Road To Redemption II

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

+++++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan

Kaagad naman na pinaandar ni Jc ang sasakyan palabas ng parking at binagtas nila ang Roxas blvd. Dahan dahan lang ang pagpapatakbo ni Jc dahil sa naghahanap sila ng mga taong kapos palad para ibigay ang natirang handa nila.

Di pa sila halos nakakalayo sa biyahe nila ay kaagad naman napansin ni Mama Flor ang isang pamilya ng pulubi na nakahiga sa gilid ng kalsada. Isang lalaki na at isang babae kasama nila ang kanilang anak na sa tingin ni Mama Flor ay wala pang dalawang taon.

Karton lang hinigaan ng mga ito at wala man lang sila proteksyon para sa kanilang anak na tiyak na naambunan. Kaagad na tinigil ni Jc ang sasakyan at bumaba si Mama Flor. Pinaabot ni Mama flor kay Kc ang dalawang styro foam at kaagad niya binigay ito sa pamilya.

Nakamasid lang si Kc sa mga ito habang hindi din nakatiis si Mama Flor at inabutan niya ng dalawang daan piso ang mga ito. Kaagad naman siya sumakay at pinaandar na muli ni Jc ang sasakyan.

Matapos ang halos isang oras napaglibot nila sa kahabaan ng roxas blvd at sa rizal park ay naubos naman nila ang dalawang karton ng pagkain na pinabalot ni Mama Flor. Mula sa lolo at lola na natutulog sa isang lumang pedicab hanggang sa mga batang mukhang nasa impluwensya ng rugby ay naabutan nila ito ng pagkain.

Pero kapansin pansin na tahimik lamang si Kc hanggang sa makauwi sila sa kanilang bahay sa may Sampaloc. Kaagad na binuhat nito ang anak na tulog na din. Sinalubong naman sila ng kasambahay nila na si Aling magda at kaagad na inalalayan ang amo papasok sa kwarto nila ng anak si Olivia.

Kababa nito sa anak ay nagbihis lamang ito ng pantulog niya na pajama at tsaka lumabas ito tungo sa kusina. May Bar naman na maliit doon at umupo siya dito.

Kaagad siya kumuha ng isang bote ng beer sa loob ng mini fridge sa bar. Bubuksan sana niya ito pero nagulat siya ng isang kamay ang kumuha sa bote ng beer na hawak niya.

” May problema ba anak?” ang boses na nagmula sa kanyang likuran.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

” wala naman po” ang sagot ni Kc sa kanyang mama at kinuha na muli nito ang bote ng beer sa kamay ni Mama flor at binuksan niya ito.

” gluk gluk” ang tunog ng paglagok ni Kc sa alak at halos kalahati na agad ang nainom nito. Umupo naman sa tabi niya ang kanyang mama flor humaharap ito sa anak.

” Nak, kilala kita. May problema ka” ang sabi ni Mama Flor at napalunok naman si Kc. tila ba nag-iisip ito kung sasabihin niya sa kanyang mama ang pinagdadaanan nito.

” Well, Si gerard, sumubok na naman” ang sabi ni Kc sa kanyang mama habang hawak nito ang bote ng beer. Napatitig naman si Mama Flor sa mga sinabi ng anak niya.

” Nak, alam ko naman na nasaktan ka talaga kay ” ang sasabihin sana ni Mama Flor pero pinigilan siya ni Kc.

” ma, remember. We don’t say that guys name” ang sabi ni Kc sa kanyang mama. Simula kasi ng gabing iyon ay nangako na sila sa isa’t isa na hinding hindi nila babanggitin ang pangalan ni james.

” Owrayt, nasaktan ka pero di naman ibig sabihin nun lahat ng lalaki ay katulad niya” ang sabi ni Mama Flor sa anak niya na ngayon ay nagbukas na ng pangalawang bote ng alak.

” I’ll try” ang sagot ni Kc at uminom na muli siya ng alak. Nagulat naman siya ng bigla kumuha din ng isang bote ang mama niya at sinamahan siya nito.

” Well, dadamayan lang kita” ang sabi nito sa anak. Nakatitig lang si Kc sa malayo. Hindi naman talaga yun ang pinakamalaking problema niya. May isa pa siyang problema na gusto niyang kalimutan.

