Pandaraya

CHAPTER III- PANDARAYA

Isang buwan ang nakalipas matapos ang gabing iyon sa pagitan nina Dra. Lyn Abarrientos, Dra. Leah Buenviaje, Arnulfo Alcantara at Professor Artemio Domingo. Nakabalik na sina Doktora Lyn at Leah sa ospital na kanilang pinaglilingkuran. Si Professor Artemio Domingo ay nakabalik na rin sa pamantasan na pinagtuturuan at nagpatuloy sa kanyang mga pananaliksik sa larangang ng medisinang Nukleyar. At si Arnulfo Alcantara naman ay nakabalik na sa kanyang matayog na opisina sa Financial District ng Makati City.

Subalit, hindi doon naputol ang kani-kanilang obsesyon. Si Leah ay nagpatuloy sa kanyang pagtatangi sa batang propesor. Gamit ang impluwensya ng pamilya, naglatag si Leah ng mga bitag upang masilo ang mailap na puso ng binata. Halos gabi gabi ay tumatawag siya sa telepono sa bahay ng propesor. Nagpalipat siya ng ospital na pinaglilingkuran kung saan magiging mas higit na malapit siya sa binata. Isinumpa nya sa sarili na wala ibang lalaki na hahangarin nyang makasama habang buhay kundi si Professor Artemio Domingo!

“Daddy, busy ka ba?”. Malambing na sabi ng dalagang doktora sa ama na noon ay nagbabasa ng dyaryo sa harap ng kanilang terasa. Si Governor Arthur Buenviaje ay nasa huling termino sa pagiging punong ehekutibo ng lalawigan ng Sorsogon sa kabikulan. At ito ay nakatakdang tumakbo bilang kongresista uli ng unang distrito sa kanilang lugar.

Napatingin ang gobernador sa papalapit na kaisa-isang anak na doktora at naka kunot ang noo na tumugon. ” Hmm mukhang may importante kang hihilingin ah, Doktora? Mukhang kinakabahan ako ah?”

May himig panunudyo na sabi nito at tinanggap ang banayad na dampi ng labi ng anak sa kanyang pisngi ng nakalapit na ito sa kanya. Umupo ang dalagang doktor sa silya na di kalayuan sa ama.

“Naisip ko lang Daddy na malapit na ang eleksyon…” Ibinitin nito ang sinasabi at tinitigan ang amang gobernador. “Alam kong tatakbo ka bilang Congressman at tiyak naman ang panalo mo.” Dugtong pa nito. Natuwa ang kaharap sa narinig. Subalit nagtataka ito kung ano ang relasyon ng eleksyon sa nais ng doktorang anak na sinasabi ngayon nito.

“Plantsado na yun, iha. Wala naming mangangahas na lumaban sa Daddy mo sa pwestong ito sa darating na eleksyon!” Sabi ng gobernador na tila pagmamalaki sa kaharap na anak.

” Kaya nga Daddy, naisip ko lang, bakit di ka mag sponsor ng pag aaral sa pagka dalubhasa sa ibang bansa ng ilang mga siruhanong katulad ko?” Naisip ni Leah si Prof. Tim Domingo. Ito ay isang paraan upang masolo nya sa ibang bansa ang binata. Pag nabigyan ng scholarship ito, siya rin ay magpapakadalubhasa sa ibang bansa. At mailalayo nya ito kay Dra. Lynn Abarrientos. At titiyakin nya na mahulog sa kanyang alindog ang sinasambang batang propesor.

Ngunit hindi alam ni Leah na ang nakatakda ay nakatakda. Si Dra. Lynn Abarrientos ang nakatakdang maging ina ng unang binhi. At ang pag-ibig na nag-ugat sa symposium na dinaluhan nila ay unti-unti ng umusbong at nag-ugat sa pagitan ni Dra. Lynn Abbarrientos at Prof. Artemio Domingo.

Mabilis na tinugpa ng mga paa ni Dra. Lynn Abarrientos ang mahabang pasilyo. Nagmamadali siyang marating ang lobby ng ospital. Parang nasasabik siya, subalit natatakot na muling makita at makaharap ang binatang propesor. Ayaw nyang mahalata nito na excited siyang muli itong makaharap pagkatapos ng ginanap na symposium sa Sorsogon City.

Matagal ang sandaling ginugol nya sa CR ng ospital upang ayusin ang kanyang sarili. Tumawag ang binata kani kanina lang at nagsabing paparating na ito sa ospital na pinaglilingkuran ng dalaga. Naisip nya na sana ay hindi nahalata nito ang pananabik sa kanyang tinig habang kausap nya ito sa telepono kanina. Pinilit nyang maging kaswal ang dating ng tono ng kanyang boses. Kahit pa talagang na missed ng dalagang doktora ang kinasasabikang batang propesor.

