Nov 10 2018 (araw ng flight ni chealsea pabalik sa trabaho)
Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Janice sa akin habang nag aalmusal.
Janice: bihis na bihis ka ah saan ang gala tangnang to araw araw umaalis
Ako: may lakad kami nila boy
Janice: ah oo yung mga tao mong de-susi na panay ‘opo mam hindi po mam wala po mam ang sagot’ nakakaletse lang kayong lahat
Ako: jan nasa harap tayo ng pagkain ha pati ba naman yon eh gagawin mong issue kung di mo makukuha gusto mo
Janice: malakas ang kutob ko renzo may iba dito di ko lang matyak pero iba pakiramdam ko lalo na sa mga tao mo na parang recorded ang sagot
Ako: sus!! ikaw talaga suspityosa mo eh umaalis ka nga ng walang paalam ah may naririnig ka ba sakin??
Natapos ang pag uusap namin habang kumakain ng hindi na kumibo ang asawa ko malaya din akong naka alis ng bahay upang puntahan sina boy at walter para maihatid si chelsea sa airport gaya ng pangako ko.
Dahil sa gabi pa naman ang flight schedule ni chelsea naisipan kong sumaglit kay laine ngunit wala ito sa bahay nila, tinatawagan ko rin ito ngunit walang sumasagot. At sa aking pag biyahe patungo kina boy isang text mula kay laine ang aking natanggap
‘im sorry renzo sir lets just stop this habang tumatagal nasasanay akong nandyan ka baka di ko na kayanin pag wala ka na’
‘ah putangina what a day!!’ ang tangi kong nasabi sa sarili ko habang nagmamaneho ng sasakyan.
Maaga akong nakarating kina bigboy nakita din ako ni kara na dumating kaya lang ay casual na pansinan lang ang nangyari dahil nandoon ang kanyang ina. Kina Bigboy na ako nag palipas ng oras at kina kara kumain ng tanghalian sa utos ng kanyang ina.
Habang nanananghalian nag uusap kami nina ninang kat at ni kara.
Ninang Kat: Bakit naman anak di ka nag pasabi na pupunta ka nag handa sana ako ng masarap na pagkain?
Kara: Oo nga naman kuya lagi kaming nabibigla sa dalaw mo eh kumakain ka ba nyan?
Ako: oo naman palagay mo naman sakin ahaha!!
(Ang ulam nila ay munggo at relyenong bangus)
Masaya kaming kumain at di nag tagal nag paalam na si ninang kat para bumalik ng computer shop nila at kaming dalawa nalang ni kara ang naiwan sa bahay nila. Dito nanaman nag iba ang timpla ng pakikitungo sakin ni kara
‘Namo ka palagi ka nalang ganyan eh pag ako nainis sasabihin ko na kay mama relasyon natin eh’
Ako: pwede ba…