Oportunistang Kaibigan O Ka-ibigan? Unang Bahagi

Summer. Metro Manila. Alas dos na ng hapon at tirik na tirik ang araw ng sunud-sunod na ang mga magkakaopisina na pumapasok sa bus na kanilang nirentahan para sa isang team building activity sa lalawigan ng Hilagang Ilocos. Maaaninag ang saya at excitement sa mukha ng bawat pumapasok sa bus. Ikaw ba naman ang mabibigyan ng time na makaparelax-relax after ng stressful months of work siguradong ganun din ang mararamdaman mo.
“Kumpleto na ba tayo?” tanong ni Ces. Siya ang kanilang department head. Maputi. Petite. Matalino. Patunay niyan ang kaniyang pagiging isang CPA at sa edad lamang na 40 isa na siyang department head. Ngunit ang masasabing pinakamalaking asset na taglay niya ay ang kanyang ngiting walang katulad. Yun bang tipong di ka makatatanggi sa hiling niya kapag nginitian ka na.
“Kumpleto na yata tayo ma’am!” sagot naman ni Glenna . Siya naman ang pinakamaganda sa mga babaeng empleyado ng nasabing department.
“Eh, kung ganun naman pala ano pang hinihintay natin Ma’am? Sibat na tayo!” sabat naman ni Gerry. Siya ang pinakabata sa kanila. Matangkad, maitim ng bahagya sa karaniwang kayumanggi at may hitsura din naman. Ngunit ang di matatawarang taglay nito ay ang malalim na sense of humor niya. Madaling nakumuha ang loob ng isang tao dahil sa sense of humor nito.
“Kuya, pwede na tayong umalis.” sabi naman ni Ces sa driver ng bus. Agad namang sumunod ang driver at pinatakbo na ang bus.
Labing-apat lahat ang empleyado ng department na pinamumunuan ni Ces at lahat ng mga ito ay sumama papuntang Ilocos. Habang nasa biyahe sila ay puro tawanan at kuwentuhan ang ginagawa nila ngunit dumating ang oras na parang napagod ang lahat at nakaidlip maliban kay Gerry.
Magkatabi sa upuan sina Gerry at Glenna. Lingid sa kaalaman ng mga kasama nila sa opisina ay may malalim na pagkakaibigan ang dalawa.
Nagsimula ang pagkakaibigang iyon noong magpaturo si Glenna kay Gerry about MS Excel & Word. Palibhasa’y nagkolehiyo noong hindi pa uso ang computer sa colleges at universities ay walang knowledge si Glenna tungkol dito. Dahil sa pagpupursige nito at pasensya ni Gerry sa pagtuturo sa kanya ay natuto ito at kasabay nito ang pagkabuo ng malalim na pagkakaibigan ng dalawa.
Habang mahimbing na natutulog si Glenna ay tinititigan naman ito ni Gerry. May lihim na pagnanasa ito sa kaibigang babae. Bukod naman kasi sa kagandahan nito ay maganda pa rin ang hubog ng katawan kahit itoy edad 46 na at may apo na rin sa una niyang anak.
“Ano kayang dapat kong gawin para mahulog sa kamay ko si Glenna?” tanong ng lalaki sa kanyang sarili. Malalim na pinag-iisipan ni Gerry ang mga hakbang na dapat niyang gawin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin nito sa screen ng kanyang cellphone kita nito ang isang text message mula sa kanyang asawa.
“Sa’n na kayo Pa?” sabi sa text message. Agad naman itong sinagot ni Gerry. Mamaya pa ay may reply agad ang asawa ni Gerry. “Ingat kayo! I love you!” paalala mula sa asaw…