++++++++++++++++++++++++++++++++++
Ang nakaraan
” Oras na para itama ko din ang mga pagkukulang ko sa iyo James” ang sabi ni Kc at hinubad na nito ang kanyang suot na damit. Pumasok siya sa banyo para magshower. Nagsuot na lamang ito ng isang terno na pajama
Tumabi naman ito sa kanyang natutulog na anak at napatitig ito katabing stuff toy ng anak niya sa kabilang side ng kama. Isang napaka laking Sully ng monsters inc
Habang tinititigan ko ang stuff toy ng aking anak na si Olivia ay doon ko lang na realize ang isang bagay. Ang pangalan ng character na kung saan based itong stuff toy ay James Sullivan. James, ang pangalan na pilit namin kinalimutan sa pamilyang ito pero heto siya ngayon nagbabalik.
Paborito ito ng aking anak na si Olivia. Kaya naman pasimple akong ngumiti at kinausap ang larawan ng kanyang daddy.
” Malakas ka talaga sa taas… pati laruan ng anak natin…ikaw pa rin paborito” ang sabi ko kay james.
At natulog na rin ako ng may ngiti sa akin mukha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++
Sa kwarto ni Jc.
Hindi mapakali si Jc dahil sa kanyang nakita kanina ng lumabas ito para kumuha ng tubig sa kusina nila. Nakita nito ang kapatid niyang si Kc na hinatid ng dating kasintahan niyang si James.
Nakaupo ito ngayon sa harap ng isang malaking salamin malapit kung saan na nakalagay ang kanyang mga makeup at mga beauty products.
” James….bakit ikaw pa” ang sabi ni Jc habang pinagmamasdan nito ang kanyang napakagandang mukha na tila nagpapacute ito sa salamin. Alam nito na dati naman talagang magkarelasyon si Kc at si James. Kala niya ay tanggap na niya kung sakali man na magkabalikan ang dalawa.
Pero heto siya ngayon at litong lito sa kanyang nararamdaman. Di niya alam kung matutuwa siya dahil sa mukhang unti unti ng nagkakamabutihan ang dalawa o magseselos ito dahil sa kanyang nararamdaman tungo sa lalaking dating minahal ng kapatid niya.
” James Oliver Tan……. Now I know….bukod diyan sa napalaki mong sandata…. Iba din talaga ung hatak mo sa babae” ang sabi ni jc habang hindi nito maiwasan na himas himasin ang kanyang firm na firm pa din na suso.
” Ang laki laki mo……… grrrrrrr” ang sabi ni Jc ng mahimasmasan ito. Tumakbo na lamang ito sa kanyang higaan para matulog. At kalimutan kung ano man ang kanyang iniisip tungkol kay James.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Kinabukasan
Sa kwarto ng mag-inang olivia at Kc. Kakagising pa lamang ni Kc. Halos kakatayo pa lamang nito sa higaan at pupunta sana siya sa banyo ng biglang may kumatok mula sa labas ng pintuan ng kwarto niya.
” tok!! Tok!!” ang boses ni mama flor mula sa labas ng pintuan. Kaagad naman lumapit si Kc sa pintuan at pinagbuksan nito ang kanyang mama ng pintuan.
” Bakit ma?” ang tanong ni Kc sa kanyang mama flor ng pagbuksan niya ito ng pintuan
” Delivery nak…. Bulaklak” ang sabi ni Mama flor at kita nito ang hawak ni mama flor na bouquet ng bulaklak. Nagtaka naman si Kc kung sino ang magpapadala sa kanya ng bulaklak sa ganitong oras.
” Salamat ma” ang sabi ni Kc at kinuha nito ang bulaklak. Tsaka na siya nagpaalam para magprepare. Sinarado na nito ang kanyang pintuan at kaagad niya tinignan ang bulaklak kung may card ba ito.
Imbes na kiligin siya ay mas lalo siyang nainis sa kanyang nakita. Pangalan ng magaling niyang kasintahan na si Gerard. Sa sobrang inis nito ay diniretso niya sa basurahan sa banyo ang bulaklak.
” Ano sa tingin mo ? Madadala mo ako sa bulaklak matapos mo ako saktan kagabi?” ang inis na tanong ni Kc sa kanyang sarili habang nilalamukot niya ang bulaklak sabay hagis sa basurahan.
Naglakad na palabas ng banyo si Kc na galit na galit. Kaya naman agad niya kinuha ang telepono nito na nakapatong sa may lamesita sa gilid ng kama nilang mag-ina. Tila ba naghahamon talaga ang tadhana sa kanya. Dahil sa nakita nito sa kanyang telepono.
