Paradise Island I

PARADISE ISLAND

By: Razel22

Lunes ng umaga ay maagang nagising si Jade para mag ayos upang pumunta ng airport dahil flight niya ng araw na yon papuntang america para magbakasyon sa kanyang tita.

Si jade ay 29 years old. Walang asawa’t anak at mag isa lang sa buhay. Isa siyang tattoo artist na tumatanggap ng clients sa bahay niya or home service.

Gabi pa lang ay nag imapke na siya ng mga gamit at nilagay isa isa sa kanyang maleta hanggang sa tinignan niya ang oras at napabuntong hininga. “Tsk maaga pa pala. Dapat sana natulog muna ako. Pesteng RPG games yun. Embes na mapuyat ay mas maaga pa akong nagising. Bwisit.” Reklamo niya sa sarili hanggang sa kinuha ang niya ang cellphone na nakalagay sa maliit na mesa sa gilid ng kanyang kama.

Nagtipa siya dito at hinanap ang numero ng kanyang kaibigan hanggang sa mag connect ng tawag at nag ring.

Naka tatlong beses pa lang nag ring at nasagot agad ito ng kabilang linya. ” Putang ina ka good morning sino kang bwesit ka na tumatawag umagang umaga?” Bati ng kaibigan niya sa telepono kaya natawa na lang siya dito.

Pre 9am flight ko. Pasundo naman mamaya papunta sa airport oh. Si jade to” saad niya kaya nakarinig ng malakas na sigaw galing sa kabilang linya.

Putangina 4am pa lang pre! 9 am pa flight mo! Magpatulog ka muna uy. Gagong to oh.” Sagot sa kabila kaya napabuntong hininga si jade.

“Ok ok papahiram ko pa sana sayo ang kotse ko habang wala ako dito eh. Fulltank yun tsaka kondisyon ang makina.” Saad niya kaya natawa ang kaibigan sa telepono.

Tangina ginamit mo pa sasakyan para makapagpahatid. Ano akala mo sakin? Uto-uto? O punta na ba ako jan? May kape na ba jan?” Saad nito sa tawag kaya natawa na lang si jade.

“Sure pre. May kape dito . Ikaw na rin gumamit ng isang laptop habang wala ako. Tsk. Kahit bahay ko ikaw na bahala! Bigay ko sayo mamaya ang susi” saad nito kaya natawa ang kaibigan sa kabilang linya.

” Good! Kung may chix ka na iiwan pre bigay mo na din para all around na serbisyo ko. Haha” saad nito kaya napailing na lang si jade

” Sige na pre mag charge pa ako ng cellphone. Pumasok ka na lang deretso pagkarating mo dito at magluluto lang ako ng makakain natin” saad ni jade at pinatay na ang tawag.

Agad niyang tinitigan ang oras at napailing sapagkat 4:15am pa lang ng umaga.

Masyadong excited na parang hindi rin ng kanyang nararamdaman kaya tumayo na siya at nag inat ng katawan.

Nang makalabas na sa kwarto ay dumiretso siya agad sa kusina para mag luto ng makakain hanggang sa mapatingin ang mata niya sa ticket ng eroplano na nakalatag sa mesa sa sala.

Kung doon ang kapalaran ko sana swertehen ako sa U S. Pero pag mamalasin eh balik agad. ” Bulong niya sa sarili at nag umpisa ng magluto.

Di nagtagal ay nakarating din ang kanyang kaibigang si roland kasakasama ang kanilang kaibigan din na si benjie na bagong gising din.

Tangina niyo pre! Ang aga aga nang iistorbo kayo eh” reklamo ni benjie at naghihikab pa kaya pinapasok muna sila ni jade at pinagtimpla ng kape.

Habang nagkakape ang tatlo ay kinuha ni jade ang ticket at pinakita sa mga kaibigan.

Titig na titig dito sa benjie hanggang sa inilapag ang baso sa mesa at nagsindi ng yosi.

“Pre parang di maganda ang pakiramdam ko sa byahe mo. Cancel mo na lang kaya? ” Saad nito kaya napatingin sa kanya si roland at jade.

Pre naman. Huwag naman ganyan parang sinasabi mo na madidisgrasya tong si jade eh. Pang goodluck naman jan oh haha” saad ni roland kaya tumango na lang si benjie ngunit di naaalis ang titig sa ticket na hawak ni jade hanggang sa tinitigan niya ito.

