Nagulat siya noong hinalikan ko siya. Pero mas gulat ako nang ma-realize ko ang ginawa ko. Umatras ako at naitakip ko ang aking palad sa aking bibig. Parang gusto ko nalang sampalin ang aking sarili dahil sa kagagahan ko.
Sino ba naman ang matinong babaeng mag-i initiate ng halik? Paniguradong iniisip ni Rick na maharot ako o hindi kaya ay malandi dahil sa ginawa ko.
I was never like that. Ang totoo nga niyan, he was the second man I’ve kissed. Kasi yung unang beses kong mahalikan, noong fourth year college ako, eh smack lang naman mula sa ex-boyfriend ko.
Pumikit ako nang mariin at tumalikod sa kaniya para kalmahin ang aking sarili.
“Sorry. Hindi ko sinasadya. I was just… I was…”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Paano ko ba naman ipaliliwanag na kaya ko lang nagawa iyon ay dahil nadala lang ako ng aking damdamin? Isa pa, kahit sabihin ko iyon. Hindi siya maniniwala.
I was so stupid for doing that.
Muli akong humarap sa kaniya, pero sa pagkakataong ito ang aking palad ay nasa noo ko na.
I tried looking up. I tried to meet his gaze but I failed.
“Sorry. Hindi ko intensiyon iyon. Siguro ay na-excite lang ako sa fact na sa halos isang taon din tayong nagkausap tapos ngayon lang tayo nagkita.”
Humugot siya ng malalim na hininga at alanganing tingin ang binigay sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit at hinawakan niya ang kamay ko.
“Let’s talk somewhere private. If that’s okay with you.”
I responded with a single nod. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng aking backpack saka sumunod ako sa kaniya palabas ng mall.
Wala akong ideya sa lugar na pupuntahan namin. Pero kapag kasi sinabing private, it’s either bahay niya o puwede rin naman sa hindi mataong lugar. I just hope he’ll choose the latter. Dahil kung sa bahay niya nga ako dadalahin, ibig sabihin, kailangan kong bantayan maigi ang sarili ko dahil kung anong gawin niya.
Hindi naman ibig sabihin ay re-rape-in niya na ako. Paano kung ang habol niya sa akin ay lamang-loob ko? Paano kung ibebenta niya ako? Paano kung masamang tao pala ang taong hinalikan ko?
Napalunok ako nang sunod-sunod sa aking naisip. Mariin akong umiling at tinapik pa ang aking pisngi para gisingin ang aking sarili.
“Anong nangyayari sa’yo?”
Nang mag-angat ako nang tingin ay nakita kong titig na titig siya sa akin habang kunot na kunot ang kaniyang noo.
“Kung nag-aalala ka na baka may mangyari sa’yong masama, hindi mangyayari iyon. Hindi kita dadal’hin sa bahay ko lalong hindi sa kuwarto ko, hindi ako serial killer, hindi ako nagda-drugs.”
Napalabi ako habang nakatingin sa kaniya.
He’s 40 years old. Hindi ko akalain na may cute palang 40 years old?
“Kung ganoon, saan mo ako dadal’hin?”
Lumapit siya sa akin at muling hinawakan ang kamay ko. Napangisi ako nang makitang magkahawak ang aming mga kamay.
Kulang nalang ay magsiklop ang aming mga daliri. Para na tuloy kaming mag-jowa.
“Tumigil ka riyan sa kangingiti mo.”
Ngumuso ako.
“Bakit naman? Masaya ako eh. Isa pa, kinikilig ako.”
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Siyempre, dahil matigas ang ulo ko at makulit ako, ginaya ko iyong ginawa niya. Anong akala niya sa akin, magpapatalo ako sa kaniya porke mas matanda siya sa akin?
Aba! Hindi ko naman ugaling maging submissive ‘no!
“Huwag kang makulit. Nakikita tayo ng mga tao.”
