Rancho Guapo 6

Maainsinan ang pag uusap ni Gob. at miranda sa isang private room ng hotel na pinagdadausan ng kaarawan ni gob. Ilustre.

“Miranda nais ko sanang hilingin na magkaayos na kayo ni Labra, hindi ko gusto ang nangyayaring patayan at gantihan ng inyong mga pamilya”.

“Gob. hindi ako ang nagsimula nito tinatapos ko lang”!!…. ani Miranda.

“Kaya nga nakikiusap ako sa iyo, maingay na ang media sa mga patayang nagaganap wag na nating paabutin sa taas, baka hindi ko na kayo maproteksyunan”.

Tumaas ang isang kilay ni Miranda habang nakatingin kay Gob

Nagpaliwanag naman agad ang gobernador…. “Eh, a-ang ibig kong s-sabihin ay pag itaas na ang n-nag desisyon patungkol sa mga nangyayari ay baka wala akong
m-magawa”……ang nauutal na paliwanag nito, hindi niya maiwasang mailang sa titig ni Miranda.

“Ayos lang Gob. walang problena sa akin kung maiipit ang posisyon mo at wala kang magawa, basta wag ka lang makikialam, ipikit mo lang ang mga mata mo sa mga mangyayari at mananatili kang gobernador. Alam kong malapit na kaibigian at kumpadre mo si labra pero ang
magagawa mo lang para sa kanya ay ang makiramay”!!…”Malapit na gob isang buwan na lang ang taning ng buhay niya”.

Napalunok naman si gob pinagpapawisan ang sintido habang nababahalang nakaringin kay Miranda.

“H-hindi na ba maayos ito miranda dati namang maayos ang samahan ng inyong mga pamilya”.

“Pasensya na gob hindi ako nakikipagkasundo sa taong malapit ng mamatay”!! ….sabay tumayo na ai miranda at lumabas ng silid na iyon

Napasandal naman si gob sa upuan at napabuntong hininga nag iisip ng malalim

Nang makaalis si miranda ay siya namang pasok ni labra, tinanguan ito ni gob, nagtungo ito sa kinalalagyan ng alak at nagsalin ito ng alak at umupo sa upuan sa harap ng mesa na kinaroroonan ni gob.

“A-anong sabi kumpadre”?…tanong ni labra.

Bumuntunghiniga lang si gob at nagkibit balikat.

“IHO DE PUTAAA!!…”ANIMAL!!! “.ang pagsabog ng galit ni labra.

Nakatingin lang sa kanya si gob, nasa ekspresyon mito na parang may gusto pang sabihin sa kanya.

Tumingin din siya kay gob at hinihintay ang sadabihin pa nito.

“i-isang b-buwan”..

Anong isang buwan?

“B-binigyan ka na niya ng taning, isang buwan ka na lang daw mabubuhay”.

“Iha de cabron”!!….pabulong ng sambit ni labra nakayuko at pailing-iling ang ulo.

Tumingin si labra kay gob na parang sinasabing tulungan siya ngunit itinaas lang ni gob ang dalawang kamay sa ere na parang sinasabing “wala akong magagawa”.

Makalipas ang ilang sandali ay kagyat na tumayo si labra upang lumabas, nakatingin lang sa kanya si gob na napabuntunghininga na lang.

Pag labas ni labra ay agad kinausap si mario.

“Nakaabang na ba ang mga tao mo”!!?…tanong ni labra kay mario.

“Opo, senyor”

Tumango-tango lang si labra habang iniisip pa din ang sinani ni gob na isang buwan na lang ang buhay niya.

“Hindi!!…hindi ako papayag msuuna ka miranda”!!!……sng bulong sa sarili ni labra.

Nakasakay na sa backseat ng kanyang Ford Bronco si miranda, kasama niya sa loob si tata guido.
At ang kanyang personal driver na si atong d’ fixer. Nakaumang lang ang Bronco sa exit gate ng hotel hindi pa ito umaalis dahil inaantay pa nila ang go signal ng advance party na mga tauhan ni miranda.

Kahit nakabara at nakakaabala sa mga sasakyan na lalabas na din ng hotel ay walang makapag reklamo kapag nalaman nila na si miranda ang may ari ng sasakyan.

Nang marinig ni atong d’ fixer ang salitang “CLEAR”..mula sa base radio na nakakabit sa sasakyan ay madiin nitong tinapakan ang silinyador ng sasakyan, umiiyak ang gulong ng sasakyan sa diin ng pagkakaapak bago binitawan ang clutch at sumibad ang sasakyan ng pagkabilis-bilis.

