Ako naman ay natulala sa taong bumati sa akin. Hindi ko akalaing makikita ko siya after one month. Nagpalipat-lipat ang tingin ko dito at sa aking secretary hanggang sa magsalita ito.
“Ok po I will give you feedback once all is done..Sir Lester.”
Hindi ako makapaniwala, nasa harapan ko si Lester na napaka pormal ng itsura, naka long sleeved polo ito with neck tie, malayo sa itsura nito nang huli ko siyang makita at makausap sa talyer one month ago. Automatic na kumabog ang dibdib ko, shit bakit ganito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko with the mixed emotions that I have felt, happy to see him, actually longing to see him, naguguluhan kung bakit naroon siya, at ang kiliting bumalot sa aking katawan nang masilayan siya.
“What are you doing here?” Pormal kong tanong ba pilit itinatago ang tunay na nararamdaman.
“I work here Ma’am as your personnal assistant, have you forgotten about that?” Nakangiting sagot nito na ikinataas ng kilay ko, alam kong alam niya ang ibig kong sabihin, not that he answered wrong, tama naman siya but I was expecting a different answer.
“Hindi yan ang sagot na gusto kong marinig Mr. Prado, and you know what I mean.” Matigas at ma otoridad kong sagot. Nakakainis, napaka ipokrita ng ipinakita kong karakter, kabaligtaran sa nararamdaman ng puso ko. Gusto kong lumundag at yakapin siya ng mahigpit pero hindi ko magawa, hindi dapat at hindi tama.
Naupo ito sa upuang nasa harap ng aking lamesa, tumingin sa mga mata ko na ikinataranta ko pero hindi ako nagpahalata, basta nakipagtitigan lang ako dito.
“Well you deserve an explanation, I was assigned to take your place while you were on leave Ma’am, I was also given the authority to access all your files and emails to know everything and address matters and attend meetings in your behalf.” Sagot nito, alam kong matalino ito pero iba, napansin kong mas magaling siya sa pagsasalita sa ngayon at mas confident sa mga salitang binibitawan.
“I..I dont get it, paano…sino ang nag assign sa’yo…at bakit hindi ko alam, bakit hindi hiningi ang approval ko, may iba pang mga managers dito under me na pwede kong i assign.” Naguguluhan at medyo tumataas na ang boses ko, oo natuwa ako na makita ulit ito pero nakaramdam ako ng pag bypass sa authority ko as the executive senior manager.
“Ako.” Boses na nanggaling sa pintuan na ikinatayo ng lahat ng balahibo sa aking buong katawan, mabilis akong tumayo para magbigay galang sa taong pumasok sa aking opisina.
“Sir…Sir Gab..good morning po.” Magalang kong bati dito.
“How are you Ela?” Nakangiting bati nito sa akin, pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko, narito sa opisina ko si Eddie o si Gabriel Peter Valero, ang mismong may-ari at may pinakamalaking share sa Valero’s group of companies. Sa likod nito ay naroon si Joey na nakangiti sa akin.
Naguluhan ako, bakit narito si Eddie at Joey? At bakit lahat sila ay nakangiti at ako lang ang nagulat sa nangyari? Natigil ang pag-iisip ko nang tumayo din si Lester at bumati dito.
“Ow you must be Lester, You did a great job in handling matters here and at the meetings, very good.” Masayang sabi ng boss ng Valero’s dito.
“Thank you very much Sir, I just presented Ma’am Ela’s report and it was brilliant so the credit should go to her not mine Sir.” Magalang na sagot ng binata.
“Well magaling naman talaga itong si Ela and I am very proud of her, you two has a great partnership so keep it up.” Si Eddie, natuwa ako sa pag commend niya sa akin pero hindi ko masyado na absorbed dahil hindi pa nawawala sa isip ko ang pagkalito, ang daming nangyari and sa loob lang ito ng isang buwan.
“Ela meet me at my office in 30 minutes, bring Lester along.” Si Eddie sabay labas ng pinto at kasunod nito si Joey na tumingin muna sa akin na hindi naalis ang ngiti sa mga labi.
Pagkasara ng pintuan ng opisina ay tumayo na si Lester at naupo na sa kanyang pwesto samantalang ako naman ay parang naubusan ng lakas na dahan-dahang napaupo sa aking upuan. Paano at bakit? Tanging paulit-ulit na tanong sa aking isipan.
