Ang islang namumukod tangi dahil sa pagkakaroon nito ng ibat-ibang klase ng prutas, sari-saring hayop at magagandang tanawin.
Ang islang kinagisnan ng sampung survivor na nakaligtas sa aksedente.
Ang isla kung saan nakilala ni Jade ang sari-saring babaeng naghatid sa kanya sa labis na kasarapan, Kalungkutan at sari-saring emosyon.
Kung saan niya naramdaman ang pagmamahal, pagpoprotekta at pagpapahalaga
Ang islang masasabing mong isang PARAISO.
ngunit. .
Ngunit kabaliktaran sa gabi.
Kung gaano kasarap mamuhay sa umaga ay ganoon din kadelikado sa pagsapit ng dilim.
Sa pagkawala ng haring araw ay doon din ang oras nang paglabas ng mga kakaibang nilalang.
Mga nilalang na walang ibang iniisip kundi punan ang nagugutom na tiyan.
Mga nilalang na kumakain ng kapwa tao.
Mga nilalang na kung tawagin natin ay mga canibal.
Dito nag uumpisa ang karugtong ng kwento ng ating bida matapos maranasan ang sari-saring emosyon.
Sa islang kanyang kinaroroonan.
Ang islang tinatawag na. . . . .
PARADISE ISLAND
(Book 2)
18+
By: Razel22
Napakaaliwalas na umaga kung saan umiihip ang malamig na simoy ng hangin at nasisikatan ng sinag ng araw ang mukha ni Jade na nakatayo sa mismong puntod ng tatlong namatay na mga survisors.
Tanggap niya na ang nangyari at nagising na sa katotohanang kailangan niyang tanggapin ang kapalaran at harapin ang ano mang pagsubok na darating sa kanyang buhay.
“Jade. Araw-araw ka na lang nandito. Di mo ba itutuloy pagsasanay mo? Naghihintay na si Shiela doon sa kapatagan kasama si Gregory. “ saad ng babaeng nasa likod ni Jade kaya napabuntong hininga muna siya bago nilingon ang babae.
Sa tuwing tinititigan niya ang mukha nito ay parang nawawala ang lahat ng problemang kanyang nararamdaman.
Ang napakagandang mukha na kayang magpabago sa kanyang hangarin. Ang mukha ng babaeng kanyang laging hinahanap hanap mula noong napadpad siya sa isla.
Agad siyang napangiti at itinaas ang kamay upang haplusin ang makinis na pisnge ng babae. ” Nagpapaalam lang ako sa kanila . Mahal kong Leah. At simula ngayon ay kailangan na nating magplano sa mga dapat nating gagawin.
Mahal sana suportahan mo ako sa lahat ng bagay. Ikaw. Kayo ni Pearl .Kayo ang nagbibigay lakas sa akin upang makatayong muli mula sa pagkalugmok. “ sabi niya dito at hinagkan ang matamis na labi ng babaeng katutubo na natutunan niya nang mahalin.
Sa pagkakahinang ng kanilang mga uhaw na labi ay mas lalo itong nag patibay sa desision ni Jade na magpursige sa pagsasanay sa ilalim ng pangangalakad ni Shiela.
Nang bumitaw si Jade sa halik ay nakangiting nakatitig sa kanya ang magandang katutubo. “Tara. Kanina pa sila nag hihintay. Hmmm at babalik pa muna ako kay lola at lolo Jade ha. Magpapaturo pa ako sa kanila sa mga salita niyo kasi meron pang di ko naiintindihan hihi” sabi nito at magkahawak kamay silang naglakad sa kasukalan sa gitna ng gubat papunta sa dereksyon kung saan ang kapatagan at nag hihintay sina Gregory at Shiela.
Nang malapit na sila ay napabitaw si Leah sa pagkakahawak ni Jade at humarap sa lalaki ” Mahal mag-iingat ka ha. Pagnagugutom ka pasok ka lang sa kuta at may inihanda na akong mga prutas para sayo” sabi nito at humalik muna sa labi ni Jade bago tumakbo papunta sa kweba na natatabuanan na malalagong dahon.
Medyo matagal na rin mula nung makabalik si Jade sa kapatagan at ang huling natatandaan niya sa lugar na yun ay noong hinahabol sila ng malaking canibal kung saan nagkahiwa-hiwalay sila ng landas.
Naglakad siya at hinanap ang dalawang kaibigan ng mapabaling ang tingin ni Jade sa malagong dahon na sa gilid ay may mataas na puno na kung saan namatay si Nina .
