Neighbor Daddy 8

Neighbor Daddy 8

Shit! Bakit ang aga dumating ng asawa niya?!

Agad naming inayos ang aming mga sarili at pinatay ang TV na nagsisimula ng ingay sa kwarto na ito. Tumayo na ako at inayos ang kanilang kama bago dali-daling lumabas ng kwarto.

Nagulat ako nang makita ang asawa ni Ricky na nakaabang sa tapat ng pintuan ng kwarto

“A-anong ginagawa niyo sa kwarto?” nagtatakang tanong niya

Parang gulat na gulat siyang makita ako na nasa kwarto nilang mag-asawa.

“Ah, naglinis lang” marespetong sagot ko sa kaniya.

“Si Ricky? Nasaan?” sambit nito

Kaagad na dumalo sa aking likod si Ricky kaya nabaling ang tingin niya sa asawa niya. Hindi ko alam kung anaong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Halu-halong kaba at takot at hindi ko ma explain kung ano nga ba talaga ang dapat kong gawin lalo na sa sitwasyon na ito

“Bakit honey?” aniya

“Nasaan ang mga bata?” cold na sambit nito

“Natutulog”

Napatingin siya sa isang naka saradong kwarto sa tabi nila kung saan natutulog ang mga bata. Kaagad niyang dinaluhan ang mga ito at makalipas ng ilang minuto ay lumabas

“Magsabi ka nang totoo. Anong ginagawa niyo sa kwarto?” aniya

“Naglilinis lang nga po” pairing na sambit ko

“Naglilinis pero nakabukas ang aircon?” she mocked at me

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga sinabi nito. Kaagad naman akong hinawakan sa bewang ni Ricky.

“Love naglilinis lang kami ng kwarto, wag ka na magalit”

Napatingin ang asawa niya sa bewang ko at nanlaki ang mga mata kaya kaagad kong tinanggal ang pagkakahawak ni Ricky dito. Unti-unti ay bumuhos ang mga luha galing sa kaniyang mga mata

“Anong katangahan ang ginagawa niyo sa pamamahay na ito?! Mga hayup kayo? Mga wala kayong respeto!! Mga masasahol kayo! Dapat sa inyo binubulok sa impyerno!” galit na sigaw niya

Kaagad naman akong napapikit at si Ricky naman ay dinaluhan ang asawa at kinakalma na siya ngunit galit ang nananaig sa kaniya. Pilit nitong tinatanggal ang mga kamay ni Ricky ngunit si Ricky ay patuloy pa din ang pagpapaliwanag na naglilinis lamang kaming dalawa sa kwarto

“Paalisin mo ang babaeng ‘yan dito!” sigaw niya “Lumayas ka malandi ka!”

Kaagad akong tumakbo papalayo ng bahay nila at deretsong nagtungo sa aking kwarto. Hindi ko na napigilan ang umiyak at bumuhas ang luha

Ano ba itong kasalanang ginawa ko?! Ako ang dahilan kung bakit masisira ang relasyon nilang dalawa at baka ako pa ang maging dahilan ng paghihiwalay nila kung sakali man.

Kinuha ko ang kumot at itinaklob sa buong mukha. Lumuluha na ako sa mga oras na ito. Kailangan ko bang itama ang aking pagkakamali? Ngunit nahihiya na akong humarap sa kanila. Lalong lalo na sa asawa ni Ricky.

“Ayos ka lang ba?” sambit ni Ricky habang kausap ko siya ngayon sa telepono

“Oo” mahinang sabi ko naman, hanggang ngayon ay medyo mangiyak-ngiyak pa din ako habang kinakausap siya

“Natutulog ang asawa ko ngayon at balak na niya akong hiwalayan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko” aniya

“Bakit hindi mo subukang manghingi ng tawad sa kaniya?” gusto ko silang pag-ayusin at the same time ay ayaw ko rin dahil masasaktan ako kung sakaling ginawa ko ang bagay na ‘yon.

“Hindi na siya ang mahal ko. Ikaw na ang mahal ko, Jane”

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko sa kaniya. Oo, gusto ko siya ngunit hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung halimabawang patulan ko ang nararamdaman niya sa akin.

“Mahal mo ba ako, Jane?” tanong nito sa akin

Ilang segundo akong hindi nakasagot sa kaniya.

“Jane?”

Tawag nitong muli sa akin ngunit hindi ko pa din siya sinagot. Ilang mga hello pa ang ginawad niya ngunit walang sagot na nanggaling mula sa akin. Sa tingin ko ba ay mas makabubuti na magsama kaming dalawa? Oh mas ikabubuti kung huwag ko na siyang pansinin at iwanan na siya?

Gulong gulo na ang aking utak sa mga nangyayari ngayon? Ano ba itong gulo na pinasok ko? Ilang minuto ko pang inisip kung ano ba ang dapat na maging decision ko. One mistake will change my life forever

Muling nagring ang aking telepono matapos ang ilang minuto. Bumungad dito ang number ni Ricky.

“Ri-ricky?” sambit ko

“Jane”

“O-oo mahal din kita” matapang na sambit ko sa kaniya unti unting tumulo ang aking mga luha. Ngayon lamang ako nagmahal ng ganito at alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko siya

“Puntahan kita”

“Teka, paano ang mga anak mo?”

“Napag-usapan na din namin ‘yan. Gusto ko man sana isama sa atin ngunit, ayaw pumayag ng asawa ko”

Biglang sumakit ang aking ulo. Hindi ko alam kung anong nangyayari, nahihilo ako na ewan. Hindi ko maipaliwanag hanggang sa tanging itim na lamang ang nakita ko

Isang liwanag ang nagpabukas ng aking mga mata. Napatingin ako sa isang gilid at napansin na nakahiga ako sa isang malambot na kama.

Nasaan ako?

“Gising ka na pala” ngumiti si Ricky na naka upo sa aking gilid

“Ricky? Nasaan ako?” tanong ko sa kaniya

“Nandito tayo sa resthouse ng tatay kong namayapa na. Dito na kita ititira. Dito na tayo magsasama at bubuo ng pamilya, Jane”

Kaagad akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya sa akin na dito na kami titira. Mukhang luma na ang bahay at mga antigo na rin ang mga kagamitan sa loob nito.

Lumapit siya sa akin na may dala-dalang baso ng tubig

“Inom ka muna” sambit niya

Kaagad ko din itong ininom at muling ipinikit ang mga mata bago napagpasyahan na tumayo. Tinulungan naman akong maitayo ni Ricky. Ganito ba talaga siya ka-sweet sa akin

“Gusto kong magpahangin sa labas” sambit ko sa kaniya

Hinawakan niya ang aking bewan at inalalayan akong makalabas hanggang sa matungo namin ang veranda ng bahay nila. Tanaw na tanaw dito ang napakaaliwalas at napakagandang dagat. Isa pang nagbigay ng attention sa akin ay ang mga matatayog na puno ng niyog na siyang nagbibigay ng preskong hangin sa aming dalawa

“Ang ganda” sambit ko. Mukhang nasa isa kaming payapang probinsya.

Hinaplos niya ang aking bewang at inilagay ang ulo sa aking balikat. “Simula ngayon, mas magfofocus na ako sayo at sa ating magiging pamilya” bago ako hinalikan

Saktong sakto ang sunset na natatanaw namin sa mga oras na ito. Ganito pala ang feeling na nagmamahal ka ng maraya.

Nagtama ang tingin namin sa isa’t isa.

“I promise. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko” sambit ko sa kaniya