“And what is this queer doing here?”tanong ni Daddy sa akin habang nakakunot ang noo at tinatapunan ako ng nakakadiring tingin.
Tatlong taon.
Tatlong taon na ang lumipas simula noong naglayas ako mula sa aming bahay at hindi na nagpakita sa aking pamilya.
Akala ko ay sa loob ng tatlong taong iyon ay kahit papaano’y matutuwa silang makita akong muli pero mukhang nagkamali ako. It is really true that even the littlest expectations can lead to a great pain and disappointment.
“Kuya kamusta ka na? It’s been three years since we last met! Grabe ang laki ng ipinagbago mo. You look so fresh and free! Ang pogi pogi mo oh, este ang ganda ganda pala.hehe.”masayang papuri ng bunso kong kapatid na si Pia.
Gumanti lang ako ng isang matipid at mabilis na ngiti.
“Shut up, Pia!”suway ni Daddy sa kapatid ko. “You haven’t answered my question yet, anong ginagawa ng isang baklang katulad mo sa lugar na ito?”matalim na tanong sa akin ni Daddy.
“Hon please, not in this place, maraming tao nakakahiya. Tsaka that’s not the right way to greet your son whom you didn’t see for three years. You could’ve at least given him a hug. He’s you son!”ani Mommy.
Hindi ako sumagot at bagkus ay kinuha ang bag ko upang umalis sa lugar na ito. Wala na akong pakielam kung hindi ko maubos ang aking pagkain o marami pa ang matira basta lamang makalayo ako sa presensya ng pamilya ko.
“Where are you going? Stay! Wang kang bastos! Hindi pa tayo tapos mag usap”mataas na boses ni Daddy.
Napakislot ako dahil sa gulat.
Hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa aking ama.
“What are we going to talk about?”tanong ko habang nakatungo at pinipigilang ang galit na nagsisimulang lumamon sa aking puso.
“I asked you a question, you need to answer it”
“Nandito lang ako para kumain. At kung alam ko lang na magkikita tayo lahat dito edi sana ay sa ibang restaurant na lang ako nagpunta at kumain. Nawalan ako bigla ng gana.”sagot ko.
Tila nabigla silang lahat sa aking sagot.
“Three years have passed but you are still the same. Isa ka pa ring bastos at walang modo!”napakuyom ako ng palad sa sinabi ni Daddy.“You are such a disappointment to our family. Naturingan ka pa namang panganay pero hindi ka naging mabuting halimbawa dito sa kapatid mo. Talagang lumayas ka sa bahay para lang magpakabakla? Kaya no doubt walang narating ang buhay mo compared dito sa kapatid mo. Look at her now, she’s going to be a doctor soon. At dahil nakinig siya at sinunod ang lahat ng utos namin sa kanya”
Tila tinuturok ng maraming karayom ang puso ko dahil sa mga salitang binabanggit ni Daddy.
He never gets tired of comparing me with my sister.
At dahil sa sakit na nararamdaman ko ay nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata. Napagakat ako sa labi upang pigilan ang luhang gustong lumabas.
“Pero ikaw, anong nangyari sayo? Akala mo ba na hindi namin malalaman that you are just working as an Administrative Supervisor? Saan nga ba iyon? Hmmmm. I don’t know. Hindi naman kasi sikat yung napasukan mo kaya it doesn’t interest me. And I know that you will say that you are proud of your job… pero hindi maipagkakailang mas malayo ang narating at mararating nitong kapatid mo kaysa sayo. Kung sinunod mo lang ang gusto namin at nagpakalalaki ka eh di sana-“
Pinutol ko ang sinasabi ni Daddy at nagsalita.
“Stop!”medyo mataas kong tono. Alam kong napapatingin na sa amin ang ibang mga kumakain dito sa loob pero wala na akong pakielam dahil kailangang kong sabihin ang mga gusto kong sabihin.
“Sa loob ng tatlong taon ay hindi ako kailanman humingi ng tulong sa inyo o nanghingi ng anuman mula sa inyo. Lahat ng meron ako ay pinaghirapan ko. Pinagpaguran ko. Tinrabaho ko. At hindi lang basta basta binigay ng kung sino sino lang. Tsaka ano naman ngayon kung nagpakabakla ako? Ano naman ngayon kung magiging doctor na itong si Pia at ako ay isa lamang Administrative Supervisor? At least I can do whatever I want now. At least I am free from the jail you call home. And I am free from all of you.”
“As a family ay hindi ba dapat kayo itong magtatanggol at iintindi sa akin? Pero nasaan ang tinatawag na pamilya? Nasaan yung pang-unawa? Wala! Dahil kayo pa ang unang nangutya at tumaboy sa panganay ninyong anak. So I thinkI am not the disappointment here…. but you” mariin at ma-awtoridad kong sagot sa harap ni Daddy.
“I’m sorry, but I need to go. Mom. Pia…. Dad….”paalam ko. “Tara na Mang Goryo!”
“Teka ang dami pa nitong pagakin oh tsaka hindi pa ako tapos kumain!”reklamo ng matanda.
Hindi ko ito pinansin at lumabas na ng restaurant.
Kung magtatagal pa kasi ako rito ay baka kung ano pa ang masabi ko at ayokong mawala ang natitirang respeto ko sa tatay ko.