Ang lugar na huling natatandaan niya bago siya mawalan ng malay. Laging gumugulo sa isipan ni Jade kung bakit siya nabuhay nang gabing yun. Ang huling mukha na nakita niya bago mawalan ng malay ay ang mukha ng isang magandang katutubong canibal na tinawag niya sa pangalang. .
“Bianca”
“Jadeee!! Dalii!! dito kami punta kami muna dito bilis” tawag ni Gregory na nakakubli pala sa likod ng puno ng mangga. Nagbalik ulirat siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ng kaibigan hanggang sa maabutan niyang hinahaplos nito ang likod ni Shiela na nasusuka na naman.
“Uy pre baka di nakakain si Shiela at pumunta na kayo dito. Masama siguro pakiramdam nyan” sabi ni Jade ngunit nilingon siya ng babae na magkasalubong ang kilay. ” Hoy Jade !!! Bat ngayon ka lang!!! GWWAAAKKK!!! UUWAAHH!!! aauuhh!!! haaaaaa “ sabi nito at bigla na namang nasuka.
Nang mahimasmasan ay pinahid ni Shiela ang braso sa bibig nitong may bakas pa ng suka nito. “Jade kunan mo muna ako ng mansanas. Parang yun hinahanap ng sikmura ko eh. “ sabi nito kaya kunot noong nagkatitigan sina Jade at Gregory.
“Ehh kakasuka mo lang eh naghahanap ka na naman ng prutas. Shiela naman oh” Reklamo niya ngunit agad kinabahan ng makitang seryoso ang mukha ng babae.
“Ahh ehehehe ok ok sorry. Sige Shi maghahanap lang muna ako. “ sabi ni Jade at naglakad na paalis.
Naiwan sina Shiela at Gregory sa ilalim ng silong ng puno.
“Ahh Shiela sundan ko muna si Master Jade ha. sandali lang . maiwan muna kita. “ sabi ni Gregory at tumakbo na para habulin ng kaibigan.
“Pre sandali!! Bilis mo naman maglakad. Pagpasensyahan mo na si Shiela ha. Pabago-bago ng modo kasi at laging umiinit ang ulo. Minsan nasusuka” sabi ni Gregory kaya napalingon dito si Jade.
“Ok lang pre alam ko namang na depress yun sa mga namatay niyang kaibigan. Nga pala ok na ba talaga siya? Akala ko kasi na trauma kasi laging nag mumukmok sa kung saan at laging nag-iisa” sabi ni Jade kaya napatango si Gregory
“Yan nga din iniisip ko Pre eh. Na baka pinipilit niya na lang gumalaw para makalimot sa sakit na naranasan . Nga pala san punta mo?” tanong nito kaya nag-isip muna si Jade.
“Di ko pa alam pre. Maaga pa naman at mahihirapan ako nitong maghanap ng mansanas. Marami ngang prutas dito pero ang huling natatandaan ko na nakakain tayo ng mansanas e noong nasa dalampasigan pa tayo. “ sabi ni Jade at biglang napatigil sa paglalakad. kumunot ang noo at parang malalim ang iniisip
“Pre may problema ba? Parang kang may naisip bigla eh” tanong ni Gregory.
“Pre natatandaan mo pa ba si Mia? Yung katutubong nakasama ko sa dalampasigan noong napadpad tayo doon kasama si Steve” sabi ni Jade kaya napatango si Gregory.
“Pre nakapangako ako sa kanya na babalikan ko siya kada dalawang araw. At hintayin niya ako doon palagi dahil babalik at babalik ako. Pre mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nung nakapunta tayo doon. Baka naghihintay pa rin si Mia!” sabi ni Jade na parang nag-aalala
“Kung ganoon nga ay tumakbo ka na. Malayo pa ang dalampasigan pre. Parti na rin to ng pagsasanay mo sa resistensiya. Sige na ako nang bahala kumausap kay Shiela pag di ka nakabalik kaagad” sabi ni Gregory kaya nag umpisa nang tumakbo si Jade papasok sa kagubatan kung saan patalon talon siya sa mga masukal na damo.
Sa bawat madaanan niya ay labis na pag-iingat ang kanyang ginagawa upang di makakuha ng atensyon ng mababangis na hayop.
Ngunit nang makarating siya sa isang batis ay agad napatigil si Jade dahil sa nakita. Isang itim na ahas na kasinlaki ng kanyang binti ang katawan nito. Napalunok siya ng laway dahil sa kaya siyang lamunin ng buo nang ahas pag nakita siya nitong nakatayo lang sa gilid ng batis.
