Road To Redemption X

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan

Habang sa bahay nila kc.

Kakauwi lamang nilang lahat. Naiwan sa hospital si Aj at kasama nitong nurse para magbantay kay james. Kasalukuyan silang nag-uusap sa sala ng bahay. Kakabalik lamang ni Daisy mula sa pagdala nito sa pamangkin niyang tulog na tulog sa kwarto ng ate Kc niya.

” Naiintindihan niyo naman siguro ang mga napag-usapan natin doon sa hospital?” ang tanong ni Mama Flor sa kanyang dalawang anak. Unang tumingin ito kay Jc tas tumingin din siya kay Daisy.

” Naiintindihan namin” ang sabi ni Jc sa kanyang mama flor habang tinitignan nito ang kapatid niya si Daisy na hawak ngayon ang laptop niya. Tumingin din naman ito sa kanyang ate bago nagsalita muli.

” Makakaasa ka ma……” ang sabi ni Daisy sa kanyang mama flor.Kaya naman nagpaalam na si Mama Flor na papasok na ito ng kanyang kwarto. Naiwan naman ang dalawang magkapatid na tila ba may pag-uusapan pa ito.

” Daisy….ikaw na bahala doon sa mga gagawin” ang sabi ni Jc habang nakatingin ito sa kanyang kapatid na daisy na ngayon ay titig na titig sa kanya. Lumingon muna sa paligid si daisy bago ito magsalita.

” ate…. I have something here” ang sabi ni Daisy sa kanyang ate. Nagtaka naman si Jc sa mga sinasabi ng kanyang kapatid kaya naman napatitig ito ng matagal sa kanya.

” Ano yun?” ang mahinang usal ni Jc dahil mukhang seryoso ang sasabihin sa kanya ng bunsong kapatid nito.

” ate look at this” ang sabi ni Daisy sabay bukas sa kanyang laptop at may pinakita itong isang video. Isang video na babago sa buhay nilang pamilya.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kinabukasan

Maagang nagising si Jc dahil sa babalikan nito si James sa hospital. Nakaligo na ito at nakabihis na din ng lumabas ito sa kanyang kwarto. Naabutan niya ang mama flor niya at si manang na naghahanda ng pagkain tsaka nilalagay nila ito sa isang basket.

” Good morning ma” ang bati ni Jc sa kanyang mama flor at sabay halik nito sa pisngi ng babae.

” Good morning anak” ang sagot ni mama flor kay Jc habang naglalagay din ito ng plato, baso at mga iba’t ibang kagamitan sa basket. Naglagay din siya ng maliit na thermos at mga ilang grocery supplies.

” Nak… dalhin mo ito para mas mabilis gumaling ang pasyente ni Aj” ang sabi ni Mama Flor. Ayaw niyang banggitin ang pangalan ni James at baka may makarinig sa kanila.

” gagaling agad yun” ang sabi ni jc sa kanyang mama flor at hinawakan nito ang kanang kamay ng mama niya. Ngumiti naman itong si Jc at ng matapos sila sa paglalagay sa basket ay dinala na ito ni Jc sa kanyang sasakyan. Nilagay niya ito sa harap ng sasakyan at sinecure niya ito maigi.

Palabas na sana si Jc ng garahe ng habulin siya ng kapatid niyang si daisy.

” ate…. Bigay mo ito kay kuya” ang sabi ni daisy sabay abot sa kanya ng isang usb. Alam naman ni Jc ang laman ng usb na ito kaya naman kinuha agad ito ni Jc at nilagay sa bag niya.

Tsaka na ito nagpaalam sa kanyang kapatid.

At wala pang isang oras ay dumating na ito sa hospital. Inabutan niya si James na inaasikaso ni Aj. Tinitignan ng nurse kung magaling na ang mga sugat sa kamay ng lalaki.

Mabilis naman itong naghihilom at di na rin ito namamaga kaya naman mga ilang araw lang ay aalisin na din ang benda dito.

” Good morning James… good morning aj” ang bati ni Jc sa dalawa. May dala dala itong malaking basket at nilagay niya ito sa lamesa tsaka nilabas ang laman nito.

” wow…bango nyan sis” ang sabi ni aj ng maamoy nito ang dalang ulam ni Jc na luto ni Mama Flor. Pinadalhan ni mama flor ng mainit na sinigang itong si James para daw lumalakas ito.

” Luto ni Mama… para sa atin ito ” ang sabi ni Jc habang inaayos niya na ito. Nagsalin siya ng kanin at sabaw sa isang bowl tsaka nilapitan niya si James. Sinabihan naman niya si Aj na kumain na rin sa dala niya kaya naman pumunta na ito doon.

” Nakakahiya Jc…..” ang sabi ni James kay Jc dahil susubuan siya nito ng pagkain niya. Medyo nagkakaroon kasi ng awkwardness si James dahil sa pagseserbisyo sa kanya ni Jc ngayon.

