Nursing The Heir (Chapters 1-5)

Writer’s Note / Disclaimer

This story, together with names of people, events and places are fictional and are only the brainchild of the author. Any similarities or likeness to real-life people, events and places are purely coincidental. It was never, nor will ever be the intention of the writer to mock, make-fun or shame anyone. Once again, this is only a work of fiction and for the consumption of legal-aged individuals.

No part of this story may be reproduced or used without the consent of the writer.

First few chapters are preliminary chapters with the prologue. These are set so as to give the story some sense and the characters the depth to humanize them. It’s written in Tagalog but some of the lines are in English to give it a more realistic feel.

Hoping that the readers would like it.

Comments and suggestions are very much welcome.

PROLOGUE

Nagmamadali sa paglakad si Alyssa sa likod ng gwardiya na sumundo sa kanya sa labas ng mataas at eleganteng gate ng mansyon ng pamilya Smith. Sa kanyang pag-estima ay may tatlong minuto na silang naglalakad sa napakalawak na bakuran ng napakalaking lupain at tahanan ng isa sa pinaka-mayamang pamilya sa bansa. May kung anong kaba sa dibdib ni Alyssa habang pinipilit niyang huwag maiwan sa napakabilis na lakad ng gwardiyang kanyang sinusundan. Hindi siya maaaring pumalpak sa kanyang mga gagawin sapagkat hindi kung sino lang ang kanyang pasyente sa pagkakataong ito. Nagpatuloy lamang sila sa paglakad ng gwardiyang walang ibang sinabi kundi “Hinihintay ka na nila, sumunod ka” simula nang salubungin siya nito sa labas ng gate kaya nagulat na lamang si Alyssa nang biglang tumigil sa paglakad ang gwardiya. Nang silipin ni Alyssa ang rason kung bakit tumigil ang gwardiya ay namangha siya sa kanyang nakita. Tumigil sila sa tapat ng isang napakalaking mahogany door. Matapos makipag-usap sa intercom ang gwardiya ay humarap ito kay Alyssa habang binabanggit ang mga salitang lalong nagbigay kaba sa dibdib ng dalaga.

“Ihahatid ka ng maid papunta kay Mrs. Smith.”

Chapter I

Dahan-dahang bumukas ang napakalaking pinto at nang ito ay mabuksan na nang tuluyan ay may isang napakabatang maid na sumalubong kay Alyssa.

“Good morning, sumunod po kayo sakin at ihahatid ko kayo papunta kay Mrs. Smith.”, anyaya ng batang maid.

Tumalikod ang maid at walang pagtutol na sinundan naman siya ni Alyssa. Nagulat ang dalaga nang makita niya na tumigil ang maid sa tapat ng tila elevator door at pinindot ang up-arrow sa tabi ng bakal na pinto. Matapos ang ilang saglit ay bumukas ang pinto at ito ang nagkumpirma sa hinala ni Alyssa. Isang elevator nga ang nasa loob ng bahay na iyon. Anong klaseng pamilya ang nangangailangan ng elevator sa loob ng pamamahay nila?

“Nasa fourth floor si Mrs. Smith sa kwarto ni Sir Ares. Ang utos niya ay doon na lamang daw kayo mag-usap.”, Ang wika ng batang maid habang nasa loob sila ng elevator.

Walang maisagot si Alyssa dahil sa nararamdaman niyang kaba.

DING! ang tunog ng elevator at unti-unting bumukas sliding door. Lumabas ang maid sa elevator at sinundan naman siya ni Alyssa. Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa umabot sila sa isang pintuan na tila ba naiiba ang dekorasyon at uri sa mga hilera ng pintong nadaanan nila.

Kumatok ng tatlong ulit ang maid… TOK TOK TOK…

“Please come in”, ang wika ng boses na nanggaling sa loob.

Binuksan ng maid ang pinto at inanyayaan papasok si Alyssa. Pagpasok ni Alyssa ay tumambad sa kanya ang malambing na mukha ng isang pamilyar na babae.

“Good morning Miss Reyes, I’m Aphrodite Smith.”, malambing na salubong ng babae.

“Good morning Madam, Alyssa Reyes po.”, ang sagot naman ni Alyssa habang nakikipagkamay kay Mrs. Smith.

“Have a seat.”, ang paanyaya ni Mrs. Smith kay Alyssa.

Naupo si Alyssa sa inalok na silya ni Mrs. Smith. Isang minutong katahimikan ang lumipas, hindi nagsasalit si Mrs. Smith at matama lamang niyang pinagmamasdan si Alyssa. Si Alyssa naman ay hindi rin nagsasalita sa takot na baka magkamali sa kung ano man ang balak niyang sabihin.

Si Mrs. Smith ang bumasag ng tila napakatagal na katahimikan.

“I have already been informed by my assistant about your qualifications and how the recruitment process went. I had your record and background checked and I’m satisfied with the results. You already talked to my assistant about your benefits and the specifics of your work here so I am guessing that you do not have any questions, Am I right?”, wika ni Mrs. Smith.

“Yes Madam.”, lamang ang naisagot ni Alyssa.

“Very well then, I want nothing but the best for my son so I want you to be the best nurse that will take care of him while he is in this state.”, pagpapatuloy ni Mrs. Smith.

Tango lamang ang naisagot ni Alyssa.

“You know the specifics of your tasks, so now I want you to meet my son.”, wika ni Mrs. Smith habang nakaturo sa direksyon ng isang tao na nakahiga sa napakalaking kama.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan ni Alyssa si Ares Smith, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Olympus Five Star Hotel Chain, ang kanyang magiging amo.

