Isang umaga, ikasiyam na araw simula ng ipinatupad ang “Enhance Community Quarantine”dito sa Maynila ay aking nasilayan ang isang batang nakatayo sa aming pintuan habang ako ay nasa kasarapan sa paghigop ng kape kasabay sa pagnguya ng mainit na pandesal.
Nakilala ko agad ang bata, siya si Ron-ron, mag-aapat na taong gulang at nakatira sa kabilang silid dito sa pangalawang palapag. Anak siya ng mag-asawang Dinaat Ekim. Mag tatatlong taon na din silang nangungupahan sa apartment na ito.
“Hoy Ron-ron halika at pumasok ka, sabayan mo akong mag-almusal”nakangiti kong alok sa bata na agad naman na pasok ng paslit at nakiupo agad sa mesa kung saan ako nag-aagahan.
Inabutan ko yung bata ng pandesal at pinalaman ko ito ng pritong itlog at pinagtimpla ko na rin siya ng milo. Napansin ko yung lakas ng bata kumain na parang mauubusan. At aking sinabihan ko ng “dahan-dahan lang at baka mabilaukan ka, madami pa dito oh”. Sumagot naman si Ron-ron na “nagugutom na kasi ako kuya eh, di kasi ako nakakain masyado po eh, minsan tinapay at noodles lang”.
Bigla akong naawa sa bata, nagtanong ako sa kanya kung bakit. Nabanggit nya na wala pa daw ang papa nya, di pa daw umuuwi matagal na. Hindi daw ito rin nagpapadala sa kanila ng pambili ng pagkain. Hindi ko na din masyadong unusisa pa kung bakit.
Kilala ko ang ama ni Ron-ron, tantya ko si Ekim ay nasa humugit kumulang 30 anyos, dating nagtratrabaho sa isang factory ngunit itoy natanggal sa di ko alam na kadahilanan ngunit nakapasok din kalaunan sa isang construction company bilang time keeper at na-dedestino sa malayong lugar kaya nga’t di siya halos nakakauwi ng mahigit isang buwan.
Si Dina naman ay nasa 24 anyos na, isang maybahay at taga alaga ni Ron-ron, dati rin itong nagtratrabaho sa factory, ngunit nang siya ay magdalang-tao ay pinatigil na din siya ni Ekim dahil na nga sa pagseseslos. Maganda si Dina, maputi at makinis ang balat at talaga namang may taglay na katangiang mapang-akit na halos lahat ng lalake sa pinapasukan neto binata man o may asawa ay nahuhumaling. Kahit ako nung una ko siyang makita at makilala ay nabighani ako ngunit iniwasan ko agad kung anoman ang namumuong paghanga ko sa kanya dahil sa may asawa at anak na siya.
Ako naman ay si Miguel, binata, 32 taon gulang na, matangkad sa taas na 5’10”, nasa tamang pangangatawan, kayumanggi ang balat at di naman kagwapuhan pero may appeal. Nagtratrabaho sa Makati sa isang pribadong kumpanya. Nag-iisang naninirahan dito sa apartment na katabing bahay nila Ron-ron sa pangalawang palapag. Di naman ganun kalaki ang unit pero sapat na para sa bagong mag-asawa.
“Kain ka lang dyan, labas lang ako saglit huh”sabi ko kay Ron-ron. Sakto paglabas ko ay nagkasalubong kami ni Dina at hinahanap nga si Ron-ron at baka raw lumabas ay masita at mahuli ng mga nagrorondang tanod dahil sa ipinatupad na ECQ.
“Si Ron-ron ba hanap mo?, nasa amin lang sa loob” sambit ko kay Dina. “Hala nakung bata talaga eto, nangapitbahay na agad, pagpasensiyan mo na sana Kuya Miguel” bawing sagot naman nya sakin.
Nagkasabay pa kaming buksan ang pinto para silipin si Ron-ron, nagkatinginan at parang nahiya pa sa nangyari. Duon ko nasilayan ng malapitan si Dina, kahit wala pang ayos sa sarili ay likas ang kagandahan nyang mapang-akit. Samahan pa ng suot niyang manipis na bestidang pambahay na kulay puti, walang bra dahil naaaninag ko sa liwanag ng araw at kulay pink na panty. Napabuntong hininga na lang ako nang di nagpapahalata.
“Halika pasok ka” magiliw kong paanyaya kay Dina. Ngiti lamang ang kanyang sagot at pumasok na siya. Iginala ni Dina ang kanyang mata sa loob ng aking unit dahil first time nya pa lang nakapasok din kahit magkatabi lang kami, dahil siguro ay nuong wala pa ang ECQ ay madalas na gabi na din akong nakakauwi at maaga din kung pumapasok sa trabaho.