” Ayos lang ito….. Subo na at nangangalay ako” ang sabi ni Jc kaya naman kahit ni James ay binuka nito ang bibig niya para masubuan siya ni Jc.

” wala pa din kupas ang luto ni tita flor” ang sabi ni James habang ninamnam nito ang napakasarap na pagkain na kanyang natikman. Matagal na din siya nakatikim ng maayos na pagkain. Panay tira tira lang kasi ang kinakain nito eh.

” Kumain ka ng kumain para mabawi muna ang pamilya mo” ang sabi ni Jc. Kahit masakit ay tinanggap na din ni Jc na si Kc talaga ang karapat dapat para kay James. Kahit na nagkakaroon ito ng attractiveness sa lalaki ay hindi naman niya maatim na makita ang pamangkin na litong lito dahil sa may relasyon ang daddy at tita niya kung sakali.

Dahil sa mga narinig ni James ay mas lalo itong ginanahan sa pagkain niya hanggang sa maubos na nito ang sinandok ni Jc sa kanya.

Naupo naman si Jc sa sofa matapos at si Aj naman ay pinainom niya ng mga gamot itong si James. Habang ginagawa niya iyon ay nag-uusap naman ang magkaibigan.

” Sis….. anong sabi ni Dok?” ang tanong ni Jc kay Aj tungkol sa status ng kalusugan ni James. Napangiti naman itong si Aj na nakatingin kay james.

” Well sis…… 2-3 weeks…pwede na siya lumabas……” ang sabi ni Aj sa kaibigan. Napangiti naman si Jc dahil sa ilang araw ay makikita na muli ni James ang pamilya niya lalo na ang anak nitong si Olivia.

” Miss ko na ang anak ko na si Olivia” ang sabi ng nakangiting si James matapos inumin nito ang gamot na inabot sa kanya ni Aj. Dito ay naalala niya ang mga pangyayari kagabi.

+++++++++++++++++++++++++++++

James’s Pov.

” Nak…. alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon” ang sabi sa akin ni Tita flor habang nakaupo ito sa monobloc sa tabi ko. Kaming dalawa na lang naiwan dito ngayon sa loob ng kwarto dahil si Jc at aj ay lumabas ng kwarto.

” tita…… ung anak po namin ni Kc….. may larawan po ba kayo” ang sabi ko dito dahil hindi ko pa ito nasiliyan o kahit sa picture man lang. Noong gabi na nakita ko kasi si Kc ay hindi nila kasama ang bata.

” Jamie Olivia ang pangalan niya anak….. Pero olivia ang tawag namin dito” ang sabi ni Mama Flor sa akin. Tila ba nabunutan ako ng isang tinik sa aking dibdib. Pangalan lang ng anak ko ay masaya na ako malaman.

” Girl version ng pangalan ko yun tita” ang sabi ko kay tita flor dahil sa James oliver ang pangalan ko. Napangiti naman ito sa akin sinabi.

” Tama ka nak… alam ko na kahit galit na galit sa iyo si Kc… may puwang ka pa din sa puso niya…. Dahil sa ipinangalan niya sa anak niyo” ang sabi ni Mama Flor sa akin. Pasimple akong napangiti dahil handang handa na ako bawiin ang pamilya ko. Ang pamilyang nawalay sa akin ng matagal dahil sa mga nagawa kong desisyon sa aking buhay.

Mas lalo akong napangiti ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at isang kyut na kyut na bata ang tumakbo papunta kay Tita Flor. Walang kaduda duda. Ito ang anak namin ni Kc.

Kasunod nito ang kanyang tita Jc, Daisy at aj na naglalakad sa kanyang likuran. Umupo ang tatlo sa sofa

Mini version siya ng kanyang mama pero ang mga nito ay tila ba nagmana sa akin kaya naman halos magtatalon ang aking puso sa tuwa dahil nakita ko din sa wakas ang aking anak.

Kinarga naman ito ni Tita Flor at nilapit sa akin ang bata. Wala pa kamuwang muwang ang tatlong taon kong anak kung sino itong lalaki na nasa harapan niya ngayon pero hindi niya alam na binigyan niya ako ng lakas loob para magpagaling at bawiin sila ngayon.

Halos sumabog ang puso ko sa tuwa dahil isang napakalaking ngiti ang binigay sa akin ni Olivia. Umupo naman muli si Tita Flor at kinandong nito ng paharap sa akin ang bata at patuloy kami sa aming pag-uusap.

” nak……. Anong plano mo?” ang tanong ni Tita flor sa akin. Dito ay nakita ko ang tatlong dalaga sa likuran niya na tila ba tumatango tango at binibigyan ako ng encouragement.

” Babawiin ko si Kc at si Olivia……. Alam ko magiging mahirap ito…… pero handa ako gawin ang lahat para sa mag-ina ko” ang sabi ko sa kanila ng may buong puso at puno ng inspirasyon.

