Lihim Na Liham Part 2
Bukod dito, meron ding kalakip na papel na nakayupi at naka stapler. Nakasulat sa labas ang pangalang ni Maricar. Iniaabut ito ng Nanay niya sa bunso. “O, Maricar me sulat din sayo ang ate mo.” Ngumiti ang dalaga, kinuha ang isang pirasong papel, pumunta sa silid nilang magkakapatid at doon taimtim na binasa ang liham …