Paglabas ko ng restaurant ay dumeretso ako sa sasakyan ni Mang Goryo. Nagtago sa may bandang likuran ng sasakyan at doon inilabas ang galit at sakit na kanina ko pa kinikimkim.
Dito tumulo ang aking luha.
Hindi lang basta luha, kundi iyak.
Hagulgol.
Kinuha ko ang aking panyo sa bulsa at itinakip iyon sa aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Sobrang bigat ng dibdib ko at hindi ako makahinga dahil sa bigat ng aking nararamdaman.
Hindi ko inaasahan na muli kong mararamdaman ang ganito pagkatapos ng tatlong taon.
===
===
===
Habang nasa bayahe pauwi ng aking unit ay hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan ni Mang Goryo at kunwari ay may tinatanaw.
Sobrang bigat ng mata ko at alam kong namumugto ito.
Napapansin ko na paminsan minsay tumitingin sa akin si Mang Goryo at tila ba may gustong sabihin pero hindi niya matuloy. Marahil gusto niya lang respetuhin ang aking nararamdaman at hayaan akong mag-isip.
Kitang kita naman rin kasi niya ng buo ang nangyari dahil nasa harapan niya kami ng magkita kita kaming pamilya at magkasagutan ni Daddy.
Pagdating sa condo ay ipinark niya ang sasakyan. Inalis ko ang aking seatbelt at kinuha ang aking wallet.
“Eto yung napagkasunduan natin. Pang-gas mo. Tsaka dinagdagan ko na rin bilang pagpapasalamat sa pinaranas mo sa akin kagabi at sa pagsama sa akin sa Tagaytay. Gusto ko muna mapag-isa ngayong gabi kaya kung maari lang ay iwan mo muna ako”ani ko at nag-abot sa kanya ng pera.
Nanlaki at nagningnging ang kanyang mata dahil hindi niya inaasahan ang ibinigay ko sa kanya.
“Tsaka isa pa pala, ayoko ng mauulit yung pagpapatuloy mo kayna Mang Raul at Kuya Glenn sa kwarto ko. Kung mayroon magpapatuloy sa kanila ay ako yun at hindi ikaw. Ako ang may ari ng bahay ko kaya ako ang magdedesisyon kung sino ang patutuluyin ko at kailan. Gusto ko lang ipaalala yan sayo dahil baka nakalimutan mo. Wag mo sanang abusuhin ang kabutihang pinapakita ko sayo”pagkasabi ko nito ay lumabas na ako ng kanyang sasakyan at nagtungo sa elevator.
Umakyat ako sa aking unit at nilock ang pinto.
Ngayong gabi ay gusto ko munang mapag-isa at ayokong may makasama.
Hinubad ko ang aking sapatos at nagpunta ng kusina upang kumuha ng dalawang bote ng alak. Natira ito kagabi mula sa inuman nina Mang Goryo. Pagkatapos ay dumeretso na ako ng aking kwarto at binuksan ang aircon.
Nilagay ko ang dalawang bote ng alak sa may side table bago tumalon pahiga ng kama. Napapikit ako dahil sa sobrang sarap at lambot ng aking unan at kama.
Huminga ako ng malalim at pilit na inalis sa aking isipan ang nangyari kanina sa Tagaytay.
Binuksan ko ang isang bote ng alak at tinungga ito. Siguro ay mabilis ko itong nakalahati dahil sa tuloy tuloy kong pag-inom. Huminga lang ako saglit tapos lumaklak na uli ng alak. Tuloy tuloy ang aking paglunok kaya naman naubos ko agad ang isang bote.
Napatingin ako sa ikalawang bote sa aking tabi at agad itong sinunggaban.
Katulad ng nauna ay nilaklak ko ito na parang tubig. Halos maduwal ako pero pinilit ko itong ubusin.
Pagkatapos ay nahiga ako ng kama at hingal na hingal na tumingin sa kisame.
Naramdaman ako ng hilo at unti unti na ring bumibigat ang aking mga mata.
Hindi ko namamalayan na ilang saglit pa ay dinadalaw na ako ng antok. Pero bago pa man ako lamunin ng dilim ay may nasambit akong mga salitang hindi ko inaasahan.
“Daddy… sorry po”bulong ko.
“Anong sorry po? Puro ka na lang sorry! Hindi ka na nagtandang bata ka! Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na ayokong nakikita kang nakikipaglaro sa babae!” sigaw nito at nagpakawala ng tatlong sunod sunod na latay sa aking pwet.
Nakadapa ako ngayon sa aming sofa, nakalabas ang pwet, at kasalukuyang pinaparusahan ni Daddy gamit ang kanyang sinturon. Nahuli niya kasi akong nakikipaglaro ng chinese garter sa mga kapit bahay naming babae.
Alam kong mahigpit na bilin ni Daddy sa akin na wag na wag akong makikipaglaro sa babae, pero dahil niyaya nila ako at gusto ko ring maglaro ay pumayag ako.
Pero hindi ko inaasahan na mahuhuli niya ako.
“Sinasabi ko sayo, Paulo! Kapag hindi ka nagtanda ay hindi lang latay ang ipatitikim ko sayo…