Salamat sa mga comments! Akala ko din tapos na pero me Finale part…
Dedicated to @anjhael sa dami ng messages mo na di ko ata nareplyan SALAMAT! and for Van_themaster nagulat ako sa PM hahaha na fanboy ako bigla hahaha…
enjoy reading everyone…
Iniwan ni Nathan ang sulat sa kama sa tabi ni Gabriel. Inayos ang sarili dala ang gamit ay umalis upang mag simula ng bagong buhay. Kinalimutan na ang naising maghiganti at hahanapin kung ano ba ang bukas para sa kanya.
Nagbiyahe patungo ng Maynila, diretso sa condo. Pagdating ay maraming notes na iniwan si Greg, nakikiusap kung maari silang magkita. Pero ang huling sulat ay mahigit dalawang lingo na din ata.
Pinilit magpahinga para kinabukasan ay simulan ang bagong buhay.
Handa naman na lahat ng dapat gawin kahit nag iba na ang plano. Naka book na siya ng ticket papuntang Amerika, na dati ay para takasan ang gulong ginawa pero ngayun ay para magsimula.
Six months later- New York City
“Good Morning Sir! Someone wants to talk to you about some business proposal.”
“Send them after 5 minutes I just need to finish something.”
He partnered with a Filipino American couple with a CPTV supply and installation. The business is doing well at maraming company ang nag avail ng service nila. The good thing about the business is that they will also provide the maintenance for at least 5 years per installation. Kahit na 5 months palang sila sa market ay nakikipag sabayan na din sa mga ibang competitors.
Isang asset ay ang galing at charisma ni Nathan sa pag deal sa lahat ng business transactions. Talagang ginapang at pinag aralan niya lahat ng angulo. Ngayun word of mouth ang madalas na advertisement nila. Some of the clients ay intentional na naghahanap ng iba pang clients para lang makita ang binata.
Oo binata, dahil fake ang kasal nila ni Gisela. He arranged everything very well. Kung paano? Mahirap ipaliwanag pero sa pera walang mahirap.
Muntik na niyang i-sumpa ang pagiging guapo pero at the end naging puhunan pa din para sa pag-uumpisa ng business.
Tinawagan niya ang secretary para papasukin ang mga bisita.
Nakayuko siya para ayusin ang ilang papeles kaya hindi niya agad nakita ang mga taong pumasok.
Pag angat ng mata ni Nathan ay para siyang nakakita ng multo.
“Rizzelle!” mabilis na tumayo at niyakap ang babae.
Dahil siguro sa nagulat ang babae hindi lang sa sinabing pangalan ni Nathan kundi sa ka guwapuhan nito ay hindi agad nakakilos.
“Your alive, how can it be?” kita ang pagka mangha sa mukha ng lalaki. Di maiwasang tumulo ang luha.
Noon naman parang natauhan ang babae kaya bahagyang itinulak si Nathan.
“Excuse me, have we met before?”
“It’s me Nathan… don’t you remember?”
“Sorry but I can’t. By the way I’m Rozzelle not Rizzelle.” Bahagyang lumayo at iniabot ang kamay kay Nathan.
“Rozzelle?” wala sa loob na iniabot ang kamay pero hindi binitawan.
“My hand.”
“Oh, I’m sorry. Nathan.” Pagpapakilala niya.
Nakatitig lang ang binata na parang binabalikan sa isipan ang lahat. Tama imposibleng si Rizzelle ito dahil kitang kita ng dalawang mata niya ang labi ng babae. Pero sino ito? Bakit kamukhang kamukha. Walang ipinagka-iba.
“Yes Nathan, can we talk about the business proposal?”
“Oh yeah, yeah… please have a seat.”
“I’m Diana by the way, her executive assistant.”
Inilabas ng mga ito ang isang folder kung saan nakalagay ang proposal nila to supply screens and some technical support. Marami pa silang sinabi pero aside dun ay wala ng naintindihan si Nathan. The whole time ay nakatingin lang siya kay Rozzelle at halatang na co-concious sa pag titig niya pero walang pakialam ang binata.
