“A-Ate, kumain ka. Saluhan kita.”
Hindi sumagot si Adela.
Alam niyang gising ito, ngunit parang walang naririnig. Maging ang binata, tila nawalan na gana dahil kumakabog ang dibdib niya sa labis na pagkahabag sa naririnig na pag iyak ng kapatid habang nakatagilid sa pagkakahiga. Hinayaan niya ito ng ilang saglit.
Tinabihan niya si Adela, matapos maghugas ng katawan at makapagbihis. Wala pa ring pagbabago dahil alam niyang umaagos ang luha ni Adela, nakaharap ito sa pader. Sa pagkakahiga, hinarap ni Delfin ang likuran ng kapatid at banayad na idinantay ang kanyang kamay sa braso ng dalaga. Hinaplos niya ito.
Wala pa ring reaksion si Adela. Segundo at minuto na ang lumipas. Sa labas ng kanilang kulambo, parang may ihip ng hangin ang pumasok sa kanilang tahanan, biglang nawala ang sulo sa kanilang lampara. Dumilim ang buong paligid. Naramdaman ni Delfin na biglang pumihit si Adela, at yumapos sa kanya. Yinakap siya nito ng buong higpit.
Saka humagolhol sa kanyang dibdib.
Parang tinutunaw ang puso ni Delfin ng mga sandaling iyon. Yinapos niya rin ang maliit na katawan ng dalaga at mahigpit na inakap ng dalawang kamay niya. Basang basa na ang kanyang pang taas sa mga luhang pumapatak sa hagolhol ng babae.
“Ate..” Sambit ni Delfin. Hinihimas himas niya ang likuran nito. Umusog ang katawan ni Adela sa pagkakadapa sa kanya hanggang sa makarating ang mga patak ng luha nito sa kanyang balikat.
Lumalakas ang hagolgol nito at halos nasasaktan na ang braso ng binata sa higpit ng pagkakakapit ng mga kamay ng dalaga. Tila tumutusok ang mga kuko, habang patuloy ang pag iyak nito sa kanyang bisig. Ang mainit na hininga nito at tumatama sa kanyang panga.
Mga ilang saglit pa, narinig niya ang tinig ni Adela. Mahina tinig na kasabay ng impit sa paghikbi.
“Buntis ako.”
Napapikit si Delfin sa narinig. Tila nakaramdam ng pagkahilo. Muling binalikan ng isip niya sinabi ng babae. At inintindi.
Nanginig ang buong katawan ng lalake. Unti-unting lumilinaw sa kanyang diwa ang pahiwatig ng salitang ito sa kanilang dalawa. Sa kanya. Ki Ate Adela. Unti-unting lumalarawan sa kanya ang suliranin.
Nabarahan bigla ng malaking tinik ang kanyang lalamunan. Parang sinaksak ang puso niya ng isang matulis na punyal. Halos hindi makahinga si Delfin habang ninanamnam ng kanyang sarili ang nagaganap.
Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makapagtanong. Hindi siya makakibo.
Nag uunahan ang mga tanong sa kanyang isip. Nag uunahan ang mga pagsisisi sa kanyang sarili.
Sa dami ng kanilang pinag-daanan. Ito na yata ang pinaka mabigat na pagsubok na tatahakin nila. At sa dami ng mga pangyayari na laging nasasadlak si Adela sa panganib, hindi niya minsan ito tinalikuran. Kaagapay siya nito. Sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras.
Iwinaksi ni Delfin ang takot na nararamdaman. Nilabanan ng kanyang utak ang udyok ng mga kahinaan. Sa pagkakataong ito, nais niyang mas maging matatag sa marupok na pagkatao ng kanyang kapatid. Ngayon siya lubos na kailangan nito.
Yinakap niya ng husto si Adela at hinalikan ang noo nito na malapit sa kanyang bibig. At umusal. Mahina. Ngunit may damdaming totoo ng sabihin niyang pabulong ang mga katagang..
“Mahal na mahal kita Ate, hindi kita pababayaan.”
Paisa-isa ang pag hinga, ngunit hinay-hinay na tumila ang iyak ni Adela sa narinig. Humihikbi pa rin, ngunit wala siyang iniusad. Tila kumalma ang kinukuyom niyang puso na kanina pa niya naramdaman, mula sa klinika.
Humigpit muli ang yakap niya sa kapatid.