” Hi Love….musta …….. Sorry for last night” ang voice message na nakita ni Kc sa kanyang messenger. Halos maibato ni Kc ang kanyang telepono sa sobrang inis dahil sa voice ni Gerard.
Matinding pagkamuhi talaga ang nararamdaman ni Kc sa lalaki. Nasaktan talaga ito sa mga pinaggagawa ni Gerard sa mga nakalipas na araw
” Break na tayo” ang malamig na sagot ni Kc sa voice message ng lalaki. At saka nito sinara ang telepono niya. Mga salitang tiyak siya na kapag narinig ng isang tao ay gets na nito kung anong ibig sabihin niya
” Mommy………mommy………mommy” ang magiliw na bati sa kanya ng anak na si olivia ng magising ito at makita niya ang kanyang mommy Kc. Kaagad na kinarga ni Kc ang anak nito at nakipaglaro siya sa bata.
” Lablab mo si Mommy na baby ko” ang sabi ni Kc habang hinahagis nito pataas ang kanyang anak. Tuwang tuwa naman ang bata at panay ang tawa nito sa ginagawa ng kanyang mommy.
” labyu” ang sabi ni Olivia at hahalikan niya sa labi ang mommy nito at ganun rin naman si Kc. Tuwang tuwa si Kc sa kanyang anak. In a few months time. Mag 4 years old na din ito. Habang pinagmamasdan ni Kc ang kanyang anak ay tila ba nakaramdam ito ng inis sa sarili niya.
Dahil sa pagkakaroon niya ng relasyon kay Gerard ay parang napabayaan na nito ang kanyang anak. Dati ay madalas sila maglaro at magbonding sa restaurant. Pero simula ng maging sila ni Gerard ay naging madalang na ito o minsan nga ay wala na eh.
Naging focus ito sa lalaki na kahit after work ay nakakapunta siya sa condo ng lalaki para gumawa sila ng mga kahalayan at pumapayag siya na iuuwi na lang ang anak niya ng tita at lola nito.
” babawi si mommy…. Baby ko” ang sabi ni Kc at inakap nito ng mahigpit ang anak niya. Na tuwang tuwa naman dahil kinikiliti din siya ng kanyang mommy. Ramdam na ramdam ni Kc ang munting anghel nila ng taong alam niyang mahal na mahal niya pa rin hanggang ngayon.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Habang sa tinatuluyan nila Tata Dens at James.
” Hoy James…. Iho….mukha kang naengkanto diyan” ang sabi ni Tata dens sa lalaki dahil sa akap-akap nito ang jacket niya na sinuot ni Kc kagabi. Tumingin naman si James sa matanda at nakangiti ito ng malaki.
” Tata dens…. Alam mo ba ung pakiramdam na unti unti mo ng nababawi ang lahat” ang sabi ni james habang tila ba kinikilig ito habang inaalala niya ang mga nangyari sa kanila kagabi ni Kc.
” alam mo iho….kung ano man ang ginagawa mo kay Mam Kc…. pagpatuloy mo lang…. Pakita mo sa kanya …… na kung ano man ang nagawa mo noon….. Iba ka na” ang sabi ni Tata dens sa binata na tila isang teenager na kinikilig. Napatango tango naman ito sa mga sinabi ng lalaki sa kanya.
” Tata …… kung alam mo lang ….kung gaano ako kaloko noong kabataan ko …… noong kami pa ni Kc …… baka siguro sapukin mo ako ng malakas” ang sabi ni James at matanda tsaka nito sinabit muli sa pader ang jacket. Napatingin naman si Tata dens dito kay james at tila ba ngumiti din ito.
” Iho….. naiintindihan kita…… ganyan din ako noon kabataan ko…… babae dito…. Kantot dito ….. Kantot doon” ang sabi ni Tata dens habang nakahiga ito sa higaan niya at nakatingala sa kisame habang inaalala nito ang mga pangyayari noong kabataan din niya.
” Ho…. talaga po ba?” ang tanong ni James kay tata dens dahil nagulat ito sa mga sinabi ng matanda sa kanya.Dahil sa unang tingin ni James ay napakabait nitong si Tata Dens
” kaya naiintindihan kita iho….. Iniwan din ako ng mag-ina ko noong mahuli ako na may kasamang iba” ang sabi ni tata dens sa lalaki habang pinaiikot ikot nito ang daliri niya sa langit na tila ba sumusulat ito ng pangalan.
” asan na po sila tata?” ang tanong ni James sa matanda at bigla na lang ito umupo ng maayos tsaka nagsalita muli.
