Naghihintay doon ang dalawang bruskong sasakyan isang Ford Fairlane na syang gamit ni Senyor Labra at isang Chevy Impala naman para sa kanyang mga tauhan.
Pagsakay ni Senyor Labra ay humarurot na ito ng takbo papunta sa Manila Hotel upang sunduin ang kanyang asawang si Natividad .
Nang makarating sila sa hotel ay sinalubong sya ng kanyang tauhang si Mario, nagtungo sila sa bar ng Hotel umorder ng alak at masinsinang nag usap.
Malaking problema to Mario, hindi pumayag si Gavino at Impid sa plano ko, gipit na ko sa oras baka makahalata ang Triad na may problema sa distribusyon.
Anong balak nyo ngaun Senyor,,,, ang tanong ni Mario.
Hindi na maiiwasan, mangyayari ang hindi dapat mangyari kung pumayag lang sana sila,,,ang tiim bagang sa salita ni Senyor Labra
Magdagdag ka ng mga tauhan ora mismo, bantayan ang hangganan ng poder natin, sa itaas at sa ibaba alalahaning mong nasa gitna ang teritoryo natin.
Sa Sangley Point sa Cavite mo kukuhanin ang kargamento, nakatinbre na sa loob yan. Dalhin mo ang kargamento sa bodega natin sa Anabu. pagdating doon ay kiluhin nyo at ayusin ang pagbabalot pagkatapos ay ipamudmud na sa lalong madaling panahon.
Nagitla si Mario sa Utos ni senyor Labra.
Senyor malaking Gulo ang papasukin natin, ang sabi ni Mario.
Hindi gulo Mario, giyera,!! “giyera!!” ang susuungin natin, kilala ko si Gavino hindi nya palalampasin ang gagawin natin kaya uunahan natin sila bukas pag balik namin sa Cebu isagawa mo na ang plano kailangan ng mawala si Gavino.
Samantala sa kahabaan ng Barreto ay nag panagpo na ang dalawang grupo. Wala ng girian o salitaan, kanya-kanya agad silang nag paulan ng mga pana, pag tinamaan ay siguradong kabit dahil sa sima ng balang pako, nang maubusan ng mga balang pako ay nagsuguran na sila armado naman ng ice pick, spracket ng bisekleta na nakakabit sa kadena na ngsisilbing hawakan nito at para maiwasiwas sa kalaban, pag tinamaan sa ulo ang kalaban siguradong kotong. Sagupaang umaatikabo ang nagaganap, pinutakti ng kalaban si guiller subalit hindi nila matinag ito, ang lahat ng abutin ng kanyang kamao ay nayayanig at umaangat ang dalawang paa sa lupa sa lakas ng pwersa pag tinamaan ng suntok.
Nakarating na din si burnek sa lugar ng enkwentro at ang unang hinagilap ng kanyang mata ay si guiller.
Hanggang sa magkaharap ang dalawa. Matalim ang tinginan nag tatantiyahan, at nag susukatn ng lakas.
Burnek,,,, Manghihiram ka ng mukha sa aso guiller, hindi mo gugustuhing humarap sa salamin , dahil pupulbusin ko sa suntok ang mukha mo
Ang may pagyayabang na salita ni burnek, at sinabayan pa nito ng pag wasiwas ng mga kamay sa anyong nag kakarate, pasipa sipa din ito sa hangin na para bagang isang tunay na black belter, habang si guiller ay nakatayo lamang at matamang inaantabayanan ang kilos ni burnek.
Humanda ka guiller dahil hindi mo na malalaman kung anog tumama sayo pag dumapo ang kamao ko sa mukha mo,,,, ang mapang asar na sabi ni burnek.
Putak ka ng putak para kang inahing manok na di mapaitlog ang sagot namn ni guiller.
Dahil na din sa pagod, sakit ng katawan at ang ibay sugatan pa ay unti unting humupa ang sagupaan at ang naiwan na lang sa gitna ay si guiller at burnek na patuloy pa rin si kayang pag karate sa hangin.
Nag girian na ang dalawa, nag pakawala si burnek ng isang suntok na mabilis na naiwasan ni guiller, sinundan naman ni burnek ng isang karate chop na sa hangin lang tumama apat na magkakasunod pang suntok ang ginawa ni burnek, ni isay hindi man lang dumapo sa mukha ni guiller, bwisit na si burnek, muli silang nag pornahan target niya ang mukha ni guiller, gusto nyang papangitin ito sa suntok. Isang mabilis na suntok ang ginawa ni burnek sa lakas ng pwersa ay kasama ang kanyang katawan, iniyukod naman ni guiller ang kanyang katawan at ibinanda sa kaliwa ang ulo, nang lumagpas sa balikat nya ang kamao ni burnek ay binigyan mya ito ng kontra suntok, isang buhat araw na suntok ang tumama sa panga ni burnek, angat ang paa nya sa ere, ng dumapo ang kamao ni giiller at nawalan na sya ng malay bago pa man sumayad ang katawan mya sa lupa. Ang huling naalala nya lang bago siya’y magkamaly ay ang nakapangingilabot na bangis sa mata ni guiller.
Umaga katatapos lang mag simba ni Don Gavino kasama sng maganda at bata pang asawang si donya Marita at ang kanilang isang taon gulang na anak na si ysabel, pag labas nila ng si…