It was 2011 when Macky first saw me. Nakita nya ako sa party ng common friend namin (let’s call him Derick). I was alone at the table when he approached, gave me a bottle of beer and introduced himself. At first, wala lang sa akin. Common naman sa mga parties na may makilala kang ibang friends ng friend mo.
He initiated the convo. He told me about how close he is with Derick. College friends sila. He also told me na sya ang tulay between Derick and his girlfriend (now wife). He asked me kung pano kami nagkakilala ng kaibigan niya.
“He was my ex-fubu.”, Sabi ko. Namutla siya and nahiya. I laughed.
“Joke lang. Kaibigan siya ng pinsan ko. Pero mas naging close kami kase andami niyang clients na need ng private duty nurse.” He smiled, then laughed.
“Na-awkward ako bigla kanina. Akala ko totoo. So, nurse ka pala? Saan ka nagtatrabaho?”, he asked.
“Sa government hospital.”
“I see. Gaano ka na katagal nagwowork and saang area ka?”
“4 years na din. Right now, sa Emergency Room ako. Pero balak na nila ako ilipat sa Ward soon.”
“Ahh, matagal ka na pala sa field mo. Ako naman, Engineer ako sa *****.”
“Ah okay.”
Natahimik siya bigla. Feeling ko wala na siya maikwento.
“Uhmm, okay ka lang ba dito na mag isa? Okay lang ba na samahan muna kita?”
“Okay lang naman. Aalis na din naman ako maya-maya. Papasok kasi ako tomorrow.”
“Talaga? Gusto mo ihatid kita? Kung okay lang?”
Di ako sumagot agad. I drank the beer he gave me. Bottoms up.
“Woah, lakas mo naman uminom!” Nanlaki mata niya.
“Huh? Isang bote pa lang to, malakas na sayo? Di mo pa ako nakikitang uminom ng hard.” I smirked.
“Grabe, mapapalaban ata ako sayo.” He flashed his innocent smile.
“Don’t worry, di naman ako papalag.”, sabay ngiti ng malandi.
We both laughed. Instant connection pala agad. Okay naman siya kausap, may sense. He seemed smart din.
Di na namin napansin yung oras. Nagulat na lang ako na past 12midnight na pala nung nilapitan kami ni Derick para alukin ng beer.
“Oh, eto pa alak. Ano gusto nyo pulutan? Kuha lang kayo dun ha.”, sabi ni Derick.
Napatingin ako sa phone ko. “Nako Rick, mauna na pala ako. Papasok pa ako bukas.”
“Fie naman! Minsan lng naman ako mag birthday. Umabsent ka na! Mukhang nag eenjoy na kayo ni Macky eh.” Sabay ngiti ng may halong pang aasar.
“Di pwede eh. Di bale babawi ako sayo. Dun tayo sa bahay minsan.” Sabi ko.
“Oh sige. mag iingat ka ha. Thank you sa pagpunta.” Sabay yakap.
“May masasakyan ka ba pauwi? Gusto mo ihatid na muna kita?” Tanong ni Macky.
“Hindi na. Sa may kanto lang ako nakatira. Maglalakad lng ako.” Sabi ko naman.
“Okay lang ba na ihatid kita?” He asked. “Hindi na, di pa naman kita kilala. Baka anong gawin mo sakin na magustuhan ko.” Sabay ngiti.
Namula sya at napangiti. “Hahahaha! Grabe ka naman!”
“Seriously, okay lang. Nice meeting you, Macky.”
“Likewise. Take care ha.”
Lumabas na ako ng gate nila Derick at nagsimulang maglakad. Medyo antok na din ako nung time na yun kaya binilisan ko para makapagpahinga pa ako bago pumasok sa duty.
The next day, naka receive ako ng friend request sa Facebook. Pagtingin ko, si Macky pala. Hindi ko muna siya inaccept. Kasi naman, di ko din naman siya ganun kakilala. Nag start na ako mag duty and back to normal ang buhay.
2 months after nung party ni Derick, pumunta siya sa bahay para mag inom kasama nung pinsan ko. Sakto na naka leave ako. Nagsimula kami mag kwentuhan at tawanan. Nung mauubos na namin maubos ung isang bote nung Whiskey, biglang nag ring ang phone ni Derick. Tumayo siya at nag excuse muna.
After 2 minutes, bumalik siya sa lamesa namin. “Hoy Fie, bat di mo daw inaaccept yung friend request ni Macky?” tanong niya.
