Pay It Forward – Ela 12

Kinabukasan ay nauna akong nagising kay Ela, maingat akong bumangon at tinitigan ang kagandahan sa aking tabi, napakaganda niya, nakakumot ito pero parang tagos sa aking paningin ang mapang-akit na katawan na naroon.

Naalala ko ang nangyari kahapon, nasundan pa ng isang beses ang pagtatalik namin, hindi ko makakalimutan ang kaligayang naranasan ko, kung para sa kanya ay natural na sex lang ang namagitan sa amin ay iba para sa akin, dahil mahal na mahal ko siya at hiniling ko na sana ay pareho na lang kami ng nararamdaman.Matapos ang pagniniig ay magkatabi kaming nakatulog sa kanyang kama, walang naganap na pag-uusap, walang kalinawan ang lahat.

Alas sais ng umaga, sinilip ko ang iba pang silid para hanapin si May pero wala na ito, hindi ko alam kung anong oras umuwi, naisip ko rin kung nakita niya ba ang naganap sa amin ni Ela dahil nanatiling bukas ang pintuan ng silid na nakalimutan kong isara.

Nagluluto ako ng almusal nang marinig ko ang mga yabag ng paa ni Ela sa hagdanan, biglang tumibok ng malakas ang dibdib ko, hindi ko alam kung paano ito pakikiharapan matapos ang nangyari sa amin.

“Good morning.!” Bati ko dito nang makarating ito sa kusina, ngumiti lang ito sa akin saka deretsong nagtimpla ng kape.

“Nagkape ka na ba? Ititimpla na rin kita.” Tanong nito sa akin.

“Tapos na thank you, malapit na maluto ‘to kain na tayo pagkatapos.” Sagot ko naman na pilit ginagawang casual ang boses.

Naupo ito sa lamesa habang nagkakape, nakatalikod ako dito pero ramdam kong nakatingin ito sa akin. Ano kaya ang iniisip niya? Naalala niya kaya ang nagyari sa amin o nakalimutan na dahil nakainom ito kahapon at alam kong tinamaan sa alak.

Nang makahain na ako ng almusal ay sabay na kaming kumain, ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa, kung alam ko lang sana ang nasa isip nito ay mapapanatag ako pero hindi kaya naman hindi ko alam kung paano magsisimula ng conversation, hanggang sa mapagpasyahan ko na ipagwalang bahala na lang muna ang naganap, alam ko naman na darating ang panahon na mapag-uusapan namin ‘yon, at kasabay nito ay ang panalangin na sana ay maulit pa.

Nauna akong nakapag gayak at hinintay ko na lang siya sa loob ng kotse, nailabas ko na ito sa garahe, siya na lang ang kulang para makapunta na kami sa opisina.

Pagbubuksan ko sana siya ng pintuan pero mula sa labas ng kotse ay sinenyasan niya ako na mag stay na lang sa loob at ito na ang nagbukas ng pintuan naupo na sa tabi ko. Nalanghap ko ang bango, ang sabon, ang shampoo, sariwang sariwa ang amoy, naalala ko tuloy ang lambot ng kanyang katawan, ang makinis na kutis, lalo na ang kasikipan at init nag kanyang hiyas na nagpainit sa pakiramdam ko, pero inalis ko rin agad sa isip ko at nag focus na lang sa pagmamaneho.

Sa opisina ay nag-uusap kami pero pansin ko ang medyo ilangan sa mga kilos namin, minsan paglapit ko sa kanya para ipakita ang dokumentong ginawa ko ay nakita ko ang cleavage ng kanyang dibdib, ilang saglit akong napatitig dito pero agad din akong umalis at bumalik sa lamesa ko.

Napansin kong mas madali akong mag-init mula nang may nangyari sa amin, sa tuwing mapapatingin ako sa kanya at magtatama ang paningin namin ay bumabalik sa akin ang nangyari na parang nararamdaman ko pa ang pag-iisang katawan namin. “Hays Lester umayos ka”, nabulong ko na lang sa sarili ko.

