Naisip ni Miranda na pag nakatapos si Guiller ay kailangan pa din nito ng mga taong tapat at at hindi kailanman mag titraydor sa kanya. Para maisakatuparan nila ang mga plano pagdating ng takdang oras.
Semestral Break noon ng ipatawag sya ni Miranda.
Mgandang hapon po Nyora miranda,, ang pag bati ni guiller.
Gayon din sa iyo Guiller, kumusta ang pag aaral mo? may mga kailangan ka ba? mag sabi ka lang.
Wala naman po Nyora Miranda lahat naman po ng kailangan ko ay naihatid na sa akin, tungkol naman po sa pag aaral ay ayos naman po sa isang lingo po makukuha ko na ang aking mga grado.
Mabuti kung ganoon Guiller at iyan naman ang inaasahan ko sa iyo. yun nga palang mga kaibigan mo kumusta sila.
Hoh! ah eh ayos naman po sila….medyo nagtaka si Guiller dahil ngayun lang nagtanong si Nyora Miranda tungkol sa kanyang mga kaibigan.
Kausapin mo sila Guiller, baka gusto din nilang mag aral, pag aaralin ko din sila at kagaya mo lahat ng gastos mula simula hanggang sa makatapos ay sagot ko lahat.
Nabigla man sa nais ni Miranda ay nakahigilap pa rin siya ng lakas ng loob para magtanong.
B-bakit,,,,,, nyo po ginagawa ito.
Dahil para sa iyo Guiller kailangan mo sila.
Banaag sa mukha ni Guiller ang pagtataka kaya nagpatuloy sa pag papaliwanag si Miranda.
Pag nakatapos ka na Guiller at pag sinimulan na natin ang plano ay mangagailangan ka ng mga taong tapat at mapagkakatiwalaan mo, yun kahit na ano ang mangyari ay mananatili sa iyo at hindi ka ipagkakanulo. Hindi tayo aasa sa mga tao nakapwesto na sa gobyerno, bagkus ay huhubog tayo ng mga taong itatanim natin sa pwesto, pag aaralin nating ang mga kaibigan mo at pag nakatapos ay itatanim natin sila sa konstabularya, sa militar sa hudikatura at sa larangan ng pag nenegosyo, huhubog din tayo ng isang pulitiko Guiller, sa gayon ay hindi na natin kailangan makisama sa mga gahaman at bulok na pulitiko para sa koneksyon.
Bago mag bukas ang panibagong semestre ay kaharap na ni Miranda ang tropa ni Guiller na sina Coy, Paul Evert at Roul at pati si Atong na anak ng intsik na magtataho ay hindi nagpaiwan. Dito ay ipinaliwanag ni Miranda ang nais niyang mangyari at bilang kapalit ng pag papaaral sa kanila ay dalawang bagay lang ang hinihingi ni Miranda sa kanila dedikasyon at katapatan hanggang sa huli.
Paul— PMA
Roul……PC
Evert…..Lawyer
Coy………Business Management
Atong…. Fixer
Matapos mag paalam sa kani-kanilang kamag-anak ang magkaka Rancho ay bumalik sila sa mansyon para sa huling habilin ni Miranda at upang ihatid sa kanya-kanyang unibersidad o institusyon na kanilang papasukan.
Tandaan nyo mga iho wala dapat makaalam na ako ang nagpapaaral sa inyo at hindi kayo maaring masangkot sa anumang gulo o problema kung sakali mang may hindi maiiwasan gulo pumirmis lang kayo, yaman din lamang na ayaw mag aral ni atong siya ang haharap at mag aayos ng problema para sa inyo maliwanag ba?
Opo, Nyora Miranda ang sabay sabay nilang aagot.
At ako ang bahala sa inyo pag may trobol mga tol, just calll my name atong da fixer. Ang sabat ni atong na ikinahalakhak naman ng mga barkada nya.
Oh, siya tama na yang biruan nyo at bibiyahe pa kayo mag iingat kayo mga iho at pagbutihin nyo.
