Sa nangyari ay lalo akong humanga sa pagkatao ng binata, kaya naman naisip kong kailangan ko nang isagawa ang susunod kong mga hakbang, gabi bago ako matulog ng araw na ‘yon ay tinawagan ko si Joey at ikinuwento ang lahat ng nangyari.
Kinabukasan dahil araw ng Sabado at walang pasok sa opisina ay nag stay lang ako sa bahay, ginawa ang daily routine, naglinis, naglaba, at paminsan-minsan ay nag oopen ng emails at messages sa laptop. Pero walang sandali na hindi ko naisip si Lester, alam kong napakabilis at hindi tama pero hindi ko maiwasang maisip na lumalalim na ang pagtingin ko dito. Nakadagdag pa sa isipin ko ang nangyari, bata pa ako at open sa kamunduhan kaya naman nag-iinit ang pakiramdam ko sa tuwing bumabalik sa isip ko ang namagitan sa amin.
Lunes, maaga pa lang ay bumangon na ako para gumayak para sa trabaho, excited ako dahil makikita ko ulit si Lester. Dalawang araw ang lumipas na gustong-gusto kong itext o tawagan ito pero pinigil ko ang sarili ko, hinayaan ko na muna siya dahil alam kong naapektuhan siya sa nangyari sa amin. Kaya naman masaya ako at muli ay makikita at makakausap siya.
Napagpasyahan kong kausapin si Lester sa opisina at sabihing ok lang ang nagyari, na ginusto ko ang lahat at ikinatuwa ko ang kanyang ginawang pagpipigil sa sarili.
Pagdating sa opisina ay dumeretso ako sa CR at sinigurong maganda ang aking itsura, “naglalandi na naman ata ako hihi!” Bulong ko sa sarili habang paikot-ikot sa harap ng malaking salamin na naroon. Matapos masigurong ok na ang aking itsura ay pumuwesto na ako sa aking lamesa at sinimulan ang aking trabaho habang naghihintay sa pagdating ng binata.
Dumating ang alas nuebe ng umaga pero walang sumulpot na Lester, isang oras na itong late kaya naman tinawagan ko na ang aking secretary at sinabing tawagan ito at alamin kung bakit wala pa.
“Ma’am un-attended po ang number niya nakailang try na’ko pero gano’n parin.” Sabi ng secretary ko makalipas ang ilang minuto.
“Ok Margareth thank you.” Sagot ko dito.
Pilit kong inisip na late lang ito kaya wala pa pero hindi naalis ang pag-aalala ko na baka hindi ito pumasok at baka may masamang nangyari dito. Pero tama ang naging kutob ko dahil lumipas ang buong araw na walang Lester na dumating.
Pauwi na ako nang maisip kong puntahan ang binata pero pinigilan ko ang sarili ko, masyado na akong naging garapal at ayokong maisip niya na masama ako at isang mababang klase ng babae kaya naman napagpasyahan kong umuwi na lang ng bahay.
Lumipas ang isang linggo pero hindi parin pumapasok si Lester, araw-araw kong pinapatawag si Margareth pero nanatiling un-attended ang cellphone ng binata, kaya naman napagpasyahan kong tama na ang pagtitiis, kailangan ko na siyang makita at makausap kung bakit hindi siya pumapasok, patuloy ang panalangin ko na sana ay walang masamang nangyari sa kanya.
Pagdating ko sa inuupahang bahay ni Lester ay mahina akong kumatok sa pintuan. Maya-maya ay bumukas ito at humarap sa akin ang isang matandang babae.
“Sino po sila?
“Ahm nandiyan po ba si Lester?” Tanong ko dito.
“Ah si Lester, hindi na siya nakatira dito, ako po ang mag-ari nitong paupahan kailangan ko na kasing lumipat dito dahil sa amin na tumira yung anak ko doon ko sila pinatira sa bahay ko.” Sagot ng matanda.
“Alam nyo po ba kung saan siya lumipat?” Nag-aalala kong tanong.
“Oo doon sa talyer namin, nakiusap kasi siya na babalik sa pagpasok sa talyer namin e sakto may isang kwarto do’n na bakante kaya natiyempo din na kailangan ko na bumalik dito sa bahay…ah girlfriend ka ba niya? Ang ganda mo naman iha bagay ba bagay kayo ni Lester!”
Masayang sagot nito.
Ngiti lang ang naisagot ko sa matanda, akma pa sana akong magtatanong kung saan ang talyer nang nauna na ito sa pagsagot at sinabi sa akin kung saan makikita ang lugar. Nang malaman ay magalang akong nagpasalamat at naglakad na palabas ng iskinita.
Sa labasan base na rin sa instruction sa akin ay lumakad ako pakanan at pagkalampas ko ng tatlong iskinita ay nakita ko na ang isang maliit na talyer na may nakaparadang dalawang kotse na pinapagawa.
Nagpalinga-linga ako sa loob pero hindi ko nakita si Lester nang may lumapit na matandang lalake sa akin.
“Miss ano kailangan mo?, papagawa ka ba ng kotse?” Tanong nito sa akin.
“Nandiyan po ba si Lester?”
“Ah si Lester, oo miss nandun siya sa dulong kotse nagkukumpuni teka at tatawagin ko.” Nakangiting sagot naman nito.
“Les may bisita ka! Parine ka muna!” Sigaw ng matandang lalake, sabay paalam sa akin pumasok na ito sa loob ng talyer.
Makalipas ang ilang saglit ay nakita ko si Lester na tumayo mula sa kotseng nasa dulo at lumingon sa labas, nang makita ako ay natigilan ito at parang hindi alam kung lalapit ba sa akin o hindi pero nagsimula na rin itong lumapit sa akin habang pinupunasan ng basahan ang grasa sa mga kamay.
“Ma’am..ano pong ginagawa niyo dito? Pa’no n’yo nalaman na nandito ako?” Tahimik na tanong nito na hindi tumitingin sa mga mata ko.
“Ah one week ka kasing hindi pumasok, hindi ka rin daw ma-contact ni Margareth…e since magkalapit lang tayo ng lugar e dumaan na ako dito.” Medyo nahihiyang sagot ko.
“Kamusta? Bakit hindi ka nagrereport sa office, hindi ka rin nag advise sa HR department ng status mo, may work ka pero nandito ka sa talyer ngayon, ayaw mo na ba sa trabaho mo sa office?” Sunod-sunod kong tanong, pinilit kong maging pormal ang tono ng boses ko para hindi niya mahalatang medyo emosyonal na ako ng mga sandaling ‘yon, kung alam niya lang ang habag na naramdaman ko para sa kanya, kung alam niya lang ang tuwa ko nang makita ko siya ng mga oras na ‘yon, at kung alam niya lang na gustong-gusto ko siyang yakapin and tell him how much I missed him. Lahat ‘yon kinimkim ko lang.
Tahimik lang ito at hindi sumasagot, nakayuko lang pero paminsan-minsan ay tumitingin sa mukha ko, ako naman ay seryoso lang ang itsura, sa totoo lang ay hindi ko al…