“Ayaw mo no’n, makikita nila kung gaano tayo ka-sweet?”
Umiwas siya sa akin nang tingin.
“Buti nga sana kung ganoon. Pero hindi, Aya. Marahil iniisip ng iba ay tatay mo ako o hindi kaya kuya.”
Umangat ang kilay ko.
“Edi kung ganoon, mga judgemental pala sila. Gusto mo bang ipagsigawan ko na ikaw yung lalaking gusto ko para malaman nila?”
Mariin niyang pinisil ang braso ko.
“No! You won’t do that.”
“Bakit hindi? Ikinahihiya mo ba ako?”
Bumigat ang pakiramdam ko. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na magiging ganito siya sa akin. I expected that na magiging light lang yung meet up namin. Hindi naman ganito. Ayoko nang ganito. Pakiramdam ko, urong-sulong siya.
“Alam mo Rick, kung ayaw mo sa akin, sabihin mo nalang okay.”
“Hindi nga ganoon iyon.”
Paglabas namin ng mall, pumara agad siya ng taxi. Pinasakay niya ako sa loob, ganoon din siya.
May binanggit siyang lugar sa driver. Mukhang alam na alam itong driver dahil hindi na ito gumamit ng waze.
Hindi naman ganoon katagal ang biyahe dahil hindi traffic. Huminto ang sasakyan sa isang malawak na parke kung saan mayroong ilan-ilang mga tao na nag-iikot.
Bumaling ako sa kaniya.
“Dito tayo?”
Tipid siyang tumango.
“Oo, dito tayo. Para alam mo sa sarili mong safe ka sa akin.”
“Anong gagawin natin dito, magpi-picnic?”
Seryoso siyang humarap sa akin.
“Ano bang sinabi ko kanina? Hindi ba ang sabi ko, mag-uusap tayo?”
Tumango naman ako kaagad.
“Sabi ko nga, mag-uusap tayo,” sambit ko saka kinagat ang ibabang labi dahil sa pagkapahiya.
Ang sungit talaga ng lalaking ito. Kung hindi ko lang talaga siya crush, naku siguradong nag-walk out na ako kanina pa.
Naghanap siya ng bakanteng bench. Doon kami umupo. Noong una ay tahimik kaming dalawa. Nang hindi ko na kinaya, ako na mismo ang nagsimulang magsalita.
“Ang sabi mo noon, gusto mo ako hindi ba? Pero bakit ngayon, kabaliktaran ang pinakikita mo sa akin?”
“Sigurado ka ba sa akin, Aya?”
Kumunot ang aking noo nang marinig ang tanong niyang iyon.
“Hindi ka makasagot agad. Ibig sabihin—”
“Teka lang. Sandali!” Pagpigil ko sa kaniya.
“Anong ibig mong sabihin sa tanong mong sigurado ako sa’yo? Nag-aalangan ka ba dahil lang sa tanong na iyan na umiikot sa isip mo? Kung sigurado ako sa’yo?”
“Age gap is a complicated topic, Aya. Sige nga, tatanungin kita. Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka sa Manila para makipagkita sa akin?”
Napatigil ako at muling nakagat ko ang aking ibabang labi.
Umiling ako sa kaniya. Sa totoo lang, hindi alam ng mga magulang ko. Pero ano, naman? Matanda na ako. 23 na ako. I’m an adult. Anong mali roon?
“See that?”
“Eh ano naman iyon sa’yo? Isa pa, 23 na ako, Rick. Anong masama sa ginagawa ko? Sinabi ko naman sa mga magulang ko na mag-iingat ako. Hindi rin naman ako magtatagal dito sa Manila.”
Napailing nalang siya sa mga sinabi ko.
“I’m not expecting anything from you, okay?” dagdag ko pa.
Natahimik kami ng ilang sandali hanggang sa makarinig kami ng ingay mula sa mga taong paparating. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Rick habang nakatingin siya sa bandang likuran ko.