Nararamdaman niya na ang paghaplos nito sa likod. Sa buong buhay ni Adela, hindi pa siya umibig ng lalake. Siguro’y marahil na rin sa kanilang buhay na halos itinuon niya sa pagtulong sa kanilang mga magulang noon, na abala sa bukid. Marami ang mga nagtangkang manligaw sa kanya, lalo na dito sa Sta. Cruz, pero wala siyang pinansin sa mga ito. Bago pa man ang naganap sa kanila ni Delfin, inisip ni Adela na sapat na pagmamahal na ibinibigay niya ki Delfin bilang kapatid. Ngunit nitong mga huli, kabigin man ng kanyang bibig — subalit itinutulak ng kanyang dibdib — nagkaroon ng puwang si Delfin sa kanyang puso.
Hindi bilang kapatid.
Isinisigaw ito ng kanyang damdamin sa mga gabing nagtatalik sila.
~~~
Nagising si Adela na pausbong na ang araw. Maliwanag na ang bahay dahil binuksan na ni Delfin ang bintana. Nagtaka si Adela, dahil tila mas naunang nagising si Delfin at abala itong naghahain ng almusal sa kanilang hapag kainan.
“Ate, gising ka na. Halika. Me binili akong pandesal at nag prito ako ng itlog.”
Nginitian siya ni Delfin.
Maga pa rin ang mata ni Adela, ngunit sinuklian niya manipis na ngiti si Delfin, kahit medyo malabo ang kanilang pagkaka-aninag dahil sa nakatayong kulambo na namamagitan sa kanila.
Tuluyan ng bumangon ng babae sa pagkakahiga at tiningnan ang pinag handa ng kanyang kapatid. Sa pagkakatayo ng lalake, hindi niya inaasahan, biglang yumapos si Adela sa kanya. Nasa may dibdib nito ang mukha at tila nagbabadya na naman ang pagtangis nito.
“Salamat Delfin, salamat.”
Mahigpit ang yakap ng babae na sinuklian naman ni Delfin. Batid ng lalake na tila naibsan ang dinadalang sama ng kalooban si Adela ng oras na ito, kung ihahambing ang nadatnan niyang kapatid kagabi. Magkayakap silang nakatayo sa maliit nilang bahay. May nararamdamang saya, sa puso ni Delfin ng mga sandaling ito.
“Kailangan nating maging matatag Ate. Mas lalo akong magsisikap, lalo pa’t malapit na akong maging ama.”
Sa narinig, natigilan si Adela. Unti-unting iniangat ang ulo sa dibdib ng binata at hinarap ito. Tinitigan saka nagtanong. Marahan.
“Nakasisiguro ka na ba sa sarili mo?”
Mata sa mata. Puso sa puso. Bagosumagot, nagtanong muna si Delfin ng isang bagay na kailangan niyang malaman.
“Ate. M-mahal mo ba ako…” Nau-utal si Delfin ngunit nagpatuloy. “H-hindi bilang k-kapatid?”
Mas lumalim ang pagkakatitig ni Adela sa mata ni Delfin. Ilang saglit bago sumagot habang nakatitig sila sa isat isa.
“Nagpa-angkin ako sayo. Nagdadalang tao ako at ikaw ang ama. Hindi pa ba sapat na katibayan yun sa itinatanong mo?”
Hindi naka kibo si Delfin.
“P-pasensiya ka na Ate, kailangan kung lang kasing marinig.” Napayuko ang binata. Ibinaling ang mata sa baba. Halatang may lungkot sa kanyang tinig.
Humigpit ang yakap ni Adela sa katawan niya. Nakapikit itong isinandal muli ang kanyang pisngi sa dibdib ng binata. At nagsabi..
“Oo mahal kita. Alam kung mali, ngunit mahal kita.”
Lumukso ang puso ng lalaki dahil naguumapaw ang tuwa. Muli niyang hinarap ang dalaga.
“Talaga? Kung ganun, papayag ka ba na maging kasama ko na, habang buhay?”
Nagtakang muli si Adela. Muling napatingin ang nagtatanong niya mga mata. Sinagot ito agad ni Delfin.
“Aalis tayo dito. Lilipat tayo sa malayo. Yung lugar na walang nakakikilala sa atin. Palalakihin natin ang anak natin. Ang mga anak natin.,” Pinutol siya ng babae.
“S-Sandali, mga anak?”
