Saranggola

Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon. “Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola,” wika ng ama. “Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki. “Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa …

Nang Tumuntong Ang Paa ng Tao sa Mukha ng Buwan

Enero 30, 1969. Kumanta ang Beatles sa huling pagkakataon bilang isang grupo sa bubungan ng Apple Records sa London. Biglaan ang konsyerto na tumagal ng 42 minutos. Pinatigil ng pulis ang walang-permisong pagtatanghal sapagka’t sa dami ng taong nag-ipon sa daan ay nagkaroon ng heavy traffic at gulo. February 5, 1969. Umabot sa 200 milyon …

Ang Balikbayan Box ni Doray

Ayon sa Greek mythology, si Pandora ang unang babaeng nilalang, na nilikha ni Zeus upang maging bukal ng lahat ng masasama at mabubuti sa mundo. Ginawa siyang tagapagtago ng isang kahon, na dapat ay di niya bubuksan; subali’t naging maging mausisa si Pandora, binuksan niya ang kahon, at agad-agad, ay kumalat ang sakit, inggit, pagdaraya, …

Ang Diwata Ng Ilog Pasig

May awitin na hindi mawawala sa alaala ng mga Tagalog sapagka’t ang magandang himig at titik ay nakahuhumaling, at ang pag-iibigan ng taong-bayan at ng Ilog-Pasig ay hindi magmamaliw. Kung gabing ang buwan sa langit ay nakadungaw; Tila ginigising ng habagat sa kanyang pagtulog sa tubig; Ang isang larawang puti at busilak, Na lugay ang …

Kristal Na Tubig

I. Sa malinaw na tubig ng ilog ay nasisinag niya ang isang larawan ng kamusmusan. Kinalawkaw niya ang tubig at nagsingsing-singsing ang mumunting alon…na nagpalabo sa larawan. Makailang saglit ay nanumbalik ang katiningan, ang nabulabog na tubig ay luminaw at muli niyang nasalamin ang kaayaayang larawan ng kamusmusan. “Bakit, Itay?” anang isang tinig-angel na nagmumula …

Limang Alas, Tatlong Santo

ni Amado V. Hernandez I May uwing panalunan si Manuel nang gabing yaon: P700. Mahigit nang ika-11:00 sa kanyang orasan. Alam niyang inip na sa paghihintay si Naty, ang kanyang asawa, at walang salang nagkakagutom na naman. Mapapanis ang hapunan ay di-kakain si Naty habang siya ay wala, batid ni Manuel. II Ngunit anumang sama …

Magpinsan

ni Amado V. Hernandez I. “Magandang araw po.” Pamimintana ni Ligaya sa kanilang durungawan ay isang liham ang inihagis sa kanya ng tagahatid sulat na nagbigay ng “magandang araw.” Marahan niyang ginupit ang isang dulo ng sobre, tiningnan, nangunot ang noo at saka napahalakhak ng malakas. “Ha, ha, ha. Nasisira yata ang ulo ni Nestor!” …