” andito kami kuya… tutulungan ka hanggang dulo” nagulat na lang ako at bigla nagsalita itong si Daisy. Tsaka siya tumayo at lumapit sa akin para akapin ako nito ng mahigpit.

” sorry kuya kung I judged you……. Sa dami ng naitulong mo sa pamilya namin…… hindi ka man lang namin nagawa pakinggan at alamin ang lahat” ang sabi ni Daisy sa akin. Naiintindihan ko din naman sila kung bakit sila nagalit sa akin.

” Wala yun daisy… I deserved every criticism and harsh words na nasabi niyo sa akin personally or with your small talks” ang sabi ko Daisy. Umalis na ito sa pagkayap sa akin at bumalik ito sa kanyang kinauupuan.

” Kung ganun James…. Na babawiin mo ang pamilya mo kay Gerard ……… Kailangan mo magpalakas at ihanda ang sarili mo” ang sabi ni Jc sa akin.

” Gerard pala ang pangalan niya……. Paano siya nakilala ni Kc?” ang tanong ko sa kanila pero si Tita Flor na ang sumagot.

” Kasosyo namin siya sa negosyo…. Friend siya ni Jc”ang sabi ni Mama Flor sa akin. Kaya naman napatingin ako kay Jc. Kaya siguro gustong gusto ako tinulungan ni Jc. Dahil siya pala ang nagpakilala kay Kc sa lalaking yun.

” Sis….. I’ll order food for everyone……. Dinner na kasi” ang sabi ni Aj at nagpaalam ito sa amin. Tumango naman si Tita Flor at lumabas na ito ng tuluyan. Tumingin si Jc sa kanyang bunsong kapatid at tila ba sumesenyas ito. Tumayo rin si Daisy para siguraduhin na sarado ang pinto.

” James… naalala mo ung gabi na niligtas mo ako?” ang tanong sa akin ni Jc. Nakita ko naman sa mukha ni Tita Flor na parang nagulat ito at napatingin siya sa kanyang anak.

” Anong niligtas?” ang tanong ni Tita Flor sa anak niya. Napangiti naman si jc sa kanyang mama

” Si James ung tumulong sa akin laban sa mga holdaper sa may pier noong isang gabi” ang sabi ni Jc sa kanyang Ina. Bumaling naman ang tingin nito sa akin. Tsaka nito hinaplos ang aking kamay.

” laki na talaga ng utang na loob namin sa iyo” ang sabi ni Tita flor sa akin. Kaya naman napangiti naman ako dito at tinignan ko muli ang aking anak na naglalaro ng laway nito. Pinapalobo niya ito sa kanyang bibig.

” Ano bang ginagawa mo kasi doon ng dis oras na ng gabi” ang tanong ko kay Jc dahil malinaw ba din sa akin ang lahat noong araw na iyon.

Nakahiga na ako sa gilid ng kalsada ng biglang may isang nakakabulag na ilaw ang tumama sa akin. Nakita ko noon ang sasakyan na nakitigil sa akin harapan at nakita ko ang sakay nito ay ang nakakatandang kapatid ni Kc na si Jc.

Narinig ko na lamang ang mga tunog ng baril at napalingon ako sa bandang kaliwa ko. Kitang kita ko ngayon ang apat na kalalakihan na pinauulanan ng bala itong sasakyan ni Jc.

” Well…. May pinakiusap kasi sa akin si Gerard sa pier” ang sagot ni Jc sa akin tanong. Parang unti unting nadagdagan ang inis ko sa lalaking iyon dahil sa mga kwento ni Jc ngayon.

” Nasisiraan na ba siya ng bait…… isang babae…uutusan mo sa pier ng ganon oras ng gabi” ang medyo naiinis ko ng boses. Napansin naman ni Tita flor yun kaya naman hinahaplos haplos nito ang braso ko para pakalmahin ako.

” 2nd time na niya pinagawa sa akin un…. Ung kumuha ng attache case sa pier…. Noong una… ayos lang naman…pero itong pangalawa… doon nagkaproblema” ang sabi ni Jc sa akin. Lalo tuloy kumukulo ang dugo ko sa lalaking iyon. Alam na niya na babae tas uutusan niya ng ganun. Kahit gago ako sa mga babae noon. It’s no for me kapag malalagay na sa delikado ang buhay nito.

” Alam mo ba ung laman ng package?” ang tanong ko kay Jc pero umiling na lang ito sa akin. Parang may idea na ako pero ayaw ko muna sabihin ito sa kanila hanggang hindi ito confirm.

” at noong araw na nakita ka ng mga taga mmda at ng kaibigan kong pulis… nagtangka rin noon na pakuhanin ulit ako ni Gerard ng package pero tumanggi ako dahil sa hinahanap nga kita” ang sabi ni Jc sa akin. Lalo tuloy nagiging malinaw sa akin ang lahat.

” Duda ako sa pagkatao ng lalaki na yan” ang sabi ko sa kanila. Napatitig naman sa akin si Mama Flor at daisy.

++++++++++++++++++++++…