Pabaon

Kathang isip lamang ang storya..kung may pagkakahawig ang pagawa ko sa ibang storya,o di kaya sa mga tao,bagay,pangyayari o lugar sa totoong buhay ay di ko po sinasadya.. first time ko pong sumulat… sana mag enjoy kayo.

Galing sa isang Birthday Party ang mag asawang Mica at Jerry. Kaarawan kasi ng kanilang kumare at kasamahan niMica sa pinapasukang trabaho.Masaya ang lahat at halos hindi na napansin ang takbo ng oras at nang matapos ang pagdiriwang ay madaling araw na pala. Nagpaalam na ang lahat ng bisita pati na rin sina Mica at Jerry.

Habang naghihintay ng sasakyan pauwi….

“Naku , Hon 1:00 am na pala ng umaga..mukhang na sobrahan yata ang party natin ah..” sabi ni Mica.

“Ha ha ha….oo nga medyo na pasarap nga ang kwentuhan natin ni mare..”.tawa ni Jerry.

“Hon.. wala na yata tayong masasakyang jeepney…wala na yatang bumabiyahe” pansin niMica.

“Oo nga…medyo malayo layo rin ang bahay ni mare sa sakayan ng jeepney..halos tatlong kanto pa ata ang lalakarin natin…”sabi ni Jerry.

“Bakit di mo pala tinanggap kanina ang alok ni pareng Ray na ihatid tayo ng kanilang kotse?”tanong ni Mica.

“Ano?..okay ka lang?.. e lasing na kaya yun..baka maaksidente pa tayo..”

“Kung sa bagay…pero alam mo hon pagod na ako sa paglalakad..”

“Don’t worry papara na lang tayo ng taksi kung may dadaan..”

Ilang saglit pa ay napansin ng dalawa na medyo umambon …

“Hon..mukhang uulan pa yata…”sambit ni Mica.

“Don’t worry ambon lang ito…pero hahanap muna tayo ng masisilungan” sagot ni Jerry

“Sige hon…baka magkasakit pa tayo…”

Binilisan ng dalawa ang paglalakad pero tuluyan nang pumatak ang ulan at halos patakbo na silang pareho habang naghahanap ng masisilungan…

“Hon…bilisan mo medyo lumakas ata ang ulan!!!…”sabi ni Jerry.

“Oo hon…pe-pero saan tayo sisilong?”tanong ni Mica.

“Ah! Doon!!….”sabi ni Jerry sabay turo sa isang waiting shed.

Nagmamadaling pumunta silang dalawa sa waiting shed na itinuro ni Jerry para sumilong…

Ang waiting shed na kanilang sinilungan ay isang lumang shed na wala nang may gumagamit.Nasa gitna ito ng dalawang malalaking gusali. Dahil sa posisyon ng waiting shed, ay hindi ito madaling nakikita sa kalsada…. dahil may kalumaan, ay wala itong ilaw at medyo kinakalawang na ang bakal na silya sa loob nito…kaya kung sisilong ka sa loob ng waiting shed na ito ay hindi ka mapapansin ng mga taong dadaan lalo na kung gabi dahil sa madilim ang bahagi ng kalyeng ito.Maliban dito ay walang sasakyan ang dumadaan sa lugar na kinatatayuan ng shed.Hindi alam ng mag asawa na ang shed na ito ay saksi sa mga holdapan at iba’t ibang krimen na nagaganap sa lugar na iyon….

Hindi alam ng dalawa na ang gabing ito ay ang gabing magpapabago sa kanilang buhay…isang bangungot ang mangyayari na hinding hindi nila makakalimutan…..

Sa mga sandaling ito ay tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan…..

“Naku ang malas naman…lalo pa yata lumakas ang ulan…”pagalala ni Mica.

“Oo nga hon..wala namang bagyo pero ang lakas ng ulan….buti na lang at nakapagsilong tayo dito sa shed…kahit papaano ay di tayo mababasa..maghintay na lang tayo at baka may taksing dadaan”sabi ni Jerry

“Yun na nga hon e..mukhang hindi naman dinadaanan ng sasakyan ang lugar na ito at tingnan mo o..nakakatakot madilim pa…wala na yatang tao..”sabi ni Mica.