At ng makarating na siya sa lobby ng ospital, kinakabahang inapuhap nya ng tingin ang mga tao na naka upo sa lobby. Kahit ihalo sa mas higit na maraming mga kulumpon ng tao, tila may kakayahang ihiwalay sa karamihan ang itinatangi ng pusong nagmamamahal. Sa maraming mga nakatipon na mga pasyente at mga bisita ng ospital, hinanap at natagpuan ng kanyang paningin ang binatang itinatangi. Nadama ng dalagang doktora ang pagbilis ng sikdo sa kanyang dibdib ng magtama ang kanilang mga mata ng binatang propesor. At batid ni Lynn ito na ang sinasabi nilang ‘pag-ibig’.

“Kanina ka pa?” Narinig ni Lynn ang sariling sinasabi sa binata nang agad itong lumapit nang sumungaw siya sa bukana ng lobby ng ospital.

“Kararating ko lang…” Narinig nyang sabi nito. At muli, nadama nyang tulad sa hardin ng hotel sa Sorsogon City, naramdaman nya na tila siya nababato-balani ng titig ng kaharap. Tila nalulunod siya sa tuwa na muling makaharap ito. Nagkatitigan slang dalawa. Matagal. Parang sila lang ang nasa lobby ng hotel. Parang ang mga oras na iyon ay itinakda para lamang uminog sa pagitan nila.

“Hanggang anong oras ang duty mo?” Yung baritonong tinig ng binatang propesor ang pumukaw sa saglit na parang pagkatulala ni Lyn. Saka nya naramdamang naroon sila sa lobby ng ospital, at maraming pasyente sa kanilang paligid.

” Hihintayin mo ba ako pag -uwi mamaya?” Narinig nyang nulas sa labi nya. Pakiramdam ni Lyn sobra naman ang bodily reaction nya ngayong nasa harap nya ang makisig na batang propesor. Parang nag-iinit ang kanyang pakiramdam sa titig nito. Parang kung yayakapin siya at hahagkan sa oras ding ito ng binata, hindi siya tatanggi, kasi yun din ang kanyang nararamdaman. Gusto nyang yakapin at damhin ang init na magmumula sa matipunong bisig ng kaharap.

” Doktora…” Muling pinukaw ng tinig ng kanyang kaharap ang saglit na kanyang pagmumuni-muni.

Bigla siyang pinihit ni Tim para iiwas doon sa mabilis na sumulpot na wheelchair na tulak tulak ng isang hospital attendant papunta sa ER ng ospital. Ng parang matutumba siya, naramdaman ni Lyn ang mabilis at maagap na pagsapo ng batang propesor sa kanyang bewang. Saglit siyang napayakap dito. Subalit maagap siyang kumalas. Naghahabol ang kanyang hininga.” Kay bilis ng palpitation ng puso nya”, Naisip nya. At gusto niyang maasiwa sa sarili nya. Bakit may pinukaw na init sa ibaba ng puson nya ang saglit na pagkakahawak ng batang propesor sa kanyang bewang. Kisap-mata lang yun. Pero parang nagmarka sa buong katauhan nya.

Nagkatitigan sila. Titig na tanging ang mga mata nila ang nag-uusap. Pero bakit ang mga puso nila ang masaya?

“Susunduin mo ba ako mamaya?” Ulit ni Lyn doon sa unang tanong nya sa kausap. Mabagal silang naglalakad sa pasilyo. May kalahating oras siyang magugol para sa breaktime.

“Oo, sana kung pwede at walang—susundo sayo…”

Ilang ulit pa na naganap yung pag-punta-punta at pagsundo-sundo ni Tim kay Lyn sa ospital bago nya nakamit ang pag-‘Oo’ ng dalagang doktora sa kanyang panliligaw. Sadyang itinaon ng dalaga na sagutin ang pamimintuho ng binata sa birthday nito.

Naka-upo sila sa isang sulok ng matulaing Kawa-kawa Hills, sa bulbundukin ng Ligao, Albay. Tanaw nila ang iba-ibang mga puno at halaman sa ibaba nito. Masarap sa pandama ang sariwang simoy ng hangin. Subalit, mas masarap sa pandama na kapiling nya ang lalaking ito na gumising sa kanyang matagal na naidlip na puso. Araw ng pagsilang ni Lyn. 26 years old na siya. September 26, yun ang petsa ng kanyang kapanganakan. At sa araw na ito ibinigay nya sa binatang propesor ang kanyang pag’Oo” sa iniluluhog nitong pag-ibig.

” Talaga, Lyn?” Parang paniniyak ng binata. Tumango siya. Itinapon niya ang kanyang paningin sa dakong ibaba ng burol. Parang ayaw nyang masalubong ang tingin ng binatang katipan na nya ngayon. Parang napapaso siya kapag tinititigan nito.