Kala niya ay limot na niya ang lalaking minahal niya at binigay niya ang lahat pati na rin ang kanyang sarili pero hindi pa pala. Ang taong nangako ng bibigyan siya at si Olivia ng magandang buhay ay yun pala perwisyo at pasakit ang ibibigay sa kanya.

” Lintik naman, bakit yun pa ang bibigay ni gerard” ang sabi ni Kc sa kanyang sarili habang iniisip niya ang regalo na gusto sanang ibigay sa kanya ni Gerard. Ang rectangular box na kahit hindi niya buksan ay alam na alam niya ang laman.

Tulad din ito noong binigay ni James sa kanya noong nasa pampanga pa sila, noong mga panahon na nagbabawi ang lalaki sa mga pagkukulang niya. Tuwang tuwa at kinikilig naman siya noong mga panahon na iyon.

Pero hindi niya napansin ng mga oras na iyon isa lang pala itong paraan ni James para maglinis ng konsensya niya. Para linisin ang mga kasalanan na ginawa nito habang wala si Kc.

Tandang tanda pa ni Kc noong unang araw na malaman niya ang lihim na tinatago ni James ay pinatid niya ang pendant na binigay ng lalaki at sinunog ito sa likod bahay nila

” Kala ko, yun lang ang magpapaalala sa akin sa demonyong iyon pero bat nakikita ko kanina kay mama flor si james” ang usal muli ni Kc sa kanyang isip. Dito ay malinaw na malinaw pa sa kanyang alaala ang ginawang pamimigay ng pagkain ni Mama Flor sa mga kapus palad.

Naalala niya ung james na akala niya ay saksakan ng bait at magpamahal sa mga kapwa niya. Sa mga kapus palad na walang kakayahan na makuha ang magandang buhay na tulad nila.

Pero isa lang pala itong pagbabalatkayo ng lalaki. Di pala ito magpamahal sa kapwa, manloloko at manggagamit pala ito.

Tulad niya na nabiktima din ng mapagkawang gawa na galawan ng lalaki na siya bumighani noon sa kanya.

” Fuck you James!!! Fuck You James!!! Fuck You James!!!” ang sigaw ni Kc sa kanyang isip na punong puno ng galit at napalakas ang pagbaba nito ng bote sa lamesa. Napatingin naman ang kanyang mama flor.

” Ma, I’m ready” ang sabi ni Kc at pumasok na siya sa kanyang kwarto. Iniwan nito ang kanyang mama flor na inuubos lang ang iniinom nitong alak. Linagok nito ang huling patak ng beer at tumingin siya sa pintuan ng anak at apo niya.

” Sisiguraduhin ko na hindi ka na masasaktan pa ngayon anak” ang sabi ni Mama Flor at tumayo na ito para dalhin ang mga boteng pinaginuman nila ng anak sa lababo.

Habang ang anak naman nito na si Kc ay sinilip muna ang anak niya na nakahiga na ngayon sa kanilang kama. Hinahaplos haplos nito ang buhok ng kanyang anak na medyo nasa mata nito.

” Anak, babawi si mommy sa iyo. You deserve a father figure” ang sabi ni Kc at hinalikan nito ang noo ng anak niya. Dahan dahan itong humiga sa tabi ng anak. Pasimple nitong kinuha ang sa drawer sa lamesita sa tabi niya ang isang envelope.

Isang brown envelope ito at nakalagay sa harap ang mga katagang ” J.O.T FILES”. Ang laman nito ay ang files na mula sa private investigator na kinuha ng kanyang mama flor para bantayan ang noong kasintahan niya.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Back to past

Ilang araw matapos ang aksidente sa pinagtatratrabahuan na resort ni james. Wala pa rin balita ang mga ito kung ano ng nangyari sa lalaki. Hindi na kasi ito umuwi simula noon.

Naging tikom din ang management sa nangyari ng araw na iyon. Tila ba gusto pang bigyan ng pagkakataon ni Kc si James para makabawi ito sa kanyang mga nagawang mali sa kanila ng anak niya.

Tutol naman sa gusto niyang mangyari sila Mama Flor at mga kapatid nito. Sirang sira na ang pangalan ni James sa kanila. Lalo pa itong nasira ng dumating ang private investigator na kinuha ni Mama Flor.

