupo si Nathan sa harapan ni Gisela, oo nga at maganda siya pero ng mga oras na iyon ay parang naconscious siya sa itsura. Nahiling na sana ay kasing ganda niya ang ate niya para hindi alangan sa ka date ngayun. Parang hindi siya nababagay naka date nito. Biglang nagka insecurities.

“You are so beautiful tonight!”

“Tonight lang ba?”

“Nope but you are exceptional now.”

Namula na ata lahat ng mamumula sa kanya sa simpleng papuri ni Nathan. Napatingin din siya sa paligid at pansin na maraming kababaihan ang nagnanakaw ng tingin kay Nathan.

“Let’s have our order?”

“Sure.”

Kinawayan na ni Nathan ang waiter upang ibigay ang orders nila, hindi na din niya masyadong napansin ang mga pagkaing sinabi ni Nathan. Nakafocus lang siya sa lahat ng galaw ng binata.

Kumustahan lang sila at kung ano anong kwentuhan habang kumakain. Medyo naging palagay na siya at hindi na masyadong tense katulad kanina.

Tumatawa sa mga simpleng hirit ni Nathan hanggang sa sumeryoso ito.

“Gisela, I want to ask you something.”

“Yeah sure. Basta kaya kong sagutin!”

“The reason why I intentionaly did not communicate with is to confirm my feelings for you.”

Hindi halos makahinga ang babae ng marinig ang sinasabi ni Nathan.

“And yes, you are special to me. I want to ask if I can court you?”

Hindi alam ni Gisela ang sasabihin, kaya matagal siyang hindi nakapagsalita.

“If you will say no, I will stay away from and try to forget this feelings!”

May sasabihin pa sana si Nathan pero nagsalita na si Gisela. Hindi naman siya isinilang nuong unang panahon at ayaw din niyang pahirapan pa ang lalaki.

“Yes Nathan!”

“What?”

“Yes I like you too, if you will ask me now I am willing to be your girl.”

Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Gisela na nakapatong sa mesa, ginagap at dinala sa mga labi.

“Will you be my girl friend?”

Hindi na nagpatumpik tumpik si Gisela na tinanggap ang binata.

Tumayo sila ang nagyakap, masayang masaya si Gisela samantalang ngiting tagumpay naman si Nathan. One step closer.

Gustong gusto na niyang yayain si Nathan para ipakilala sa pamilya pero tumutol muna at sinabing kilalanin munang mabuti ang bawat isa na sinang-ayunan naman niya.

Hindi na nagpasundo si Gisela, inihatid nalang ni Nathan pero hindi na bumaba. Isang mainit na halikang iginawad ni Nathan bago tuluyang nag-paalam.

Matagal ng natapos ang halik ng binata ay nakapikit pa din si Gisela hanggang sa marinig ang mahinang bulong ng binata.

“Good Night.”

Saka lang dumilat ang babae at hiyang hiya sa inasta.

Bumaba na siya, diretsong pumasok sa gate at saka nagtatalon sa tuwa.

Hindi pa siguro nakakalayo ang lalaki ay nag padala na siya ng message na mag ingat at mag text din pagnakarating sa bahay.

Nakangiting binasa ni Nathan, magandang simula para sa balak na paghihiganti kay Gabriel.

Tinahak ng sasakayan ang isang pamilyar na lugar na kailan man ay hindi niya makakalimutan.

Ang ilalim ng tulay.

Buhat ng umalis siya San Vicente ilang taon na ang nakakaraan ay hindi na siya muling gumawi sa lugar na ito. Oo nga at maraming magagandaang ala ala ang lugar subalit natabunan ng matagpuan ang bangkay sa lugar din iyon.

Matagal na nakaupo sa damuhan kung saan sila madalas maupo ni Rizzelle, malungkot na nakatitig sa ilog. Hindi napigilan ang pagpatak ng luha.

“Hon malapit ka nang matahimik.” Bulong sa sarili.

Pauwi na siya ng may nadaanang sasakyan na nakahinto sa gilid ng medyo madilim na lugar, nakataas ang hood at mukhang nasiraan. Hindi na sana pag aaksayahan ng panahon kung hindi namukhaan ang taong nakatayo sa gilid ng sasakyan.

Pag- sinusuwerte ka nga naman, hindi na ikaw ang hahanap ng pagkakataon para mapabilis ang planong paghihiganti. Ang kuya George ni Gabriel ang malas na nasiraan.

Iginilid ang dalang sasakyan, bumaba at nilapitan ang lalaking mukhang tumatawag ng tulong.

“Hi! Mukhang kailangan mo ng tulong?”

Hindi alam ni Nathan kung nama-malikmata lang o totoo ang nakita niya sa mga mata ng lalaking tutulungan. Tulala ito at puno ng paghanga ang mga matang nakatitig sa kanya.

Sa dami ng nakakasalamuha at nagpapakita ng interes sa kanya ay hindi siya maaaring magkamali. Maaring maitago ng damit at porma pero hindi sa kanya, kailangan nalang niyang kumpirmahin.

“Mukhang me problema ka?” pag kuha ni Nathan ng pansin sa tulala pa ring lalaki.