Subalit, maagap ang binatang propesor. Inakbayan siya. Ibinaling ang kanyang mukha sa mukha nito Pumikit siya ng apuhapin nito ang kanyang mga labi. May bahagyang nginig ba ang kanyang mga labi ng sumayad dito ang mainit na labi ng katipan? Ito yung unang halik nya. Hindi nya alam kung paano. Subalit hindi na siya bata. Sa buong taon ng kanyang pag-aaral mula noong kamusmusan sa elementarya, at sa mga kamulatan sa high school, at sa mga pagtuklas as mga taong ginugol nya sa pre-med at hanggang makatapos siya ng kurso sa medisina, nakakapanood na rin siya ng mga adult oriented na films at videos. Pero hindi siya naantig sa mga ito. Di tulad ng pagkaka-antig nya sa sandaling ito sa init na idinudulot ng labi ng binatang itinatangi.

Nagpa-ubaya siya. Ibinuka nya ang malambot at mamasa-masa nyang mga labi. Naramdaman nya ang banayad na pag-labas pasok ng dila ng binata sa kanyang bahagyang naka buka na bibig. Salitang sinisipsip-sipsip nito ang kanyang mga labi at ipinapasok ang dila nito na parang inaapuhap ang kanyang dila. Napakapit siya sa likuran ng binata. Naramdaman na lang nya na nakalapat na ang kanyang likod sa nakalatag na jacket ng binata na kanina lang ay kanilang inuupuan. Idinilat nya ang kanyang mga mata. Natatakot siya baka may ibang tao sa paligid at makita sila sa kanilang pag-uulayaw.

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap nito at umayos ng pagkakaupo. Pero sumandal siya sa dibdib ng binata. At naramdaman niya ang mabilis na tibok ng dibdib nito at tila paghahabol ng paghinga nito. Tumingala siya at nagtagpo ang kanilang mga titig.

“Sorry,” Sabi ng kayakap niya. Pero kinabig nito ang ulo nya palapit sa kanyang dibdib. “Nabigla ako, natangay ako ng sobrang tuwa…” Parang pagpapaliwang nito sa nagawang pangahas na paghalik sa kanya.

Hindi kumibo si Lyn. Wala siyang naisip na sabihin. Ramdam pa nya ang bahagyang panginginig ng kanyang kalamnan sa unang halik na yun na naranasan ng kanyang mga labi. Nanunuot pa sa kanyang kaloob-looban ang tamis ng halik ng binatang, katipan na nya ngayon. Ang kakaibang init na pinukaw sa kanyang pagka babae ng matamis na halik na yun.

Inabot ng isa nyang palad ang pisngi ng binata. Nakahiga na siya sa kandungan nito sa pagkakaupo sa bahaging iyon ng makapigil-hiningang burol ng Kawa-kawa. Papalubog na ang araw. Kinurot-kurot nya ang pisngi ng binata. Walang salitang namutawi sa pagitan nila. Wala namang kataga na sapat para ilarawan ang mahika ng pag-ibig. Wala namang kataga na akma sa nadarama nilang marubdob na pagmamahal sa bawat isa.

At naramdaman nyang yumuko ang katipan. Hinalikan siya sa labi. Hinawakan nya ang ulo nito habang kinukuyumos siya ng halik nito. Kusa na nyang ibinuka ang kanyang bibig. Kusa na rin nyang inapuhap ang dila nito ng kanyang dila. At ang halikan nilang iyon ay naging mitsa. Na magpapasabog ng isang itinakda…

Nag-aagaw na ang liwanag ng bumaba sila mula sa burol ng Kawa-kawa. Sumakay si Lyn sa harap ng owner type jeep na dala-dala ni Tim. Masayang-masaya ang kanyang pakiramdam. Ito na yata ang pinaka-masaya nyang kaarawan. Tinapunan nya ng tingin ang binata habang banayad nilang binabagtas ang baku-bako at may katarikang daan pababa sa burol. “Kung nakilala nya agad ang binata noong una pa, baka hindi nya pinangarap na maging ‘Dra. Lynn Abarrientos’. Baka mas ginusto nyang maging simpleng, ‘Mrs. Lynda A. Domingo’!” Nangiti si Lyn sa iniisip.

“Any food for thought…?” Sinulyapan siya ng katabing nagmamaneho sa jeep na kanilang sinasakyan. Pinukaw nito ang pagmumuni-muni ni Lyn. ” Mukhang malalim ang iniisip ng misis ko ah?”

Misis? Natuwa siya sa sinabi ng katabi. Pero, misis agad? ” Hoy, mister, nahalikan mo lang ako kanina, misis na agad?” Sabi nyang naka-irap. Pero ngiting-ngiti siya. Damang dama ni Lyn na totoong gusto nyang maging katotohanan na maging kabiya…