Isa akong family driver ng mga Del Recto. Sampung taon pa lang ako nang inalok ako ng ama ng Don Paco na magsilbi bilang katulong sa bahay. Dumaan ang 40 taon ay drayber pa rin ako ni Don Paco at pinakamatagal na naninilbihan sa kanila. May drayber na nagsisilbi sa bawat miyembro ng pamilya: ako para kay Don Paco, ang isa para kay Doa Quinita, at ang isa naman ay para kay Keena, ang unica iha ng mag-asawa.
Mabait silang pamilya at amo. Hindi ako tatagal ng 40 taon kung hindi. Pinag-aral ako ng Don at nakatapos ng kolehiyo. Inalok pa nga akong maging empleyado sa isa sa kanilang napakaraming kumpanya ngunit sa huli ay pinili kong maging drayber ng pamilya ngunit nang lumaki ang kanilang anak at nagkaroon na rin ng trabaho ay tumanggap pa ng dalawang bagong tauhan ang Don para hindi sila magahol at mahirapan sa kani-kanilang iskedyul sa trabaho.
Hindi na rin ako nakapag-asawa o kahit nagkaroon ng nobya dahil ibinuhos ko na ang oras at buhay ko sa pagsilbi sa pamilya. Dahil mas pinili kong maging drayber ng pamilya ay si Don na rin ang kusang nag-alok na siya na mismo ang magpapaaral sa mga pamangkin ko, dahilan para lalo akong maging tapat sa kanila sa pagsisilbi.
Nagkaroon ng family emergency ang drayber ni Doa Quinita at nagpaalam na uuwi sa kanilang bayan sa Ilocos. Binigyan ang nasabing drayber ng isang buwan para ayusin ang problema sa pamilya kaya ngayon ay inatasan ako ng Don at Doa na maging drayber sa kanilang anak na si Keena pansamantala habang hindi bumabalik ang drayber ng Doa.
At tulad nga ng mag-asawa, mabait at maunawaing amo si Keena. Noong nasa elementarya pa lang si Keena ay tinatawag ko siyang Senyorita pero nang nagdalaga na siya ay inutusan niya akong tigilan ko na raw ang pagtawag sa kanya ng Senyorita dahil makabago na daw ang panahon. Mas gusto pa daw niyang tawagin ko siya sa kaniyang pangalan lang.
“Kung hindi mo susundin utos ko, sisisentahin kita!” sabay kindat sa akin tanda ng kanyang pagkamabiruin.
Bagamat umuuwi si Keena sa kanilang mansyon sa Quezon City paminsan-minsan ay nagbukod na rin siya sa kaniyang magulang nang magkaroon siya ng trabaho at nakabili ng two-bedroom condo kaya doon ako pina-okupa sa isang kuwarto para may kasama daw siya sa condo niya.
Saksi rin ako nang maging nobyo niya ang kaniyang kababatang si Harson. Halos madalas na sinusundo ng binata ang senyorita kapag may pasok sila at isang regular na bisita ang binata sa condo kapag wala silang pasok. Mahal nila ang isa’t-isa at natutuwa ako sa mga nangyayari sa kanilang pagmamahalan.
Pero simula nang mag-abroad ang nobyo ng senyorita ay naging malungkot ang amo ko dahil sa pangungulila. Ako na rin ang naghahatid at sumusundo sa kanya dahil wala ngayon si Harson sa bansa.
Nang dumating ang Biyernes ay tumawag si senyorita…si Keena, na huwag ko muna daw siyang sunduin dahil may lakad sila ng kaniyang mga ka-opisina at ite-text na lang daw niya ako kapag magpapasundo na siya.
Medyo ninenerbiyos na ako noong mga panahong iyon dahil mag-aalas dos na ng umaga ay hindi pa nagte-text o tumatawag sa cell ang senyorita. Laking pasalamat ko dahil pagkatapos ng 30 minuto ay nagtext na nga siyang sunduin ko na siya sa isang bar sa FBGC.
Halos hindi ko na siya makilala dahil sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang magulo ang kaniyang pananamit, at kahit na nakakausap mo pa rin ng matino ay halatang nakainom ito. Pero ngayon ko lang siyang nakitang may ngiti sa labi simula nang umalis ang kaniyang nobyo isang linggo ang nakakaraan.
Pagdating namin sa condo ni…