Paghanga

PAALALA: Ang mga pangalan, karakter, at mga insidente sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay di sinasadya.

Ito po ang pangatlo kong pagkakataon na magsulat sa salitang Tagalog. Kaya ipagpaumanhin po ninyo kung mayroon akong mga naging mali sa aking pagsulat.

Nais ko ulit magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng kani-kanilang ambag sa isinulat ko nung nakaraan na may pamagat na Filipino Sex Terms. Marami-rami rin ang nagbigay ng kanilang mga komento at nagpadala sa akin ng mga pribadong mensahe na ikinadagdag sa aking kaalaman. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

TALA: Hindi pa po ako tuluyang nagbabalik. Sinabihan ako ng aking doktor na mas bumuti ang lagay ng aking mga mata, ngunit maghinay-hinay daw muna ako sa paggamit ng mga gadyet. Hindi ko lang talaga matiis na hindi magsulat. Maraming salamat po sa mga humahangad ng aking agarang paggaling.

Nakadungaw sa bintana si Adela, nakakunot ang noo, may malalim na iniisip.

“Adela!”

“O, Boy! Bakit?”

“Pagbuksan mo nga ako ng pinto at may sasabihin ako sa iyo.”

Dali-daling pinagbuksan ni Adela ang kanyang pinsan. “Hingal na hingal ka, a. Saan ka ga nanggaling?”

“Naku, nanggaling ako dun sa kanto at nakita kong nag-aaway sina JR at Tonyo. Ikaw ang pinag-aawayan.”

“Ha?! Bakit ako? Ano naman ang kinalaman ko sa dalawang mokong na iyon?”

“Aba’y pareho kasing aakyat ng ligaw sa iyo. Sabi ni JR ay siya lang daw ang puedeng manligaw sa iyo at ganun din naman ang sinabi ni Tonyo. Kaya ayun at nagsusuntukan na. Inawat ng mga barangay tanod at dinala sila roon kay Chairman.”

“Mga engot naman pala ang mga iyan. Nag-away pa e pareho ko naman silang hindi gusto.”

“Ows? Bakit? Pareho naman silang pogi at may sinabi sa pinagtatrabahuhan nila.”

“A, basta.”

Hindi masabi ni Adela sa pinsan na mayroon na siyang napupusuan. Hindi niya masabi ang kanyang saloobin dahil siguradong pagtatawanan o kukutyain siya nito. At siguradong ganun din ang magiging reaksyon ng mga nakakakilala sa kanya.

Pagkaalis na pagkaalis ni Boy, ikinandado niya ang kanyang pinto at pumunta sa kanyang silid. Nahiga siya at huminga ng malalim. “Ano ba itong nangyayari sa akin? Mas mainam pa yatang lumuwas na lang ako papuntang Maynila para naman walang nakakakilala sa akin at hindi ko na rin siya maisip.

Nag-empake na si Adela ng kanyang mga damit nang may kumatok sa kanyang pintuan. “Tao po.”

Lumabas siya ng kuwarto at binuksan ang kanyang pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat at kumabog ang kanyang dibdib. “A… e… Ma Pilo. A…ano po ang ginagawa nyo rito?”

“Iha, puede ba akong tumuloy?”

“Pa…pasok po kayo.”

Pagkapasok ni Ma Pilo sa kanyang bahay, pinaupo niya ito at inalok ng malamig na tubig. Si Ma Pilo ay ang biyudong ama ni Tonyo. Dati itong sundalo kaya naman hanggang ngayo’y may kakisigan pa rin ang pangangatawan nito.

Medyo nangangatal ang mga kamay ni Adela nang iabot ang malamig na tubig kay Ma Pilo. Pagkaabot sa tubig ay nilagok ito ni Ma Pilo bago nagsalita. “Iha, hindi ko alam kung nabalitaan mo ang nangyari kanina…” nakatingin ito sa dalaga na parang tinatanong kung nalaman ba nito o hindi ang away na naganap.

“Na…nabalitaan ko po kay Boy kanina. Huwag po kayong mag-alala at nag-e-empake na po ako ng gamit ko. Paluwas na po ako ng Maynila para ho wala nang mangyari pang anumang gulo.”

“Bakit? Wala ka bang napupusuan kahit sino kina JR at Tonyo?”

“Wa…wala po.”

“Uhm, may napupusuan ka na bang iba?”

Nagulat si Adela sa tanong ni Ma Pilo at hiyang-hiya ito. “Po? A… e…”

“Huwag kang mahiyang sabihin sa akin Adela.”

Namula ang mukha ng dalaga. Ngayon lang niya narinig na tawagin siya ni Ma Pilo sa kanyang pangalan. Tumango na lang siya at hindi na ito umimik. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Matagal na siyang may paghanga sa ama ni Tonyo. Bata pa lang siya ay kinikilig siya tuwing nasisilayan niya ang lalaking naka-uniporme kaya naman ganun na lamang ang kanyang kaba at kilig na makasama ito ng sarilinan.

Dahan-dahang lumapit si Ma Pilo kay Adela. Hinawakan ito sa kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata at sinabi ni Ma Pilo, “Ako ang gusto mo di ba, Adela?”

Nagulat si Adela. Hindi niya akalaing naramdaman pala ng biyudo ang kanyang pagkagusto rito. Akala niya’y walang makakahalata. Pero narito ngayon si Ma Pilo at alam niya ang kanyang nararamdaman.

Matagal nang alam ni Ma Pilo ang pagkakagusto sa kanya ng dalaga. Bata pa lamang ito ay nakikita na niya kung gaano ito kasaya tuwing nakikita siya. Natatawa lamang siya dahil parang anak na niya si Adela. Mas matanda lang kasi ng isang taon ang anak niyang si Tonyo rito. Habang lumalaki ang bata ay hindi ito nagbabago ang pagtingin nito sa kanya. Kahit nang siya ay ma-biyudo, pinipilit siyang aliwin nung bata.

Nung mga panahong iyon ay naging abala si Ma Pilo sa kanyang trabaho at kung saan-saan nade-destino. Ang mga anak naman nito’y binabantayan ng kanilang mga lolo’t lola. Dumadaan ng ilang taon bago siya makauwi sa kanilang probinsya. Kaya kahit papaano naman ay nasusubaybayan pa rin niya ang mga bata. Kasabay nito ay nakita rin niya ang unti-unting pagdadalaga ni Adela.

Mas naging mahiyain ang pakikitungo sa kanya ni Adela. Ngunit kita pa rin niya na nandun pa rin ang paghanga nito sa kanya. Nasa hustong gulang na ang dalaga at unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya rito.

Nang siya ay magretiro sa edad na 56, napagpasyahan niyang itanan ang dalaga. Alam kasi niyang maraming tututol sa magiging relasyon nila. Kaya naman ganun na lamang ang agam-agam niya nang mabalitaan niyang nakipag-away ang anak niya nang dahil kay Adela.

Hindi na ni Pilo kayang pigilan pa ang nararamdaman para sa dalaga kaya naman pinuntahan niya ito kaagad sa bahay nila. Ngayong magkaharap na sila, kailangan niyang malaman kung buo sa loob nito at handa na bang ibigay ang sarili nito sa kanya.

Papalapit ng papalapit ang mukha ni Pilo kay Adela at napapi…