++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
4 years after
Philippine International Convention Center(PICC), Pasay City Philippines
3pm Manila Time
Daan daan mga estudyante ang sa kolehiyo ang magsisipagtapos ngayon araw na ito. Sila ay mula sa prestiyoso paaralan ng De Lasalle University. Mula ang mga ito sa kursong Accountancy.
Iba’t ibang estado ang pinanggalingan, mga hacienderos at hacienderas na tagapagmana ng kanilang mga naglalakihan kumpanya, Mga anak ng mga politiko na handa ng pumalit sa pwesto ng kanilang mga magulang. At ang mga ordinaryong tao lang sa lipunan na ang tanging pangarap ay ang makatapos sa kanilang pag-aaral.
Nagsimula ng tumutog ang graduation march song habang nagmamartsa ang mga graduate papasok ng Picc theater. Ibang ibang damit panloob pero pareparehas na naka togang itim. Naka maliit na heels, naka mataas na heels. Naka black shoes, leather shoes at iba pa.
Isang gurong babae ang nagsilbing emcee, naka suot ito ng isang puting dress at puting heels. Nagsimula na ito sa programa. Pinakilala ang mga destinguish guest, mga magulang at ang mga graudates.
Isa isa nitong tinawag ang mga nagsipagtapos. Palakpakan naman ang bumalot sa buong lugar. Mahina, malakas, mabilis , matagal. Iba’t ibang uri ng palakpak ang binigay ng mga mag-aaral at mga kasama nila sa bawat pangalan na tatawagin ng emcee.
Hanggang sa isang pangalan na lang ang hindi pa natatawag. Isang pangalan na tumatak sa kanilang lahat, guro, mag-aaral, mga magulang at lahat ng tao sa loob.
” San Isidro, Kristina Cassandra” ang sabi ng emcee at tumayo sa naman ang isang dalaga. Nagtinginan ang lahat ng tao dahil sa angking ganda nito lalo na sa kanyang suot na puting dress at ilalim ng kanyang toga. Na mas lalong nagpaganda sa mahabang brown hair nito at tila ba isa itong beauty queen sa kanyang tindig sa stilleto heels niya na gold.
Alam ng lahat ang pinagdaanan ng dalagang nangangalan na si Kc, kalat na kalat sa campus ang pangangaliwa ng kasintahan nitong si James. Dagdag mo pa ang pagbubuntis nito na hindi rin pinaglagpas ng mga mapanuring mata ng mga tao sa lipunan.
Tinawag nilang disgrasyada, malandi, sugar baby, at kung ano anong masasakit na salita ang dalaga habang ito ay nakadapa na at nasa pinakamababang parte ng buhay niya.
Matapos itong manganak ay kaagad din itong bumalik mula sa nasabing pahinga niya sa school. Gulat na gulat sila dahil imbes na isang babaeng mahina ay nagdala ito ng kakaibang awra para sa lahat.
Ang pag-asa at lakas ng loob na kakayanin mo ang lahat. Tila ba ay hindi ito nawala ng kulang kulang na isang taon. Siya pa rin ang top student na nagpahinga. Pero mas lalo itong gumaling at nagpasurge sa buhay.
Kaya naman ang mga putik na binato nila sa dalaga ay unti unti ng naging mga papuri at pasasalamat kaya heto silang lahat ngayon. Guro, mag-aaral, mga panahuin . Nakatayo ng sabay sabay at pinapalakpakan ang babae. Wala kang makikita na isang tao na nakaupo.
Lumalakad si Kc palapit sa paanan ng stage at sinalubong siya ng dalawa sa pinaka importanteng tao sa buhay niya ngayon. Ang kanyang mama flor na naka suot ng blue na polo at white pants. Tulad ng anak ay nakaheels din ito ng puti.
Malaki ang naitulong ni Mama flor para mairaos ni Kc ang kanyang pag-aaral. Siya ang tumulong at gumabay sa kanyang anak na mas pinili palakihin ang kanyang anak na babae.
Hahawak ngayon ni Mama flor ang tatlong taon na anak ni Kc si Jamie Olivia San isidro, kuhang kuha nito ang magandang mukha ng kanyang mommy kc. Pati na rin ang pananamit ng kanyang mommy kaya naman naka dress ito ng kamukha ng sa kanyang mommy kaya nga marami ang nagsasabi na small version siya ni Kc.
