Pay It Forward – Ela 3

Kinabukasan ay wala na si Eddie sa kwarto niya, wala na ang mga damit niya, tanging papag na lang ang naiwan, papag na hindi ko makakalimutan kailanman.

Ako si Ela at ito ang aking kwento apat na taon na ang nakakaraan bago ko marating ang buhay na tinatamasa ko ngayon.

Ilang araw na ang nakakaraan mula nang umalis si Eddie, may mga gabing naaalala ko ang mga nangyari sa amin pero kailangan kong harapin ang katotohanan na si Etong ang kinakasama ko at minahal….hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan.

Isang gabi ilang linggo na ang lumipas, habang nasa kasagsagan ako ng himbing sa pagtulog ay nagising ako sa mga malalakas na katok mula sa pintuan ng silid namin ni Etong, pag kapa ko sa tabi ko ay wala ito kaya ako ang bumangon para pagbuksan ang kumakatok.

“O Aling Jona bakit po?” Tanong ko sa kasera namin.

“Bilis Ela si Etong nasa presinto nahuli ng mga pulis, nakuhaan daw ng drugs!” Balita nito sa akin.

Sa narinig ay mabilis akong nagbihis at dali-daling nagpunta sa presinto, hindi na ako nasamahan ni Aling Jona dahil gabing-gabi na noon kaya ako na lang mag-isa ang humangos papuntang presinto.

Pagdating ko doon ay agad akong nagpunta sa front desk para mag inquire, kaso lang ay may kausap pa ang pulis na naroon.

“Sir tanong ko lang po kung nariyan po si Entorio Palaspas, Etong po ang palayaw niya.” Narinig kong sabi ng babae sa aking harapan. Nagulat ako dahil si Etong ang kanyang binanggit.
Saka ko lang napansin ang itsura nito, mukang matanda lang kaunti sa akin ang babae, buntis ito na sa tantya ko ay nasa 7 buwan na ang dinadala.

“Oo ikaw ba ang asawa niya”? Ang pulis.

“Girlfriend pa lang po ikakasal pa lang po huhu!” Umiiyak na usal ng babae.

“Puntahan mo siya roon, nasa loob ng selda”. Sagot ng pulis at umalis na ang babae.

“O ikaw miss may kamag anak ka rin ba sa mga nahuli kanina? Grabe mga batang ito addict na nagtutulak pa ng shabu.”

“Ah wala po Sir, may tatanong lang sana kaso ‘di bale na lang po.” Pagsisinungaling ko.

Umalis ako mula sa front desk at sinundan ng tingin ang babeng nauna sa akin, malayo ang distansya ko sa kanya sapat lang para makita ko kung sino ang pupuntahan niya sa selda.

Halos himatayin ako nang makita kong biglang lumapit sa rehas si Etong, hinawakan ang mga kamay ng babae at sabay silang umiyak.

“Etong naman…pano ‘tong anak natin..malapit na lumabas, sabi ko naman sa’yo itigil mo na yang kalokohan mo huhu!” Umiiyak na sabi ng babae.

“Sorry mahal, last na sana e kaso minalas pa huhu! Tulungan mo akong makalabas dito please..” si Etong.

Mula sa narinig ay agad na akong tumalikod at umalis ng presinto, tumutulo ang mga luha ko habang pauwi, masakit pero nanatiling matigas ang damdamin ko. Alam kong kakayanin ko ang nangyari.

Pag-uwi sa inuupahang silid namin ni Etong ay tulala lang ako, hindi ko lubos maisip na niloloko lang pala ako ni Etong, umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan ay nag-impake ako ng mga damit, nagpunta ako kay May, isa sa mga kaibigan namin ni Etong at sinabi ko lahat ng mga nalaman ko. Nagpasama ako sa kanya sa bahay ng tiyahin ko baka sakaling makabalik pa ako pero wala na, hanggang langit ang galit sa akin at tuluyan na akong itinakwil.

“Dun ka muna sa bahay ko friend, kung gusto mo ay ipapasok na lang kita sa trabaho ko sa club.” Si May.