“Oo Ate. Gagawa tayo ng marami. Sa malayong lugar. Magiging masaya tayo.”
Malalim na napaisip si Adela habang nakatitig ki Delfin. Malaking kahibangan ang iniisip nito, ngunit sa kalagayan niya ngayon. Parang ito na lang yata ang natitirang kasagutan sa hinaharap na suliranin.
“P-payag ka ba Ate?”
Kagyat na pinag-aralan ni Adela ang mata ng binata. Inabut ng magkabilang palad at dinama ang mainit na pisngi nito. Umiiling-iling si Adela at nagsaad.
“Nababaliw na tayo. Nahihibang na siguro tayo, pero oo. Oo Delfin. Pumapayag ako.”
Nang marinig ito. Yinakap ng husto ng binata ang kapatid na halos umaangat na sa lupa ang katawan ni Adela sa pagkakayakap.
“Salamat Ate.” Sabi ni Delfin, nasa may balikat ni Adela ang kanyang mukha. “Ito na siguro ang pinakamaligayang araw ko. Salamat Ate.”
Naramdaman ni Delfin na muling hinaharap siya ni Adela. Hawak pa rin ang kanyang mukha. Nakangiti ang babae at naki-usap.
“Adela. Adela na lang.”
Sa tagpong ito, tuluyan ng pinutol ni Adela’t Delfin ang lubid na nagtatali sa kanila bilang magkapid.
“A-Adela.”
“Oo Delfin. Adela.”
~~~
Lumipat sila si Pangil, Laguna. Pinsan ng dati niyang amo sa talyer ang nag rekomenda ki Delfin ki Manong Deo, na isa ring mekaniko ng mga sasakyang Berlina. Inupahan nila ang bakanteng silid sa likod ng bahay nina Deo. Kalauna’y magiging magaling na mekaniko si Delfin kahit walang pormal na pinag-aralan.
Hindi rin niya binigo si Adela na pangalagaan ito. Pinatigil niya ito sa pagtrabaho upang maalagaan ang kanyang katawan, sa pagdadalang tao nito. Kilala sila dito bilang bagong mag-asawa.
Siguro’y masusuka sila sakaling malaman ang mga lihim sa tunay nilang pagkatao. Ang tunay nilang relasyon. Ang tunay nilang pinagmulan.
Itatakwil sila ng mundo.
Subalit sa pananaw ni Adela at Delfin, sino ba ang dapat humusga sa kanilang nararamdaman. Sa kanilang pinag-daanan. Maraming mga pinag daanan na tanging sila lang naman ang nagdamayan. Nagsalo at lumusong sa ibat ibang pagsubok na sinuong ng kanilang mga buhay.
Wala silang karapatan.
~~~
Hangad ni Delfin na sana’y maging maligaya sila habang buhay. Hindi niya aakalaing isa pang pagsubok ang naka umang sa kanilang pag-iibigan. Ganap ng ika-siyam na buwan, nag hihintay na lamang si Adela ng kanyang panganganak. Lomobo ang tiyan nito ngunit nakaka libog pa rin pag masdan si Adela sa mata ni Delfin. Ika-walong buwan noon ni Adela, ng magpasya silang itigil na ang pagtatalik dahil sa tingin ni Adela, tiyak na makakasama iyon sa bata. Gusto ni Delfin na hilahin na ang mga araw at gabi, upang masilayan na ang kanilang anak at muling makaniig ang kanyang kapatid.
Hanggang sa dumating ang kanilang hinihintay.
April 27, 1947. Ika-dalawang pung taong gulang ni Delfin. Kaaraman niya ngayon. Natupad ang kanyang dasal na sa araw na ito sana manganak si Adela. Madaling araw ng isugod niya sa ospital si Adela dahil sumisigaw ito sa sakit. Maputla rin ang babae, kaya may minabuti niyang sa ospital ito dahil, kesa kumadrona sa kanilang lugar. Kasama niya, si Igme kaibigan at isa ring katiwala sa talyer ni Deo. Isinakay nila ito sa karetela, dahil walang ibang masasakyan noon gabing iyon. Umaaray si Adela sa maugang pagtakbo ng karetela sa bako-bakung daan papunta sa kabayanan.