Isang bagay lang ang hindi nito namana kay Kc. ito ang kanyang mga mata na nakuha niya sa kanyang ama na si James.
” Congrats anak” ang sabi ni Mama flor at inakap niya ng mabilis si Kc habang naglalakad sila paakyat ng stage.
” Kristina is graduating as Suma Cum laude attaining the highest recorded general average in school history of 3.95( Sa mga nagsasabi po na bagsak ito, baliktad po ang grading system sa Dlsu, with 1 being the lowest passing score and 4 being the highest)” ang pagpapatuloy ng emcee habang naglalakad ang tatlo sa patungo sa gitna ng stage.
Nagsilapitan lahat ng guest na nasa podium at kinamayan si Kc pati narin ang mama niya tsaka ang anak. Walang patid naman ang palakpakan ng mga tao sa loob ng venue.
” Kristina is also a recipient of the Brother Gabriel Connon Award for showing what a true christian is like by helping her fellow single mom students in achieving their goal” ang pagpapatuloy ng emcee habang nasa gitna na ng stage sila Kc. Taas noo itong nakatingin sa lahat ng nasa venue.
” Kristina is also a recepient of the Golden Scroll Award given to the student who excels in the Business Administration and Accountancy field” ang sabi ng emcee nakisali na rin ito sa mga palakpakan.
” congratulations Kc, you did it” ang sabi ng dean ng school nila at inabot kinamayan niya ang dalaga. Sunod na kinamayan nito si Mama Flor at tsaka inabot nito ang isang gold medal.
Isusuot sana ni Mama flor ito sa kanyang anak pero pinigilan siya ni Kc at kinarga nito ang anak na si Olivia. Gets naman ni Mama Flor ang gusto ng anak at sa apo niya sinabit ang medalya.
Inabot din ni Dean ang dalawang plaque para kay Kc na kinuha naman ni Mama Flor. Masaya sila na kinuhanan ng larawan at bumaba na sila sa stage. Masayang bumalik si Kc sa kanyang pwesto.
Si Mama flor at Olivia naman ay bumalik sa kanilang pwesto na puro papuri ang inabot ng ginang.
” Job well done” ang sigaw ng isang lola na dinaan nila habang papunta sa pwesto nila. Nginitian naman sila ni Mama Flor at tinapik naman siya sa balikat ng matanda.
” Ang swerte niyo po mam” ang sigaw naman ng isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na suit. Ngumiti din si Mama Flor hanggang nakaupo na sila sa kanilang pwesto.
Mabilis naman natapos ang programa at kaagad din naman na umalis ang tatlo papunta sa lobby ng picc. Kaagad na kinarga ni Kc ang anak dahil sa pagod na daw ito.
” Ma, asan sila ate?” ang tanong naman ni Kc habang nakahiga sa kanyang balikat ang anak nito. Kahit na nakaheels ay pilit nitong sinasayaw sayaw ang bata na mukhang inaantok na.
” Sabi nila kanina sa akin eh, nagpaparada na daw” ang sagot ni Mama Flor sa anak habang palingon lingon ito sa paligid. Hinahanap niya ang dalawang anak na hindi niya kung asan na.
” Ayun” ang sabi ni mama flor ng makita nito ang dalawang nagsi gandahan na babae na palapit sa kanila. Pinagtitinginan naman sila ng mga tao habang palapit sa kanilang mama at kapatid.
Lumitaw ang angking kagandahan ni Jc sa suot nitong silver na dress habang si Daisy naman ay naka red na dress at suot nito ang kanyang eyeglasses.
” Sorry ate, natrapik kasi kami ni ate” ang sabi ni Daisy kay Kc habang nilalaro naman nito ang pamangkin na biglang nagising dahil sa nandyan na ang tita niya.
” Oo nga, by the way. Congratulations” ang sabi ni Jc at kinuha nito kay Kc ang pamangkin at siya na ang kumarga dito. Patuloy naman na nilalaro ni Daisy si Olivia na ngayon ay panay naman ang halakhak. Dahil sa mga pagpapatawa ng tita niya.
” Let’s go” ang sabi ni Kc at kaagad naman na binaba ni Jc ang pamangkin. Parang isang baboy naman itong nakawala sa koral at nagtatakbo ito. Hinabol naman siya ng dalawang tita niya.