“Ganda at linis dito sa unit mo, parang kang may kasamang babae, maayos at organisado” komento nya sakin. “Salamat”sagot ko naman.
“Mama, mama kumakain na po ako, sarap ng egg at milo” sabi ni Ron-ron. “Hay nakung bata ka talaga”parang nahihiyang sabi ni Dina. “Okey lang yun Dina, gusto ko nga lagi yan magpunta dito dahil wala ako nakakausap, nakakabagot na kaya mag-isa”sambit kong nakangiti sabay pisil sa pingi ng bata.
“Kasi naman mama wala tayo pagkain eh, lagi na lang tinapay at noodles” sabi ni Ron-ron sa kanyang ina. “Psshhtttt”senyas at pinanlakihan naman ng mata ni Dina si Ron-ron na agad kong napansin. Medyo natigilan ako sa nadinig ko kay Ron-ron at di na muna ako nag-ungkat ng tungkol duon bagkos ay niyaya ko na lang sila mag-ina na saluhan ako sa agahan, nahihiya man si Dina ay napilit ko din.
Habang nagkwekwentuhan kami ni Dina ay natanong ko siya kung bakit di ko nakikita si Ekim sa kanila. Nakwento na nga nya na inabot daw ng lockdown sa probinsiya kung saan yung project nila. Mahigit isang buwan na daw din di nagpapadala ng pera bago pa man ang lockdown. Dahil nagkaroon sila ng pag-aaway, nahuli nya daw itong may ibang babae sa lugar kung saan si Ekim ay nakadestino. Likas daw kasing babaero tong asawa nya, kahit nuon pa man nasa factory pa sila. Pero ngayon daw iba, parang ibinahay daw yung babae nya kaya di daw nakakauwe asawa nya ilang buwan na ang nakalipas. Halos pumatak ang pinipigilang luha sa kanyang mga mata habang ako’y taimtim na nakikinig ng kanyang saloobin.
“Eh pano kayo ni Ron-ron” sabi ko sa kanya. “Ewan ko sa hayup na asawa kong yun, di man lang inisip na may anak siya dito na nagugutom” pahikbing sagot ni Dina. “Hindi ko na nga alam kung ano gagawin ko, pinagkakasya konna lang kung ano natitira ko pang kaunting pera, pero hindi sapat para makaraos hanggang matapos etong pandemya” nayukong sambit nya muli at nagpupunas ng konting luhang pumatak sa kanyang mga mata.
“Eh ikaw kuya, bakit di pa nag-aasawa ng sa ganun ay may makasama ka na dito at di ka na mabagot” pabirong usal nya sa akin. “Wala pa kasi akong mahanap na wife-material eh, atsaka nag-eenjoy pa ko ng wala pang masyadong responsibilidad na naka-atang” sagot ko naman. Sabay nag-ngitian na lang kami at biglang tahimik.
“Ah Dina, huwag ka na mamroblema, meron naman ako dito stocks, higit pa para sa atin tatlo at sapat na panggastos kung sakali man habang wala pang ayuda galing sa asawa mo” sabi ko sa kanya sabay pisil sa kanyang palad para ipadama sa kanya ang aking sinserong pagtulong.
“Thank you”paiyak nyang sambit sa akin. “Di bale Kuya Miguel babawi kami ni Ron-ron, kahit taga-linis, taga-luto,taga-laba o runner mo sa pagbili o ano man utos”pasunod nyang wika sakin.
“Naku ah wala akong balak gawing kayong katulong dito, masaya akong matulungan ko kayo ni Ron-ron sa maliit na paraan” sambit ko sa kanya. “Pero sabi mo taga-luto baka pwede na rin, meron akong baboy jan sa ref at gusto ko lutuin mo sana,i-adobo mo na langpara di na tayo bumuli ng masyadong sangkap, bawal pa maglalabas ng bahay” usal ko muli na nakangiti sa kanya. Narinig naman ni Ron-ron ang adobo ay sabay nagsabi ito ng “Yeheey sarap ng ulam” nagkasabay kami ni Dina tumingin sa anak nya at napangiti na lang. “Oo masarap ang ulam natin mamaya Ron, masarap bang magluto si Mama mo?” tanong ko kay Ron-ron. “Matitikman mo mamaya Kuya Miguel, especialty ko kaya ang adobo”biglang sabat na sagot ni Dina. Tawanan na lang ulet kami.