Bago umalis ang sasakyan ni miranda ay nauna na ang pitong sasakyan ang nauuna ang magsisilbing sweeper o taga hawi ng mga makakasabay na sasakyan samantalang ang anim na kasunod ang magsisilbing blockade vehicle, babarahan nito ang lahat ng intersection na kanilang madadaanan upang tuloy-tuloy ang takbo ng sasakyan ni miranda, hindi na nito kailangan mag mag menor o huminto sa bawat intersection na madadaanan dahil napaka delikado.

Kaya ng dumaan ang sasakyan ni miranda na humahagunot dahil sa bilis nito ay wala ng nagawa ang mga naatasang manambang dahil sa nabarahan ng blockade vehicle ang kanilang daraanan.

Samantala ay naiinip na si senyor labra sa pagkakatayo sa lobby diyes minutos na ay hindi pa din dumadating ang kanyang sasakyan.

“Mario!!…. asan na ang mga bata mo”!!!…..”MIERDA”!!!!….iiling-iling si labra bwisit na bwisit.

Ilang sandali pa ay humahangos ang isang tauhan nila na mukhang gumulong sa alikabok dahil sa dumi ng damit nito.

“Senyor, senyor!!…. nayari un mga kasama ko lahat sila!!”….”ANO”!!!….”EH, BAKIT BUHAY KA PANG PUTO KA!!”..

“Eh,!..hindi po ako napansin medyo nasa malayo po ako at dumapa para di ako mapansin.”.. ang humihingal pa din na paliwanag ng tuhan niya.

“Ilan ang birador nila?.”..””gaano kadami”?….tanong ni mario.

Nagaalangan sumagot ang tauhan.

“ANO”!?…”ILAN”???…..untag ni labra.

“Eh, eh,…. i-i-isa lang p-po p-payat at m-matanda pa!!..

“La Concha de tu Madre, “GUIDO”!!!!… ang nagngangalit na bulong ni Labra.

Napatulala naman si mario ng malamang mag-isang pinatay ni guido ang kanilang mga tauhan.

“Mario! ikuha mo na lang ako ng kwarto dito delikadong lumabas pa tayo traydor ang gabi baka masingitan tayo”….

“Si, senyor”…..sagot ni mario

“At ayusin mo un mga pulpul mong tauhan bago pa man dumating ang mga pulis ipagtatapon mo na ang mga walang kwentang iho de cabron na mga iyon”….”MALIWANAG”!!!

“Si,.. Senyor!..

“Wala dapat ebidensya”…

“Si, senyor”…

“Kanina ka pa si ng si diyan eh, sipain kaya kita diyan makita mo hinahanap mo”!!..

“Si!…este o-opo senyor.

“Sige na lumakad ka na”…..ani labra habang madilim ang mukha na bumalik sa loob ng hotel.

****

Ilang lingo na ang nakalipas patuloy pa din ang ambushan ng pamilya azul at pamilya ni labra kung saan-saan matatagpuan ang mga walang buhay na katawan ng mga tauhan nila, matira ang matibay. Sa villa ng mga azul ay triple ang seguridad. Kausap ni miranda si atong d’fixer.

“Atong alamim mo kung sino-sino sa mga tauhan natin ang nasawi, puntahan mo ang kanilang pamilya at mag abot ka ng tulong alamin mo din kung may mga anak na pinag-aaral at papag-aralin natin hangang sa makatapos”.

“Areglado po nyora miranda”…sagot ni atong d’fixer.

Sa mansyon naman ni labra sa cebu ay alerto din ang kanyang mga tauhan, hindi siya lumalabas ng mansyon at pirming naka suot ng vest.

*****

Sa baybayin ng davao ay nakahimpil ang isang GT500 Shelby Mustang sakay nito ang isang napagkaandang babae nasa disinueve lang ang edad nito panguya-nguya ng chewing gum habang pumapailanlang sa loob ng sasakyan ang kanta ni bob dylan. Maya-maya ay may dumating na isa pang sasakyan, bumaba ang isang payat at matandang lalaki at sumakay sa sasakyan sa tabi ng babae.

Nang makaupo na ang matandang lalaki sa loob ng sasakyan ay may inabot sa matanda ang babae na isang folder na naglalaman ng mga dokumento. Tinignan ng matanda ang mga dokumento, kumunot ang noo ng matanda at lumingon sa babaing katabi, marahan namang tumango ang babae, napailing na lang ang matanda napabuntunghininga at minasdan ang kagandahan ng paglubog ng araw.

“Mag iingat ka ineng ang sabi ng matanda”.

“Ayos lang po ako, nag iingat po ako palagi”.