Habang si Kc at mama flor naman ay naglalakad lamang habang pinagmamasdan ang tatlo na naghahabulan tungo sa itim na Fortuner. Sumakay na sila lahat dito sa sasakyan ni Jc. Si Jc ang nasa driver seat at sa tabi nito si Kc habang nasa next row naman si Daisy , olivia at mama flor.
” all goods na ?” ang tanong ni Jc habang inaayos naman ni Daisy ang pamangkin sa child seat nito at nilalaro niya ang buhok ng tita nito.
” Goods na ate, gutom na ako eh…. Ano ba pinaluto mo ma?” ang sagot ni daisy sa ate at tanong naman niya sa kanyang mama. Napatingin naman ito sa kanyang mama flor.
” Flora’s angel special” ang sabi ni mama flor at nakatingin ito kay daisy ng may ngiti sa kanyang mga mukha.at pinaandar na ni Jc ang sasakyan niya paalis ng parking ng Picc.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Habang sa isang malaking restaurant sa kanto ng gil puyat at roxas boulevard. Sa tapat ng isang malaking coffee shop.
Isang lalaki ang kasalukuyan na nagmamando sa kanyang mga tauhan. Buong araw na busy ang mga ito dahil sa isang importanteng event ang mangyayari sa kanilang restaurant.
Sinarado niya ang restaurant para sa mga guest kaya naman wala halos tao dito maliban sa mga staff niya. Kita naman sa mukha nila ang dedikasyon para mapaganda ang nasabing event.
” Mang bert, paki ayos naman ung table cloth” ang sabi utos nito sa isang matandang lalaki na ngayon ay inaayos ang mga table cloth na puti. Kaagad naman ito sinunod ng matanda.
” Good job, manang. Make sure na maayos ang mga bulaklak. Alam niyo naman na paborito niya ang sunflower” ang sabi naman nito sa isang matandang babae na inaayos ang mga bulaklak sa table. Napangiti naman siya dahil sa napakaganda ng venue.
” Sir, andito na po sila” ang sabi ng isang beki na staff niya na nagmula sa pintuan at kaagad naman inayos ng lalaki ang suot niyang coat. Pinagpag naman ng beki ang coat niya sa likuran at masaya niya sinalubong ang apat na babae at isang bata na papasok sa restaurant.
” Welcome to flora’s Angel” at bukas palad na inayaya nito ang mga bisita ng may buong ngiti. Ngitian naman siya ni Mama Flor at tsaka tinapik ito sa balikat.
” Ikaw talaga Gerard” ang sabi niya sa lalaki at mas napangiti naman ito dahil sa sinabi ng part owner ng Flora’s angel na si Mama Flor.
” oo nga, partner” ang sabi ni Jc at nag-apir naman sila ng lalaki. Ang lalaki ay si Gerard Madrigal III, ang kasosyo nila mama flor sa kanilang restaurant. Si Gerard ay anak ng isang prominenteng pamilya sa bandang visayas.
Isa si Gerard sa mga naging client ng Kumpanya na pinagtatrabahuan ni Jc noon pero simula ng mamatay ang anak ng amo niya ay umalis na rin ito doon. Ng malaman ni Gerard na wala na si Jc sa pinagtratrabahuan nito ay kaagad niya kinontak ang dalaga.
Inoffer niya na tulungan ang mga ito para mapalaki ang flora’s angel. Noong una ay ayaw pumayag nila Jc lalo na si Mama Flor. Alam niya kasi ang risk ng mga ganitong setup pero dahil sa galing magsalita ni gerard ay naconvince nito ang ginang.
Kaya naman napagkasunduan nila kung paano mahahati ang karapatan sa negosyo. Si Gerard ang mamumuhunan sa expansion at si Jc naman ang bahala sa operation at sa marketing.
Kaya naman mula sa isang restaurant sa gilid ng highway ay heto ngayon ang flora’s angel. Isang sikat at dinadayong restaurant. Napaka ganda naman ng nakuha nilang pwesto dahil sa bukod sa nasa kanto ito ay talaga naman tatabo ito sa takilya.
Isang kanto lang ay nasa manila bay ka na, malapit doon sa dolomite beach. Tapat nila isang coffee shop. Tas nagkalat pa ung mga hotels sa paligid. Kahit sabihin mo na marami silang kalaban na restaurant near the area. It would still be considered a perfect spot.
