Room 34 B Chapter 2

After mag work-out ni Ivan, iniisip nya pa rin ang laman ng balita. Dito ay nagsimula na syang magplano.

I need some contingency plan. sabi ni Ivan sa sarili nya.

First, I need food ready to go I don’t think staying in our house will be a good idea, maybe staying for about two months after a possible outbreak will be good but after that I need to move. Constantly moving is the best way I can think of surviving.

8:00 am

Habang nagiisip si Ivan, may mga pangyayari nagaganap sa may Pier ng Maynila. Isang barko na naglululan ng isang container na naglalaman ng isang pamilya na pumuslit mula Mindanao, ang dumaong.

*thud* thud* clenggg* …. Tunog ng container habang binababa ito sa barko.

Mga anak maghanda na kayo sabi ni Ernesto sa mga anak nya.

Opo tay! ani naman ni Jam at Jessy.

*cough* *cough* ubo ni Ernesto sa may panyo nito at nakita nya may dugo.

Tay! Kamusta na ang ubo nyo? ani ni Jessy sa amang nanghihina

*cough* Okay lang ako anak. sabi ni Ernesto sa nag-aalalang anak.

Si Ernesto ay isang Padre de Pamilya ng Pamilyang Cruz, isang butihing ama at asawa. Si Jessy anak ni Ernesto maganda, morena at makinis ang balat nito at may taas na 5’5.Ito ay mag didisinuwebe sa Disyembre at ito ang panganay na anak ni Ernesto. Jam nakababatang kapatid ni Jessy di ka-gwapuhan ngunit matangos ang ilong at may tangkad na 5’3. Ang nanay nila Jam at Jessy ay namatay dahil sa impeksyon ito ay isa sa mga unang nahawaan ng MSEV sa Mindanao at kasama sa na quarantine at napatay ng Task Force Kampilan dahil sa biyolenteng aksyon nito sa quarantine site kasama ang 1,000 pang mga infected. Isa ito sa “mass murder” na nangyayari sa Mindanao.

*blagg* pagbaba ng container sa barko at pagsakay naman nito sa truck.

Oh pare! Naayos mo na ba papeles nyan sa office? tanong ng driver sa dispatcher.

Okay na yan pre! Naayos ko na di na kailangan idaan sa screening. O sya sige na larga na kailangan na yan sa may Pasig. pagmamadaling sabi ng dispatcher.

Ng marinig ito ni Ernesto sya namang kinatuwa nito bukod sa di na checheck ang container na may tiyansa na makita sila, papunta pa ito sa lugar na kanila pupuntahan. Balak ni Ernesto na pumunta ng Pasig dahil dito nakatira ang kumpare nya at pasamantala dito sila tutuloy.

*thud* tunog ng manibela ng driver at siyang arangkada nito palabas ng Pier.

—————–—————————————————————————

10:46 am

Lumabas na ng bahay si Ivan at tinatawagan nito si Mike.

*Ring* ring* ” Hello! Please leave a message after the tone………..

Hello Mike! Si Ivan to, gusto ko lang sabihin sayo na papunta ako ngayon sa Morning Wood Mall at bibili ako ng pagkain at gamit para in case sa outbreak. Yun lang tawagan mo agad ako pag na receive mo to. sabi ni Ivan sa RMS.1* ni Mike sabay baba.

Sumakay na si Ivan ng Jeep papunta Morning Wood habang nasa biyahe tinext na lang nito si Carlo sa plano nya dahil na rin sa katamaran at ayaw maubos ang load.

Pagbaba nito sa Morning Wood gumala muna ito dahil hindi naman sobrang urgent ang pagbili nya at mag 11 pa lang ng umaga, napansin ni Ivan na palabas na ang Avengers Infinity Wars 2 at dali dali nitong tinungo ang cinema dahil favorite nya ang Marvel Movies. Pagbili ng ticket sa sexy na cashier ng cinema pagkatapos agad na tumungo ito sa Snacks Time! para bumili ng pop corn at isang Large Pepsi. Pagkatpos bumili pumasok na ito sa Cinema.

(1*): Recording Message System.

———————

11:30 am

Pumarada sa isang open lot sa may Cainta ang truck na sinasakyan ni Ernesto at mga anak nya.