” Pwes pre incase lang ha. Dalhin mo to. Incase of emergency buksan mo lang at malaki maitutulong niyan” saad ni marcus at kinuha ang beltbag na sout sout niya at binigay kay jade.

Ano na naman to pre? Haha incase incase ka pa jan” saad ni jade ngunit seryoso ang mukha ni benjie kaya di na siya nag reklamo.

7am nagbyahe na sila papuntang airport dala dala ang sasakyan ni jade . 30 mins lang at nakarating na sila doon kaya papasok na sana si jade ng biglang bumalik at may kinuha sa bulsa at binigay kay roland.

“Pre susi ng bahay ko yan. Kayo na bahala habang wala ako. Salamat sa paghatid.” Saad niya at naglakad na papasok sa waiting area nang makarinig sil ng pag iyak.

Agad nilingon ni jade ang umiiyak at nakita si Roland na nakaluhod at nagkunwaring iiwan siya .” Jade! Huwag ko kaming iiwan! preeeee!!! Matapos mo kaming pagsawaan iiwan mo na kami?!!! Preeeee!!!” Malakas niyang sigaw kaya agad lumapit ang gwardya kay benjie at roland.

Nang makita nila na paparating ang guard ay dali-dali siyang tumayo at tumakbo palabas ng airport.

Natawa si jade sa kalokohan ni roland at naglakad na lang siya papasok sa waiting area.

Limang minuto lang ang itinagal ng pumunta siya sa baggage area para ikilo ang kanyang bagahe hanggang sa makapasok na siya sa passenger waiting area at nag hintay ng kanyang sasakyang eroplano.

Napapatingin pa si jade sa orasan ng may babaeng tumayo sa gilid niya .hi excuse me. Is this sit taken?” Nakangiting bati nito hanggang sa tumingala si jade at nakita ang napakagandang babae na nakatayo sa gilid niya.

“Ah ehh. Di pa miss. Sure you can take it” saad niya nang di natatanggal ang titig sa mukha ng babae. “Oh thank you sir. Ambigat kasi ng bag ko so dito na lang ako uupo para mas malapit sa gate hihi“, sabi ng babae kaya parang di makagalaw si jade nang maamoy ang pabango nito.

Napalingon pa siya sa tabi niya at tinitigan ang babae na kumakalikot na sa cellphone nito.

Matangos ang ilong at mestisa. Mahaba ng straight na buhok at sa tingin niya ay nasa 5.5 ang height.

Agad siyang tinignan nang babae at nahuli siyang nakatitig dito kaya agad siyang napahiya at napabaling sa kabila ng ulo.

Napangiti lang ang babae at uninom muna ng tubig hanggang sa sabay nilang nakita ang malaking jumbo jet na naglanding sa airport.

Nagpadala muna ng mensahe si jade sa mga kaibigan niya na ano mang oras ay aalis na siya ngunit wala nang reply. ” Tsk tulog na naman siguro ang mga mukong na yun. Hayaan mo magrereply din mga yun mamaya” bulong niya sa sarili

Labinlimang minutong nakatutok lang siya sa cellphone hanggang sa tinawag na ang kanikanilang flight number kaya agad siyang tumayo kasabay ang babaeng katabi niya sa upuan.

Nakita ni jade na hirap ang babae sa mabigat na bag kaya hinarap niya ito. ” Uhm miss would you mind if i help you? Ako na kakarga hanggang doon sa eroplano. “Sabi niya kaya nakahinga ng maluwag ang babae. “Naku nakakahiya naman po sayo sir. Pero ok lang ba? “,Pa cute na saad nito kaya ngumiti na lang si jade at tumango.

Hawak hawak ang maleta at karga sa balikat ang mabigat na bag ng babae ay sabay silang pumila para magbigay ng ticket.

Nang makalabas na sila ng pintuan ay namangja si jade sa laki ng jumbo jet na sasakyan niya na kayang sumakay ang mahigit dalawang daang katao.

Nag umpisa na siyang maglakad hanggang sa makalapit na siya sa hagdan ng eroplano at nilingon niya muna ang babae sa kanyang likod.

Ahh ladies first? ” Sabi niya kaya napangiti ang babae at naunang umakyat.

Di sinasadya pero sa ihip ng hangin ay nililipad nito ang dress ng magandang babae kaya kitang kita agad ni jade ang puting panty nito.

