—–
Chapter 9
Inimbita nga ng may-ari ng compound sina Tiffany at Turo para sa isang salu-salo. Pero dahil sa isang pangyayari ay nabago ito.
Hindi naman nabahala ang dalawa dahil napaganda pa ang nangyari para sa kanilang dalawa. Kahit saan man ganapin ang selebrasyon, walang problema kay Tiffany at lalo na kay Turo.
Parehong pinaghandaan ng dalawa ang araw ng pagtutuos. Namili ng mga damit, namili at kumain ng mga prutas at gulay. Uminom ng pineapple juice, buko juice, at gatas. Ang ulam ay gulay at sabaw ng baka. Sinigurado rin ng dalawa na lagi silang nasa good mood kahit na may mga bagay na makakasira talaga ng kanilang araw.
—–
Dumating nga ang araw na pinakahihintay ni Tiffany. Ngayon ay ang kaarawan ng kanilang Madam. Umaga pa lang ay maganda na agad ang aura ni Tiffany at halata mong masaya ito kahit na nasa paligid niya si Temyong.
Maaliwalas ang mukha at para bang mapupunit na ang pisngi sa kada ngiti. Masayang nagluluto ng kanyang almusal habang kumakanta-kanta pa. Umiindayog din ang kanyang katawan kasabay ng musikang tumutugtog.
Natapos ang pagluluto ng dalaga at naghanda para kumain ng almusal. Kahit na alam niyang kahit anong oras ay pwede niyang makita si Mang Temyong, wala siyang pake at talagang hindi na pinapansin ang driver. Alam niya sa sarili na kahit wala naman silang relasyon ay masakit pa rin ang kanyang damdamin dahil sa nalaman.
Habang kumakain, nakita niya si Mang Temyong na pababa ng hagdan. Agad nag-iba ang timpla ng mukha ng dalaga. Parang nawalan ng gana kumain at pati sa pagnguya ay makikita ang mukha na nakabusangot. Lalong nainis ang dalaga nang makita na papalapit ito sa kanya.
Gusto niyang umalis sa hapag-kainan at iwanan ang kinakain. Pero alam din niya na kapag ginawa niya yon ay malalaman ng lalaki na naiilang ito sa kanya. Hindi dapat ganoon ang set-up sa isip niya, dapat, ang lalaki ang nahihiyang lumapit sa kanya.
Pagkalapit ng lalaki ay balik sa rati ang mukha ng dalaga. Walang emosyon, patag ang mukha, kumakain ito na parang nasa canteen at walang kasama. Tahimik lang, ang mga paa na pumapadyak kasabay ng musika ay wala na rin. Purong tugtog lang mula sa cellphone ang gumagawa ng ingay.
Nang makalapit ang lalaki sa hapag ay umupot lang ito katabi ni Tiffany. Walang salita na tumitig ang lalaki sa kanya. Nailang ito at mabilis na nginuya ang pagkain sa bibig hanggang sa malunok. Papatayin niya dapat ang tugtog pero nang mahawakan niya ang kanyang cellphone ay siya ring hawak ni Temyong sa kanya.
“ANO BA!” Galit na anas ng dalaga.
“Tiffany…” Nagpapaamong boses ng matanda pero hindi pa rin siya pinansin ng dalaga.
“Ano ba, TEMYONG!”
“SINO KA BA HA!”
“KUNG MAKAHAWAK KA SA KAMAY KO PARANG KAPAMILYA KITA HA!”
“DRIVER KA LANG TANDAAN MO YAN!”
“BASTOS KA!”
“PUTANGINA MO!”
“GAGO KA!”
Sunod-sunod na sigaw ng dalaga sa lalaki. Galit na galit ito at ramdam mo ang panginginig ng lalamunan. Nakasara ang mga kamao at nagpipigil manakit. Pati ang litid sa leeg ay kitang-kita. Maging ang mga ngipin ay nagkikiskisan dahil sa panggigigil. Di naman natinag si Temyong at naglakad pa palapit sa dalaga.
“Tiffany, hayaan mo muna akong magpaliwanag.”
“TUNGKOL SAN TEMYONG?!” Sinubukan pang haw…