“Sige na..tama na..titigil rin ang ulan…”sabi ni Jerry

Pero parang biro na mas lalo pa yatang lumakas ang ulan…ilang sandali pa ay napansin nila na may dalawang lalaki na tumatakbo at dali daling papalapit sa kinaroroonana nila at nakisilong rin sa shed…ang isang lalaki ay si Tony. Mataas,malaki ang pangangatawan at kalbo..ang isang lalaki naman ay si Bert kasing height ni Jerry,medyo mas malaki ang pangangatawan kaysa kay Jerry at bigotilyo….sa tingin ni Jerry ay mag kasing edad lang sila ng dalawang lalaki…

“Excuse lang po..makisilong lang po..”sabi ni Tony.

“Ha?..ah-e sige..”sagot ni Jerry na sa totoo lang ay hindi alam ang isasagot sa mga sandaling yon..sa mga bagong dating

“Thank yu!!”nakangiting sagot ni Bert.

Medyo nakaramdam ng pagkaasiwa at konting takot sina Mica at Jerry sa mga nakisilong…napansin nilang nakainom at lasing ang mga ito at medyo namumula ang mga mata..mas lalong nadagdagan ang kanilang takot ng mapansin nilang mahinang nag uusap ang dalawa at mahinang nagtatawanan.at.paminsan minsan ay pakiramdam nila na parang tumitingin sa kanila ang dalawa at nagmamatyag…tahimik lang silang dalawa…dahil nakaramdam ng pagkakaasiwa si Mica sa dalawang lalaki ay napahawak ng mahigpit ang kanyang kamay sa kamay ng kanyang mister at pinipisil niya ito..pahiwatig na gusto niyang umalis sa lugar na iyon…si Jerry naman ay nagdadalawang isip dahil patuloy pa rin sa pag ulan at dahil na rin sa takot, ay parang di siya makapagpasya sa mga sandaling iyon dahil sa sitwasyon nilang dalawa ni Mica…Ilang sandal pa ay pinutol ang katahimikan ng magsalita si Tony…at sinimulang kausapin sina Jerry…

“Pre..ang lakas ng ulan No?…”tanong ni tony…

“H-ha?..ah..eh..Oo..ma-malakas nga..”nauutal na sagot ni Jerry

“Kanina pa ba kayo nakisilong dito tol?” tanong ni bert…

“Ka-kanina pa…”

“Ganda ng kasama mo pre…asawa mo?”tanong ni tony habang nakangiti at nakatingin kay Mica.

Medyo kinabahan si Jerry sa kanyang narinig….nagulat siya sa biglang pagpansin ng lalaki sa kanyang asawa….

“Mi-misis ko…”maikling sagot ni Jerry

“Wow ganda ng misis mo pre..hehehe…swerte mo naman…”nakangising sambit ni bert.

Medyo napayuko si Mica sa kanyang naririnig … dahil sa kanyang naririnig na pag uusap at dahil na rin sa takot sa dalawang lalaki…pinapanalangin niya na tigilan na sana ni Jerry ang pakikipagusap sa dalawa at aalis na sila sa lugar na iyon..mas gusto pa niyang mabasa ng ulan kaysa may gawing masama sa kanila ang dalawang lalaki…pero huli na yata siya nang magsalita uli ang mga lalaki….

“Pre…medyo gipit kami ngayon ng kaibigan ko..pwede bang makihingi ng pera?hehehe”sabi ni bert.

“H-ha?..ah..wa-wala kaming pera ..pasensya na..”sagot ni Jerry na mas lalong kinakabahan sa sinabi ng lalaki.

“PUTA!!…wala naman kayong magagawa ..SIGE NA!! AMIN NA ANG PERA NINYO!!!”sigaw ni tony na biglang sumigaw…

Pagkatapos nun ay dali daling inilabas ni tony ang isang baril at itinutok iyon kina Mica at Jerry habang isang kutsilyo naman ang inilabas at hawak ni bert…

Pages: 1 2 3 4 5