Parang siyang nasa langit sa kanyng nakikita hanggang sa nilingon siya ng babae kaya agad siyang tumayo ng maayos at naglakad ng deretso.

“Did you like what you saw?” Bulong ng babae sa kanya kaya napalunok siya ng laway at di nakapagsalita.

Natawa na lang ang babae at naglakad na papasok sa malaking eroplano.

Napakalaki din sa loob nito hanggang sa hinarap na ni jade ang stewardess.

“. Miss can you help us hanapin ang aming mga upuan” sabi ni jade sa stewardess at binigay nila ang kanilang mga ticket.

Sabay silang namangha sapagkat magkatabi ang kanilang mga upuan kaya napangiti na lang ang babae ng ituro ng stewardes na malapit sa window ang kanilang upuan.

Nang makarating sila ay inilagay muna ni jade ang malaking maleta niya sa lalagyan na nakikita lamang sa itaas nila.

Pinagtabi niya na ang bagahe nila ng babae hanggang sa naging ayos na ang lahat at sabay na silang umupo.

“Haist thank god at last nakapagrelax na din. Btw thank you sa tulong mo sir ha.” Sabi ng babae kaya nilingon siya ni jade at napangiti.

“Ohh i forget. Btw im pearl. “ Pagpapakilala ng magandang babae at inilahad ang kamay kaya inabot ni jade ang kamay nito at tinanggap. “ Nice to know you miss pearl. Im jade nga pala” sabi niya kaya napanganga ang babae.

“OMGeeee. Me too! Im pearl jade. Hihi meant to be na ba? Haha” natatawang saad ng babae kaya natawa na rin si jade

” We can never can tell miss pearl. Btw saan ka patungo? “, Tanong niya kaya nag isip muna ang babae.

“Hmm i think doon ko na pag iisipan pag nakarating tayo sa U.S. wala eh gusto ko lang magbakasyon at mag unwind.” Sabi ng babae at sumeryoso ang mukha.

” Hmm same tayo pero pupunta ako sa tita ko sa US para magbakasyon din. Siguro doon ko na haharapin ang tadhana ko” sabi niya ngunit di na sumagot ang babae sapagkat parang nailang na ito kaya lumingon na lang si jade sa bintana at tinititigan ang pakpak ng eroplano at ng malaki nitong elesi.

Labinlimang minuto din ang lumipas nang e announce ng piloto na aalis na sila kaya nag umpisa ng maglakad ang babaeng stewardes dala dala ang cart at namigay ng tubig at curls.

Unang beses ni jade makasakay sa eroplano kaya matinding takot ang kanyang nararamdaman lalo na nung nakitang umandar na ang elesi nito at nag umpis ng umalis .

Papunta pa lang ang eroplano sa mahabang kalsada ngunit kabado na si jade at napapikit.

Taimtim na nagdasal para sa kanyang kaligtasan hanggang sa naramdaman ng tumatakbo na ang eroplano pabilis ng pabilis.

Nakapikit siya ng maramdaman ang kamay ng babae na humawak sa kamay niya. ” Just relax jade. Ang lamig ng kamay mo. Look mo sa labas oh. Malapit na tayong mag take off” sabi ni pearl kaya dahan dahan siyang lumingon hanggang sa nakita na umaangat na nga sila.

Nakaramdam siya ng pagkabingi sa matinding pressure ng hangin kaya mas napapahigpit ng hawak niya sa kamay ni pearl.

Pinagpapawisan na rin siya hanggang sa maramdaman niyang kumalma na ang eroplano.

Agad niyang iminulat ang mga mata at ang nakangiting mukha ng babae ang kanyang nasilayan. ” Hai kung ganyang ba naman kaganda makikita mo sigiradong mawawala takot mo” mahinang saad niya kaya natawa ang babae at itinuro ang bintana.

Nilingon din ito no jade at namangha sa ganda ng tanawin. Malaking kalupaan hanggang sa makarating na sila sa malapad na dagat ng pilipinas.

Nakahinga siya ng maluwag ngunit naramdaman niyang nanginig ang eroplano kaya agad siyang kinabahan at napahawak sa kamay ni Pearl. ” Tsk just relax. Its just a turbulence or makapal na clouds yung dinaanan natin hehe. “ Pagpapakalma ni pearl sa kanya kaya huminga siya ng malalim para makapagrelax.

