Renzo Cruz Ii: #titohits Vol. 1 (Arra, A Former Band Mate) 2

II

Author’s Note:

sa salaysay na ito ay sinubukan kong labanan ang lahat ng tawag ng laman ngunit sa huli hindi parin ako nanalo

-Renzo

Kinabukasan:

Tanghali na ko nagising dahil sa pagod at puyat narin at ng aking I check ang cellphone ko ay napakaraming messages ni arra.

“good morning sir salamat kagabi” ‘uy sir ha yung pangako mo na help ah see you later’

at yung iba ay mga pinagpapasa na ‘quotes’ at mga motivational texts. Iba din ang feeling since na wala na masyadong nag tetext sakin karamihan kasi naka focus na sa msgr chats o sa kahit anong apps for messages na nangangailangan ng internet access.

Di na rin nanaman ako nakatiis na replyan to ng..

‘hey kagigising ko lang napuyat eh’

Napaka bilis ng sagot nya ngunit ako na rin ang umagwat kasi alam ko way nya lang to para ma convince ako para matulungan siya sa problema niya.

Mahirap talagang kumilos sa solong katawan kung dati rati ay may nag hahanda ng pagkain para sakin ngayon eh wala, akin lahat ang gawa laba luto linis ng sasakyan at pamamalengke.

Masyado rin namang busy si kaye para papuntahin ko pa siya dito kaya buo na sa isip ko na tutulungan ko si arra even if it means na pansamantalang maki tira sa bahay ko tutal wala akong kasama.

Pinalipas ko muna ang oras bago ko tinawagan si arra walang pasok yon dahil sabado ang day off nya.

Naka dalawang dial ako bago ito sumagot.

‘Hello sir ay pasensya na po ah kasi galing akong banyo eh saka di ko po alam na tatawag kayo’

‘ah ganon ba di kasi ako mahilig mag text eh puro tawag ako eh hehe masanay ka na arra’

Arra: oh sige po sir bakit nga po pala kayo napatawag?

Ako: di ba may problema ka? sulusyonan na natin yan

Arra: ay salamat po sir oh paano po ang plano

Ako: dito ka na ulit sakin muna tumira doon sa kabilang kwarto wala namang natutulog don eh

Arra: salamat sir ha pero di po ba nakakahiya?

Ako: di naman magkabandmates naman tayo dati at nakikitulog naman kayo dito dati diba? Makishare ka nalang sa foods saka sa kuryente gaya ng dati.

Arra: super thankyou sir ha nakakahiya man po dati yung pag leave ko sa banda ng walang paalam pero andyan ka parin naka suporta pag kailangan

Ako: wala yon ano ka ba naman so puntahan na din natin bukas ang gamit mo tutulungan ka namin nila boy at walter mag hakot ha?

Arra: sige po sir salamat talaga napaka laking tulong I wish I could repay you in any way

Ako: don’t mention it I’ll see you later ha paano may gagawin pa ko mag luluto pa ko eh

Arra: ay pag nandyan na ko pag luluto kita hehe

Ako: sige aasahan ko yan ha?

Arra: thanks again see you po later

Pag katapos ng pag uusap ay nag handa na ko ng makakain. Sa pag lipas din ng oras ay naisipan kong ipaalam kina boy at walter ang aming balak na maghakot ng gamit sa bahay na inuupahan ni arra.

Nangako nalang ako sa mga ito na mag papainom ako sa bahay pagkatapos at mahigpit kong ibinilin na wag na wag ipaalam kay kara ang balak naming pag iinom at ang pag hahakot bukas.

Nangako naman ang mga ito na walang makakaalam ng aming pinaplano.

Saglitan lang din ang tinagal ko sa kanila dahil may urge din na di ko mapaliwanag na Makita si arra mamayang gabi sa bar.

6pm

Nag hahanda pa lang ako papunta sa bar tunog na ng tunog ang cellphone ko sa mga messages ni arra pero sinadya kong di sumagot. Sa halip ay nag diretso na agad sa bar.

Nagulat ako dahil pag dating ko pa lang nandoon na ang banda pero wala pa si arra. (infairness yun ang gusto ko sa kausap na banda on time kausap di ko na iint…