Habang tanaw ni Miaranda ang papaalis na sasakyang mag hahatid sa magkaka rancho ay may mapaklang ngiti sa labi ito, sabay usal nang,
ilang panahon na lang at buburahin ko ang lahat ng kaaway ng pamilya ko para mamuhay ng matiwasay ang pamangkin ko
Ilang lingo ang lumipas. .
Sa isang pribadong silid ng Manila Hotel nagaganap ang pag pupulong ng triangulo.
Naghihintay na sila Senyor Labra at Datu Impid ng dumating si Nyora Miranda.
Hindi na sila nabigla kung bakit si Miranda ang dumating. Dahil ayon sa nag organisa ng pagpupulong ay si Miranda ang kakatawan kay Senyor Gavino.
Bilang panimula ng pag uusap ay inilabas nila ang kanya-kanyang piraso ng ginto na pag pinag dikit-dikit ay bubuo sa hugis ng isang triangulo.
Simbulo ito ng pag kakaisa ng tatlong bahagi ng Pilipinas ang Luzon, Visayas at Mindanao. Napakahalaga ng simbolo sapagkat ang lahat ng pag uusap na nagaganap sa presensya ng simbolo ay itinuturing na sagrado at kailangan sundin ng tatlong partido.
Matapos ang pagbibigay bati sa isat-isa at pangungumusta sa kalagayan ni Gavino ay opisyal na nilang sinimulan ang pulong.
Si Miranda ang unang nagsalita.
Lumalaganap ang droga sa Luzon wala naman kaming problema dun, ang ayaw lang namin ay sa pantalan na nasasakupan ng teritoryo namin ibinabagsak ang mga epektos, pinag pipyestahan na ng media ang sitwasyon kinakalampag na kame ng mga koneksyon namin sa gobyerno kaya humanap ka na ng pagdadaungan ng basura mo Labra… ang walang ligoy na turan ni Miranda.
Napngisi ng mapait si Labra sa narinig mula kay Miranda.
Alam ko naman kung gaanu kataas ang koneksyon nyo abot hanggang PUNO Miranda at kung gugustuhin mo lamang ay walang magagawa ang mga nasa baba na tahol ng tahol, maano bang pag bigyan mo lang ako.
Nasabi ko na ang nasabi ko, matagal mo na din namang pinakinaabangan ang kahabaan ng pantalan ng Luzon, itigil mo na yan Labra.
Iyan din ba ang desisyon ni Gavino ha! Miranda!
Tinignan ng matalim ni Miranda si Labra.
Ako ang nakaupo ngaun dito kung ano ang pasya ko ay sya ding magiging pasya ni Gavino.
Magkano!!? Miranda magkano ang kailangan mo!!?
Napatitig ng matalim si miranda kay Labra bago nagsalita ng mariin,.
Alam ko na alam mo ang ginawa ko sa taong huling nang insulto sa akin Labra.
Natahimik si Labra alam na alam niya ang nangyari sa taong iyon, pinutulan ito ni Miranda ng ari at ipinakain sa kanya kilala ni Labra ang taong iyon isa ding maimpluwensya ngunit walang nagawa sa takot na ubusin ni Miranda ang kanilang angkan.
Kaya Labra kung walang magandang salitang bibigkasin ang bibig mo ay manahimik ka na lang, maliban na lang kung gusto mo matikman ang sarili mong ari, ang tiim bagang na sagot ni Miranda.
Kahit galit na galit dahil sa lantarang panghihiya ni Miranda ay pinili ni Labra ang manahimik.
Kaya mula bukas ay wala ng dadaong na droga sa pantalan na nsasakupan namin kung ayaw mong MATUNAW SA TUBIG ANG BASURA MO SAMPU NG IYONG MGA TAUHAN!!!! maliwanag ba ha!! Senyor Labra!!
Hindi kumikibo si Labra tiim bagang na nakatingin lang kay Miranda naniningkit ang mga mata sa galit kumukulo ang kalooban.
Nakikirandam naman si Datu Impid alam niyang sumusulak na ang galit ni Labra subalit mas pinili niyang manahimik na lamang tutal naman ay sa…