“Huh” Ay, oo nga nag friend request nga pala siya. Eh, di ko naman siya ka close. Alam mo naman ako di basta basta nag aaccept.”
“Iaccept mo na. Eto nga tumawag kinukulit nnaman ako. Sabihan daw kita.”
“Pag iisipan ko kamo.” Tumawa kami sabay balik sa inuman.
Fast forward ng 3 years (January 2014), inaya ako ni Derick sa kasal niya. I went with my cousin (na isa sa mga groomsmen). It was a Christian Wedding. Nasa table ako kasama yung ibang college friends ni Derick nang biglang may kumalabit sa akin. SI Macky pala.
“Sabi na nga ba at ikaw yan. Kamusta?
I smiled. “Okay naman.”
“Naaalala mo pa ba ako? Ako si Macky, yung kaibigan ni Derick. We met a few years ago sa birthday niya.”
“Yes, I remember you. What makes you think na nakalimutan kita?” Sabay ngiti.
“Wala lang, di mo pa din kase inaaccept yung friend request ko sayo.”
“Hahaha oo nga pala. Tagal na nun, ha?”
“Willing naman ako mag antay.”
Nginitian ko na lang siya. Siya pala ang best man ni Derick. I had no idea na sobrang close pala netong dalawang to.
“May kasama ka ba dito? Pwede ba kita tabihan mamaya?”, he asked.
“Meron, yung pinsan ko. Isa sa mga groomsmen.”
“Ahh pinsan mo. I see. Pero okay lang kaya sa kanya na tabihan kita dito mamaya?”
“Sure. Di naman siya nangangagat.”
Natawa siya, pati na din ung mga kaibigan niyang nasa same table.
“Hoy Macky, kumalma ka diyan. Tandaan mo, kasal to ni Derick.” sabi nung isang kasama sa table.
“Behave naman ako, gago!” Sabay tawa uli sila.
“Ilalagay ko na gamit ko dito ha. Reserve mo ako.” sabay lagay ng bag niya.
“Sige lang.”, sabi ko.
Natapos ang seremony at nagkanya kanyang table na ang entourage after ng pictorial. Tumabi sakin ang pinsan ko tapos sumunod si Macky. Nagkwentuhan lahat ng nasa table at nagtatawanan. Nag picture taking na din kami. Nung patapos na yung event, binulungan ako ni Macky.
“Baka naman pwede mo na iaccept ung friend request ko sayo. 3 taon na siyang naka tengga.” Nag puppy eyes pa ang loko.
“Sige na nga.” Nilabas ko ang phone ko at binuksan ang facebook. Hinanap ko ang friend request niya at inaccept.
“Ayan na. Happy na?” Sabay tawa.
“Oo naman. Thank you ha.” He flashed his pa-cute smile.
“Oh sige, uuwi na kami. Bye, ingat kayo.”
“Ingat ka. I’ll message you later.” sabay beso.
Nang makauwi kami ng pinsan ko, sunod sunod ang pag vibrate ng phone ko. Nagmessage pala si Macky. Nangamusta kung nakauwi na kami, I told him na oo. Ready to bed na din ako.
Kinabukasan, nag message uli siya. He tried to ask me out. During that time, pag inaya mo ako mag kape, it means na sa motel mo ako dadalhin. I told him that. Sabi nya, “No, coffee lang talaga. Walang malice. I’d like to know you better.”
Nag set kami ng date kung kelan kami magkikita. Nung dumating na yung date na yun, parang iba ang aura niya. Parang blooming na ewan. So, go with the flow lang ako. We talked about our lives, careers, hobbies. We tried to get to know each other.
Okay siya kausap. First time namin lumabas na kaming dalawa lang. Pinagkwentuhan din namin mga kalokohan nila ni Derick nung college. Iba si Macky sa mga naka coffee date ko. Di siya nag try na manyakin ako. So, nanibago talaga ako. Napaisip ako, ganito ba ang totoong date?
Sa sobrang kampante namin with each other, di na namin napansin yung time. Pasara na pala ang coffee shop. He asked kung pwede niya ako ihatid sa amin but he will take no for an answer. Hahahaha wala pala ako choice kundi ihatid. So ayun na nga.
