Rival

RIVAL (1) SIMULA


CHAPTER 1: PART 1

Sa loob ng isang silid aralan seryoso ay kunot noong nagsasagot si Dianne ng kanyang math exam. “Ang hirap pala buti nalang pala at inaral ko ito kagabi.” bulong niya sa kanyang sarili.

Matalino si Dianne, consistent top 1 simula ng siya ay elementary pa lamang. Bukod dito ay kilala rin siya bilang mabait at mahinhin, perfect student ika nga. Ngunit simula noong tumuntong siya sa kolehiyo ay may nakaungos sa kanya, kung datirati ay siya ang palaging nangunguna sa klase ngayon ay pumapangalawa na lamang siya.

Patuloy na nagsasagot si Dianne ng biglang may tumayo sa kanyang bandang kanan. Si Vince ang bwiset na umagaw sa pagiging “top of the class” niya. Hindi matanggap ni Dianne na isang basagulero at babaerong lalaki ang uungos sa kanya. Ang ipinagtataka pa niya ay kung paanong napakagaling nito gayong tuwing nakikita niya ito ay puro babae at pakikipagbasag ulo lang ang inaatupag nito.

Lumingon si Vince kay Dianne sabay ngisi. “Goodluck miss top 2” wika nito sabay lakad sa harap at inilapag ang papel sa lamesa. Lumingon muli ito kay Dianne na may mapang asar na ngiti bago diretsong lumabas silid.

“Grrr! Kaasar talaga si Vince yabang” pagalit na sabi ni Dianne bago muling tumungo at pinagpatuloy ang pagsasagot.

Kinabukasan ay agad na ibinalik ang kanilang mga papel. “Yes!!! Buti naman at mataas pa rin ang nakuha ko” may tuwang turan ni Dianne.

“Congratulations to those who passed, especially off course to the highest scorers Dianne and Vince. Dianne got 137 out of 140 items and Vince as always got a perfect score” sabi ng kanilang propesor na si Mildred.

Maangas na tumayo si Vince at nag vow sabay tingin kay Dianne “paano ba yang second ka na naman” wika ni Vince na lubos namang ikinaasar ni Dianne.

“And since si Vince at Dianne naman ang consistent top students ko I decided that they will be our college representative in the upcoming intercampus math competition next week. Because of that you are excused starting tomorrow ’til the competition for you to be able review together, is it okay with the both of you?” tanong nito sa dalawa.

Agad namang sumagot si Vince na “Okay na Okay ma’am, di ko lang alam kay Dianne” dumako ang tingin ni Mildred kay Dianne. “Ah—— sige po ma’am.” May pag aalinlangan man ay wala nang nagawa si Dianne kung hindi umoo.

Tinapunan ni Vince ng makahulugang tingin si Dianne sabay ngiti. “Hmmm, yari ka sakin miss Dianne” mahinang bulong nito. Hindi ito narinig ni Dianne ngunit nabasa niya sa mapupula nitong labi ang mga salitang binanggit ng binata na agad na nakapagpakilabot sa kanya.

Ngunit hindi niya ito ipinahalata sa binata bagkus gumanti siya ng bulong “Fuck you!!!” Na lalo namang nagpangisi sa binata “Gladly, you’ll see tomorrow o gusto mo ngayon na?” malaswang sagot nito kay Dianne. Agad namang namula ang mga pisngi niya at may kung ano siyang naramdaman sa kanyang tiyan “Ang bastos mo!” sabay tungo upang umiwas sa mga mata ng binata.

Kinagabihan habang nakahiga si Dianne at naghihintay hilahin ng antok ay muli niyang naalala ang sinabi ni Vince. “Yari ka sakin” “Ano naman kaya ang plano nung gagong yon” hanggang sa tuluyang makatulog si Dianne ay ang binata ang kanyang nasa isip.


CHAPTER 1: PART 2

Kinabukasan kinabahang pumasok si Dianne sa library kung saan sila magrereview ng bwiset na si Vince. Agad niyang nakita ang binata na nakaupo sa pinakadulong parte ng library, nakasubsob ito sa lamesa at natutulog. Lumapit si Dianne sa lamesa kung saan naroon ang binata. Malakas niyang binaba ang kanyang bag na ikinagulat ni Vince.

“Shit!” gulat na banggit ni Vince na ikinatawa naman niya ngunit agad din itong naputol ng dumako ang kanyang mata sa gulat na mukha ng binata. “Ang gwapo mo sana kung di ka lang bwiset eh” sa isip ni Dianne.

Nang makabawi sa gulat ang binata ay agad itong ngumiti ng makahulugan “Trip mo ako ha, yari ka na talaga sakin” na agad namang nagpakilabot sa dalaga.

Naputol ang kanilang usapan at pagtititigan ng dumating si Mildred. “Ok guys let’s start” agad namang sumunod ang dalawa. Ilang oras ding nagturo si Mildred. “Hmmm,…