“Miranda nais ko sanang hilingin na magkaayos na kayo ni Labra, hindi ko gusto ang nangyayaring patayan at gantihan ng inyong mga pamilya”.
“Gob. hindi ako ang nagsimula nito tinatapos ko lang”!!…. ani Miranda.
“Kaya nga nakikiusap ako sa iyo, maingay na ang media sa mga patayang nagaganap wag na nating paabutin sa taas, baka hindi ko na kayo maproteksyunan”.
Tumaas ang isang kilay ni Miranda habang nakatingin kay Gob
Nagpaliwanag naman agad ang gobernador…. “Eh, a-ang ibig kong s-sabihin ay pag itaas na ang n-nag desisyon patungkol sa mga nangyayari ay baka wala akong
m-magawa”……ang nauutal na paliwanag nito, hindi niya maiwasang mailang sa titig ni Miranda.
“Ayos lang Gob. walang problena sa akin kung maiipit ang posisyon mo at wala kang magawa, basta wag ka lang makikialam, ipikit mo lang ang mga mata mo sa mga mangyayari at mananatili kang gobernador. Alam kong malapit na kaibigian at kumpadre mo si labra pero ang
magagawa mo lang para sa kanya ay ang makiramay”!!…”Malapit na gob isang buwan na lang ang taning ng buhay niya”.
Napalunok naman si gob pinagpapawisan ang sintido habang nababahalang nakaringin kay Miranda.
“H-hindi na ba maayos ito miranda dati namang maayos ang samahan ng inyong mga pamilya”.
“Pasensya na gob hindi ako nakikipagkasundo sa taong malapit ng mamatay”!! ….sabay tumayo na ai miranda at lumabas ng silid na iyon
Napasandal naman si gob sa upuan at napabuntong hininga nag iisip ng malalim
Nang makaalis si miranda ay siya namang pasok ni labra, tinanguan ito ni gob, nagtungo ito sa kinalalagyan ng alak at nagsalin ito ng alak at umupo sa upuan sa harap ng mesa na kinaroroonan ni gob.
“A-anong sabi kumpadre”?…tanong ni labra.
Bumuntunghiniga lang si gob at nagkibit balikat.
“IHO DE PUTAAA!!…”ANIMAL!!! “.ang pagsabog ng galit ni labra.
Nakatingin lang sa kanya si gob, nasa ekspresyon mito na parang may gusto pang sabihin sa kanya.
Tumingin din siya kay gob at hinihintay ang sadabihin pa nito.
“i-isang b-buwan”..
Anong isang buwan?
“B-binigyan ka na niya ng taning, isang buwan ka na lang daw mabubuhay”.
“Iha de cabron”!!….pabulong ng sambit ni labra nakayuko at pailing-iling ang ulo.
Tumingin si labra kay gob na parang sinasabing tulungan siya ngunit itinaas lang ni gob ang dalawang kamay sa ere na parang sinasabing “wala akong magagawa”.
Makalipas ang ilang sandali ay kagyat na tumayo si labra upang lumabas, nakatingin lang sa kanya si gob na napabuntunghininga na lang.
Pag labas ni labra ay agad kinausap si mario.
“Nakaabang na ba ang mga tao mo”!!?…tanong ni labra kay mario.
“Opo, senyor”
Tumango-tango lang si labra habang iniisip pa din ang sinani ni gob na isang buwan na lang ang buhay niya.
“Hindi!!…hindi ako papayag msuuna ka miranda”!!!……sng bulong sa sarili ni labra.
Nakasakay na sa backseat ng kanyang Ford Bronco si miranda, kasama niya sa loob si tata guido.
At ang kanyang personal driver na si atong d’ fixer. Nakaumang lang ang Bronco sa exit gate ng hotel hindi pa ito umaalis dahil inaantay pa nila ang go signal ng advance party na mga tauhan ni miranda.
Kahit nakabara at nakakaabala sa mga sasakyan na lalabas na din ng hotel ay walang makapag reklamo kapag nalaman nila na si miranda ang may ari ng sasakyan.
Nang marinig ni atong d’ fixer ang salitang “CLEAR”..mula sa base radio na nakakabit sa sasakyan ay madiin nitong tinapakan ang silinyador ng sasakyan, umiiyak ang gulong ng sasakyan sa diin ng pagkakaapak bago binitawan ang clutch at sumibad ang sasakyan ng pagkabilis-bilis.
Bago umalis ang sasakyan ni miranda ay nauna na ang pitong sasakyan ang nauuna ang magsisilbing sweeper o taga hawi ng mga makakasabay na sasakyan samantalang ang anim na kasunod ang magsisilbing blockade vehicle, babarahan nito ang lahat ng intersection na kanilang madadaanan upang tuloy-tuloy ang takbo ng sasakyan ni miranda, hindi na nito kailangan mag mag menor o huminto sa bawat intersection na madadaanan dahil napaka delikado.
Kaya ng dumaan ang sasakyan ni miranda na humahagunot dahil sa bilis nito ay wala ng nagawa ang mga naatasang manambang dahil sa nabarahan ng blockade vehicle ang kanilang daraanan.
Samantala ay naiinip na si senyor labra sa pagkakatayo sa lobby diyes minutos na ay hindi pa din dumadating ang kanyang sasakyan.
“Mario!!…. asan na ang mga bata mo”!!!…..”MIERDA”!!!!….iiling-iling si labra bwisit na bwisit.
Ilang sandali pa ay humahangos ang isang tauhan nila na mukhang gumulong sa alikabok dahil sa dumi ng damit nito.
“Senyor, senyor!!…. nayari un mga kasama ko lahat sila!!”….”ANO”!!!….”EH, BAKIT BUHAY KA PANG PUTO KA!!”..
“Eh,!..hindi po ako napansin medyo nasa malayo po ako at dumapa para di ako mapansin.”.. ang humihingal pa din na paliwanag ng tuhan niya.
“Ilan ang birador nila?.”..””gaano kadami”?….tanong ni mario.
Nagaalangan sumagot ang tauhan.
“ANO”!?…”ILAN”???…..untag ni labra.
“Eh, eh,…. i-i-isa lang p-po p-payat at m-matanda pa!!..
“La Concha de tu Madre, “GUIDO”!!!!… ang nagngangalit na bulong ni Labra.
Napatulala naman si mario ng malamang mag-isang pinatay ni guido ang kanilang mga tauhan.
“Mario! ikuha mo na lang ako ng kwarto dito delikadong lumabas pa tayo traydor ang gabi baka masingitan tayo”….
“Si, senyor”…..sagot ni mario
“At ayusin mo un mga pulpul mong tauhan bago pa man dumating ang mga pulis ipagtatapon mo na ang mga walang kwentang iho de cabron na…