“Ah oo, I don’t know what seems to be the problem.”

“May I?”

“Please, I will greatly appreciate it!”

Lumapit si Nathan sa makina, tinanung kung ano ang nangyari. Nakita naman niya agad ang problema pero pinahaba pa ang usapan para mas magkaroon sila time ng kapatid ni Gabriel at masiguro ang hinala.

Hindi naman niya kinakailangang sumuot sa ilalim, dahil gusto nga niyang masubukan kung bakla nga ito ng mabago ang plano at mas mapadali ay umarte siya nakailang pumasok sa ilalim ay ma check din.

“Kuha lang ako ng puwedeng mahigaan silipin ko ang ilalim baka duon ngka problema.”

“Ah, I have towel at my trunk would that be enough?”

“Yeah.”

Mabilis na tumalikod si George para kuhanin ang towel, sinimulan naman ni Nathan na alisin ang butones ng longsleeves na suot.

Saktong pagharap nito ay nahubad na ng lalaki ang suot.

“Okay lang ba pahawak?” iniabot ng binata ang longsleeves na hinubad sabay kuha naman ng towel nahawak ni George.

Halos tumulo naman ang laway ni George sa pagkakakita sa hubad na katawan ni Nathan, kulang nalang ay lapitan ito at himasin ang bawat umbok sa dibdib at tiyan ng binata.

Yumuko si Nathan para mailatag ang tuwalya, nang maiayos ay pinasok na ang ilalim ng sasakyan. Siniguradong hindi nakapasok ang kabuan ng katawan para mabigyan ng pagkakataong makita ni George ang kargadang nakabakat sa slacks na suot.

Hindi naman magkamayaw ang mata ni George sa paglalakbay sa impis na tiyan na may magandang tubong buhok at sa burat na bakat sa slacks.

Dahil naka higa ang binata ay mas naging obvious ang kalakhang ipinang aakit sa lalaking nakatayo.

“Gusto mo bang silipin?”

“Huh?”

Hindi lubos na maintindihan ni George dahil ang tingin niya ay nakafocus sa burat na nakabakat ay yun agad ang pumasok sa isip niyang ipinasisilip ng binatang nakahiga.

“Gusto mong silipin para malaman mo kung ano nangyari.”

Kaya yumoko si George isang malaking pagkakamali. Sa pagsilip kasi ay kinailangan niyang lumapit sakatawan ng binatang nasa ilalim ng sasakyan kaya mas naging klaro ang bukol nito sa pantalon. Ilang dankal lang buhat sa mukha niya. Amoy din niya ang napaka masculine na singaw ng katawan ni Nathan.

Ipinakita dito an isang wire na sinadyang hugutin ni Nathan at ng makita na ay saka ibinalik. Hindi naman mapakali si George ng makita ang ayos ni Nathan, ang kilikiling kita sa pag aayos sa ilalim at ang abs na para bang naghihikayat dilaan.

Nang ma-ikabit ay umusad na si Nathan palabas habang nakatalungko pa din George sa gilid niya.

“Sige brad pa tingnan kung okay na.”

Nataranta naman ang lalaki at nagmamadalaing bumalik sa loob ng sasakyan para subukan, isang click lang ay umandar na. Ibinaba na ni Nathan ang hood ng sasakyan at lumapit sa bintana ni George.

“Mukhang okay, by the way Nate pare!”

“George pare, salamat! How much do I owe you?”

“Hahaha, no need to worry.”

“How about dinner?”

Tumingin si Nathan sa relos na suot upang ipahiwatig na it is past dinner.

“How about coffee?”

“Yeah, that’s better.”

“Okay, I will just follow you.” Saka tumalikod si Nathan nang may maalala.

“Ahh George.”

“Yeah?”

“My shirt.”

Mabilis na inabot nito ang longsleeve na naibaba kasama ng tuwalya sa likod.

“Naku pare pasensya na nakalimunta ko.”

Lumabas na muna si George sa hiya, nang mapansing may ilang dumi ito sa likod. Muling inabot ang towel.

“Hope you won’t mind, medyo nadumihan ang likod mo.”

“Yes please, hindi ko nga abot eh.”

Pininunasan ni George ang likod na may damo at alikabok. Matapos mapunasan ay humarap na ito sakanya, napansing may tulo ng langis sa gawing pusod kaya wala sa loob na pinunasan din.

Natulala siya ng dumapi ang kamay sa pandesal kahit na may tuwalya pang nakapagitan. Duon naman nagsuot ng longsleeves si Nathan pero si George ay parang namamalikmata pa din.

“George, thanks!” confirmed na bading ang kuya ni Gabriel.

“Ah yeah, just follow me.”

Sumunod na lang si Nathan kay George papunta sa isang coffee shop. Halos tatlong oras ata sila dun na nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Parang matagal ng magkakilala.

Mag aalas dos ng mag-yaya ng umuwi si Nathan. Iniwan niya ang business card kay George. Ayaw niyang siya ang unang tumawag kaya siya ang nagbigay ng card.

Katulad ng inaasahan, kinabukasan ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Goerge. Nag iinvite na mag bar, nagpakipot pa siya ng konti sinabing hindi siya puwede that day which is…