Tara Pare! Magkain na muna tayo bago natin ipasok ang container sa warehouse. sabi ng driver sa pahinante nya.

Tara bai! sagot naman ng pahinante.

Bumaba na sila sa truck at naglakad papunta sa carinederia sa kanto.

*cough* *cough* Tara na mga anak baba na tayo. sabi ni Ernesto sa dalawa habang hawak nito ang panyo na puno ng dugo.

Tay! Parang namumutla ka? Okay lang ba talaga? tanong ni Jam dahil parang nakakahalata na itona sumasama na ang pakiramdam ni Ernesto.

Oo nga tay okay ka lang ba? dagdag ni Jessy.

*cough* Okay lang ako mga anak. Tara. ani naman ni Ernesto.

*cleng* *cleng* pagbagsak ng bilog na takip ng butas ng container.

*thud* *thud* pagbagsak ng paa ni Ernesto pagalabas nito sa butas.

Tay, nasaan tayo? tanong ni Jam sa ama habang tinitignan ang paligid.

Di ko din alam nak, pero subukan nating maglakad patungong main road. sabi ni Ernesto sa mga anak.

Ilang minuto pa nakarating na sila sa Marcos Highway.

Woaah! Ganito pala ang Maynila? may pananabik na sabi ni Jessy.

Nagtanong si Ernesto sa isang sidewalk vendor kung nasaan sila.

At sinabi naman sa kaniya na nasa boundary sila ng Cainta ang nakikita nilang kabilang ibayo ng daan ay Marikina at kapag naglakad sila pakaliwa ay papuntang Pasig ito. Nagpasalamat si Ernesto sa Ale at sabay akay sa mga anak papunta sa direksyon ng Pasig.

12:10 pm

Nakarating na sila Ernesto sa may tapat ng Morning Wood at unting unting nahihilo si Ernesto at parami ng parami ang dugong inuubo nya. Sa sabik ng anak sa nakikita nila di nila pansin na unti unting nagbabago ang katawan ng ama. Anupat niyaya itong pumunta sa mall. Pumayag naman si Ernesto dala na ng pagmamahal sa anak at dahil ngayon lamang nakapunta ang mga ito sa isang malaking mall.

—————–

Si Ivan naman ay patuloy na nonood ng Avengers at nasa 1/2 pa lang sya ng pelikula. Nang mag ring ang phone nya *ding* “1 new message”. Sabay swipe ng phone at basa sa text.

From: Carlito

” Wtf? Ivan, paranoid ka na ba? Para mag ganyan ganyan ka? “

Di na nagreply si Ivan kay Carlo dahil busy ito sa panonood.

—————–

Pumasok na sina Ernesto sa mall at sabay naglibot ang mga ito. Pagkatapos ng mahigi 45 na kinuto nag decide si Ernesto na kumain sila sa Shakey’s, may pera pa naman sya at dahil first time lang ng mga bata na kumain sa mamahaling restaurant. Lumipas ang 1 oras at kalahati natapos na kumain sila Ernesto at nagbayad na ito sabay aya sa anak na aalis na sila at pupunta sa “Tito Bandang”2* nila at para di na sila gabihin.

(2*): AHHAAHHAHAHAHAHAHA.Pun intended. Side character lang naman na di ibubuild up.

—————–

1:25 pm

Tapos ng panoorin ni Ivan ang Avengers. *growl* *growl* nagaalburoto ang tiyan ni Ivan dali dali itong pumunta sa cr ng cinema at naghanap ng cubicle.

Shit! Bakit ngayon ka pa nagaalburoto! inis na sabi ni Ivan sa tiyan nya. Habang natae siya kinuha nya ang phone nya sabay laro ng Geometry Dash sa phone nya.

After 3 minutes.

Damn! Patay nanaman pang ilang attempt ko na to sa level na to. Sabay exit sa app dahil inis nanaman sya. Tapos na rin sya tumaw at pupunasan nya na sana ang pwet nya ng biglang napansin nya na wala syang tissue.

Fuck! Fuck! Bakit walang tissue sa cubicle ko! sigaw ni Ivan sa isip nya.

Dahan…