“Sabay ka na sa’kin, magkalapit lang naman tayo ng lugar, taga Mandaluyong din ako.” Offer ko sa lalake.
“Naku Ma’am ‘wag na po nakakahiya po mag commute na lang po ako.” Tanggi nito pero ipinilit ko ang paghatid kaya naman wala na ito nagawa at sumakay na lang sa kotse.
“Ma’am nakakahiya po ang lugar namin, bababa na lang po ako sa malapit sa’min.” Nahihiyang sabi ni Lester.
“Mr. Prado…may kaya ako sa buhay pero kailanman ay hindi ako naging maarte…alam ko na.. kung talagang nahihiya ka ay sama ka muna sa bahay ko para makapag kwentuhan tayo.” Sagot ko.
Natahimik na lang si Lester at hindi na kumibo tanda ng pag sang-ayon.
Hindi ko mawari ang sarili ko para magtiwala agad sa taong nakilala ko pa lang ng dalawang araw pero napaka gaang talaga ng loob ko sa lalaki.
Nang makarating sa aking bahay at maigarahe ang sasakyan ay inaya ko ito sa loob. Bagama’t nahihiya ay kita ko sa kilos ni Lester na pinapakampante niya ang sarili.
“”Lika pasok, wag ka mahiya, upo ka sa sofa and wait for me, magbibihis lang ako saglit.” Sabi ko dito.
“Thank you po Ma’am.” Maiksing sagot nito.
Nang makaupo na siya ay umakyat na ako sa aking silid para magbihis. Nagsuot ako ng maong shorts at blouse, siniguro ko na hindi magiging mahalay ang suot ko.
Akmang palabas nako ng silid nang tumunog ang cellphone ko, agad ko itong sinagot.
“Ela nasa bahay ka na ba?” Si Joey na nasa kabilang linya.
“Yup! Why? Nakabalik ka na ba from the site?”
“Yes and papunta na ako diyan, bumalik sa Amerika si Kuya Eddie kasama si Ma’am Pat at Peter hindi niya na muna ako isinama.”
“Sige, may bisita ako ipapakilala ko sa’yo mamaya ingat ka sa pag drive…see you later.” Sagot ko at bumaba na ako.
Pagbaba ay deretso ako sa kusina para kumuha ng dalawang sanmig light sa ref at ilang chips. Nang makita ako ni Lester ay agad itong tumayo para tulungan ako sa mga dala ko. Pagkababa sa lamesita ay iniabot ko ang isang bote sa kanya.
“Umiinom ka naman siguro no?” Tanong ko dito.
“Opo Ma’am pero madalas Emperador ang iniinom naman para tipid hehe!” Sagot nito.
Napangiti na lang ako sa sinabi nito, matagal na akong hindi nakakainom ng ganoong klase ng alak mula nang magbago ang buhay ko, kadalasan ay mamahaling alak o kung hindi naman ay beer ang iniinom namin ni Joey.
“Aahm Lester, ok lang ba if kunin kita bilang personal assistant ko? You will remain with the position you applied for pero madalas ay kasama kita sa mga magiging lakad ko, I will have my secretary to set a table for you sa loob ng office ko.” Simula ko sa usapan namin.
Natigilan si Lester sa pagtungga ng beer at napatingin sa akin.
“Sure po ba kayo Ma’am? Bago pa lang po ako.. kaka start ko pa lang po today and yet pagkakatiwalaan niyo na po ako ng ganito, you even invited me here sa bahay niyo kahit alam niyo po na lalake ako.” Sagot nito.
“Yes, I am pretty sure sa desisyon ko, pero ito naman e kung gusto mo lang.”
“Opo naman Ma’am gustong-gusto ko po, salamat po sa pagtitiwala Ma’am.” Nakangiti ito at muling lumagok ng beer.
“That’s good, starting tomorrow ay doon ka na sa office ko mag tatrabaho kasama ko.” Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Margareth para sa mga instructions ko.
Marami pa kaming napag kwentuhan ni Lester, sinabi niya sa akin ang tungkol sa buhay niya, hinayaan ko lang siyang magsalaysay habang ako ay nakikinig lang na paminsan-minsan ay tumatawa dahil sa mga biro nito habang nagkukuwento.
Paubos na ang panagalawang bote namin nang marinig ko ang doorbell.
“Wait Lester andiyan na ata si Joey.” Paalam ko dito sabay tayo para buksan ang gate.
“Hi!” Bati sa akin ni Joey nang makapasok ng gate sabay halik sa mga labi ko at sabay na kaming pumasok ng bahay.
“Joey meet Lester, my new personal assistant…Lester meet Joey bestfriend ko.” Pagpapakilala ko sa dalawa.
Matapos mag tanguan at magkamayan ay nagpaalam si Joey na magbibihis saglit at umakyat na ito sa guestroom.
Matapos magbihis ay sinamahan na kami ni Joey sa inuman. Nang maubos ang tatlong bote ay nagpaalam na si Lester para umuwi, hindi na ako nag offer ng paghahatid dahil tricycle lang ay makakauwi na ito.
“Hhmmhh…siya na ba?” Tanong ni Joey nang bumalik na ako sa loob matapos ihatid sa gate ang lalake.
“Oo at sana ay worth it.” Seryosong sagot ko dito.
“Kaya pala bestfriend ang pagpa…