Napalingon din tuloy ako roon. Agad akong napapikit nang makita ang mga ito. Pucha, sa dinami-rami ng lugar na puwedeng puntahan ng mga ito, dito pa talaga?
Isang grupo iyon ng mga lalaki na halos malapit lang sa edad ni Rick ang mga hitsura. Mayroon ding tatlong babae na mukhang mga kaibigan ng mga ito. Kilala ko ang isa roon. Si Kalix. Yung isa naman na lalaki, si Dave.
Nakilala ko rin si Kalix sa parehong website. Naging magkaibigan din kami nito. Nagkaroon ng gusto sa isa’t-isa, pero hindi natuloy ang pagkakaibigan namin dahil sa hindi pagkakasundo sa isang bagay. Kilala ko rin ang ilan sa kanila at minsang nakausap pero hindi ko naman talaga alam ang tunay na hitsura nila kaya kung hindi sila magpapakilala ay hindi ko malalaman kung sino sila.
“Rick, nandito ka pala?” sambit ni Dave. Kalbo si Dave pero mukha namang bata. Parang nasa 30-35 ang tantiya ko sa edad nito.
Lumapit sa gawi namin ang mga lalaking iyon. Si Kalix naman, napansin ko na nakaiwas nang tingin.
Sandaling tumitig sa akin ang isang lalaki na halatang namumukhaan ako.
“Pucha, Rick, si Aya ba ito? Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Paolo. Si Paolo ang isa sa mga nakausap ko noon at tinatanong ko tungkol kay Kalix. Malaki kasi talaga ang paghanga ko noon kay Kalix. Mabait si Paolo kapag nakikipag-usap siya sa akin. Pero hindi ko alam kung mabait din ba siya sa personal.
“Oh, huwag mo sabihing nagde-date kayong dalawa?”
Napatingin lang kaming dalawa ni Rick kay Paolo. Hindi ako nagsalita dahil unang una hindi naman ako ang tinatanong.
“Hindi kami nagde-date, nag-uusap lang kami,” sagot naman ni Rick.
Umangat ang isang kilay ko sa sinabi niya. Napatingin naman sa akin si Dave habang naniningkit ang mga mat anito.
“Come on, dude. Dine-deny mo ba si Aya? Baka masaktan iyan kapag ginanyan mo.”
Humugot ako ng malalim na hininga.
“Bakit naman ako masasaktan? Magkaibigan lang naman kami ni Rick. Saka, tama siya, may pinag-uusapan lang kami.”
Bumaling sa akin si Kalix.
“No way. May pag-uusapan lang kayo, tapos dito pa kayo nagkita? Naknampucha dude, hindi naman kami pinanganak kahapon para hindi maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari.”
Tumayo si Rick at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at puwersahan akong hinila patayo. Napabilis naman ang paglapit ni Kalix sa amin.
Hinawakan din nito ang isang kamay ko.
“Kalix?” Kunot ang aking noo nang banggitin ko ang pangalan niya. Pinagtaasan ko pa siya nang kilay at sinenyasan na bitawan niya ako.
“Kaya pala natigil sa communication ang dalawang ito dahil mukha yatang sinulot mo si Aya rito kay Kalix.
Masama ang tingin na binigay ni Rick kay Paolo. Bago pa man siya nagsalita ay nauna na ako.
“Grabe ka naman, Pao. Ang sakit mo magsalita. Parang alam mo kung anong nangyari kung makapagsalita ka ah.”
“Bakit hindi ba totoo, Aya?”
“Wala kang alam, Pao. Kaya hindi valid iyang argument mo.”
Bumaling ako kay Kalix at marahas na binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
“Bitiwan mo ako. Wala kang karapatan para hawakan ako.”
Binawi ko rin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Rick at pagkatapos ay inayos ko ang pagkakasuot ko ng aking bag at nauna nang umalis sa park na iyon.