Pandemic Blind Date 2

Uy coffee, wag ka na gumana. Pabayaan mo na si wine gumana. Nakakailang na nga dito sa guest room ng bahay nila Bruce, di mo pa ako patutulugin. May work na ako mamaya.

Gaga! Hindi ako epekto ng kape. Aminin mo nang ginigising mo sarili mo kasi di ka makapaniwala. At super kilig ka pa din. Gusto mo pampatulog? Nasa kabilang room lang si Bruce, katukin mo at magpahele ka hahahaha sa good night kiss nya kanina? I doubt na matutulog kayong dalawa bwahahaha

Shhhh Seryoso ako! May work pa ako later and I need my sleep…

…pero so true! Fairy tale ba tawag dito? Whirl wind romance?

Matapos nya i-cut short ang kain ko sa Cibo bigla sabi nya na ipapakilala nya ako sa family dinner nila. Baka daw tapos na nga lang sila magdinner kaya for continuation na lang ulit dinner ko after nya ako ipakilala. Aangal sana ako pero before nya buksan ang pinto ng Audi Q8 nya ay sinandal ako at hinalikan. I should say that that was the best compared sa dalawang unang halik nya. Nanghina ang tuhod ko and I needed to lean on him for support.

“You’ll be fine love. They will love you as I do”

Pagsakay nya sa kotse ay nakita nya ako na mukha pa rin akong aligaga kaya sabi pa nya..

“Don’t be scared. You are just appropriately dressed. Casual lang dinners namin kapag Sundays unless may guests. We haven’t had any since pandemic. Si mommy ang old rich pero she has been very welcoming sa mga naging past gf ko and past bf ng mga kapatid ko. Si Daddy…sya ang pinaka down to earth. He has proven himself kay granddad pero di naging mayabang. So… Let’s go!”

Before driving away, kinuha nya isa kong kamay, hinalikan yun at kinindatan ako.

On our way to Valle Verde – sa bahay ng parents nila, nagrecap sya ng names ng buong mag-anak – mom, dad, sisters (panganay na, only boy pa at sya na lang ang hindi married…ang pressure diba!), BILs, nephews and nieces. Even names ng mga kasambahay.

Pagdating, Tessa, one of their kasambahays told their mom na dumating kami. Everyone was having drinks and pastries sa garden. The kids have their own play area sa isang corner.

Commercial…funny story…his mom calls him Weng-weng! Imagine sa laking lalaki nya Weng-weng ang endearment ng mom nya sa kanya.

One of his sisters instructed Tessa to prepare a table for us. Paborito daw kasi ni Bruce ang ulam and for sure di pa kami nakakakain. Well…my eyes were looking at the pastries. Di na ako nagorder kanina sa Cibo dahil kakakurot-kurot ko lang sa cookies and brownies.

It was somehow a recap of items we were discussing kanina. Pandemic issues, politics, business and now may kasamang stocks and investments for the kids. At syempre ang love life ni Bruce. Kilala na pala nila ako in a way pero wala pang name…just a chatter that makes him happy everyday. Ilang Sunday dinner na nya ako naikukwento. My gosh! Ganun sila kaopen sa family na parang mga bata pa rin sila not keeping secrets sa parents nila.

Speaking of kids.. our chikahan ended when the toddlers were fetching their moms for their bedtime stories. 11pm na.

“Let’s call it a night then. All of you have work tomorrow…no one without their driver here will not go home tonight. We all had our fair share of alcohol.”

Ligpitan na ng garden. And I noticed that yayas and drivers were getting things from the brother-in-laws to get the car ready. Isa-isang umalis ang mga kapatid nya and their families at nagpaalam sa kanilang mommy and daddy. Tsaka sa akin na din saying they were happy to finally meet me.

After nila umalis…

“Lea, hija. Naipahanda ko na ang guestroom ni Bruce. After hearing how you two met, I’m not sure ano ang gusto mong sleeping arrangement. Malapit lang naman si Bruce in case mailang ka. I’ll be sending change of clothes sa kwarto mo para makafreshen up ka. Also, what time ang work mo bukas? I’ll tell Manang Fely to fix something for breakfast. Would you like it to go?”

I was cornered and hindi makasagot. I looked across Bruce and he just gave me a resigned look telling me to give way.

I just smiled and nag-beso mom nya. Off they went. Kami na lang naiwan sa sala.

Lumapit si Bruce sa akin, umakbay at naglakad kami. Malamang papunta sa guest room. Nadaanan namin ang kusina…my golly ang laki! Even nung dining table.

“Kapag ganito…wala ka naman choice but to say yes kay mommy. Even kaming mga anak di nakakalusot. Lahat kami may kwarto na may katabing guestroom. Para di malayo sa amin mga bisita namin. Mommy is a naturally born party host.”

He stopped at a door adjacent to another door a few meters away.

“This will be your room. And that is my room. If you need anything, call me or knock lang. Sunduin kita bukas ng 6am?”

I nodded. Speechless. Still overwhelmed. Iba yung light convo situation sa alone kayo sa dim light. Respeto Lea. Bahay ito ng parents ni Bruce. Kalma kahit apaka-romantic ng setting. Di mo nga alam saan room ng mommy nya. Kakahiya mabisto ka.

Before I opened the door, Bruce kissed me. Hawak nya pisngi ko to keep it in place where he wanted it. Natigil sya saglit at luminga-linga. He opened the door and led me in. Nakita nyang nasa foot na ng bed ang mga damit na nabanggit ng mom nya kaya resume sya sa halik. Ngayon malikot na ang mga kamay nya. Pati halik nya humihiwalay sa labi ko.