Pagdating namin sa bahay, he thanked me for giving him an opportunity. He told me how much he enjoyed spending time with me and kung gano ako kaaliw. It was at that moment na na realize ko na baka eto na yung guy na inaantay ko. We said our goodbyes, then beso beso.
After 30 minutes, he messaged me saying na nakauwi na siya, and thanked me again. He said na ulitin namin itong labas na to. So, I said okay.
Months went by, naulit nang ilang beses yung labas namin. Coffee, Lunch and Dinner (date?). I really don’t know if date nga iyon since wala naman ako pwedeng maging comparison.Nanood din kami ng sine. Madalas siya mag message at tumawag sakin para kamustahin araw ko. Madalas din siya magpa kwento ng mga challenging encounters ko sa trabaho.
Madalas din kami mag inom dalawa sa isang bar. Meron na nga kaming favorite table doon, at kilala na din kami ng servers.
September 2014. Habang nasa bar kami, he told me that he liked me since he first met me. Na awkward ako, kase I don’t know if the feeling is mutual. Pero di nya ako ni-pressure. Sabi nya, aantayin niya akong maging ready. He knew my history. He knew na wala akong idea sa kung ano or pano pumasok sa isang relasyon. He was willing to guide me when I’m ready. Tuloy lang ang labas at usap namin. Sabi ko na lang, iinom na lang namin ito sabay tumawa.
October 2014. I realized na nafo-fall na ako sa taong ito. Yung mga gestures niya and all. The way he treats me and respects me na di ko na experience sa ibang lalaki. I was falling in love. HARD. So, I was planning to say YES to him kapag tinanong na niya uli ako kung pwede nya ako maging girlfriend. Naiisip ko na, eto na yata yun. My heart is filled with joy.
October 18, 2014. Nag message siya sa akin. Nag aaya lumabas. Saktong na oncall ako so sabi ko, pwede ako tomorrow pag out ko. He said okay. Then hindi na nag message uli.
October 19, 2014. 12PM. He messaged me. “Sofie…” Nagreply ako, “Yes?”. No response. Sabi ko, baka na busy lang. Nag abang pa uli ako ng nessage niya kaso wala nang reply. Hinayaan ko lang.
October 19, 2014. 7PM. Nagbbrowse ako sa facebook nang bigla kong nakita na naka tag si Macky sa isang picture. Wedding. His wedding. He was kissing a woman. Si Derick pa ang nag tag.
Kinusot ko ang mata ko kase baka namamalikmata lang ako. But no, it was him. His picture kissing another woman, in a wedding dress, him wearing a tux.
I don’t know. Biglang tumulo luha ko. Sunod sunod. Ayaw huminto. Am I dreaming? Is this really happening? I kept asking myself if I am awake. Kase baka bangungot lang ito. Few minutes went by and I realized, it was real. How did this happen? We were going out almost every week. Magkausap kami kahit anong oras. Paano??! Wala sa facebook niya yung girl. Siguro naka hide? Siguro fake account niya yon? I really don’t know.
Gulong gulo isip ko. All I know is that I’m huting. I’ve never experienced that kind of pain before. It’s all new to me. Siguro, 1 hour akong umiiyak sa kwarto. Nung humupa luha ko, I went down sa fridge and opened a beer. Di ako nakuntento, Binuksan ko yung tequila. Asin lng okay na. Hindi ko alam kung malakas ako uminom or what, pero naubos ko ung alak mag isa. Pero di ako nalalasing, andun pa din ang kirot. Bakit di siya nawawala. I wanted to feel numb pero bakit parang lalong kumikirot. Di ko alam bakit ganito nangyayari. We were okay, or so I thought. I opened another can of beer, then nasundan pa ng isa. When I started to feel dizzy, pumunta ako sa sofa then humiga. Parang umiikot ang mundo ko then nag black out ako.
I woke up the next day sa sala, magang maga ang mata, tapos may suka sa sahig. Di ko maalala na sumuka ako. Pero naalala ko yung nakita ko kagabi. I started crying again. Di ako nag message sa kanya. I opened my facebook and went to Derick’s profile. Andun pa din yung picture niya. Yung picture na kinasal siya sa ibang babae. Hindi na humupa luha ko. Ang sakit lang, putang ina. Di ko alam if I am supposed to feel that way, or if I have the right to feel pain. Kase, wala naman talaga kami. Pero bakit ganon? Bakit niya kaya ako ginago? Iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali at pinaramdam niya sa akin to….
Stay tuned for the next part 🙂