Dahan-dahan siyang humakbang paatras at ingat na ingat sa bawat galaw nang biglang makaapak siya ng isang sanga na agad ring nabali at nakalikha ng ingay.
Kasabay nito ang pag-galaw ng malaking ahas na nakuha ang atensyon ni Jade.
Gumapang ang takot mula sa paa paakyat sa kanyang ulo na ramdam na ramdam niya ang bawat pagtindig ng balahibo sa lahat ng parti ng kanyang katawan lalo na nang mag-umpisa nang gumapang ang ahas palapit sa kanya.
“Haaa relaaxx Jade. Huwag kang gumalaw. . ahas lang yann. “ Pagpapakalma nito sa sarili ngunit ng makaakyat na ang ahas sa batis ay ganoon na lang ang takbo nito pabalik sa kung saan siya nang galing.
“Haaaa!! haaaa!! puuttaaaa!!! haaaaa bat ka tumakbooo ka-kasii!! haaaa haaaa” habol hiningang reklamo niya sa sarili at napapalingon pa sa kanyang likod hanggang sa parang sasabog ang puso niya sa takot ng makita na mabilis na gumapang ang ahas sa kanyang dinaanan.
Kahit gaano man kabuo ang loob niya sa lahat ng bagay pero pagdating sa ganoong sitwasyon ay iisa lang ang dapat niyang gawin.
Yun ay tumakbo ng matulin sapagkat pagnaabutan siya nito ay siguradong walang kahirap-hirap siya nitong malalamon.
Ngunit nung araw na yun ay wala sa kanya ang swerte sapagkat nang makarating siya sa kanlurang bahagi ng kagubatan malayong malayo sa kanilang kuta ay nakakita siya ng isang pigura na inaakala niya ay isang usa lang.
Doon niya naisip na lituhin ang ahas para dumeretso ito sa kinaroroonan ng usa at para ito na ang magsisilbing almusal ng dambuhalang ahas na walang tigil pa rin sa paghabol sa kanya.
Gaano man kapagod at parang mauubusan ng hangin ay wala sa isip niya ang paghinto .
Ngunit ang inaakalang usa ay nagpadagdag lang sa kanyang kaba dahil isa pala itong malaking tigre na nakatingin din sa kanyang dereksyon.
Naghalo-halo na ang kanyang nararamdaman lalo na nang makitang gumalaw ang tigre at patakbong pumunta sa kanyang dereksyon para salubungin siya nito kaya parang nawalan na siya ng pag-asa.
Sampung metro na lang ang lapit ng tigre ng makaapak si Jade sa ugat ng kahoy na agad niyang ikinatumba at nagpagulong gulong sa damuhan hanggang sa mahulog ito sa ilog na kung saan may malaking puno.
Sa sobrang pagod ay parang mawawalan na siya ng malay at naghintay na lang na kainin siya ng ahas man o tigre at nagdagdag pa ang sakit ng katawan dahil sa pagkatumba nito .
Biglang nakarinig siya ng mga lagabol at tunog ng galit na hayop kaya kahit masakit ang katawan at pagod ay sinubukan niya itong silipin.
Nagkubli si Jade sa masukal na damuhan at gumapang para hindi makita hanggang sa namangha siya sa kanyang nasaksihan.
Naglaban ang ahas at malaking tigre na kung saan ay parang wala sa imahinasyon niya ang lahat ng nakikita.
Alam ni Jade na mas makakalamang ang ahas kapag naigapos nito ang katawan ng tigre lalo nat masakal nito ang leeg.
Ngunit nagkakamali na naman siya dahil napakaraming kalmot ang inabot ng ahas at duguan na ang ulo nito.
Doon naalala ni Jade ang kanyang alagang pusang si Bogart doon sa bahay niya sa kanyang pinagmulan.
Na sa tuwing may pumapasok na ahas sa kanyang tahanan ay si Bogart ang haharap dito.
Kitang kita niya kung paano kalmutin ng kanyang alagang pusa ang ahas hanggang sa manghina ito.
Di ito tumitigil na kahit gumapang na paatras ang ahas ay hinahabol pa rin ito ng pusa para paglaruan.
At yun mismo ang nangyayari sa kanyang nasisilayang laban. Kung gaano kalakas at kabilis ang galaw ng tigre ay ganoon din kabilis ang pagbagsak ng dambuhalang ahas na nag-umpisang gumapang paatras.