Nandyang hinawakan nya ang boobs ko sa labas ng shirt at dinidilaan nya ang leeg ko. I was pinned sa wall katabi ng pinto. Then he touched my butt and rubbed my body sa namamaga na nyang ari. Di ko napigilan umungol sa sarap…

…then he stopped. Nag ayos ng sarili.

“Soon love. Not now. Sorry di makatiis. First time may nagsleep over dito na girlfriend ko. Good night and see you later.”

He left me after a quick wet kiss. Wow! Ang conservative din pala nya kahit paano. Or baka rule ng mom nya. Ok din naman. Patience challenge. Personality building ito.

Hay Lea. Tara na at maligo. Need to cool yourself down.

——

That has been 2 hours ago and I can still feel Bruce’s body heat.

Water. I need water.

Doning the robe that came with the night gown, lumabas ako at naglakad papunta ng kusina.

Just when I was about to open the refrigerator to get water, the lights went up. Yikes! Muntik ko na mabitawan yung water carafe.

“Can’t sleep?”

Bruce’s dad. Smoking sa corner ng dining table and may hawak na scotch siguro yun.

“Opo. Iinom lang ng water then babalik na din sa room. Naistorbo ko yata kayo.”

“On the contrary. Join me. I’ll even take out my cigar. I saw na hindi ka comfortable sa smoke kanina. I don’t bite. Sabay na lang tayo magpaantok. Tatapusin ko na lang din naman itong nasa baso ko.”

Ano pa ba magagawa ko. Kumuha ako ng baso at coaster na nasa gilid ng lalagyan ng baso. Awkwardly, nilapag ko ang baso sa tapat ng upuan na tinuro ng daddy ni Bruce. Dun na din ako naupo.

“Gusto kita hija.”

“Po?!”

“Nakikita ko ang sarili ko sayo. My daugters all married within the business circle. Kaya pamilya ng mga kapartner ng lolo nila sa negosyo ang mga napangasawa….

…gusto kong isipin na iba ko napalaki ang mga anak ko. Nung bata pa sila, salitan ang bakasyon nila abroad at sa bahay namin sa probinsya. Lumaki silang mulat sa dalawang magkaibang mundo. Hindi sila magugutom kasi marunong sila lahat magbanat ng buto at kumilos sa bahay pati na rin sa bukid…

Pero dahil na rin siguro mas malaki ang oras nila dito sa Maynila, mas sanay sa karangyaan at napapalibutan ng mga mayayaman nilang kaibigan. Simula nakagraduate sila sa kolehiyo, madalang na silang umuwi ng probinsya.

…pero hindi si Bruce. Akala ko nuon masyado syang spoiled sa mommy nya pero sa lahat sa kanila, sya na lang ang taon-taong bumabalik sa bukid namin sa Ilocos. Kilala pa rin nya ang kanyang mga naging kalaro, aming kasambahay at pati mga trabahador. Kahit nga dito sa negosyong tinayo nya na kasosyo ako ay kilala nya hangang mga bisor. Mahigit 500 na yata ang empleyado nya.

…kaya hindi ako gulat na hindi mula sa altang pamilya ang matututunan nyang mahalin. He has been a gigolo nung kabataan nya, sinong lalaki naman ang hindi lalo kung may kakayahan gumastos. Alam ng mommy nya may mga naging girlfriend na syang nakatalik. Kaya ako nandito kasi di mapakali ang asawa ko. Rule nya na no premarital sex dito sa bahay namin. Minsan din kami naging mapusok pero nung nahuli kami ng kanyang mama na mainit na naghahalikan ay inatake ito sa puso. Dahil rin dun ay natagalan kami bago makasal, pinahupa pa muna namin ang galit ng mga magulang nya.

…Kaya walang nagpapatulog ng girlfriend at boyfriend dito. Kung tutuusin, sa edad ng anak ko, ikaw ang unang nakilala namin dito sa bahay. Madalas sa mga party ng pamangkin lang nya isinasama ang nobya nya. Ngayong nakita kitang galing sa kwarto mo. Makakabalik na ako sa kwarto namin para pakalmahin ang asawa ko. Hahaha nakakatawa ba kami? Matatahimik na si Victoriang malaman na masunurin pa rin ang kanyang unico hijo. Paano? Hanggang sa susunod na Sunday dinner. Malulungot si Victoria at baka ipasundo ka pa kung absent ka. Good night hija.”

Ang malamig kong tubig sa baso ay lalong nagpalamig ng kamay ko. Ano naman ang masasabi ko dun. Akala ko sa mommy lang ni Bruce ako speechless. Mas matindi pa pala ang daddy nya. Tango lang at pilit na ngiti ang nagawa ko.

Makainom na nga ng tubig para kumalma at makatulog.

——

Kasabay ng aking alarm ay may mahina akong narinig na katok.

“Lea, gising ka na ba? Naghahanda na ng almusal. Labas ka na lang.”

Dali-dali ako tumayo at naglakad papunta ng pinto at bumulong ng sagot ko.

“OK. Be there in 10minutes”

“Wag ka magmadali. Just checked traffic, maluwag pa. Wag mo na din ayusin ang kama, just be ready”

“Ahmmm, Bruce, ok lang bang di mag-almusal?”

“Love, I know your capacity and appetite. If pressed for time, I’ll just tell them to pack 2 for us.”

“Okay”