Napalingon si jade sa katabi at Nakita niyang nakapikit si pearl kaya di niya na ito inistorbo hanggang sa napapikit na rin siya ng mga mata.

Naalimpungatan si jade at hindi alam kung gaano siya katagal nakatulog at nagising sa ingay sa loob ng eroplano.

Nagsisigawan ng ang ibang pasahero at nakita niyang naiiyak na rin si pearl sa tabi niya hanggang sa napatingin si jade sa bintana at nakita ang isang napakalaking ipo-ipo na nagmumula sa dagat ang himihigop sa eroplanong sinasakyan nila.

Nag alarma na ang eroplano at takot na takot na ang iba. Merong nag darasal at merong umiiyak. Kahit si jade ay kinakabahan na rin dahil ito na siguro ng kanyang katapusan kaya hinawakan niya ang kamay ni pearl.

Napakalapit na nang eroplano sa ipo-ipo at nalalapit na ang disgrasya pero nakuha pang titigan ni jade si pearl .” Whatever happens. Im here for you pearl. Para sayo” huling saad niya ng biglang kinain ng napakalaking ipo-ipo ang jumbo jet nilang sinasakyan.

——–

“nasaan ako? Anong nangyari? Uggghhhh ang sakit ng ulo ko uurrrgghhh!!” Mahinang ungol ni jade nang magising siya sa dalampasigan.

Nakadapa pa siya at may sugat sa ulo ng kanya itong kapain. Hilong hilo ang pakiramdam niya hanggang sa napaupo at sinandal ang likod sa bato.

Nananakit ng kanyang paa kaya ng tignan niya ay may nakatusok pang piraso ng metal dito kaya agad niya itong hinawakan ngunit napasigaw .

“AaRrgghhhh!! Tnginaaaaa!! Ansakiiittttt!!!!” Daing sigaw nito kaya napasandal siya ulit at napabuntong hininga.

Wala siyang kaalam alam kung paano siya napunta doon hanggang sa inalala niya ang nangyari at natandaang kinain ng malaing ipo-ipo ang sinasakyan niyang jumbo jet.

Ngunit ipinagtataka niya ay kung paano siya nabuhay Npatitig siya sa malawak na karagatan at walang naaaninag na kalapit na isla kaya napabuntong hininga na lang siya at tinignan ng piraso ng metal na nakatusok sa kanyang binti.

Nakapantalon pa rin naman siya at sout ng polo niyang may mga punit na kaya pinunit niya ang polo at sinubad ng sinturon.

” Wala ng iba kaya ito na lang. Ayaw kong mamatay sa ganitong lugar ng walang ginagaw” bulong niya sa sarili hanggang sa kinagat niya ang sinturon at hinawakan ang metal na nakatusok sa kanyang paa.

Huminga siya ng malalaim hanggang sa . . .

“AAARRRGGGGHHHHHHHH!!!!!!!!”

Malakas na sigaw niya na nag echo pa . Naalis niya na ang metal na nakatusok sa kanyang paa at agad itong tinalian ng punit na tela na galing sa kanyang polo para hindi siya maubusan ng dugo.

Naluluha pa siya sa sakit kaya napatukod ng kanyang kamay sa bato at pinilit na tumayo.

Nang makaya niya na ang bigat ng kanyang katawan ay nakatayo siya na agad ding napanganga sa kanyang nasilayan.

Isang kagubatan na puno ng sari saring prutas ang kanyang nakikita sa gilid ng dagat .

Napayuko pa siya at nakakita ng isang kahoy kaya agad niya itong kinuha at ginawang tungkod para makalakad ng dahan dahan.

Nang palapit na siya sa masiok na mga puno ay nakaramdam siya agad ng mga kaloskos kaya agad niya itong nilingon .

“Tao pooo?! Tao pooo? Tulong naman pakiusap. Tulungan niyo po ako.. tao pooo” malakas na tawag niya ngunit walang may sumagot kaya napabuntong hininga na lang siya at sinubukang maglakad .

Napatingala siya sa kalangitan at mainit na ang sikat ng araw kaya pumunta siya sa may silong ng kahoy at naupo.

Biglang tumunog ang kanyang tiyan dahil sa gutom kaya napatingin siya sa paligid at napabuntong hininga sapagkat di pa niya kayang umakyat ng puno dahil sa pinsala niya sa paa.

