Pinoy Nimpo Part 29

NAG-UUMPISA nang umusbong muli ang sigla sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna maging mga karatig lugar sa buong kapuluan matapos ang mahigit apat na taong digmaan sa bansa. Makikita pa rin ang mga pira-pirasong mga gusali na unti-unting nililinis at isinasaayos. Ang bayang ito ay sadyang nakapalawak kung parasa kakaunting mga naninirahan. Napapaligiran ng matataas na damo ang munting bayan at nagkalat sa baku-baku at maalikabok na daan ang mga dumi ng kabayo. Karetela pa rin ang pangunahin sasakyan ng mga tao dito. Ang munisipiyong yari sa kahoy, kalahati lang nagagamit dahil warak ang kaliwang bahagi nito. Plano ng alkalde na ilipat ang munisipio sa ibang lugar, sakaling dumating na ang sapat na pondo para sa pagpapaayos ng kanilang munisipio.

Wala pa ring kuryente dito dahil inaayos pa ang napinsalang mga kawad at relay stations sa buong bansa na lubos na napinsala. De ga-as na sulo, lampara o petromax ang ilaw sa bawat tahanan tuwing gabi.

Pansin ang matinding kahirapan dahil bukod sa kakulangan ng suplay ng pangunahing mga pangangailangan ng mga tao,tulad ng mga gamot, tubig at pagkain, unti-unti na ring nawawala ang mga libreng rasyon mula sa mgaEstados Unidos at iba pang mga tulong mula sa iba’t ibang bansa. Abala ang pamahalaan na makapag umpisang muli ang lahat, sa muling tamasang kasarinlan at kalayaan kaya’t kulang ang atension nito sa mga maliliit na bayan.

Sa kabila nito, nakahihinga na ng maluwag ang mga tao dahil lumiliwanag na ang paligid sa mga abo at usok mula sa mga bakas ng digmaan.

Wala na ang mga ingay ng serena, mga malalakas na pagsabog ng bomba at ingay ng mga nag-uunahang mga punglo mula sa mga riple at pistola ng mga sundalong naglalaban. Wala na ang ingay ng mga nag-iyakan.

Hindi maikubling mabalot pa rin ng pighati ang lahat na tahanan. Karamihan sa kanila, nawalan kasi ng mga kamag-anak.

Ang magkapatid na sina Adela at Delfin ay kabilang sa mga naulila ng digmaan. Namatay ang kanilang mga magulang kasama ang bunso nilang kapatid nang bumagsak ang malaking bomba sa simbahansa San Ildefonso sa lalawigan ng Batanggas ilang buwan mula ng sumiklab ang digmaan. Nung araw na iyon, pansamantala nilang iniwan ang kanilang magulang at kapatid dahil naghahanap sila ng mapipilahang rasyon ng pagkain.

Ito na pala ang huling sandaling masisilayan nila ito.

Dinatnan nila ang kalunos-lunos na mga bangkay ng mga kaanak kasama ang iba pang mga nakikituloy roon, na tulad ng kanilang mga magulanghindi nakapag handa nang bumagsak ang bomba.

Halos matunaw ang mundo ng magkapatid ng maganap iyon.

Matapos mailibing ang labi ng mga nasawing kaanak, muli nilang nilikas ang lugar upang maghanap ng ibang makukublian. Mahigpit ang pagkakahawak nila sa mga gabing kinakailang lumikas. Kasama nila lagi ang iba pang mga kababayan na nawalan na rin tirahan.

Natatandaan nilang balot na balot ng takot ang mga tao habang nagtatago at tumatakas. Sa bawat putukan at mga pagsabog, niyayanig rin ang paligid ng mga taghoy at tangis ng mga kabataang musmos, lalo na ang mga kababaihan. Isang malupit na bangungot ang nakaraang digmaan para kina Delfin at Adela na tila, kamakailan lang naganap. Naririnig pa nila ang mga ungol at mga pagmamaka-awa sa mga gabi ng kanilang pagtulog.

Pinakamabagsik na kasama ng Japanese Imperial Army ang ilang kasapi na hindi naman talaga Hapon ngunit mga North Korean na tumakas sa kanilang bansa dahil sa kumunismong pamamahala sa lipunan. Ngunit ng bigyan ng papel ng mga hapon sa digmaan, tila mga tigreng nakawala sa kulungan dahil hayok sila sa laman. Marahas sa walang habas na pamamaslang sa mga taong walang laban at nagkalat ang pang-gagahasa sa mga kababaihan sa iba’t-ibang bayan.

~~~

Ang digmaan ang nagpalapit ng husto sa magkapatid na maging magka-agapay sa lahat ng oras sa tuwing naka-badya ang panganib sa kanila. Si Adela ay matanda mahigit tatlong taon ki Delfin.

Minsan ng ibinuwis ng binata ang kanyang buhay upang ipagtanggol si Adela sa kamay ng mga mapangahas na dayuhan. Natatandaan nila, siguro’y wala pang isang taon buhat ng manakop ang mga Hapon, napa-bilang si Adela sa pinag pipilian noon na manilbihan sa itinatayongGarrisonsa Ybaan, Batanggas. Dito talaga sila isinilang at lumaki hanggang sa sumapit ang digmaan. Inakala nilang magiging maayos sila sakaling mapili si Adela, dahil mapapalapit ito sa mga dayuhang militar. Ngunit sa hanay pa lamang, nakitaan na nila kung gaano kabangis ang mga mananakop. Nagkubli ang mag ama at nakita nila kung paano kaladkarin si Adela ng isa sa mga sundalong Hapon. Patago nilang sinundan ito, habang kinakaladkad ang nooy dalagitang si Adela papunta sa likod ng munisipyo ng Ybaan.

Naiyak ang ama ni Delfin ng laslasin ng bayonita ang damit ni Adela hanggang sa mahubad ito. Linaslas din ang bra at panty ng babae.Dahil sa katandaan, mahina na katawan ng ama ni Delfin kaya’t gustuhin man nito na tulungan ang dalaga, wala itong lakas ng loob at tibay dibdib upang ipagtanggol ang napipintong panghahalay sa anak na dalaga.

Nakita nilang sinipa si Adela ng Hapon hanggang sa humandusay ito sa lupa. Humahagolhol at namimilipit sa sakit ang babae. Awang awang si Delfin, lalo na ang kanyang ama. Napatingin ang lumuluhang ama sa binata at umusad..

‘Delfin.’

Nakikiusap ang mga mata nito na parang ang isinasaad, ‘Tulungan mo ang kapatid mo.’

Kahit kulang pa sa pagkalalakeang binatilyong si Delfin, inipon niya ang lakas sa kanyang sarili ng oras na iyon upang makagawa ng paraan na ipagtanggol si Adela. Dalawang dipa mula sa kanilang kinatatayuan, nakita ng binata ang kapirasong kahoy ng kamagong. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, kaagad siyang nagbigay ng habilin sa ama, habang naka kubli ang kanilang mga sarili. Pabulong na sinabi ni Delfin sa..

Pages: 1 2 3 4