Patikim Ni Ate Ashley: Part 7

Babala: Ang mga pangalan at pangyayari ay kathang-isip lamang bunga sa kaisipan ng awtor. Just Read and Enjoy
_____________________________________________________________________

Mas tumahimik sa bahay, mas lalo ngayong hindi kami nagkibuan ni Ate buong weekend; todo iwas ako sa kanya’t hindi ko siya kayang tingnan sa mata. Masakit man sa akin ay hindi ako nagpapa halata para walang gulo. Pero kahit pinamukha ni Ate na pangkamot niya lang ako ay hindi ko pa ding maiwasang isipin siya at kung ligtas na ba siya sa stalker na yun. Kakaisip ko sa kanya ay halos sabog akong pumapasok sa eskwela at tila parang wala sa sarili kaya napag ti tripan na din ako ng mga tropa ko.

“OI SABOG, GISING NGA” sigaw ng kaklase’t kaibigan kong si Sofia matapos niyang ipagtama mga palad niya malapit sa tenga ko.

“Aray kailangan talaga sumigaw?”

“Kanina pa kami tapos kumain, dalian mo na may project pa tayo haha”

“Sige sige pasenya na, tara gawin na natin mamaya ko na tapusin pagkain ko.”

“Love life yan noh?”

“Lul mo Sofia, wala lang to.”

Ginabi na ako ng uwi dahil sa project na to, kaya nung pag uwi ko’y naunahan na pala ako ni Ate Ashley at nakita ko siyang huhugas na ng pinggan. Nagulat na lang ako nung siya nag initiate magsabi na

“Oh Enzo dito ka na pala”

“Uhmm… Oo kakadating”

“Mejo na late ka ngayon ah., may tira pang adobo sa lamesa kain ka na” sinabi niya habang naka ngiti

“Mhm.” maigsihan kong imik.

Pagod na pagod ako galing sa eskwela, tsaka pa talaga sumabay tong pagka heartbroken ko nung nakita ko si Ate sa kusina. Naalala ko nanaman mga sinabi niya sa akin, yung pina mukha niya talaga sa akin na real life dildo niya lang ako at walang na akong iba pang halaga sa kanya. Yung purong lungkot ay napalitan ng inis nung dumaan siya sa lamesa at naka ngiti niyang binigay yung iinumin kong softdrink.

“Hinay-hinay baka mabulunan ka, eto coke”, sabi niya.

Hindi na ako nagsalita at rectang kinuha yung basong abot niya. Hindi na rin ako nalilito sapagkat nag focus na ako sa inis.

“Matapos kong ibaba sarili ko sa kanya na nauwi lang sa wala, matapos niya akong saktan sa mga sinabi niya, nagagawa pa niya talaga akong tingnan sa mata tsaka ngitian? “

“Nanga gago ba siya?”

“Pinagmamayabang ba niya na masyado na akong nasira sa kanya?”

Yun ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko hanggang sa natapos akong kumain. Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ko ay nag offer siyang siya na maghuhugas pero tinangihan ko alok niya. Kahit nag kusa akong maghugas ay nanatili pa din siyang naka tayo sa kusina; pagkatapos ko ay dalian akong umalis at iniwan siya sa kusina para mapigilan kong hindi sumabog sa galit at lungkot, alang-ala sa natitirang kong pride.

Dahil sa dalang inis ay nawala pagod ko, kaya naghanap ako ng pwedeng libangan para muling bumalik antok ko. Minabuti ko na lang simulan yung isa ko pang plate hanggang sa antukin ako ngunit nung pasimula pa lang ako ay naka rinig agad ako ng katok sa pinto. Hindi ko pinansin kung sino yun at patuloy ako sa pag draft habang naka earphones akong nakikinig ng music. Maya maya ay chinat ako ni Ate sa messenger.

“Busy ka?”

“Oo”

“Pwede ba tayo mag usap? Saglit lang to please”

“Sige pasok ka”, 15 mins late kong reply.

Pagkapasok ni ate’y dahan-dahan niyang sinara pinto at inupuan yung kama malapit sa akin. Hindi ako nag effort lumingon para silipin siya’t dire-diretsyo lang ako sa pag draft para sa plate ko; di na niya natiis yung awkward silence kaya nauna na siyang magsalita.

“Alam mo ba, mukhang wala na yung stalker… hindi ko na siya napansin e”

“Nice nice” tugon ko.