Tumango-tango ang matanda…. “Siya!…akoy lalakad na at kailangan kong bumalik agad sa villa.”

“Sige po… mag ingat po kayo”..tugon ng babae.

*****

Hatinggabi na ngunit gising pa si miranda, nanlilisik ang mga mata hindi miya inaasahan ang laman ng dokumentong hawak, hindi siya makapaniwala ngunit walang pasubali ang detalyadong nilalaman nito kumpleto ang ebidensya kasama pati litrato.

“Bakit pati ikaw na itinuring kong hindi iba sa akin”….usal ni miranda. Mabalasik ang mababanaag sa mukaha nito matapos mabasa ang laman ng dokumento.

“Traydor ka, akala ko iba ka sa kanila!! “….”ngayon ikaw ang mauuna!!! “….ang tiim bagang na usal ni miranda.

*****

Panatag naman si datu impid sa kanyang bahay bakasyunan sa mindanao nakatunghay sa kadiliman ng dagat mula sa veranda ng kanyang mansyon, malayo sa kguluhang nagaganap sa visayas at luzon.

“Ang lalim yata ng iniisip mo?… “Kasama mo ko tapos wala naman dito ang isip mo”….nagtatampong tinig ni lira sabay yakap sa dibdib mula sa likuran ni datu impid inihimlay ang mukha sa likod ng matanda. Nangiti naman si impid sa tinuran ni lira.

Hinawakan nito ang kamay ni lira at iginiya niya ito para mapaupo sa kanyang kandungan.

“Iniisip ko kasi ang kaguluhan nagaganap sa pagitan ng visayas at luzon”…”malaki ang magiging pakinabang natin pag natapos na ang kaguluhan at baka mas madaming oras ang gugulin natin sa maynila”…”gusto mo ba iyon”…tanong ni impid.

Namilog naman ang mga mata ni lira sa tuwa… “t-talaga ba”?…gusto ko sa maynila!!.. gustong-gusto”!!!….sabay yapos ni lira sa leeg ni impid at masuyong hinalikan sa labi, marahan sa simula hanggang sa naging mapusok.

Sinasakmal na ng labi mi lira ang bibig ni impid, iponasok ang dila sa loob ng bibig ng matanda at hinaharot ang dila nito.

“Uhmmm, tsup, tsup ohhmmnn, liraaaa…”nakakabaliw ang labi moooohh”…

Umangat naman si lira at tinitigan ng mapang akit si impid. Dahan-daha nitong ibinaba ang mangas ng suot na nighties, marahan bumungad kay impid ang makinis at mapintog na pumo ng suso ni lira kaunting baba pa ay ang mamula-mulang utong naman ng babae ang sumungaw… siyang-siya namn si impid sa nakikita, nagpadausdos naman pababa si lira hangang sa mapaluhod ito. Kinalag ang pagkakabuhol ng pajama Ni impid at inilabas ang ari nito, hinawakan ang katawan ng malambot na sandata na para bang sinusuri ito. Mabagal na sinalsal ni lira ang titi ni impid, hanggang sa yumuko ito at sinimulang paikutan ng dila ang ulo paikot-ikot ang dila hanngang sa katawan. Basang basa ng laway ni lira ang sandata ni impid… Titig na titig naman si impid sa kanyang pang apat na asawa, napakaganda talaga ni lira sa isip niya at maswerte siya dahil siya ang nagmamayari ng kagandahan nito. Nang isubo ni lira ang kahabaan niya ay napanganga siya at napatingala, nang nahagip ng mata niya ang anino sa likod niya ngunit bago pa siya makakilos ay may alambreng ipinalupot sa leeg niya at mabilis na hinila habang nakadiin ang tuhod ng anino sa batok niya.

Ahhtrrrkkk, ahhrrkkkk….nangigisay na si impid habang mas lalo naman binilisan ni lira ang pag taas baba ng ulo sa kandungan ni impid, ang panginhisay nito ay inakala niyang labis itong nasasarapan sa kanyang ginagawa.

Dilat ang mata at nakalawit ang dila ng huminto sa pangingisay si impid at siya namang angat ni lira nakita pa nito ang anino habang nakawak pa sa alambreng pinang gilotina kay impid.

Gulat na gulat ito na may kasamang takot…. “Eihhhhhhh, ehhhhhh”….sigaw ni lira.

Mabilis na kumilos ang anino at binigyan ng isang sapak sa panga si lira na siya nitong ikinawala ng malay at napahandusay na lamang.

Mabilis namang nakatawag pansin sa mga tauhan ni impid ang sigaw ni lira at dali-daling nagdatingan ang mga ito ngunit huli na patay na si impid at wala na din ang anino.

Itutuloy….