“Ang babae ay hindi dapat ituring na libangan, bagkos ay katuwang sa hirap ng buhay.” ang paalala ng dalaga.
“Alam ko iyan, isa iyan sa mga Aral ng Katipunan na isinulat ni Emilio Jacinto!”, ang sabi ni Sgt. Henry Enriquez. “May respeto naman ako sa mga babae. Nagkataon lamang na naaakit ako sa kagandahan mo, tapos palagi pa kitang natitiyempuhan sa mga sitwasyong mahirap magpigil. Lalake ako at nahuhulog rin sa patibong ng bayalohikal na pangangailangan.” dagdag pa niya.
“Alam ko namang gentleman ka. Dalawang beses ka nang nagkontrol. Alam kong mahirap iyon. Pero hindi na muna mauulit iyon. May misyon akong dapat tapusin. Samahan mo ako sa misyon ko at pag natupad ko na, saka na natin pag-usapan ang pag-ibig.”, ang paliwanag ng dalaga.
“Anong misyon ba?”, ang tanong ng sarhento. “Ang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang ko. Iyan ang dahilan kung bakit ako nagpulis!”, seryosong sagot ni Capt. Lorena Alegre habang nangingilid ang mga luha.
“Sasamahan kita kahit mapanganib. Sasamahan kita kahit ang maging hangganan ay sa dulo ng baril!”

Sa Makati nagtatrabaho ang dalagang pinsan ni Capt. Lorena Alegre. Sa edad na 21 taong gulang ay nakapagtapos si Sumita Alegre ng Mass Communication sa UST at nakapagtarabaho sa isang call center company. Kumpara sa ordinaryong call center, kakaiba ito dahil nagtatrabaho siya para maging isang professional troll sa social media at sumasahod ng P35k kada buwan, depende sa bonus na matatanggap, batay sa quota na itinakda sa kanila. Dahil 7pm to 3am ang shipt niya, palaging madaling araw na siyang umuuwi.
Kung tutuus…