Inumpisahan na nga magluto ni Dina at kami naman ni Ron-ron ay nanonood ng mga cartoons na palabas sa cable tv. Minsan pinagmamasdan ko si Dina habang siya ay abala sa pagluluto, naiimagine ko tuloy na asawa ko siya at si Ron-ron ay aming anak, sarap pala ng may pamilya pakiramdam ko sa sarile. Napansin naman ako ni Dina na parang nangingiti at sinutsutan ako, tapos na daw yung niluluto nya. Sobrang bango ng kusina ko ngayon dahil madalang lang ako magluto dahil kadalasan ay duon na ako kumakain sa labas.
Nag-thumbs up lang ako at sabay sabing “parang ang sarap nga dahil napakabango”.“Amoy pa lang yan kuya ano pa kaya kung matikman mo hihi” sagot ni Dina. “Sige mamaya yan mag-kakaalaman, dito na kayo kumain dalawa huh” sabi ko sa kanya at tumango naman siya bilang pagsang-ayon sakin.
“Halika Ron-ron uwi muna tayo, paliliguan pa kita”sabay hawak at labas ng bahay nilang mag-ina. “Salamat nga pala sa almusal kuya”pahabol ni Dina sakin.
Nanood muna ako ng mga palabas at balita habang nagiimpis ng konting kalat. Katapos ay naligo na din ako dahil mainit ang panahon. Nagsandong puti at boxers shorts lang ako para presko sa pakiramdam. Wala naman ibang tao bukod sa aming dalawang unit na nainirahan dito sa pangalawang palapag. Bandang alas-onse pasado ay pumunta ako sa kabila para yayain ang mag-ina upang mananghalian. Nadatnan ko pa si Dina na bagong ligo at nagsusuklay ng pinatuyo nyang buhok sa harap ng salamin. Amoy na amoy ko yung shampoo at sabon na ginamit nya ng magawi ang hangin buhat sa electric fan na nakatapat sa kanya. “Bango talaga”sambit ko saking sarile. “Tara na kain na tayo, wait ko kayo huh” sabay talikod na din agad at balik sa aking unit.
Nagset-up na ako ng mga pinggan, naghain ng kanin at ulam at nagtimpla na rin ng pineapple juice sa pitsel. Naunang pumasok si Ron-ron hila-hila ang kamay ng kanyang ina. Parehas mga bagong ligo. Ang nakaagaw sakin ng pansin ay si Dina na nakasuot ng dolphin short at sando sphagetti, lutang na lutang ang kaputian at alindog ng di mo aakalain na may anak na pala. “Wew”mahinang sambit ko sa sarile.“Halika kain na tayo” pag aya ko sa kanila habang mainit pa yung pagkain nakahain. Masagan at masaya naming tinapos ang aming pinagsaluhang pananghalian.
Bago pa man sila bumalik sa bahay ay binigyan ko sila ng bigas, delata at noodles. Hindi na rin tumanggi si Dina dahil kailangan talaga nila yun sa ngayon lalo na’t bawal lumabas at wala na din halos pambili dahil sa di pagpapadala ng kanyang asawa. Kumuha na din ako ng dalawang libong piso at inabot ko kay Dina upang may paggastos siya para sa ibang pangangailangan. Mariin itong tinanggihan nya ngunit sinabi ko na lang na “sige utang mo na lang yan, kapag nakaluwag ka eh tsaka mo ako bayaran”. Napangiti siya at niyakap ako sabay sabi sakin na “salamat malaking tulong talaga ito kahit nakakahiya tatanggapin ko na, ibalik ko na lang sayo kapag ako’y nakaluwag”
Lumipas pa ang mga araw ng ECQ at lalo kaming naging malalapit sa isa’t-isa. Minsan sila ang nasa bahay, minsan ako naman sa kanila. Patuloy akong tumutulong sa pangangailangan ng mag-ina. Wala pa din balita sa asawa nyang si Ekim.
Minsan nagbobonding kami ni Ron-ron sa bahay, kulitan at sinasali na din namin si Dina sa laro at harutan. May mga di sadyang pagkakataon na sa aming paghaharutan ay nasasagi ko na ang ibang maseseslan na parte ni Dina gaya ng kanyang dibdib at puwet. Pero bale wala naman ito sa kanya at di naman din ito pansin ng kanyang anak na si Ron-ron.
Isang hapon nakita kong umiiyak si Dina nakaupo sa kanilang hapag kainan at hawak ang kanyang cellphone. Tumawag daw sa kanya si Ekim, nabuntis daw nya yung babae nya kaya eto daw ang dahilan ng di s…