Natapos ang presentation na tanging okay lang ang sagot ni Nathan. Daig pa niya ang namatanda.
“So Mr. Nathan when can we hear from you?”
Parang nagbalik sa sarili ang binata.
“Ah, I will just call you. I will just discuss the matter to my partners and will update you the soonest.”
“Here’s my business card, I will surely wait for your call.”
Rozzelle Montanez-Sales & Marketing Manager.
Nakatitig habang dahan dahang kinuha ang business card.
“Ms. Montanez, how are you related with Rizzelle Montanez?”
“She is my sister, my twin sister. How did you know her?” kita ang lungkot sa mata ni Rozzelle.
“I’m her boyfriend.”
Hindi na niya alam kung paano natapos ang usapan nila about business. 3 days later ay magkaharap sila sa isang fine dining restaurant. Prior sa dinner date ay halos uminit na ang telepono sa dalas at tagal ng tawag ni Nathan sa dalaga.
Ang alam lang niya ay may kapatid si Rizzelle pero hindi sinabing twin sister pala ito. Base na rin sa kwento nito ay naging successful ang last treatment kahit na until now ay under monitoring pa din siya. Paminsan minsan ay may tests na ginagawa.
Isa sa mga business pala nila ang pag supply ng monitors at kung ano ano pa. Parang tanga lang si Nathan na laging nakatitig kay Rozzelle.
“Nathan, could you please stop staring at me. Nakaka conscious ka!”
“I’m sorry if I made you unease but I cant help myself,” diretsong sagot ni Nathan.
Marami pa silang napag usapan, hanggang matapos ang gabi. Kinabukasan ay inimbitahan ni Rozzelle si Nathan to have dinner kasama ang Daddy niya. Hindi sigurado ang binata kung natatandaan pa siya nito. Pero according to Rozzelle ay kilalang kilala siya.
Paghatid sa babae ay matagal pang nakatayo si Nathan sa pinto na parang ayaw pang umalis.
“Goodnight!” mahinang paalam ni Rozzelle.
“Goodnight!” halos hindi marinig ang boses.
Tumalikod na ang babae pero nakatayo pa din si Nathan. Hanggang biglang bumalik si Rozzelle at binigyan ng isang halik ang lalaki.
Pero hindi sapat ang goodnight kiss lang kay Nathan. Mabilis na hinawakan ang batok ng dalaga at isang malalim ng halik ang ibinigay. Hindi alam ni Rozelle kung bakit gumanti siya ng halik sa binata. Tumagal ng halos isang minuto bago maghiwalay ang kanilang mga labi dahil bumukas ang ilaw.
“Good Night Nathan! See you tomorrow!” may ngiti sa labi ng tuluyang tumalikod.
Nakapasok na sa bahay ang dalaga ng naglakad palayo ang binata. Ilang hakbang palang ng mapa suntok sa hangin si Nathan wala sa loob na napasigaw. Walang paki-alam kung may nakarinig ba.
Kinabukasan ay kinakabahan si Nathan habang papunta sa bahay nila Rozzelle, oo nga at na meet na niya ang daddy nito pero iba pala pag ganito. Mahirap I explain pero parang pareho ng naramdaman niya kay Rizzelle at kay Rozzelle. Ayaw niyang isiping nakikita lang ang dating katipan sa katauhan ng kapatid.
Bahala na!
Ilang katok lang at bumukas na ang pinto at bumungad si Rozzelle. Halos malaglag ang panga ng mulingmakita ang dalaga. Kinakausap pala siya nito pero hindi siya nakikinig. Hanggang lumapit na ang daddy nito.
“Good Evening Sir!” saka lang siya natauhan.
“Good Evening, please come in.”
Hiyang hiya siya pero hindi talaga siya maka move on sa ganda ni Rozzelle.
“Nathan, how are you? Kailan ka pa dito?”
“I’m fine sir, more than six months na din po ako dito.”
“So you are working or what?”
“For now I’m under working visa but I have a partner in a small business.”
“Ahh okay, so partner ka pala sa TechPro.”
“Yes Sir, but I also manage the business. Nakipag partner lang ako para makapag start.”
…