” Di ko na sila nakita…. Hanggang sa nagpalaboy laboy ako sa kakahanap sa kanila…. Doon ako nakita ni Maam Flor at kinuha niya ako noon staff niya dito” ang sabi ni Tata dens kay James. Nakaramdam naman ng awa ang lalaki sa sinapit ng matanda.
” Kaya pagpatuloy mo iyan…. Itayo mo ang bandera natin mga gustong magbagong buhay at tuluyan ng kalimutan ang mga kalokohan natin sa katawan” ang sabi ni Tata dens at tumayo tsaka niya tinapik sa balikat ang lalaki na parang anak na nito.
” tata dens….. Ako ang magiging isang buhay na patunay na hindi pa huli ang lahat para magbago tayo” ang sabi ni James at inakap nito ang matanda na tila ba nagsisilbi itong gabay sa kanya.
Habang sa restaurant, isang babae ang ngayon ay nagiging sentro ng mga malilisyong mata sa paligid. Mga matang nakakalusaw ang mga tingin.
Masayang pumasok ngayon sa restaurant sa Kc kasama ang kanyang mama, mga kapatid at si Oliva. Kapansin pansin nila ang kakaibang aura ng dalaga. Natural ng maganda manamit ito pero halata mo na mas lalo itong gumanda ngayon.
Naka suot ito ngayon ng isang pink na dress at gold na high heels. Litaw na litaw na naman ang kasexyhan nito kahit na may anak na siya. Sobrang hot niya pa tignan sa outfit niya.
Lahat tuloy ng tao ay napapalingon dito. Mula sa staff nila at sa mga inassign na tauhan ni Gerard sa restaurant ay sinusundan ito ng tingin.
Pero walang pakialam sa kanila si Kc dahil, isang tao lang naman ang gusto nito makapansin sa kanya sa mga oras na iyon. Ito ay walang iba kung hindi ang dating kasintahan niyang si James.
Sa tingin pa lang ng mga tauhan ni Gerard ay nahuhubaran na si Kc pero dumiretso na lamang ito sa kanilang opisina
++++++++++++++++++++++++++++++++++
James’s Pov.
” Tata dens…. Pakisuyo pala ung baril ko” ang sabi ko sa matanda dahil nakalimutan ko ito sa akin kama. Nasa labas na ako ng tinutuluyan namin at papunta na sana kami sa likuran pintuan kung saan kami dadaan para makapasok sa opisina.
” ito oh…. At teka…isasara ko lang ito” ang sabi sa akin ni tata dens sabay abot ng baril ko. Habang siya naman ay sinususi ang pintuan namin. Ng matapos ito ay naglakad na kami. Malapit lamang ito.
Mga ilang hakbang lang ng makita namin ang apat na tauhan ni Gerard na tila ba nagkwekwentuhan ang mga ito habang sumisindi ng yosi. Kaya naman pinatigil ko muna si Tata dens at nagtago kami sa likod ng malaking tapunan ng basura. Dahil mukhang may pinag-uusapan ang mga ito na hindi maganda.
” ayos talaga yung katawan noh” ang sabi ni tauhan1 sa mga kasama nito habang nakasandal ito sa pader. Nakataas ang paa at nakatapak sa pader sa likuran nito. Ang kamay nito ay sumesenyas ng isang seksing pigura ng babae.
” oo nga pre….kung ako yun…. Pipigain ko ung magatas na dibdib niya” ang sabi ni tauhan2 na nasa tabi nito at humithit doon sa sigarilyo at ang isang kamay niya tila lumalamas sa hangin.
” Puta pre…… yun ang milf” ang sabi ni Tauhan 3 at nagsi apir ang tatlo habang ang pang apat na kasama nila ay tahimik lamang na nakikinig at nakatalikod ito sa amin pero bigla itong nagsalita.
” ano pre…. Kanain na natin un si Mam Kc” ang sabi ni tauhan4 sa isang napakaseryoso at buo nitong boses. Dahil sa aking narinig ay tila ba nawala ako sa akin sarili. Bumalik bigla ang mga alaala ko noong mga panahon na nasa la union kami at binastos itong si Kc.
Nagulat na lamang ako at nakatayo na ako sa likuran ni tauhan4. Halos magkasing tangkad lang kami nito pero ang katawan nito ay malaki talaga. Literal na katawan ng bouncer sa pelikula ang datingan nito.
” pare….sinong kakanain mo?” ang tanong ko dito mula sa likuran. At mayabang pa ito nagsalita ng.
” Si Put…