Natakot na si Delfin dahil tila nahimatay si Adela, nung umabut sila sa ospital. Mabilis naman silang inagapan ng mga tao duon at kaagad dinala ang babae sa delivery room. Pinag antay si Delfin at Igme sa tabi, habang pasilip silip sila sa hindi maaninag na kalagayan ni Adela, sa silid na nakasara.
Mga tatlonpung minuto ng lumabas ang isang doktor na babae. Hinanap si Delfin.
“Kayo ba ang asawa?” Sabi nito.
“Ho, o-opo.. kumusta po siya..”
“Tsk. Anemic ba ang asawa mo?”
Nagtaka si Delfin. Hindi alam ang isasagot.
“Ho? Hi-hindi ko po…”
“Mister. Makinig kayo. Anemic ang asawa mo. Bagsak na bagsak ang dugo at nanganganib siya. Hindi namin ma-induce kasi wala siyang walay at baka bumagsak ang puso niya.”
Nanginig sa takot si Delfin.
“Dok..” Tanging nasambit nit. Tumulo ang luha sa mata ng lalake. Hinahaplos na ni Igme ang kanyang likuran upang damayan.
“Kailangan namin siyang operahan, kailangan namin ng mga ito.” Ibinigay ng babae ang mga lista ng gamot na dapat bilhin ng lalake.
“..At pipirma din kayo dun.” Itinuro niya ang isang pinto. “Paki bilisan niyo lang po kasi, kailangan nating agapan din ang bata.”
Nag-uunahan ang takot ni Delfin, dahil bukod sa pangamba sa kalagayan ni Adela,Sampung piso at sesenta sentimo lang ang naipon niya para sa panganganak nito.
Inakala niyang sapat na ito.
Lalong nanghina ang tuhod ni Delfin ng malaman niya na mahigit bente pesos ang deposito.Buti na lang sumunod si Mang Deo at asawa nitong si Aling Lydia. Nang malaman ng mag-asawa pangangailan ni Delfin, mabilis ini-abut ni Aling Lydia ang mga papel pera na nagkakahala ng disi-otso pesos.
Naluha si Delfin sa kagandahang loob ng mag-asawa sa kanila.
“B-babayaran ko ito. S-Salamat po. Maraming Salamat po.”
“Si-sige na Delfin. Sige na asikasuhin mo na si Adela.” Sabi ni Deo.
~~~
Mabilis niyang isinaayos ang mga babayaran at kailangan mga gamot. Saka nag hintay ng mga nakakatakot na sandali.
Dalawang oras na ang nakalipas, magkakakasama pa rin sina, Delfin, Igme at ang magasawang amo sa paghihintay. Nasa labas sila ng operating room nakaupo. Nagtatakbukan ang mga nurses, papasok sa loob. Kumakabog ng lalo ang dibdib ni Delfin habang lumuluha.
Hanggang sa dumating ang ika-apat na oras, tirik na ang init ng araw sa labas. Narinig ni Delfin ang iyak ng sanggol, sa loob ng silid. Nagkatinginan sila. Naibsan ng panandalian ang sikip sa dibdib na nadaramdaman ni Delfin.
‘uhaaa.’
Munting tinig na nagpapalukso sa kanyang puso.
Nakangiti si Igme, at ang mag-asawang amo, ki Delfin. Inakap siya ng mga ito.
Ngunit, nagbago ang aura nila ng lumabas ang doktor sa pinto. Bagsak ang mukha nito papalapit sa kanila. Mahina. Nakatitig ki Delfin.
“L-Ligtas na po ang bata. Malusog na lalake.”
Napatayo si Delfin.
“S-Salamat po. K-kumusta po a-ang asawa ko doktora?”
Mas lumapit pa ito.
“S-sorry, iho. Ipagpaumanhin niyo. P-pero hindi kinaya ng ina.”
Parang babagsak ang buong katawan D-Delfin.
Nagbibiro kaya ang kausap niya. Bigla siyang nakaramdam ng parang pagkahilo. Umiikot yata ang paligid. Balisang balisa na napatingin siya sa mga kasama at sa doktor.
“A-ano po. Ano pong ibig niyong sabihin..?” Tumutulo ang mga luha, naka kuyom ng malakas ang kanyang mga palad.
Inapuhap na rin siya sa likuran ni Aling Lydia.
“D-Delfin. Anak.” Mukhang naintindihan na nila ang pahiwatig ng doktor kaya’t inabangan na nilang alalayan ito, bago pa niya matanto ang mga nagaganap sa sandaling nasasaksihan.
