Renzos Revelations Reloaded: Nakaambang Patibong (Iisang Bangka Tayo) 3

III

wednesday october 17

kinabukasan ako nanaman ang nag prepare ng almusal at tanghalian tila nagulat ang asawa ko at may pag tatakang nag tanong

‘bigla ka yatang sumipag? ah di ako sanay eh’

ako: bah eh di ka kasi pwedeng mapagod susundan na natin si thirdy

‘hala seryoso ka?? naku ha??’

ako: bakit ayaw mo ba?

janice: di naman sa ganon kaso parang di pa ko ready na masundan

ako: ay dahil siguro di ka makakapag motor noh? hon ingat ha pag meron ka nang motor

janice: oo kilala mo naman akong maingat eh

ako: pahinga ka muna ako na bahala sa mga gagawin kase may pasok ako mamaya eh.

sinunod ni janice ang sinabi ko pagkatapos ko sa lahat ng ginagawa ko sa loob ng bahay nag linis ako ng sasakyan.

sa pag lilinis ko naalala ko ang mga pangako ko sa mga kaibigan kong sina walter at boy kaya sinabi ko sa sarili ko ‘kailangan matupad ko ang hiling sakin ni boy sa kahit anong paraan pero sino?? sinong pwede kong ipaubaya?’

nagpahinga muna ako sa paglilinis ng sasakyan at nag pasyang tingnan ang secret fone ko para i check kung may message di ko naman to inooff sadyang naka silent lang.

napakaraming text ni chelsea na gusto akong papuntahin sa bahay nila pero hanggang ngayon di ko pa ginagawa.

‘you lied sabi mo pupunta ka sa bahay ko?’

nag reply ako kay chelsea na busy ako at siya na lamang ang mag pasyal sa bar sumagot ito na pupunta siya dahil may sasabihin daw ito sa akin.

tinapos ko naman ang pag lilinis ko ng kotse at naghanap ng sapatos na pang laro na pwede kong ibigay kay walter napili ko ang ‘jordan flight team 10 kasi yun ang medyo di ko nasusuot

napansin ito ni janice na inilalagay ko sa plastic

‘saan mo dadalhin yan? mag papapawis ka ba? sino kalaro mo?

ako: bibigay ko kay walter pang laro daw di ko naman na to nasusuot at saka diba kabibili ko lang ng bago? retiro na din si mj baka magkaroon ng liga eh sali kami

janice: ikaw kung kaya mo pa? haha di ka na ata maka shoot eh panay sakin ka nagpapashoot eh uwi ka mamaya ng maaga basketball tayo ha? hahaha

ako: one on one sure i’ll deal with you tonight.

lumipas ang oras ng nakipaglaro ako sa aking anak doon narin kami ni janice gumawa ng tulog sa kwarto ni thirdy.

gaya ng dati ginising ako ni janice para mag handa sa pag pasok sa bar. nakahanda na ko ng nag umpisa nanaman siyang mag bilin

‘ang uwi ah? oh wala ka na bang nakalimutan? yung sapatos na bibigay mo kay walter?’

ako: nasa kotse na sa bar na ko kakain ha hon uwi akong maaga love you honey!!!

‘i love you daddy oh thirdy bye bye na kay daddy’

(ang sabi ni janice habang karga ang aming anak)

pagkasulyap ko sa aking mag ina ay agad narin akong nag tungo sa trabaho.

maaga naman akong nakarating dahil may performance ang banda ni ara na kailangan kong mapanood.

nakita kong nakatayo si bigboy sa may smoking area at naninigarilyo nilapitan ko ito at kinausap

‘boy handa ka na ba?’ tila may pagtatakang sumagot ito

bigboy: saan boss

ako: ay lasing ka talaga non eh

bigboy: hehe ano bang sinabi ko??

ako: pasahan kita ng chic

bigboy: boss biro lang yon hehe pero salamat kung meron

ako: darating yon promise

bigboy: iba diskarte mo eh salamat boss champion ka talaga

ako: kaya mo na diskarte ha?

bigboy: ok boss salamat ulit bibigay mo nga

ako: oo nga wait mo lang oh sige bibigay ko pa tong sapatos kay walter eh maiwan muna kita dyan tatawagin nalang kita pag dating ng regalo ko

bigboy: sige boss thanks iba ka talaga

iniwan ko na muna si bigboy para ibigay kay walter ang hinihingi nyang sapatos na pambasketball.

sa loob ng bar kausap ko si kara dumating na ang banda ni ara na nag seset up ng gamit at nag sasound check ng biglang may nag salitang customer

‘OPM naman dyan!!!! the dawn iisang bangka pa request

napangiwi ako kasi alam kong alam ni ara yon pero walang lalaking kakanta at mag lelead
sumagot si ara ng

‘ok sir even though we are an all female band we will play what you wanna hear but we will call someone who can do it better. so please welcome on stage my former bandmate and boss the owner of the bar mr renzo cruz on lead guitar and vocals’

tama ako sa kutob ko isasali niya ko sa special request na to
so tinulungan ko silang matugtog ang request para di mapahiya ang banda ni ara

hinahanap din naman ng katawan ko ang pag tugtog kaya pinag bigyan ko na

nakita kong papalapit si bigboy sa stage kasi paburito namin mag ttropa yung kanta.

sa kalagitnaan ng pag tugtog namin at pagkanta ko nakita ko nakita ko si chelsea na dumating naupo sa isang bakanteng upuan kaya lalo kong ginalingan ang pag peperform.

natapos naman ng maayos ang kanta nagpatuloy na sila sa set nila samantalang ako ay bumaba na ng stage at pinuntahan si chelsea sa mesa nya nakita ako ni kara ngunit wala naman itong sinabi

‘thanks for coming che’

chelsea: nice song magaling ka pala talaga tama si liza pero sabi mo pupunta ka sa bahay ko paalis na ko ng nov 10 eh

ako: ano bang gagawin natin sa inyo?

chelsea: i was thinking i wanna know you more lets get up close and personal maybe intimate?

ako: che imposibleng di mo alam yung about…