It was 2011 when Macky first saw me. Nakita nya ako sa party ng common friend namin (let’s call him Derick). I was alone at the table when he approached, gave me a bottle of beer and introduced himself. At first, wala lang sa akin. Common naman sa mga parties na may makilala kang ibang friends ng friend mo.
He initiated the convo. He told me about how close he is with Derick. College friends sila. He also told me na sya ang tulay between Derick and his girlfriend (now wife). He asked me kung pano kami nagkakilala ng kaibigan niya.
“He was my ex-fubu.”, Sabi ko. Namutla siya and nahiya. I laughed.
“Joke lang. Kaibigan siya ng pinsan ko. Pero mas naging close kami kase andami niyang clients na need ng private duty nurse.” He smiled, then laughed.
“Na-awkward ako bigla kanina. Akala ko totoo. So, nurse ka pala? Saan ka nagtatrabaho?”, he asked.
“Sa government hospital.”
“I see. Gaano ka na katagal nagwowork and saang area ka?”
“4 years na din. Right now, sa Emergency Room ako. Pero balak na nila ako ilipat sa Ward soon.”
“Ahh, matagal ka na pala sa field mo. Ako naman, Engineer ako sa *****.”
“Ah okay.”
Natahimik siya bigla. Feeling ko wala na siya maikwento.
“Uhmm, okay ka lang ba dito na mag isa? Okay lang ba na samahan muna kita?”
“Okay lang naman. Aalis na din naman ako maya-maya. Papasok kasi ako tomorrow.”
“Talaga? Gusto mo ihatid kita? Kung okay lang?”
Di ako sumagot agad. I drank the beer he gave me. Bottoms up.
“Woah, lakas mo naman uminom!” Nanlaki mata niya.
“Huh? Isang bote pa lang to, malakas na sayo? Di mo pa ako nakikitang uminom ng hard.” I smirked.
“Grabe, mapapalaban ata ako sayo.” He flashed his innocent smile.
“Don’t worry, di naman ako papalag.”, sabay ngiti ng malandi.
We both laughed. Instant connection pala agad. Okay naman siya kausap, may sense. He seemed smart din.
Di na namin napansin yung oras. Nagulat na lang ako na past 12midnight na pala nung nilapitan kami ni Derick para alukin ng beer.
“Oh, eto pa alak. Ano gusto nyo pulutan? Kuha lang kayo dun ha.”, sabi ni Derick.
Napatingin ako sa phone ko. “Nako Rick, mauna na pala ako. Papasok pa ako bukas.”
“Fie naman! Minsan lng naman ako mag birthday. Umabsent ka na! Mukhang nag eenjoy na kayo ni Macky eh.” Sabay ngiti ng may halong pang aasar.
“Di pwede eh. Di bale babawi ako sayo. Dun tayo sa bahay minsan.” Sabi ko.
“Oh sige. mag iingat ka ha. Thank you sa pagpunta.” Sabay yakap.
“May masasakyan ka ba pauwi? Gusto mo ihatid na muna kita?” Tanong ni Macky.
“Hindi na. Sa may kanto lang ako nakatira. Maglalakad lng ako.” Sabi ko naman.
“Okay lang ba na ihatid kita?” He asked. “Hindi na, di pa naman kita kilala. Baka anong gawin mo sakin na magustuhan ko.” Sabay ngiti.
Namula sya at napangiti. “Hahahaha! Grabe ka naman!”
“Seriously, okay lang. Nice meeting you, Macky.”
“Likewise. Take care ha.”
Lumabas na ako ng gate nila Derick at nagsimulang maglakad. Medyo antok na din ako nung time na yun kaya binilisan ko para makapagpahinga pa ako bago pumasok sa duty.
The next day, naka receive ako ng friend request sa Facebook. Pagtingin ko, si Macky pala. Hindi ko muna siya inaccept. Kasi naman, di ko din naman siya ganun kakilala. Nag start na ako mag duty and back to normal ang buhay.
2 months after nung party ni Derick, pumunta siya sa bahay para mag inom kasama nung pinsan ko. Sakto na naka leave ako. Nagsimula kami mag kwentuhan at tawanan. Nung mauubos na namin maubos ung isang bote nung Whiskey, biglang nag ring ang phone ni Derick. Tumayo siya at nag excuse muna.
After 2 minutes, bumalik siya sa lamesa namin. “Hoy Fie, bat di mo daw inaaccept yung friend request ni Macky?” tanong niya.
“Huh” Ay, oo nga nag friend request nga pala siya. Eh, di ko naman siya ka close. Alam mo naman ako di basta basta nag aaccept.”
“Iaccept mo na. Eto nga tumawag kinukulit nnaman ako. Sabihan daw kita.”
“Pag iisipan ko kamo.” Tumawa kami sabay balik sa inuman.
Fast forward ng 3 years (January 2014), inaya ako ni Derick sa kasal niya. I went with my cousin (na isa sa mga groomsmen). It was a Christian Wedding. Nasa table ako kasama yung ibang college friends ni Derick nang biglang may kumalabit sa akin. SI Macky pala.
“Sabi na nga ba at ikaw yan. Kamusta?
I smiled. “Okay naman.”
“Naaalala mo pa ba ako? Ako si Macky, yung kaibigan ni Derick. We met a few years ago sa birthday niya.”
“Yes, I remember you. What makes you think na nakalimutan kita?” Sabay ngiti.
“Wala lang, di mo pa din kase inaaccept yung friend request ko sayo.”
“Hahaha oo nga pala. Tagal na nun, ha?”
“Willing naman ako mag antay.”
Nginitian ko na lang siya. Siya pala ang best man ni Derick. I had no idea na sobrang close pala netong dalawang to.
“May kasama ka ba dito? Pwede ba kita tabihan mamaya?”, he asked.
“Meron, yung pinsan ko. Isa sa mga groomsmen.”
“Ahh pinsan mo. I see. Pero okay lang kaya sa kanya na tabihan kita dito mamaya?”
“Sure. Di naman siya nangangagat.”
Natawa siya, pati na din ung mga kaibigan niyang nasa same table.
“Hoy Macky, kumalma ka diyan. Tandaan mo, kasal to ni Derick.” sabi nung isang kasama sa table.
“Behave naman ako, gago!” Sabay tawa uli sila.
“Ilalagay ko na gamit ko dito ha. Reserve mo ako.” sabay lagay ng bag niya.
“Sige lang.”, sabi ko.
Natapos ang seremony at nagkanya kanyang table na ang entourage after ng pictorial. Tumabi sakin ang pinsan ko tapos sumunod si Macky. Nagkwentuhan lahat ng nasa table at nagtata…