Isang taon ang dumaan pero I still remember that day, pagkatapos ng Sunday service namin sa church ay naglakad papaapit sa akin si Harson sa lugar na nakaupo ang pamilya ko, saka niya ako na sumama sa kaniya sa harapan ng kongregasyon.
“You are my forever, Keena. I have loved you since we were kids. I want to start our own family. So…will you marry me?” tanong noon ni Harson sabay luhod at binuksan ang isang maliit na kahon na may engagement ring.
“Y-yes…I will marry you…”
Nagpalakpakan ang mga saksi sa loob ng sambahan saka binatikami para sa aming engagement at kasal sa susunod na taon. Ang aming mga kamag-anak at kaibigan ay hindi maitago ang kanilang kaligayahan sa mga nangyayari.
At tulad ng mga nakaugalian, pumunta ang pamilya ni Harson kinabukasan sa bahay namin para maging pormal na ang lahat at pag-usapan at paghandaan ang kasal.
Habang hinihintay naming magkasintahan ang araw ng kasal ay tuloy lang aming buhay sa araw-araw, hanggang magpaalamsa akin si Harson.
“I will be away for abroad for a few months hon…”
“Oh ok…kelan balik mo?”
“Ikaw naman, you really miss me that much? Let me leave the country first…”
“I mean, do you really have to go abroad?”
“Kailangan talaga mahal. This is my chance to get promoted. My boss told me to handle this portfolio abroad. It’s a biggie. Once na makuha ko ang deal sa isang oil company to invest with the company, then it will be just a formality that I’ll get the chairmanship.”
Napabuntunghininga na lang ako. “Ano ba ang magagawa ko, it seems you got it all planned out…”
“I’m sorry hon but I promise once I get this done, we’ll prepare the wedding plans together…” sabay halik ni Harson to assure me na magiging maayos ang lahat.
Hindi nagtagal at lumipad na si Harson papuntang Dubai para sa kanyang business dealings habang tuloy lang ako sa trabaho sa Manila.
Sa simula ay okey lang sa akin na hindi kasama ang nobyo ko. Pero dahil nakasanayan ko na kasama si Harson once or twice a week para mag-date at makausap sa telepono everyday ay nagsimula akong mangulila pagkatapos ng ilang araw. Habang tumatagal raw ay lalo ko siyang hinahanap
Sa opisina ay naging irritable ako at stressful sa trabaho. Hindi ako ako makatapos ng mga reports dahil hindi pwedeng hindi sumagi si Harson sa isipan ko. Until finally, after three days, he contacted me through Skype.
“Why don’t you go out with friends more often?” tanong sa akin ni Harson on the phone. It was a good thing he called.
“Honey,alam mo namang I’m not the outgoing, party-girl type.”
“Hindi ko naman sinabing maging ganon ka. I’m just saying that you socialize more. Enjoy meeting other people. Hindi naman siguro masama kung makihalubilo ka sa ibang tao.”
“And you are ok with it.”
“Sa totoo lang nag-aalangan ako kasi wala ako diyan para samahan kita pero kung iyan ang paraan para mawala ang stress mo, bakit naman hindi?”
Sa totoo lang, hindi talaga ako komportable sa suggestion ng nobyo ko. I belong to a family with strong family and religious values. I am an active church member, and most of my friends belong to that group. And that’s it, hanggang doon lang ang range ng interest namin. To socialize more, kailangan kong i-widen ang circle of interest ko.
And I did. Nagsimula ito last Friday, lunchtime. Ang isa kong ka-officemate, si Maggie, ay na nag-invite na mag-unwind ang staff sa isang restobar sa The Fort. It was a Friday. Needing the relaxation after a demanding week i…