” hay naku partner, alam ko naman na special day ni Kc at olivia ito” ang sabi ni Gerard at kaagad naman ito nginitian ni Kc. Di tuloy maiwasan na mamula ng lalaki sa ginawa ni Kc.
Sa edad kasi nitong 27 ay masasabi mo na isa siya sa mga pinipilahan na bachelor. Literal na chick magnet ito dahil sa taas niyang 5’10 at sa katawan nitong batak sa work out.
Marami ang nagsasabi na kamukha nito ang notorios na chickboy din na si Gerard anderson kaya naman marami ang nagtataka kung bakit single pa din ito hanggang ngayon.
May iba pa nga nagsasabi na baka bading ito pero ang hindi nila alam ay may taong minamahal na si Gerard. Ito ay ang hot mama na kapatid ni Jc, Si Kc. Una pa lamang niya nakita ang babae ay nabighani na ito sa aking kagandahan.
Kahit na alam nitong may anak sa pagkadalaga si Kc ay balewala lang sa kanya ito. Ilang beses na rin na sinubukan ni Gerard na kunin ang matamis na oo ng dalaga pero lagi itong bigo.
Alam naman ni Gerard kung bakit mailap sa lalaki itong si Kc, Di naman niya masisi ito. First boyfriend, nabuntis tas naloko. Kahit sino siguro ay matrauma dito.
” Hay naku gerard, tara na” ang sabi ni Kc at pumasok na sila tungo sa loob ng restaurant. Kitang kita na nila ang napakagandang setup nito.
Napakaraming bulaklak na sunflower sa paligid na siya naman paboritong bulaklak ni Kc. Kasalukuyan na namamangha si Kc ng biglang lumabas sa mga halls ang mga kaibigan. Kaklase niya at mga kamag anak nila.
Pinapalakpakan ang dalaga dahil sa achievements nito at isang malaking banner ang biglang bumaba mula sa kisame.
” Congratulations Kc” ang nakalagay dito. Di maiwasan ni Kc na mapaluha dahil sa surprise natanggap nito. Inakap niya ang mga ito isa isa at ramdam niya ang pagmamahal ng mga bumati.
Matapos ito ay naupo na silang lahat at nagserve na ng mga specialties dishes ang mga tauhan nila sa restaurant. Sa bawat lamesa ay nagdala sila ng Sisig, kare kareng dagat, crispy pata , paco salad at mga iba’t ibang putahe pa.
Napuno naman ng ingay ang restaurant dahil sa mga kwentuhan at paminsan minsan na pagkalansingan ng mga kubyertos habang sa lamesa ng pamilya ay nakaupo na sila kasama si Gerard.
” Baby, eat mo itong fish” ang sabi ni Kc habang sinusubuan niya ng maliliit na piraso ng isda ang anak na si Olivia na kasalukuyan nakaupo sa high chair niya at nilalaro ang bottle niya na may lamang milk.
” Ate, I fix na ung security ng restaurant. I added extra cameras para makober ang lahat ng angles dito” ang sabi ni Daisy habang tinutusok nito sa kanyang tinidor ang pusit na mula sa kare kare.
” Alright, thanks daisy” ang sabi naman ni Jc. Si daisy kasi ang nagsisilbing tech expert nila. Dahil sa hilig nito sa computer ay siya na lang kinuha nila. Tutal wala din naman ito ginagawa kung humarap sa kanyang computer.
” Tita, May naisip na po kayo na idadagdag sa menu natin?” ang tanong naman ni Gerad kay Mama Flor habang pinuputol nito ang barbeque sa kanyang plate. Napatingin naman sa kanya ang ginang na kasalukuyan na nilalagyan ng soysauce at calamansi ang sisig nito sa plato. Binaba niya ang kutsara sa gilid.
” Wala pa iho eh, pero parang may naiisip na ako kaya lang di ko pa perfect ung recipe” ang sagot ni mama flor sa tanong ni Gerard.
” Partner, i guess nareceive muna ung resignation ni Santos na CPA natin” ang sabi ni Jc kay Gerard. Napatingin naman ang binata dito at tumango.
” I Guess, Kc is here naman” ang sabi ni Gerard at tumingin ito sa dalaga na masayang pinapakain ang anak niya. Napatingin din naman si Kc dito at isang malalim na titg ang sinagot nito.