Chapter II

Si Alyssa ay isang nurse. Nakatapos siya mula sa isang kilalang medical school sa Pilipinas at nag-top sa Nursing Licensure Exams. Sa kanyang murang edad na 23 ay maaaring sabihing marami na siyang pinagdaanang hirap sa buhay. Sa likod ng kanyang maganda at makinis na kayumangging kutis Filipina na kapares ng mapupungay na light-brown na mga mata ay hindi mo maikakailang para siyang isang modelo. Ang kanyang maliit na pangangatawan sa tangkad na 5’2″, timbang na 90 pounds at posturang pang-artista ay kinatatambalan naman ng mahaba at natural na dark brown na buhok ay magpapaalala sa sino-mang makakita ng dayuhang artistang si Vanessa Hudgens. Kilala siya sa kanilang unibersidad dati bilang isa sa mga campus crush subalit hindi niya ito binigyang pansin, bagkus ay nagsikap siya sa pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Alam niya sa kanyang sarili na hindi niya dapat palampasin o sayangin ang scholarship ng unibersidad na kayang pinapasukan sapagkat ito na ang huling pagkakataon na maaari siyang makapagtapos.

Hindi lumaon ay natapos siya sa kanyang pag-aaral bilang Cum Laude at kagaya ng inaasahan ng lahat ay naipasa niya ang eksaminasyon para sa mga narses bilang nagmamay-ari sa pinakamataas na rating. Napakaraming kumpanya, paaralan at ospital ang sinubukan siyang maanyaya sa kanilang poder para magtrabaho subalit ang nakakuha ng kanyang atensyon at pabor ay isang tawag mula sa tagapamahala ng pamilya Smith.

Ito rin ang dahilan kaya nakaupo siya ngayon sa harap ng isang may edad na subalit napakaganda pa ring babae na nagpakilala bilang Aphrodite Smith, sa tabi ng isang malaking kama kung saan nakahiga ang isang mestisong binata na walang ano mang mababakas na pagkilos kundi ang patuloy lamang na pagtaas-baba ng matipuno nitong dibdib kasabay ng paghinga nito.

Hindi maalis ni Alyssa ang tingin nito sa napaka-among mukha ng binata na sa pagkakataong iyon ay payapang-payapa sa paghimbing. Alam ni Alyssa na hindi lamang natutulog ang binata. Alam niya na ito ay nasa estado ng pagiging comatose. Alam niya kung bakit ganito ang inabot ng binata at mas lalong kilala niya ang binata… Si Ares Smith, ang kilalang hearthrob at playboy na nag-iisang anak at tagapagmana ni Richard Smith.

Chapter III

Tinanggap ni Alyssa ang trabaho at siya ang naging personal na nurse ng binatang sa kasalukuyan ay anim na buwan nang naka-comatose. Stay in sa mansyon si Alyssa at hindi naman siya tinuring na iba ng mga tagapagsilbi ng pamilya. Para na rin siyang amo kung ituring ng mga ito at talaga namang napaka-galang at propesyonal ng mga ito sa kanilang mga gawain. Ganoon na rin ang naging mentalidad ni Alyssa, hindi siya maaaring pumalpak at kailangan niyang maisagawa ng mabuti ang gawain niya, hindi dahil sa takot kundi dahil sa paggalang at kabutihan ng kaniyang amo.

Naging routine na din sa dalaga ang kanyang mga gawain.

Check the vital signs
Administer the medications if needed
Assist the personal caregiver in attending to the physiological needs of the patient
etc…

Ilan lamang iyon sa mga nakasaad sa checklist ng dalaga at kung minsan ay kinakausap pa niya ang binata kahit na wala siyang ano mang sagot na nakukuha mula rito. Ang routine na ito ay mababasag at magbabago sa kanyang ika-pitong buwan sa pag-aalaga sa binata.

Isang aksidente ang kinasangkutan ng personal caregiver ni Ares at tumawag ito sa mansyon upang ipaalam sa kanila na hindi ito makakapasok sa loob ng isang buwan. Dali-daling ipinatawag ni Aphrodite si Alyssa sa kanyang opisina kasama ng kanyang mayordoma.

“I don’t know if you are aware of the gravity of the situation.”, bungad ni Mrs. Smith pagpasok pa lamang ng dalawang empleyado sa opisina.

“I can’t have my son being handled by anyone that I do not trust, I can’t have anyone barging in this house without me knowing who they are but I also cannt have my son not being attended to.”, pagpapatuloy ng amo.

“Now, the reason I summoned the both of you is because I want the both of you to take care of the duties left by the caregiver who had an accident earlier this morning. Now I know it may be a tall task since both of your already have matters to attend to in this house but I must insist that this time, you should prioritize my son’s welfare.”, pahayag ni Mrs. Smith.

Walang ano mang isinagot ang narses at tagapag-silbi sa kanyang harapan kaya naisipan na lamang niyang magpatuloy sa kanyang sinasabi.

“You will be in charge of taking care of my son in the morning.”, pahayag ni Mrs. Smith habang nakatingin sa mayordoma.

Tumango ito bilang tanda ng pagsang-ayon sa amo.

“While you will be in-charge of taking care of my son during the night. Now, I know that you already have duties with him during the day but I implore you to go the extra mile this time. Do not worry, additional remuneration will be provided in lieu of this task. A