Ngunit hinabol pa rin ng tigre at walang tigil sa pagkalmot sa ulo nito hanggang sa sinakmal nito ang ulo ng ahas na rinig na rinig ang bawat tunog ng pagkawasak ng bungo na sa bawat nguya ng tigre ay umaagos sa mabulboling bibig nito ang dugo na patay na dambuhalang ahas.
Sa pagkamangha ay nabilib ng husto si Jade sa nasaksihan . Kusang tinawag niya ang tigreng
“Bogart!”
Ngunit wala siya sa sariling bahay kaya napaka imposibleng mapaamo niya ang tigreng yun tulad ng kanyang alagang pusa kaya gumapang na lang siya pababa sa ilog upang di makita ng malaking tigre dahil baka siya naman ang lapain nito.
Nang maiapak niya ang paa sa tubig ay naginhawaan agad ang pakiramdam dahil sa lamig nitong umaagos papunta sa dereksyon ng dagat.
Ngunit alam niyang hindi safe ang lahat ng bahagi ng kagubatan dahil sa mga mababangis na hayop na nagkalat. Kaya pinagmasdan niya muna ang ilog dahil sa pag-iisip na baka buwaya naman ang kanyang makita.
Nang masiguradong safe ito ay lumusong na siya sa ilog na hanggang leeg ang lalim kaya inumpisahan niya nang lumangoy .
Medyo malayo din ang kabilang dako at nadadala siya ng agos ng tubig kaya mas binilisan ni Jade ang paglangoy ngunit nang makarating sa dulo ay sabay na pagkirot ng kanyang sugat sa balikat na papahilom pa lang.
“Arrgghhhhhhhhh!!! Puutaaa!! bakit ngayoon paaa!!” di nito napigilang sumigaw at namilipit sa sakit kaya napaupo siya sa bato sa ilog at doon hinimas ang kanyang malaking sugat sa balikat .
Ito ang sugat na kagagawan ng canibal na tinawag niyang Bianca na natamo niya dahil sa pagprotekta kay Shiela bago siya mawalan ng malay mahigit isang buwan na ang nakalipas.
Dahil sa sigaw na yun ay nakuha nito ang atensyon ng malaking tigre na mabilis bumaba sa ilog kaya gumapang na naman ang takot sa katawan ni Jade at nanginig ng makita ang malaking tigre na galit na nakatitig sa kanya.
Pero maswerte pa rin siya dahil sa napapagitnaan sila ng ilog kaya nakahinga siya ng maluwag.
“Ohh!! Ano Bogart!!! Matapos kitang dalhan ng pagkain ako naman kakainin mo!!! Saan ang hustisya sa kabutihan ko!! Malaking almusal dinala ko sayo pero bat parang galit ka pa!! haa!!!” sigaw niya sa kabilang parti ng ilog na kinakausap ang tigreng galit na galit na nakatitig sa kanya.
“Ggrrrwwwwwlllll!!! Ggggrrrr!!” sagot ng tigre at akmang tatalon na sana ngunit ng mabasa ang paa ay agad itong napaatras at tumalikod kay Jade.
Napatitig muna ito sa mukha nang lalaki na parang tinandaan bago umakyat ulit sa itaas para ipagpatuloy ang pagkain sa patay na ahas.
Napabuntong hininga na lang si Jade dahil sa kokonting oras ay napakarami nang nangyari sa kanya sa lugar na yun kaya napagdesisyunan niya na lang umakyat sa itaas para pumunta na sa dalampasigan kung saan siya makakakuha ng mansanas na hinihingi ni Shiela.
Kukunan niya rin sina Pearl at Leah dahil alam niyang matagal ng di nakatikim ang mga ito ng mansanas kaya lakad takbo na naman ang ginawa ni Jade papunta sa dereksyon ng dalampasigan .
Mahigit tatlong oras din ang kanyang nilakbay at maswerte dahil sa wala na siyang may nakaharap pa na mababangis na hayop.
Meron mga kuneho, Baboy ramo, Kambing at kung ano-ano pa ngunit wala siyang oras para doon.
Natatanaw niya na ang dalampasigan kaya naglakad na lang siya hanggang sa makarating sa labasan ng kagubatan at nakita ang malaking kahoy na may hitik na bunga na una niyang natikman sa unang araw niyang mapadpad sa lugar.
Nakita niya rin ang batong kanyang binagsakan noong habulin siya ng Jaguar sa kagubatan kung saan siya iniligtas ng isang katutubo.
Isang babaeng katutubong may papel na sa kanyang puso. Ang mag…