Panakip-Butas

“Papano?” tanong ni Aldo kay Precy. “Saluhin mo sya Aldo. Makikipag break si Linette kay Reggie at puede mo na syang pormahan. Para di mag isip si Reggie na i-harass si Linette. Takot nya lang kaya sa yo. Payag ka na Aldo, please.”

“Alam ba ni Linette ang planong yan?” “Oo Aldo. Gusto nya ng kumawala kay Reggie. Malaking pagkakamali ang pag sagot nya na maging gf sya nito.”

“So bodyguard pala ako na puedeng maging bf. Ok, payag ako” ang tugon ni Aldo. “Salamat Aldo, nakahinga ako ng maluwag. Puntahan natin si Linette mamaya sa kanila.”

Kinahapunan pumunta sina Aldo at Precy kina Linette, pero hindi na kasama ang bf nito. Baka daw mahiya ng husto si Linette. Halatang kabado si Aldo at sobrang hiya naman ni Linette kasi alam na nito ang pinaggagawa sa kanya ng bf nya.

“Thank you Aldo sa pagpayag mo na tulungan ako. Mamayang gabi, tatawagan ko si Reggie at makikipag break ako sa kanya. Bukas, sasama ako kay Precy para sumama sa grupo mo sa tambayan nyo sa school” malumanay na paliwanag ni Linette.

Kinabukasan sa school, nagulat ang tropa ng lumapit sa kanila si Precy kasama si Linette. First time mangyari yon. Biglang tingin ang lahat ng tropa ni Aldo sa kanya. Para namang basang sisiw ang machong/torpeng bida pero halata ang kinang ng mga mata nito at may ngiti pa sa labi. Kaya umaatikabong kantyaw naman ang inabot ni Aldo. “O Aldo, narito ang crush mo. Aldo, makekeso ang laway mo, mag salita ka naman.” na may kasamang malulutong na tawanan. “Hoy, tigil tigilan nyo nga si Aldo” saway ni Precy, “may request lang sana si Linette kay Aldo.” “Uyyyy” sabay sabay tukso ng grupo. Mukhang aliw na aliw naman sa nangyayari si Linette.

“Aldo”, simula ni Linette, “puede ka bang gumanap bilang si Lapu-lapu sa teatro? Siempre naka costume ka, kaya halos hubad ka dito, para makita ang maskulado mong katawan” paliwanag ng napakagandang dalaga. Hiyawan ang buong tropa. “Linette, ikaw ba ang leading lady?” tanong ng isang ka tropa. “Ay naku hindi, ako ang director dito” sagot naman nya.

“Payag ka na Aldo”, paki usap ni Linette sabay hawak sa matipunong bisig nito. “O.. Oo ba” pautal na sagot ni Aldo. Tawanan ang tropa sa porma ng kaibigan nila na parang maamong tupa.

Sa may di kalayuan, nakatingin sa grupo si Reggie. Halatang galit subalit di magawang lapitan ang grupo. Wala na syang karapatan kay Linette at tama ang hinala nya na lumapit si Linette sa grupo ni Aldo para sa proteksyon. “Sana tinuluyan ko ng hinindot ang putang yon. Sayang” ang saloobin ni Reggie.

Dahilan sa mga practices na kinakailangan, halos araw araw ay magkasama sina Aldo at Linette. Nagkaroon ng konting kumpyansa at yabang ang tindig ni Aldo lalo na pag naglalakad sila ni Linette sa campus na magkasama. May naririnig pa syang mga comments tulad ng “suerte naman ni Aldo”, “bagay naman sila”. Madalas ding ihatid ni Aldo si Linette sa bahay nito, para makasiguro sya na di makakapangharass si Reggie.
Maging ang mga magulang ni Linette at mga kapatid ay nagaakalang mag bf-gf sila.

Naging matagumpay ang palabas sa teatro na pinagbidahan ni Aldo sa direksyon ni Linette. Dahil dito nakakuha si Linette at ang kanyang mga kasamahan ng pinakamataas na grado. “Aldo, sama ka sa selebrasyon bukas ng gabi” paanyaya ni Linette. Mabilis pa sa alas cuatro ang pag Oo ni Aldo.

Ginanap sa bahay ng kaklase ni Linette ang selebrasyon. Lahat ay tuwang tuwa at nagbubunyi sa tagumpay ng kanilang palabas. Naisama ni Aldo ang tatlo sa kanyang tropa. Kwentuhan, tawanan, inuman, kainan. Bidang bida si Aldo, panay pasalamat sa kanya ang grupo ni Linette sa napakagaling nyang pag ganap bilang si Lapu-lapu.

Isang babaeng kaklase ni Linette ang lumapit kay Aldo. Halatang marami na itong nainom. “Hey Aldo honey, patingin naman ng six-pack abs mo” sabay himas sa ma-muscle nitong bisig. At bago pa maka sagot si Aldo ay bigla itong yumakap at hinalikan si Aldo sa leeg. Hiyawan ang lahat, maliban kay Linette. “Go, go Aldo” ang buyo ng marami lalo na ang tropa ni Aldo.

Biglang natahimik ang lahat ng lumapit si Linette at malakas na sinabi, “hoy, hoy, hoy, hands off ka sa bf ko!” Pati si Aldo ay nagulat. Yumakap sa tagiliran ni Aldo si Linette at humilig sa malapad na dibdib nito. Napakalakas ng hiyawan at palakpakan ang nangyari. Panay ang high five ng marami kay Aldo lalo na ang barkada nito. Di makapaniwala si Aldo. Nagbabalak pa nga lang syang simulan ang panliligaw, ngayon gf na nya??? “Totoo ba ito” ang tanong nya sa kanyang sarili. Pati si Linette ang nabigla din sa kanyang nagawa. Napalapit lang kaya ang loob nya kay Aldo dahil sa madalas silang magkasama kaya nagselos sya ng may humimas dito ng ibang babae?

“Totoo ba yung sinabi mo kanina Linette?” ang tanong ni Aldo habang hinahatid nya ang bago nyang “girlfriend”. “Ayaw mo?” ang sagot ni Linette. “Siempre gustong gusto ko. Nag isip lang ako na baka panakip butas lang ako. Guapo at mayaman si Reggie, samantalang ako eh pangkaraniwan lang” ang nahihiyang sabi ni Aldo.

Natahimik si Linette. Tama ang sinabi ni Aldo. Sa isip nya, may damdamin pa sya kay Reggie. Kung di nga lang yun may pagka manyak at walang respeto sa kanya ay hindi nya ito ibebreak. Pero kailangan nya nang pangatawanan ang kanyang sinabi sa party.

“Espesyal ka Aldo”, ang tanging nasabi ni Linette na ikinatuwa naman ng ating bida. Gustong gusto ni Aldo na yakapin at halik halikan ang kanyang bagong gf subalit naalala nya ang ginawa ni Reggie kay Linette nong araw na sinagot sya kaya nagtimpi sya sa kanyang naisin. Ginawaran nya lang ng halik sa noo si Linette bago sya nagpaalam pagkatapos nyang maihatid ito.

Bagamat may konti pang duda, parang lumalakad sa alapaap si Aldo. Pasipol sipol pa. Di pa sya makapaniwala na gf na nya ngayon ang dating pinapantasya lang nya.

Balita agad sa buong campus na mag on na sina Aldo at Linette. Nagpupuyos sa galit at selos si Reggie. Napahiya din kasi sya sa kanyang barkada. Pero alam nya at alam ng barkada nya na di nila kayang tapatan ang tapang at lakas ni Aldo at ng tropa nito.

Pages: 1 2 3 4