“Ma-masyado pong bumaba ang dugo ni misis. Hindi na namin maagapan, bumigay po ang puso ng asawa niyo.”
Nangangatog ang tuhod niya. Nauutal.
“P-po, p-puwde ko ba siyang makausap Dok?”
Inabut ng babaeng doktor ang kanyang balikat, hinaplos at mahinang nagpatuloy sa naka-gigimbal na kasunod sa kanyang sanaysay.
“P-Patay na po ang asawa niyo, m-mister. Sorry.”
Biglang parang nagdilim ang paligid ni Delfin sa narinig. Napaupo. Napahawak sa kanyang mukha, gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig. Nauubusan siya ng hangin, sa pait at sakit na nararamdam. Pinilit niyang umarok ng malalim na hininga ngunit tila may nakabara sa kanyang lalamunan. Umiiyak na rin sina Aling Lydia. Yakap yakap si Delfin sa pagkakaupo.
Mga ilang saglit bago biglang bumigwas mula sa kanyang damdamin anmg naghihimsik na pout, saka siya napasigaw. Malakas!
“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”
At humagolhol ng tuluyan.
APRIL 27, 1947. Pumanaw si Adela na hindi man lang nakapagpaalam. Dahil hinding hindi ito inaasahan o natanaw man lang ni Delfin na magaganap. Dito natapos ang kanilang pagsasama. Dito tinuldukan ang kanilang pagmamahalan.
Dito nawasak ang kanyang mga pangarap.
~~~
Bagama’t matagal bago natanggap ni Delfin ang kanyang kapalaran, hindi niya kailanman kinalimutan si Adela. Tanging ang mga alala nito na naka ukit sa kanyang utak ang nagbibigay lakas sa kanya upang ipag patuloy ang buhay.
Ang anak nila ang pinaghugutan niya ng panahon. At atension. Alam niyang natutuwa si Adela sakaling nakikita siya nito sa pagmahahal na ibinigay niya sa anak. Pinabinyagan niya ito, at pinangalangang Ricardo. Pangalan ng kanyang namayapang ama.
Lumaki si Ricardo kahit salat sila sa kahirapan. Katulong ni Delfin ang mag-asawang Deo at Lydia sa pag-aaruga sa bata. At kailanman, hindi na tumingin ng ibang babae si Delfin, upang mag-asawa. Inisip niyang sapat na ang pagmamahal na inilaan niya ki Adela.
Maiksi man ang kanilang naging pagsasama, habang buhay niya itong mamaghalin dahil naniniwala si Delfin na malaki ang kinalaman niya sa pagpanaw nito. Gusto niyang suklian ang sakripisyong iyon na maging tapat.
Dumaan ang mga araw, lumaki at nagbinata si Ricardo. Dahil kapos ng pera, hindi na siya nagpatuloy sa kolehiyo ng makatapos ng sekondarya. Tumulong na siya sa talyer at kalaunan ay nagmaneho ng pampasadang jeep sa Laguna.
August 7, 1971. Apatnaput-apat na taong gulang si Delfin, dalawang put apat na taong anibersayo ni Adela, ng pumanaw din ito dahil sa sakit na tuberculosis. Mahirap para ki Ricardo na noon ay ganap ng binata na tanggapin ang pagpanaw ni Delfin, ngunit masaya siya sa kabilang dako dahil makapagpapahinga na ng lubusan ang kanyang ama.
At higit sa lahat, tapos na ang paninibugho nito sa pinakamamahal na si Adela. Alam niyang magkikita sila doon — sa kabilang buhay. Ito ay matagal ng inaasam ni Delfin. Ang makapiling muli si Adela, kahit sa kabilang buhay.
Hindi man nakilala at nakasama ni Ricardo an Ina, gusto niyang magpasalamat dahil iniwanan siya ng napakabait na ama. Ang lihim sa tunay na relasyon nina Delfin at Adela ay isinama nila sa kamatayan. Maging si Ricardo, ay hindi alam na ang kanyang ina, ay kapatid na karnal ng kanyang ama.
1978 ng makilala ni Ricardo si Alicia, hanggang sa makasal at magkaanak. Sayang nga lang dahil gusto niyang makita man lang sana ng ama ang mga apo ngayon. Gusto niyang ipakilala ang kanyang dalawang anak.
Si Karen at Jimboy.