” Pwede naman, after I passed the board” ang maikling sagot ni Kc at mabilis din itong bumalik sa pagpapakain niya sa anak. Nakatingin lang si Gerard dito ng ilang sandali bago siya nagsalita.
” I’ll wait for you to be ready” ang sabi ni Gerard na may laman. Napansin naman ito ng mga kasama niya sa lamesa pero hindi na lang nila ito sinabi.
Natapos na silang lahat sa pagkain. May kaunting programa na hinanda sila para kay Kc. May nagbigay ng mga speeches mula sa guro nito noong elementary at high school hanggang sa bestfriend nito.
Matapos ang programa ay nagpaalam na silang lahat at tanging ang pamilya ni Kc at si Gerard na lang naiwan sa restaurant. Si mama flor ay nasa kusina at nagbibigay ito ng instruction sa mga staff nila.
Habang si JC naman ay nasa opisina niya sa second floor at may last minute lang daw siya na tatapusin then uuwi na sila.
Habang si Daisy naman ay naka tita duties sa pamangkin nito na gumawa ng milagro at nagpapalit ng diaper sa may cr. Kaya naman naiwan na lang sila Gerard at kc sa lamesa.
Lumipat ng upuan si Gerard ng mas malapit kay Kc at kinausap nito ang dalaga.
” Kc” ang sabi ni Gerard. Napatingin naman ang dalaga dito na kanina ay pinagmamasdan ang mga staff na nagliligpit na.
” yes” ang maikling sagot ng dalaga habang pinagmamasdan nito ang binata.
” My gift para sa graduation mo” ang sabi ni Gerard at kumuha ito ng isang mahabang rectangle box mula sa bulsa ng coat niya. Inabot niya ito kay Kc. Pero nagulat siya sa sagot ng dalaga.
” Sorry gerard, I can’t accept your love talaga….. Ibigay mo na lang yan sa babae na kayang pantayan ang pagmamahal mo”ang sabi ni Kc habang nakatitig pa din ito sa nilabas ni gerard na regao.
Isang mapait na alaala ang muling bumalik kay Kc na tila isang bangungot. May isang lalaki din na nagbigay sa kanya ng ganyan klaseng regalo. Tandang tanda niya pa ang ngiti sa mukha niya pero panandalian lang pala ito dahil sa magiging bangungot pala lahat ito.
Naging awkward naman ang sitwasyon ng dalawa. Tahimik lamang ang dalawa. Nabasag lang ang katahimikan ng biglang dumating si daisy na kasama ang pamangkin.
” Hi ate” ang sabi ni Daisy ng palapit ito sa kanila. Ang pamangkin naman niya ay tumakbo palapit sa mama niya.
” Ma, bayuns” ang bulol na sabi ni olivia at sabay turo sa balloons na nasa gilid. Kaagad naman na kinarga ito ni Kc at pinuntahan nila ang mga lobo para lang malayo siya muna kay Gerard.
” Daisy need to go, pasabi na lang kay tita at mga ate mo” Nagdahilan na lang ito na may gagawin importante kinabukasan. Umalis naman ito ng hindi na nagpapaalam pa kay Kc na busy sa pakikipaglaro sa anak nito.
Wala pang 30 mins ay bumaba na din si Jc mula sa second floor at kaagad nito pinuntahan ang kapatid tsaka pamangkin niya.
” Wow, galing naman baby namin” ang sabi ni Jc habang inaabot niya sa bata ang isang lobo na mula sa tabi. Kinuha naman ng bata ang tali at nagsimula itong lumakad tungo sa kanyang tita daisy.
Napatingin naman si Kc sa ate niya at bigla na lang nagsalita ng tila bumubulong ito.
” I saw that sa cctv” ang sabi ni Jc kay Kc at sabay nguso sa mga camera sa kisame. Tahimik lang si Kc at hindi nito masagot ang ate niya.
” alam ko bakit, pero wala na ba talaga pag-asa na mag mahal ka muli” ang tanong ni Jc sa kapatid. Hinawakan nito ang balikat niya tsaka nila sabay pinagmasdan si olivia habang nakikipaghabulan na ito sa kanyang tita daisy.