Nakatulala lang siyang nakatitig sa dagat ng biglang nahulog ang isang prutas na galing sa puno . Napatitig siya dito at napalunok ng laway

Nagulat man siya ay di na alintana sapagkat gutom na talaga siya kaya agad siyang lumapit sa prutas at sa pagmamadali ay natumba.

Di niya na pinansin pa ang sakit at gumapang na lang papunta sa prutas hanggang sa nakuha niya ito at kinain.

Naluluha siya sapagkat napakasarap nito at naginhawaan siya agad. Ngunit di niya alam kung paano ito nahulog kaya agad siyang napalingon at sa hindi inaasahan ay isang napakagandang katutobong babae ng kanyang nasilayan.

Napanganga siya agad at natulala ng makita ang kahubaran nito at napatitig sa malaking dibdib ng babae papunta sa maganda at maamo nitong mukha.

Nagkatitigan sila at nakaramdam ng takot ang babaeng katutubo kaya agad itong tumakbo paalis.

“Binibini! Pakiusap sandali lang! Tulong pakiusap!” Sigaw niya ngunit nakaalis na ito kaya agad siyang napahilamos sa mga palad niya at tinitigan ang prutas na naubos na.

Di niya alam kong anong klaseng prutas ang kanyang nakain pero binalewala niya na lang yon at sinubukang tumayo ulit.

Sadyang masakit pa ang kanyang pinsala sa paa kaya napagapang siya sa buhangin at inabot ang kahoy na ginawang tungkod.

Pero imbes na tumayo ay napahiga na lang siya at nagpahinga. Tinitigan ang maaliwalas na kalangitan at inisip kong paano nabuo ang isang napakaliking ipo-ipo at kong nasaang lugar na siya napadpad.

Sa pagod at sakit ng kanyang nararamdaman ay agad siyang napapikit at nakatulog.

———–

Nagising si Jade sa ihip ng malamig na hangin kaya sinubukan niyang umupo . Walang siyang ibang naririnig kundi ang hampas ng alon sa dagat at ang mga huni ng kulisap sa kagubatan tuwing gabi.

Napatingin siya sa kanyang likuran at nagbabakasakali na makita ang magandang babae kanina ngunit wala ito. “babalik pa kaya yun? Hmm sana makita ko siya muli”bulong niya.

Inalala niya ang angking kagandahan ng katutubo pero mas natatandaan niya ang makurbang katawan nito lalo na ang perpektong kurba ng dibdib at mabalbon na puke.

“Tsk! tangina ! Impyerno na nga nangyari sakin kagaguhan pa iniisip ko. haist. Pero paano ba to?” bulong niya sa sarili hanggang sa napayuko at nakita ang beltbag na binigay ni Benjie sa kanya na sout sout pa niya.

Agad niyang naalala ang mga sinabi nito na “incase of emergency” kaya dali-daling binuksan ni Jade ang zipper ng bag . Maliit lang ito kaya kokonti lang talaga ang laman. Bilib siya dahil waterproof pala ito kaya hindi nabasa ang mga laman hanggang sa pinasok niya na ang kamay at nakapa ang mga bagay bagay.

Nang makuha niya ito ay isang swissknife agad ang kanyang nakuha at isang zippo lighter. Agad siyang napangiti hanggang sa may nakuha pa siyang isang kaha ng Marlboro. “hahaha sunog baga talaga pero salamat kapatid” bulong niya hanggang sa napaisip bigla.

“Paano kaya nalaman ni Benjie ang mangyayari? or Coincidence lang ba lahat? Tama ang kutob niya pero paano? ” mga tanong niya sa isip at kinapkap ang kanyang bulsa.

Nandun pa rin ang kanyang cellphone at wallet pero nang tignan ni Jade ang cellphone ay nasira na ito sapagkat nabasa ng dagat.

Yung wallet niya naman ay walang pakinabang sa lugar na yun kaya ibinalik niya na lang sa bulsa.

Agad ni Jade binuksan ang kaha ng Marlboro at nagsindi muna ng isang stick bago tinignan ang sa likod niya.

Sa sinag ng maliwanag na buwan ay unti-unti niyang nakikita ang ganda ng kagubatan sa gabi kaya nag disisyon siyang pumunta doon dahil baka mamatay siya…