Natapos ang araw namin at nang makauwi sa bahay ay as usual deretso ito sa kuwarto niya, ako naman matapos magpahinga saglit sa sofa ay umakyat na rin para magbihis ng pambahay at nang ayos na ay bumaba na ulit ako para magluto ng hapunan namin.

Lumipas ang ilang araw na casual ang lahat sa amin, nagbibiruan kapag magkausap, sabay nanonood ng tv, sabay kumakain, hinahampas niya pa ako sa braso kapag nag jojoke at sobra ang tawa niya, naging maayos ang lahat pero hindi na naulit ang nagyari sa amin, ni hindi namin napagusapan. Ibinubuhos ko na lang sa pagsasariling sikap ang init na nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang mga hita niya mula sa maiksing shorts, lalo na ang katambukan ng kanyang hiyas sa tuwing magkaharap kami sa sala.

Araw ng sabado, wala kaming pasok at hinanda ko na ang sarili ko kung sino ang pwede naming maging bisita, narinig ko kasi siya sa sala na may kausap sa cellphone na mukang may darating.

Tanghali habang nanonood ako ng tv sa sala ay may nag doorbell, nasa itaas si Ela kaya ako ang lumabas para pagbuksan ito, at autimatic ang selos na naramdaman ko nang malaman kung sino ito.

“Uy Les musta? Tara alam mo na kung bakit ako narito hehe!” Si Joey na nakangiting bumati sa akin sabay abot ng isang kahon ng sanmig light in can at mga pulutan.

Ilang araw akong naging masaya sa piling ni Ela, walang nangyari sa amin pero masaya ako dahil maayos kami pero heto at nawala ang lahat at napalitan ng selos dahil sa pagdating ni Joey, ang tunay na nagmamay-ari sa babaeng pinakamamahal ko.

Tango lang at ngiti ang naging sagot ko nang abutin ang mga dala niya, nang makapasok sa loob ng bahay ay dumiretso ako sa kusina, pagtapat ko sa hagdan ay siya namang baba ni Ela at nagtama ang mga paningin namin, seryoso ang mga mata niya, parang may sinasabi pero hindi ko maunawaan.

Narinig ko ang pagtatawanan nila habang hinahanda ko ang inumin at pulutan, nang mai prepare ko na sa lamesita ang alak maging ang yelo at dalawang baso ay nagsalita si Joey.

“O bakit dalawang baso lang? Hindi ka iinom?” Tanong nito sa akin, sasagot pa lang sana ako para sabihing wala ako sa mood pero nagsalita na ulit ito.

“Hay naku Lester, ‘wag kang KJ, wala naman kayong pasok hanggang bukas kaya ok lang.”
Napatingin ako kay Ela at sa mga mata nito ay parang nagsasabi na maupo ako at samahan sila, kaya naman bumalik ako sa kusina at kumuha ng baso para sa akin.

“Actually hindi ko na kayang buhatin kaya dalawa pa lang ang nadala ko hehe!” Palusot at pabiro kong sabi nang makabalik at makaupo sa harap nilang dalawa.

Hindi naman magkadikit ang katawan nila sa pagkakaupo pero nakabuka ang mga braso ni Joey sa sandalan ng mahabang sofa ay nakadantay dito ang ulo ni Ela. Kaya naman iba parin ang pakiramdam ko pero wala naman ako magagawa.
Nagsimula na kaming mag-inuman, maraming kuwento si Joey at nakikinig lang kami ni Ela na minsan ay nagtitinginan.

“Two weeks na lang birthday na ni Pete, “wag daw tayo mawawala sabi ni Kuya Eddie kung ayaw nating masaktan hehe!” Sabi nito.

“Ang bilis parang kailan lang no?” Si Ela.

“Oo nga e parang kailan lang no’ng nasa pool tayo sa bahay nya haha!” Sagot ng lalake.

Napatingin ako kay Ela at napansin ang pamumula ng mukha sabay tingin sa akin, hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Joey pero dahil sa nakita…