Renzos Last Dance: Secrets Revealed (Untold Chapter) 1

Panimula:

Ang mga lugar ng pinang yarihan ay sadyang inilihis sa salaysay na ito. Maging ang mga pangalan ng mga taong sangkot sa paglalahad ng tunay na ito ay sadyang binago upang protektahan ang kanilang tunay na pagkakakilanlan.

Ang isang sekreto gaano mo man ito itago malalaman at malalaman pa rin. Kahit gaano ka kagaling mag ingat ng lihim may pag kakataon pa rin na ito ay mailalantad sadya man o hindi. Sa kaso ko naman siguro nararapat na rin na matapos ang mga mali bago pa mangarap ng isang bago at tamang simula.

Marami din kasing nag tatanong kung ano ang nangyari lalo na’t yung mga unang sumusubaybay sa mga karanasan ko na naishare narin dito. To be truthful di ko na talaga isasama ang bahaging ito.

Instead I will just keep you readers wondering what went wrong. Pero maraming nag tatanong kung bakit naghiwalay eh nahuli kasi kami eh, ako in particular at kung paano nag tapos ang lahat dito niyo yon malalaman.

‘kahit pa nga maraming kasabwat malalaman parin ang mali at may matatapos sa masakit o normal na paraan’ – renzo

November 9, 2018 (6 am)

‘Sinungaling ka talaga eh noh?? Sabi mo bibili tayo ng motor eh hanggang ngayon ni tingin di mo ko sinasama, paalam mo lagi pag aalis ka pupunta ka sa bilihan di mo naman na pipicturan? Nag tataka na ko ha baka nambabae ka renzo sabihin mo lang madali akong kausap’

Ako: ikaw agang aga uumpisahan mo nanaman ako eh paano kita ibibili eh nag pabili ka ng bag galing ka pa ng baguio nag judge ka sa event doon binigyan pa kita ng pocket money wala ka namang souvenir kahit buto ng strawberry? And to think that mas napapadalas ka sa mga check in sa hotels kung galing ka ng malalayong events eh may bahay naman tayo maliit pa ba sayo to? Kakalog kalog na tayong tatlo dito ah

Janice: para yun lang kinikwenta mo? Eh ikaw nga yung nag sabing ituloy ko pag kanta at pag peperform

Ako: ah oo sinabi ko yon pero mind to tell you na hindi mo sinisipot yung mga show mo sa bar ayaw mo naman akong kumuha ng iba tapos yung mga out of town kaya mo yung sa bar ke kumanta ka o hindi tuloy ang suweldo mo

Janice: sa atin naman yon ah

Ako: Business wise no si liz at ako ang nakapangalan don so if you want to make it there do your part di yung puro lavish spending ka

Janice: kaya mo naman ibigay, saka asawa mo ko

Ako: no not for the most part di akin lahat yan, yes you are my wife but be reasonable sa pag gastos ok anong fall back mo? wala? sabi mo mag babake ka ng empanada tapos ibebenta mo online binigyan kita ng capital eh ni microwave oven saka ibang kailangan di mo nabili. Hey, di namin ito tinayo para malugi pinaghirapan ko yung posisyon ko tingnan mo bayad ka di ka naman nag peperform pero pag malayo napupuntahan mo kahit ilocos aba magaling.

Janice: Ok I get it liza is your slut?

Ako: Jan pwede ba?? Business partner ko yon shes my ex but now im married to you

Janice: sabi na eh di tama ako babae mo nga yon

Ako: tigilan mo na nga masyado ka eh

Lumabas ako ng kwarto kahit sobrang aga pa nag tuloy nalang sa banyo para maligo. Nakatapos na ako at lahat nag iiiyak na ang anak namin di man lang tinitingnan.

Matatalim ang kanyang tingin sa akin sa pag lipas ng oras at di man lang siya namamansin. Paalis ako ng bahay saka lamang siya nag salita.

‘Hoy lalake yan yan aalis ka nanaman saan punta mo aber?’

Ako: kina boy bakit? Yaman din lamang na wala akong mahita sayo at parang nilukot na papel yang mukha mo eh makaalis nalang.

Janice: itetext ko si boy

Ako: tawagan mo pa kung umaalis ka nga di ka nag papaalam eh makikita ko nalang andami mong pinamili mga bagay na di mo naman kailangan. Kahit pag kain pag binili mo mas marami nasasayang kaysa napapakinabangan di ka naman dating ganyan ah?.

Di naman niya ko pinigilang umalis kasi di naman talaga niya ako mapipigilan.

Bago ako tuluyang umalis ay sinabi ko kay boy ang tangka ni Janice na pag tawag nito sa kanya kaya alam na nito ang kaniyang sasabihin.

Nasa biyahe na ko pero wala akong tiyak na direksyon ng pupuntahan. Naisip ko nalang na bumisita kay kaye.

Minabuti ko munang itigil ang biyahe upang itext siya checkin kung andon nga siya.

Agad naman itong sumagot na wala naman siyang gagawin kaya sa kanila nalang ako nag punta.

Pag dating ko sa bahay nila kaye agad niya kong sinalubong ng beso.

Kaye: zo napabigla?

Ako: wala di na kita nadadalaw eh

Kaye: nagkikita naman tayo sa bar ah

Ako: iba parin yung dalaw ba??

Kaye: pasensya ka na ha? Medyo madumi ang bahay di ka kasi nagpasabi eh kumain ka na ba? Ano gusto mo kainin hirap nito bumigla ka eh.

Bigla ko siyang sinagot ng…..

‘ikaw ba pwede?’

Natawa lang si kaye at nag tanong

Kaye: ano nga?? zo naman eh

‘Kaye ikaw nga ikaw gusto ko’

Kaye: ngayon na?

Ako: oo saglit lang naman ah tapos sa labas na tayo kumain.

Kaye: hmmmm ikaw talaga teka lang mag pfreshen up muna ko

Ako: kapatid mo asan?

Kaye: kakaalis lang non uuwi lang yon para kumain matulog at maligo wait lang mabilis lang to

Iniion muna ni kaye ang tv bago nag punta ng banyo, para siguro malibang ako habang hinihintay ko siya. Pagkalipas ng ilang minutong pag bbrowse sa channels ng tv di na ko nanood at nahiga na lang sa sala.

Mayamaya naman ay lumabas na rin si kaye at sabay na kaming umakyat ng kwarto niya.

‘Pambihira ka kahit na alam kong imposible namang wala kang jowa ngayon, mas nananaig din yung mga nagawa mo para sakin. At sa twing naaalala ko yung dati na di man lang kita nabigyan ng pagkakataon maging tayo eh ok na ko sa ganito kahit walang malinaw sa ating dalawa at least napapasaya kita’

Ako: with all honesty kaye I have been with the most strangest and brutal relationships in recent memories I can recall para kong walang direksyon.

Kaye: grabe ka naman makabrutal ano ba yan emotional o sexual? Gentle ka naman ah sa pag kakaalam ko

Ako: its kinda torturing yung biglaan ka pumasok sa sitwasyon na di mo kontrolado kahit may mga taong masasaktan I mean iba eh basta di ako malaya I tend to rush into things.

Kaye: Shhhhh tama na nga dati rati ako yung kinocomfort mo eh tapos ikaw naman ngayon ang ganyan. Whatever it is that you’re going through di ko man alam atleast di ka namomroblema sa financial aspects.

Ako: life is not al…