“Ma’am maybe we should prepare for the meet up with Sir Gabriel.” Si Lester na nagpatigil sa pag-iisip ko.
“O…ok I’ll just freshen-up…and Mr. Prado, you have a lot of explaining to do.” Sabi ko sabay tayo at pasok sa loob ng banyo.
Magkasabay kaming umakyat ni Lester sa hagdanan papunta sa itaas na palapag kung nasaan ang office ni Eddie, ang buong palapag na iyon ay opisina niya lang na may tatlong silid isang kusina, conference room at private room na parang bahay na dahil kumpleto ang mga gamit at sa pinakamataas na floor ay ang helipod.
Habang paakyat sa hagdan ilang baitang na lang ay natalisod ako, mabuti na lang at maagap si Lester sa aking likuran kung hindi ay tuluyan na akong nasubsob. Nahawakan niya ako sa magkabilang balakang at mabilis na hinatak ako para hindi ako matumbang paharap, at dahil sa ginawa niya ay napasandal ako sa kanyang katawan at halos magdikit ang aming mga mukha.
“Ma’am ok lang? Ingat po.” Nag-aalalang sabi nito sa akin, samyo ko ang kanyang mabangong hininga na lalong nagpalambot sa aking mga tuhod.
“Ok lang ako..thank you.” Maiksing sagot ko at humiwalay na sa katawan nito.
Nang makarating kami sa opisina ni Eddie ay naabutan kong nakaupo ito sa malaking sofa na naroon, nakapalibot ang mga sofa sa isang malaking center table. Walang pagbabago sa itsura nito, ito parin ang Eddie na nakilala ko, matikas ang katawan, maputi na parang amerikano at hindi nagbago ang taglay nitong kaguwapuhan.
“Come have a seat Ela, Lester.” Aya nito sa amin.
Naupo ako sa tapat ng pwesto ni Eddie at si Lester naman ay naupo sa tabi ko pero nasa dalawang metro ang layo, maya-maya ay dumating mula sa isang silid si Joey dala ang tray ng mga alak, pagkalapag sa center table ay naupo din ito sa single sofa sa aking kaliwang side.
“I am here dahil alam nyo naman malapit na ang birthday ni Pete, and I want you all to be there, hindi na kayo iba sa akin, at gusto ko din na makitang magkakasama ulit tayo.” Panimula nito.
“Well Ela, I’m sure naguguluhan ka sa nangyayari, about Lester to be exact…tama ba?” Wala akong maisagot, tanging tango lang ang nagawa ko.
“Actually it is Lester who will explain all to you, besides siya naman ang partner mo, I just want to remind you that alam ko ang ginagawa ko and I just want the best for us all.” Dagdag pa niya, tumango kami ni Joey maliban kay Lester, marahil ay dahil hindi naman nito alam ang mga pinagsamahan namin ni Eddie.
“Get Lester away from that place, Ela pwede ba na sa’yo muna siya makitira habang naghahanap pa siya ng bahay na malilipatan?” Tanong nito sa akin na ikinagulat ko, iyon talaga ang gusto kong mangyari one month ago, pero hindi naging maganda ang naging resulta.
“Opo Sir ok lang po sa akin.” Sagot ko naman.
“Ok good, now get your bottles habang malamig pa, lets skip work today and just have some fun.” Si Eddie na nauna nang tumungga ng beer.
Nagsisunuran naman kaming lahat maliban kang kay Joey. Tahimik lang ito nakatingin sa aming lahat.
“Lester here have a drink, I like your personality and I’m sure hindi ako nag-iisa.” Nakangiting sabi nito sabay simpleng tingin sa akin. Ako naman ay pinamulahan ng mukha at tumungga ng beer.
“Thank you very much Sir, it’s an honor to meet you in person.” Sagot ni Lester sabay abot ng beer.
“Well after this you can stay or go, basta Ela ikaw na ang bahala kay Lester, papasok muna ko sa room ko para makapag pahinga.” Paalam ni Eddie matapos masaid ang laman ng sanmig light, tumayo na ito at pumasok sa isang silid.
“Joey anong nangyari?” Tanong ko kay Joey na sa simula pa lang ay panay na ang tingin sa akin.
“Narinig mo naman si Boss Eddie, alam nya ang ginagawa niya hehe!” Pang-aasar na sagot nito.
“Ha?!..halika nga.” Tumayo ako at hinatak ito sa kamay palay…