Sa loob ng silid ni mameng dinig nam,n ni burnek ang usapan sa labas agad syang bumangon at nag bihis minasdan muna ang natutulog na si mameng bago tuluyang umalis at sumunod sa kanyang tropa.
Sa isang dako naman, sa karagatan malapit sa baybayin ng olongapo ay isang yate ang matatanaw, napapaligiran ito ng apat na speedboat sakay ang mga armadong lalaki, mahigpit ang seguridad dahil sa kasalukuyan ay nagaganap ang pagpupulong ng TRIANGULO. Si Don Gavino ng Luzon, Senyor Labra ng Visayas at Datu Impid ng Mindanao.
Senyor Labra,,,,, Primos may malakihang kargamento akong paparating pag maayos ang kahihinatanan ng pag uusap natin ngaun malaking halaga ang ipapanik sa atin nito.
Don Gavino,,,,, Nakikinig ako primo
Datu Impid,,,,, Ilahad mo primo
Tinitigan muna ni Senyor Labra ang dalawang primos bago nag salita.
Senyor Labra,,,,, Heroina mga primos, ako na bahala sa pag angkat, at sa babagsakan, nakahanada na ang lahat, sitenta-treinta prsiyento ang hatian, ang kailangan ko lang ay ang basbas ninyo, para makapag bagsak ako sa sa mga poder nyo.
Matagal na walang imikan nag papalit- palitan ng tingin ang tatlong primos nag papakiramdaman,. tumingin si Don Gavino kay Datu Impid at marahang tumango ito, ibinaling ni Don gavino ang mata kay Senyor Labra puno naman ng antisipasyon ang mababakas sa mukha ni Senyor Labra.
Don Gavino,,,,, Hindi ko maibibigay ang basbas ko para sa aking poder, primo.
Gulat ang reaksyon ni Senyor Labra hindi iyon ang inaasahang niyang sagot, mas higit nyang kailangan ang basbas ni Don Gavino dahil kung sa luzon nya ipapakalat ang heroina ay triple ang papanik sa kanyang kwarta kaysa sa mindanao.
Matalim ang matang nagtanong si Senyor Labra.
Senyor Labra,,,,, Bakit primo hindi ka ba sang ayon sa binanggit kong hatian? Nung hingin mo ang basbas ko para nag bagsak ka ng maijuana sa poder ko ay nagdalawang salita ka ba sa kin,,, ang may diin na tanong ni Senyor Labra
Don Gavino,,,,, Hindi sa ganoon primo, ayaw kong ibigay ang basbas ko sa iyo dahil hindi kita mabibigyan ng proteksyon.
Senyor Labra,,,,, Panung hindi? Ilang senador, hukom, Gobernador, at Heneral ang nasa Bulsa mo primo!
Don Gavino,,,,, Walang pasubali primo, ngunit kapag heroina na ang pinag usapan hindi mo sila mapapaindak sa saliw ng tugtog na gusto mo. Lalo pa ngaun katatatag pa lang ng DDB (Dangerous Drugs Board) lahat ng intelehensya gobyerno ay heroina ang tinututukan para makapag pasikat kay APO.
Senyor Labra,,,,, Primo sa loob mismo ng base militar ng kano ay may heroina.
Don Gabino,,,,, Primo hindi sakop ng gobyerno ang loob ng base, hurisdksyon yan ng Estados Unidos.
Tinignan ni Senyor Labra si Datu Impid wari’y nag papahiwatig na syay tulungan kumbinsihin si Don Gavino.
Datu Impid,,,,, Ang maibibigay ko lang sayo primo ay ang baybayin ng poder ko malaya kang makapag angkat ng iyong kontrabando ngunit hindi mo ito maaaring pasayarin sa kalupaan ng mindanao.
Pinag pawisan si Senyor Labra, wala sa dalawang primo ang sumang ayon sa kanya, tumatakbo ang oras ang kanyang kontrabando ay nasa barko sa kalagitnaan ng dagat tsina nag aantay ng kanyang tagubilin, ngunit paano na ito, wala syang mapag babagsakan. Pakiramdam nya pinagkaisahan sya ng dalawang primo, ang inaalala nya ay ang sindikatong katransaksyon nya sa heroina masy…