After commuting for about a month. I decided to just look for a boarding house near my work in Cavite. Dun na din kasi ako naghanap ng work since dun nga kami nakatira. I’m in the middle of a project naman so resigning is not an option.
Dahil nasanay na ako mag-isa sa room, gusto ko sana ganun ang makita kong boarding house pero wala ako makitang maayos na room for rent.
Then I saw an ad sa facebook. Apartment sharing ang tawag. May units na may 5 rooms. Each room ay dalawa ang tenant. May rooms na may sariling toilet and bath pero meron din na sa common toilet and bath lang. May units na coed, all males and all females. Syempre dun na ako sa all females. Tatlo ang kwarto sa baba with 2 sets ng common toilet and bath, kusina, dining area and laundry area. Dalawang kwarto na may sariling toilet and bath naman sa second floor, sala ang sampayan area sa bandang likod. Furnished na ng basics.
I visited the place one time after office. Ang vaccant ay yung sa isang kwarto sa taas. Natuwa ako kasi mas malalaki ang kwarto sa taas bukod sa may sarili na banyo. Bukod pa dun ay panggabi ang roommate ko kasi sa call center nagwowork so parang solo ko ang room most of the time. Sa takot ko maunahan ay nagbayad na ako ng reservation fee at nagsabing lilipat ako next weekend.
After a week. Naarrange ko na lahat. Nagrent ako ng L300 to carry all my stuff. Dad would be coming with me to help carry my things including a foldable study table na ipinaalam ko sa care taker na ilalagay ko sa sala and some exercise equipment. I just have to put my clothes in bags or boxes and I’m good to go.
Pero eve of my lipat, a cousin of Dad called and said na they have to go sa province and sette something sa mga farm lands na iniwan nila lola. They informed me so I can ask help from my friends while I still have the time. That was 9pm Friday when I arrived from work.
I texted everyone I know who can help and waited for their reply while I was arranging clothes and some books in bags and boxes. Hindi ko na namalayang nakaidlip pala ako until I heard my phone ring.
Mariz: Good morning
Paeng: Gabi pa Mariz
Mariz: Talaga, ano oras na ba?
Paeng: Mag 11:30 pa lang.
Mariz: Hmmm…napatawag ka?
Paeng: Ano oras mo ako need bukas?
Mariz: Dahil?
Paeng: Gumising ka nga muna crush para makausap ka maayos.
Mariz: Crush ka dyan. Iba naman niligawan mo.
Paeng: Hello! Nakilala kita nanliligaw na ako kay Ella. Sya pa nga nagpakilala sa atin diba. Alangan naman….
Mariz: I know…just messin with you
Oo! Kainis…bakit nga ba na love at first sight ako sayo. Actually sa boses mo pala kasi di ka naman pogi. Pasalamat ka mabait ka sa friend ko kaya happy ako kahit na kayo nagkatuluyan.
Paeng: Earth calling Mariz…Earth calling Mariz
Mariz: Huh?
Paeng: Ikaw ba talaga ay gising na?
Mariz: Oo naman
Paeng: Sige nga ano sabi ko?
Mariz: May sinasabi ka ba?
Paeng: Sabi ko I love you, so tayo na ba?
Mariz: Baliw! Babye bleh
Syempre nagring ulit ang phone ko.
Paeng: Magdadala ako sasakyan bukas para after magbaba ng gamit mo ay pwede na umalis yung inupahan mong van at hindi ako magcocommute pauwi. So, ano oras mo ako need bukas dumating?
Mariz: Hehehe 7am po para di pa masyado mainit ang byahe. Salamat ulit.
Paeng: Anong salamat? Pagluto mo ako ng fave breakfast ko as bayad.
Mariz: Oo na…pancake topped with slices of lacatan drizzled with choco syrup tapos may bacon on ths side. Tapos brewed coffee in a mug with about 1 tsp of creamer and 2 tsps of sugar.
Paeng: Kaya ka nakakainlab e.
Mariz: Matulog ka na nga. See you bukas ng 630am
Paeng: Excited? Akala ko ba 7?
Mariz: So sa byahe ka na lang magaalmusal?
Paeng: Sabi ko nga. Good night crush. Dalaw ka sa panaginip ko ha.
Mariz: Kilabutan ka nga. Good night.
Saya! May makakatulong na ako magbuhat ng things ko kasi may problem daw sa back yung driver kaya di masyado makakahelp magbuhat. Have to text Ella, bawas bonding time nila na pinayagan nya si Paeng to help me.
Mariz: Hey girl! Musta na? It’s been months nung huli tayo nagkita. Anyway, I know it’s late na pero just like to thank you na pinayagan mo si Paeng to help me tom sa paglipat ko pabalik Cavite. Sana you can join us para gimik tayo after.
Tinuloy ko ang pagempake hanggang antukin ulit. Good thing naset ko na alarm ko at 4am a few days back. Sakto na yun to do final checks and close the bags/boxes, ligo and magbihis into shirt and shorts para comfy tapos makakaluto pa almusal. Manang Grace told me that Dad and Mom left at 3am. Di na daw sila nagpaalam para makatulog pa ako at mahaba din ang araw ko tyak.
After cooking the bacon and one of the pancakes, may nagdoorbell na. I asked Manang Grace to open the door and let Paeng in.
Mariz: Good morning. Aga a!
Paeng: Good morning crush! syempre excited ako makita ka.
Mariz: Kain na. Gutom lang yan. Maganda na din para makapahinga ka before ka magbuhat mga gamit ko.
Pasado alas siete na nung handa na kami umalis. Nagbigay ako ng instructions kay kuya na nakasulat kasi hindi daw sya sanay sa gps o waze. Nag abot na din ako ng pangtoll fee nya papunta at pauwi tsaka yung loot bag nya ng merienda.
Mariz: Ito yung complete addres…