Hindi na ako puwdeng bumalik sa inuupahan ni Etong dahil wala ako ipang babayad at ayoko din na maabutan ako ni Etong doon kung sakaling makalabas siya sa kulungan kaya nagpasya akong tanggapin ang alok nito.

Kinagabihan ay isinama niya ako sa club na pinagtatrabahuhan niya bilang GRO. Hindi lingid sa akin na hindi lang waitress ang trabaho ng kaibigan ko doon, alam ko base na rin sa mga kuwento niya sa akin na nagpapa galaw siya sa mga customer na nagkakakursunada sa kanya, mas malaki daw ang kita kapag gano’n.

Kinakabahan man ay tinatagan ko ang loob ko at hinarap ang buhay na papatunguhan ko. Wala na kasi ang mga dokumento ko tulad ng birth certificate at iba pang pagkakakilanlan dahil lahat ito ay sinunog ng tiyahin ko dahil sa galit sa akin kaya mahihirapan akong maghanap ng ibang mas marangal na trabaho, kaya tinanggap ko pansamantala ang alok ng kaibigan ko hanggang sa makaipon at makapag kumpleto ng mga dokumento.

“Hmmmh…ok naman siya, basta May siguruhin mo lang na alam niya ang lahat ng kalakaran dito, bawal ang pa virgin…” sabi ng may-ari ng club, medyo may edad na ito mga nasa singkuwenta na ang edad pero halata parin sa kilos nito na mahilig parin sa babae.

Kinabukasan ay nagsimula na ako sa pagiging waitress..madali lang naman ang trabaho, at dahil sa bago lang ako ay hindi ako pinapaharap sa mga lasing na customer. Pero sa ikalawang gabi ay dumating na ang kinakatakutan ko.

“Ela tawag ka ni Mama,” si May, Mama ang tawag namin sa Mama Sang na nag mamanage sa’ming nga babae, iba ang boss ng mga lalakeng waiter. Agad ay pinuntahan ko ito pero isinama ko si May.

“Ela type ka ng customer sa VIP room number 4, alam mo na ibig ko sabihin.” Sabi nito.
Agad na nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan, hindi ko akalain na sa pangalawang araw pa lang ay mangyayari na ang kinakatakutan ko. Nagawa kong ibigay ang puri ko kay Etong, nagawa ko ding mang-akit at magpa galaw kay Eddie pero hindi ko maatim na iba’t-ibang lalake ang gagalaw sa akin na hindi bukal sa kalooban ko.

Naiyak na lang ako bigla at nakiusap sa Mama Sang na hindi ko pa kaya. Nakiusap ako ng isang linggo pa, saka ko gagawin ang ganoong klase ng trabaho sa club na ‘yon.

Naawa naman ito sa akin kaya ipinasa na lang may May ang trabaho na sinag ayunan naman nito bilang kaibigan para maisalba ako. Sinabihan ako ng Mama Sang na huwag na lalabas ng kusina at magdadahilan na lang daw siya kaya ibang babae ang ibibigay niya sa customer. Nagpasamalat ako sa kanya habang umiiyak at sinunod ang kanyang bilin.

Kinabukasan pag-uwi namin sa tinutuluyan ni May ay ikinuwento niya sa akin na buti na lang daw at siya ang nag serbisyo sa customer dahil dalawa daw pala ang naroon at pareho siyang ginalaw ng mga ito, nanakit daw ang hiyas nito dahil para daw wild sa sex ang mga naging customer niya. Pero sulit daw dahil limang libo daw ang ibinayad sa kanya.

Nag sorry na lang ako sa kanya dahil sa kaartehan ko. “Sus wala ‘yon sis, basta maging ready ka ha kasi hindi pwedeng laging tumanggi, malalagot ako.” Sagot ni May.

Isang linggo ang pangako ko, after no’n ay kailangan ko nang humarap sa mga customer na mag rerequest sa akin, kaya naman naisip ko na sa ilang araw bago dumating ang araw na ‘yon ay kailangang makaalis na ako sa trabahong pinasukan.

Ngunit hindi ‘yon nangyari dahil kinagabihan…