Pang-Akit Ng Maynila: Pang Labing-dalawa

Kay Adrian…

Asan na yun!? Asan na?? Nangapa si Adrian, nabitawan nya yung magnum sa lakas ng pagtalsik nya! Medyo madilim pero sa isang banda makikita ang pagkinang ng Magnum ni Lili sa kakaunting liwanag ng buwan! Tumayo sya para dalahungin na sana yung baril, pero natigilan sya nang makita yung malaking lalaki kanina nasa baba lang. Ngayon nasa taas na rin! Ambilis naman naka-akyat nito!

“May pagka-tanga ka rin… Dagdag ulam ka” Ang malakas na boses na sabi sa

kanya ng lalake.

Nanggalit ang puso ni Adrian. Gusto nyang gumanti, gusto nyang saktan ang lalaki! Pero anong maggagawa nya? Yung lalaki parang lalong tumitigas at lumalaki ang mga muscle nito lalo! Nakita nya nasa bandang may likuran ng lalaki ang baril na magnum na binigay sa kanya ni Lili para gamitin! Anhirap talaga maging mahina!

Trug, trug, Trug! Ang tunog ng mga hakbang ng lalaki na papalapit sa kanya! May nabuong plano sa isip si Adrian kahit papano.

BAHALA NA!! Ang sigaw nya sa kanyang isip.

Nakita nya kasing habang papalapit sa kanya ang may malaking katawan na lalaki, lumalayo naman ito sa kung nasaan nandun ang Magnum ni Lili!!

Biglang tumakbo si Adrian sa may kaliwang parte nang lalaki, dadaluhungin na nya ang magnum na baril!!! Nang biglang may tumama sa kanyang malakas!!!

Halos mawalan sya ng malay sa lakas nun!!! Ang paningin nya nanlalabo. Naramdaman nalang nyang inaangat sya mula sa lupa, nahirapan syang huminga! Di na malaman ni Adrian kung saan sya tinamaan, halos wala na syang maramdaman sa katawan nya! Ang nararamdaman nalang nya ay yung malakas na pagkakasakal sa kanya ng di-kilalang lalaking to! Sa may mukha nya parang may dumadaloy na mainit-init! Ganun din sa katawan nya parang mainit-init na malapot na kung ano!! Ano yun dugo??! Mamamatay na ata ako!? Tanga mo kasi kahit kelan Adrian eh!!!

Paano na si Nanay Lorna? Si Lili na pasaway? Si Maricel? Sino na mag-aalaga sa kanilang mag-ina?? Lalo na Si Kholette… Kholette pasensya na… Kho…

© 2019 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

—————————————————

Kay Lili…

Kinabahan si Lili nang makitang wala na ang lalaki. Ang dalagitang tauhan nalang nang Baghoul ang nandito kaharap nya. Biglang naisip nya si…

“ADRIAN!!” Sigaw ni Lili.

OH FUCK!!!!! Biglang nagliwanag sa masilaw na Aura ang buong katawan ni Lili!

“3rd eye… 50% open… NOW!!!” Ang sigaw ni Lili!

BWEEEEWSSSHHHH!! Ang malakas na pagliwanag ng banal na aura galing sa katawan ni Lili!!

Nasilaw sa liwanag ang dalagitang si Alleli na isa na sa mga tauhan ng Baghoul!! Kakaiba na ang nararamdam ng dalagita galing sa kaharap na babae! Biglang lumakas ang kapangyarihan galing sa dalagang may espada!! Ang buong katawan nito nagliliwanag sa nakakasilaw na Banal na Aura!!

Nakita nalang ni Alleli ang babaeng kaharap nya biglang parang bumuwelo!! Hanggan sa…

BAGWEESSHH!!! Ang malakas na tunog ng likha nang buong lakas

lumundag pataas ang matapang na Mishrin si Lili! Puntirya nya ang lalaking habul-habol si Adrian! I hope nothing happens to Adrian!!! FUCK!!! Your plans always fail Lili!!! You stupid naive girl!!!

Ang mga nasa isip ni Lili na paninisi sa sarili!! If something happens to Adrian… What am I gonna do?? How can I explain this to Lorna? To Maricel and specially… Kholette?? Kinabahan pa lalo si Lili…

Hanggan sa saglit lang nandun na rin sa mataas na lugar sa may top floor ang dalagang Mishrin!

Agad na hinanap ni Lili ang kasa-kasama kanina… Adrian where are you? Hanggan sa nakita ang hinahanap. Nanlaki ang mga mata ng dalagang Mishrin sa nakita. Sakal-sakal na nang malaking lalaki ang walang kalaban-labang si Adrian!! Sa gilid ng ulo duguan… Sa katawan duguan… Tumutulo ang maraming dugo… hanggan sa pumapatak na ito sa semento…

HAAAH!!! Ang malalim na hininga nang Mishrin.

Sa gitnang katawan ng binata dun may malaking butas… isang butas na duguan!! Pagbagsak ni Lili sa semento, nanlumo sya sa nangyari sa kaibigan. Ang mga bituka ni Adrian… Hila-hila… Hawak ng Baghoul. Nakangisi pa ang Baghoul nang tumingin ito sa kanya. Walang awang kinakain ang lamang loob nang binatang mabaet na tinanggap sya!!!

What have I done? Napatingin si Lili sa semento. Masakit ang loob. Sinisi ng sinisi ang sarili!! Hanggan sa Uunti-unti itong napalitan ng galit!!! Unti-unting lumalakas ang naglalagablab na aura nang banal sa katawan ng dalaga.

I have to avenge Adrian!!! Ang sigaw sa isip ng dalagang Mishrin.

Nabuo sa isipan ng isang Lili Gallagher ang kanyang gagawin!! Lalo na nang parang kinakalikot pa ng halimaw ang mga bituka sa loob ng katawan ni Adrian…

“3rd Eye…. 100 per…”

Pero bago pa bumuka ang pangatlong mata ng Mishrin sa kanyang ika-sandaang porsyento ng kanyang lakas…

WAPAGG!!!! Ang malakas na tunog nang sumapol sa likod nang ulo ang dalagang Mishrin ng isang matigas at mahabang bagay!!

Tumba agad… Mangisay-ngisay ang Lili habang papabagsak sa semento ang halos nawalan na ng ulirat na Mishrin!!

BAAG!! Nang lumagapak paharap ang katawan at mukha ng dalaga sa

semento!!

Pagmulat uli ng mata ng dalagang mandirigma nakita nya ang humampas sa kanya. Ang hubad na dalagitang tauhan ng BaGhoul! Kasama ang dalawa pang lalaki malalaki rin. Mukhang mga tauhan nahawa na nang pagiging isang halimaw ng malaking lalaki!! Ang isa dun may hawak na isang mahabang bakal!! Yun siguro ginamit pinanghataw sa kanya!

“Adrian… E-Adr-ian… Sorry… I’m Sorry…” Ang maluha-luhang si Lili.

Ang kaliwang kamay pilit inaabot kahit malayu-layo pa dun sa kung saan walang awang nilalapa ng BaGhoul ang kawawang kaibigan!!

“God… Please no…” Ang mga namumutawi sa nanghihina na ring si Lili.

© 2019 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

—————————————————

Kanina… Sa Condo ni Adrian…

Nakatayo lang sa may balkonahe nakatingin sa malayo ang Lorna nanay ni Maricel. Di nya alam kung bakit parang may masamang kutob syang nararamdaman.

“Inay… Di po kayo makatulog?” Ang isang boses galing sa likod nya.

Paglingon ni Lorna andun si Maricel ang kanyang dalagitang anak.

Pages: 1 2 3