Para Po

Context: The story you’re about to see pictures the dailygrind of a typical pinoy “pink collar” worker until one day, everything changed…

John, 23 years old, tipikal na pinoy na naghahangad ng magandang buhay at kinabukasan. Nagaaral kasabay ng pagtatrabaho sa isang BPO industry.

Pang hapon si John at madaling araw siya nakakapag’out sa kanyang trabaho. Sasakay ng van papasok at sasakay ng jeep pauwi. Kalhating oras ang byahe kapag walang traffic at mahigit kumulang isang oras naman kapag minalas.

Sa araw araw na pagbyahe ni John ay nakita na niya halos lahat ang samu’t saring ugali ng mga tao. May mayaman, may mahirap, may maganda, may semi-panget, semi-tanga at semi-manyak, may pachix na keme, may pabebe at kung ano ano pa.

Hindi nalang niya pinapansin ang mga ito dahilan ng pagod at puyat sa trabaho nang isang gabing umuwi si John galing sa trabaho. Jeep ang sinasakyan niya pauwi at punuan ito, yung tipong pang tatlong piso nalang ang upo mo at halos pisngi nalang ng pwet mo ang nakaupo.

Umupo si John sa likod ng Driver para naman wala ng sisiksik sa pwesto niya. Maluwag pa ang jeep ng may tumabi sakaniya na mala anghel ang muka, naka puting uniporme na pang nurse at kurbang kurba ang hubog ng katawan sa suot na uniporme.

Hindi lubos maisip ni John kung bakit sakaniya tumabi ang dalaga, nagpasukan na ang kung ano anong isipin sa utak ni John.
“Mangagantsyo ba ito? Snatcher? Manghihipnotismo?” Kung ano ano nang naisip ni John dahil hindi niya maisip kung bakit siya pa ang tinabihan ng chick na ito. Hindi kagwapuhan si John, medyo lang . Kahawig lang niya si Sam Concepcion na kinulang lang sa tulog.
Pero dahil fit at walang bisyo, malinis pumorma, ay medyo takaw tingin din si John.

“Hay nako, hayaih na at muka namang hindi namamansin to si Ate, just another random jeepney girl na chambahan mo lang makita pag full moon.” ,ani John habang kausap ang sarili.

Sa pagod, hindi na siya nagisip pa kung bakit sa kaluwag luwag ng jeep sakaniya pa tumabi ang mala Elisse Joson datapwat itinulog niya na lang ang kahibangan.

Saksan si earphone kaliwa’t kanan, sabay play ng playlist na Alternatives ang pangalan.

Pasensya na, kung papatulugin na muna,
ang pusong napagod, kakahintay.

Kaya sa natitirang, segundong kayakap ka, maaari