” Manang Flor, ito po ang lahat ng pictures at usb ng mga evidence na aking nakuha sa pagsubaybay kay james” ang sabi ng private investigator habang umiinom ito ng softdrinks na dala ng isang staff ni mama Flor.

Kasama naman ni Mama Flor ang tatlong anak nito sa lamesa at nakatingin lang sila sa envelope na hawak ngayon ng kanilang mama. Particular na nakatingin itong si Kc sa envelope.

” Salamat, ito ang kabayaran mo. Wag ka mag-alala. Safe ka sa amin” ang sabi ni Mama Flor at inabot nito ang isang puting sobre na naglalaman ng kabayaran ng PI. Nagpaalam naman ito at umalis na din siya.

Ng makaalis ang lalaki ay kaagad na kinuha ni Kc ang envelope at Kaagad niya nilabas ang mga nasa loob nito. Napamura ang dalaga sa kanyang mga nakita.

Mga larawan ito na kuha mula sa iba’t ibang cctv ng mga naging kasex business ni James. Nandoon ung nakapatong si James sa isang lola na kulobot na ang balat at lawlaw na dibdib nito. Nasa tila isang sun lounge sila.

Alam ni Kc itong property na ito dahil madalas ipakita sa kanya ni James ang mga property na binebenta niya.

Hinagis niya ito sa tabi at kaagad na kinuha ni mama flor. Napatakip naman ito dahil sa larawan na kanyang nakita. Bakas sa mukha niya ang pandidiri dito

Nanlumo si Kc sa mga larawan na nakita niya. Ang kaunting pag-asa na gusto niyang ibigay sa lalaki ay tuluyan ng nawala. Nagulat na lamang sila ng bigla itong tumayo. Kaagad naman nila sinundan ito sa kanyang kwarto.

Kapasok nila ay nakita nila ang dalaga na nilalagay sa maleta ni James ang mga damit nito. Kita sa kilos nito ang galit at inis niya sa lalaki. Kaagad naman inakap ni Mama Flor ang anak niya.

” Nak, andito lang kami” ang sabi nito habang akap akap niya mula sa likuran ang anak niya. Humarap naman ito sa kanya at inakap ito ng mas mahigpit.

” Simula ngayon, ayaw ko na marinig o makita ang ano man na nauugnay sa lalaking iyon!!!!! Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu” at dito ay tuluyan ng bumigay ang emosyon ng nagdadalang taong ginang.

” Makakaasa ka” ang sabi ni Jc at siya na mismo ang nagpatuloy sa pagliligpit sa gamit ni James. Tinulungan na siya ni Daisy at wala pang isang oras ay nailagay na nila sa maleta ang mga gamit ni James.

Matapos ay dinala nila ang lahat ng ito sa likod bahay kung saan naroon ang isang malaking drum na bakal. Nilagay nila Jc at Daisy ang maleta sa loob nito. Nagsuot ng mask ang mga ito at tsaka binuhusan ng dalawa ng gas ang drum.

” Kung nasaan ka man lalaki ka, sana masunog ka sa impyerno katulad ng mga gamit mo” ang sabi ni Kc habang hawak nito ang isang stick lighter.( ung lighter na may mahabang bakal sa dulo tas may trigger).

Sinindihan ni Kc ang tumpok at unti unti itong umusok kasabay ng malakas na apoy ang gumagapang dito. Pinatid ni Kc ang pendant na bigay sa kanya ni james. Isang malaking luha ang tumulo sa mata nito habang niyaya na niya ang mga kasama pabalik ng bahay.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Balik sa kasalukuyan.

” You had your chance James, but you didn’t take care of it” ang sabi ni Kc at kaagad niya nilagay muli sa drawer ang envelope at humiga na siya. Naramdaman nito ang kamay ng anak niya na kinakapa ang dibdib nito.

Hinayaan lang niya ang anak at natulog na din ito. Kinabukasan ay maaga nagising si Kc. tulad ng kanilang nakagawian ay kasabay nito gumising ang anak niya.

Nililibot niya ang anak niya sa paligid ng lugar nila at kabalik ay mag-aayos na sila kasama ang mama at mga kapatid niya para pumunta sa restaurant. Pero di tulad kahapon na sa Fortuner…