” Di pa ako handa” ang sabi ni Kc
” ayaw mo ba na makita si Olivia na manly figure inside the house. Gusto mo ba na lumaki ang anak mo na walang tatay na gagabay dito” ang sabi ni Jc habang pinagmamasdan nila ngayon ang bata na yakap yakap na ng kanyang tita daisy.
Ilang minutong katahimikan din ang bumalot sa dalawa ng bigla na lang na lumabas na mula sa kusina si Mama Flor.
” Ready to go?” ang tanong nito sa kanyang dalawang anak na nakatayo sa gilid. Tumingin naman si Jc sa kanyang mama at sumagot ito.
” Yes ma , bat ang tagal mo sa kitchen. Ano ba ginawa mo?” ang tanong nito sa kanyang mama. Kita naman sa mukha nito ang kasiyahan.
” Well, andami kasing food na sobra. So kesa masayang lang. Pinabalot ko ito at pamigay na lang natin sa mga pakalat kalat na pulubi diyan sa daan” ang sabi ni Mama Flor at bigla naman lumabas ang ilang staff niya na may dalang dalawang karton na pang grocery.
” Maam, san po ito isasakay?” ang tanong ng staff kay Mama Flor pero si Jc ang sumagot.
” Mang bert, sa akin” ang sabi ni Jc sabay abot sa susi ng sasakyan niya sa tauhan nila. Tahimik lang si Kc na pinagmamasdan ang paglabas ng dalawang tauhan na may dalang mga karton.
” Kc, daisy tara na” ang sabi ni Mama flor at lumabas na sila ng tuluyan sa restaurant at kaagad naman sila pumunta sa sasakyan ni Jc na nakaparada sa parking space ng resto nila sa gilid tsaka na sumakay ang mga ito.
Si Mama Flor na ang katabi ni Jc sa driver seat habang si Daisy at Olivia ay nasa likuran na dahil sa matutulog na daw ang bata.Naiwan naman si Kc na katabi ang dalawang karton ng kanilang ipamimigay sa mga nakasalubong nilang pulubi.
Kaagad naman na pinaandar ni Jc ang sasakyan palabas ng parking at binagtas nila ang Roxas blvd. Dahan dahan lang ang pagpapatakbo ni Jc dahil sa naghahanap sila ng mga taong kapos palad para ibigay ang natirang handa nila.
Di pa sila halos nakakalayo sa biyahe nila ay kaagad naman napansin ni Mama Flor ang isang pamilya ng pulubi na nakahiga sa gilid ng kalsada. Isang lalaki na at isang babae kasama nila ang kanilang anak na sa tingin ni Mama Flor ay wala pang dalawang taon.
Karton lang hinigaan ng mga ito at wala man lang sila proteksyon para sa kanilang anak na tiyak na naambunan. Kaagad na tinigil ni Jc ang sasakyan at bumaba si Mama Flor. Pinaabot ni Mama flor kay Kc ang dalawang styro foam at kaagad niya binigay ito sa pamilya.
Nakamasid lang si Kc sa mga ito habang hindi din nakatiis si Mama Flor at inabutan niya ng dalawang daan piso ang mga ito. Kaagad naman siya sumakay at pinaandar na muli ni Jc ang sasakyan.
Matapos ang halos isang oras napaglibot nila sa kahabaan ng roxas blvd at sa rizal park ay naubos naman nila ang dalawang karton ng pagkain na pinabalot ni Mama Flor. Mula sa lolo at lola na natutulog sa isang lumang pedicab hanggang sa mga batang mukhang nasa impluwensya ng rugby ay naabutan nila ito ng pagkain.
Pero kapansin pansin na tahimik lamang si Kc hanggang sa makauwi sila sa kanilang bahay sa may Sampaloc. Kaagad na binuhat nito ang anak na tulog na din. Sinalubong naman sila ng kasambahay nila na si Aling magda at kaagad na inalalayan ang amo papasok sa kwarto nila ng anak si Olivia.
Kababa nito sa anak ay nagbihis lamang ito ng pantulog niya na pajama at tsaka lumabas ito tungo sa kusina. May Bar naman na maliit doon at umupo siya dito.
Kaagad siya kumuha ng isang bote ng beer sa loob ng mini fridge sa bar. Bubuksan sana niya ito pero nagulat siya ng isang kamay ang kumuha sa bote ng beer na hawak niya.
” May problema ba anak?” ang boses na nagmula sa kanyang likuran.