Halos mawala ang kulay ni Lester sa katawan nang bumukas ang pintuan ng opisina at huli na dahil hindi niya agad naalis ang kanyang kamay sa loob ng pantalon at nakita ito ng pumasok. Agad ay hinugot niya ang kanyang kamay mula rito na hindi man lang nagawang ayusin ang dapat ayusin.
Si Ela naman ay halatang nagulat pero isinantabi na lang ang nakita at dumeretso na upang maupo sa kanyang lamesa. Tinignan niya ang lalake sa harapan na hindi mawari kung ano ang ikikilos.
“Good Morning! I am Ela Bautista, Senior Manager for shipping line, one of the company under Valero’s group of companies, please tell me something about yourself.”
“Good morning too Ma’am, I am Lester Prado and I am applying for the position of IT staff.” Sagot ng lalake sabay lahat ng kanang kamay para makipag shake hands sa kausap.
“I’d rather have your left hand Mr. Prado, you know what I mean.” Seryosong sagot ni Ela sabay lahad ng kaliwang kamay.
“Oh sorry po.” Medyo napahiyang sagot ng binata.
“Ako po si Lester Prado, 23 yrs old from Mandaluyong City.. single..tatlo po kaming magkakapatid at ako ang panganay…nasa Ilocos Sur po sila ngayon kasama ng nga magulang ko.”
“And you sino ang kasama mo sa bahay sa Mandaluyong?” Si Ela.
“Ako lang po mag-isa…nagrerent po ako ng isang maliit na kwarto, doon na po ako tumira mula nung lumipat ako dito sa Manila para mag-aral at makapagtapos ng IT sa RTU bilang isang scholar.”
“Hmmmh..I have checked your credentials and it is clear here based on previous evaluations that you are qualified for the position..may I just ask, are you open for other locations? Hindi kasi maiiwasan na kakailanganin namin ng mga tao sa iba’t-ibang satellite offices.”
“Ok lang po Ma’am kahit saan po ako madestino kung saan ako kailangan go po ako.” Magalang na sagot ni Lester na sinisimulan nang mabuhayan at magkaroon ng pag-asa na matatanggap siya sa trabaho.
Malaking hirap ang dinanas niya para makapagtapos ng pag-aaral, hindi kasi sapat ang ipinapadala ng mga magulang niya mula sa kinikita ng kanilang maliit na panaderya, kaya naman kung anu-anong trabaho ang pinasukan niya para matustusan ang pag-aaral na sa kalaunan ay pinasya niyang hindi tumanggap ng pera mula sa mga magulang para naman sa pag-aaral ng mga kapatid na nasa elementarya at highschool. Kaya naman nang makatapos ay pinangarap niyang magakapag trabaho sa isa sa pinaka malaking kumpanya sa bansa para maiahon sa hirap ang pamilya.
“That’s good.” Si Ela, “well one of our staff will call you and update you, thank you Mr. Prado, you may go.”
Pagtatapos ng babae sabay tayo at lahad ng kamay sa lalake na pinaunlakan naman nito, huli na nang ma realize niya na kanang kamay ang ginamit nila pareho sa pagkakamayan.
“Maraming salamat po Ma’am.” Sagot ng binata habang nakikipag kamay, pagkatapos ay tumalikod na ito at nakangiting lumabas ng opisina.
“Nakalimot si Ma’am hehe!” Bulong nito sa sarili.
Paglabas ng binata ay naupo na muli si Ela, nakangiti dahil sa pagkalimot, tinignan nito ang kanyang kamay at napangiti na lang.
“Mukang malinis naman siya sa katawan hihi!” Bulong nito sa sarili. Muli niyang tinignan ang application papers ng lalake at hindi niya maikakaila na nagustuhan niya ang personality nito, matalino, at kayang dalhin ang sarili, lalakeng lalake sa kanyang paningin.
Isa pa sa nagustuhan niya sa lalake ay galing ito sa isang mahirap na pamilya na nagsusumikap para makaahon sa buhay, bagay na pareho sila ng kapalaran. Nasa kanya na ngayon ang buhay na inaasam ng lahat, pero hindi niya inakala na mangyayari ang ganitong swerte sa kanya, dahil ito sa isang taong may ginintuang puso, ang mismong may-ari ng Valero’s group of companies….si Gabriel Peter Valero o mas kilala niya bilang si Eddie.
Apat na taon na ang nakaka…