“Ok lang maski hindi mo muna ako sagutin sa mga sasabihin ko… Naiintindihan kita… Gusto ko lang mag-sorry sa nasabi ko nung nakaraan. Madami lang kasi akong pinoproblema non, yung laundry, yung stalker, yung ipon kong pera, pati na din kung pano magiging safe sikreto natin. Pero di naman sapat na ibuntong ko lahat ng yun sa’yo, mas lalo na’t wala ka namang kasalanan. Wala akong intensyong saktan ka pero nagawa ko pa din kaya, I’m sorry”

“Bat ka so sorry? Tama naman mga sinabi mo, na masyadong akong epal sa’yo. Tama ka din naman na nadadala ko nga sa panganib pagtatalik natin. Pero pinaka tumama ka ng husto, nung sinabi mo sa akin na hanggang tite lang ako, na pang kamot lang ako.”

“Enzo, di yun ang ibig kong sabihin, nabigla lang ako. Importante ka sa akin, alam mo yun. Sadyang… nata takot lang ako…”

Nawala ako sa focus sa mga narinig ko. Halos mabasag kasi boses niya nung sinabi iyon, na tila ba pinipigilan niyang umiyak. Di ko alam if sincere ba siyang malungkot or dinadala na niya lang ako sa iyak para maawa ako sa kanya, pero nakinig na lang ako dahil wala na rin naman akong magagawa.

“Hindi mo na alam to pero ako na lang kasi yung inaasahan sa pamilya namin. Nasanay na lang akong maging independent at nasanay na akong walang nangungumusta sa kalagayan ko. Di rin naman ako swinerte sa love life. Wag mong isiping galit ako sa’yo Enzo pero naguguluhan ako kasi ngayon lang ako nakaranas ng ganitong malasakit… ” putol niyang sabi habang tumutulo na mga luha sa mukha niya.

“Please wag mong masamain … nau unahan ako ng takot di lang para sa mga pamilya natin … tatakot din ako dahil baka masaktan ulit ako… kasi mahal na din kita e…” hindi na niya matapos gusto pa niyang masabi dahil sa iyak.

Nung nahimasmasan na siya ay pinunas niya muna mga luha sa mata niya sabay tayo sa kinauupuan niya. Nagsalita ulit siya bago umalis.

“Gets ko kung hindi mo pa ako kayang patawarin. Masyado tayong nagpadala sa mga uhaw natin sa isa’t isa nagkasakitan na tayo. Tigilan na natin tong nasimulan natin. Pero hindi ko makakalimutan yung pinaramdam mong importante pala ako… salamat… ” huling sabi niya bago lumabas ng kwarto

Napatulala na lang ako sa madamdaming mga salitang pumasok sa tenga ko. Na awa ako sa mga nasabi niya pero nasasaktan pa din ako sa katotohanang hindi kami pwede sa isa’t isa. Gusto kong humiga and, as usual, itulog na lang yung gulo sa isip ko’t kirot sa puso ko. Kakaisip ay tuluyan na akong bumagsak sa malalimang tulog.

Buti na lang nagising ako sa sigaw ni mama; kalimutang kong may first class pala ako every Wednesday. Papikit-pikit pa mga mata ko sa antok habang nagtitimpla ng kape nung nag cross muli sa isipan ko mga sinabi ni Ate. Kahit mahirap lunukin lahat ng mga nasabi niya ay nag papasalamat pa din ako dahil mas naiintindihan ko na siya at kahit papano nabawasan na din yung mga pasakit na dinadala ko. Gusto ko sana siyang salubungin para makipag bati pero kakamadali ko masyado ay naidaan ko na lang sa chat on the way papasok ng school.

“Ok na ko. Kalimutan n ntin drama kagabi basta ingat ka pa din, malay mo bumalik si gago. Usap us pag may time” chat ko sa kanya.

“Oksss :)” reply niya

Lumipas yung linggong yun na wala ng nagmamasid sa bahay at tuluyan na kaming nagka ayos ni Ate nung sunod na usap namin. Mas naging understandable kami sa isa’t isa ngayong mas open na si Ate at nung binitawan ko na damdamin ko sa kanya. Sabay din kaming pumayag na tapusin na yung scheduled benefits namin kaya mas napadali sa aming manatili na lamang bilang magkaibigan. Ika nga nila, all is well. Pero, once again, mali ako. Nung sumunod na Biyernes ay natandaan kong naiwan ko pala flash drive ko sa laundry nung huling punta ko don. Nagmadali akong bumyahe papunta sa laundry pero hindi na ako umabot at nasara na ni Ate yung shop. Tumingin tingin pa ako sa paligid para tingnan kung hindi pa siya nakaka layo para sana sabay na kami. Kaso hindi ko na siya mahanap kaya sinumulan ko na lang maglakad papunta sa pila ng tricycle; usually sa gabi ay wala masyadong sasakyan na dumadaan sa kalye pauwi sa amin…